Share

CHAPTER 34

Nakabalik na si Loisa sa kanilang opisina ni Ciara ngunit hindi pa rin napapawi sa mukha nito ang mga ngiti dulot ng pagmamahal sa kanya ni Steve.

“Naku teka lang, napansin ko lang naman ang mga kakaibang ngiti diyan sa mukha mo, bakit anong meron?” Usisa ni Ciara sa kaibigan.

“Wala naman, Miss Ciara, nakangiti ba ako?” Insonteng tanong niya sa kasama.

“Huwag mo akong pinagluluko, Loisa akala mo hindi kita kilala,”sabi ni Ciara na nakapamaywang pa.

“Kahit ilang buwan pa lang tayong magkasama ramdam ko na ang galaw ng bituka mo girl,”dagdag pa nitong sabi.

“Hala siya oh, nasa opisina tayo baka marinig ka diyan,” nakangiting saway ni Loisa sa kaibigan.

“O siya, mag-lunch muna tayo pagkatapos ikukuwento ko sa iyo ang lahat-lahat,”nakangiti pang sabi ni Loisa.

“Dapat lang,”sabi ni Ciara.

At pabirong inirapan si Loisa, natawa na lamang ang babae sa inasal ng kaibigan. Matapos nilang iligpit ang mga nakapatong sa kanilang lamesa ay sabay na rin silang pumanaog papuntang canteen.

Hi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status