تسجيل الدخولNagsimula ang tahimik nilang hapunan. Masasarap ang mga nakahain na pagkain, pero nahihirapan si Sabrina na lunukin ang kinakain. Mas marami pa ang iniinom niyang tubig kaysa nilulunok na pagkain.“Jude, kamusta ang modeling?” panimula ni Jap.“Okay naman, Dad. Meron kaming event sa Singapore next week.”“Thats nice, isama mo si Alicia para hindi siya mainip sa bahay niyo.”“Kasali ako sa event, Dad. Kaya magkasama pa rin po kami ni Jude sa Singapore,” sagot naman ni Alicia.“Good. How about you, Jade? How’s your acting career?” baling nito sa bunsong anak.“It’s great, Dad. May offer sa akin na gumawa ng drama sa telebisyon, pero pinag-iisipan ko pa. Marami pa kasi akong project sa theater. Baka hindi ko kayanin,” nakangiti nitong sabi.“Do what you think is good for you. Don’t force yourself. Baka mawalan ka ng oras kay David. Kailan ba kayo magpapakasal?”Nasamid naman si David kaya napatingin si Sabrina sa lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay nang mahuli niyang nakatingin din ito sa
Dahil sa hindi inaasahang pagdating ng limang panauhin sa bar, tinawagan ni Sabrina ang kaniyang Tito Mando—ang may-ari ng bar.“Sabrina, hija. Kung tumawag ka para itanong ang tungkol sa iyong mga bisita, alam ko na pupunta sila riyan ngayong araw,” diretsong sabi ni Mando pagkasagot ng tawag ni Sabrina.“Tito, ano po bang ginagawa nila rito? Bigla na lang silang sumusulpot, tapos kailangan pa naming magsara ng ilang linggo o may posibilidad pang umabot ng buwan para gamitin nila ang bar. Nakakapagtaka dahil hindi kami p’wedeng pumunta sa bar kapag narito sila,” curious na tanong ni Sabrina.Sinulyapan pa niya ang limang panauhin na sinusuri ang bawat sulok ng bar. Kahina-hinala ang kilos ng mga ito at tila palaging alerto. Ilang beses na niyang nakakasalamuha ang lima, pero wala siyang ideya sa ginagawa ng mga ito. Isang palatandaan ang pagsulpot ng mga ito ay ang biglaang pagpatay ng ilaw katulad nang nangyari kanina. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpatay ng ilaw sa tuwi
Malalipas ang ilang oras, pagod na umupo si Magnus sa sahig pagtapos nilang maglinis. Ngayon nauunawaan na niya si Sabrina kung bakit ayaw nitong may gulo sa bar. Mahirap pala talaga maglinis. Masakit sa likod ang ilang oras na pagyuko. Basang-basa ng pawis ang damit niya, pero hindi naman nababawasan ang kapogian niya. Mas attractive pa rin siya sa pawisang itsura.“Tol, pagsaluhan na natin ang cake mo. Nagutom ako sa paglilinis, eh,” sigaw sa kaniya ni Ken hawak ang box ng cake na galing kay Dawn.Tumayo si Magnus at lumapit sa mga ito.“Kantahan muna natin ang celebrant.” Hiling ng babaeng kasama ni Sabrina sa trabaho.Tulad ng sinabi ng babae, kumanta ang mga ito ng happy birthday. Napakamot na lang sa batok si Magnus dahil sa hiya. Matanda na siya para sa ganitong bagay, pero sino ba siya para pigilan ang mga ito? Hindi naman siya killjoy kaya hinayaan na lang niya.“Blow the candle!” sambit ng mga ito pagtapos kumanta.Nakisakay na rin si Magnus sa gusto ng mga kasama at hinipan
Bumaling ang tingin ni Sabrina nang marinig ang sinabi ni Magnus Anticlair. Kilala niya ang lalaking ito na palaging laman ng magazine, telebisyon at internet. Kaibigan din ito ni Jude na step-brother niya. Palagi itong bukambibig ng kaniyang kapatid sa tuwing may family dinner sila. Ayaw lang niya sa pagiging presko ni Magnus kaya nagpanggap siyang hindi ito kilala kanina.“Nagkakilala na kayo two years ago?” tanong ni Jude kay Magnus.Nagtataka man sa tinutukoy ni Magnus, binalewala na lang iyon ni Sabrina. Kailangan pa nilang ligpitin ang mga kalat sa bar.All around ang kaniyang trabaho sa Lively Bar, pero isa talaga siyang bouncer. Kaibigan ng pumanaw niyang ama ang may-ari ng bar na nasa ibang bansa ngayon. Siya ang pansamantalang nangangasiwa sa bar. Siyam na katao lang sila na nagtatrabaho sa bar na iyon kaya lahat ng trabaho rito ay tulong-tulong sila. Hindi sila pwedeng kumuha ng panibagong tauhan sa bar dahil ayaw na ng may-ari. Maayos naman itong magpasweldo kaya kinakaya
“Magpalit ka na lang ng strategy, tol. Baka expired na ang ngiti mo sa dami ng babaeng pinakitaan mo niyan,” natatawang tudyo ni Ken sa kaniya.“Salamat sa payo, Ken. Hayaan mo’t mag-iisip ako ng panibagong paraan para mabihag ang puso ni Sabrina,” sagot niya na tinawanan lang nito.“Kayong dalawa, tara na!” sigaw ni Jude na nakatayo sa bungad ng pinto.Bumalik sila sa loob ng bar habang hinahakot ng tatlong bouncer ang mga walang malay na lalaki.“Bakit nagkakagulo rito?” puna ni Ken nang makarating sila sa loob.Nakatumba ang mga upuan at mesa. May mga basag na bote at baso sa sahig. Nagkumpulan ang mga kustomer sa gilid habang may dalawang lalaki na nagsusuntukan sa gitna.“S-Sabrina,” tawag pansin ni Jude sa kapatid.Tumingin si Magnus sa dalaga. Hindi niya maiwasan na kabahan nang makita ang madilim nitong anyo. Kuyom ang dalawang kamay at nagtatagis ang bagang. Kung nasa anime sila, pakiramdam niya may lumalabas na itim na awra dito.“Mukhang magiging tatlo sila,” pahayag ni Ken
“Aww!” reklamo ni Magnus nang sikuhin ni Sabrina.Alaga siya sa ehersisyo. Matigas ang kaniyang kalamnan. Maganda at malusog ang kaniyang katawan, pero sa ginawa ni Sabrina parang balewala ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya tumagos sa kaniyang ribs ang siko nito.“Tol, ayos ka lang?” tanong ni Ken.Nakangiwi naman siyang tumango.“Kung gusto ninyong ayusin ang problema niyo, sumunod kayo sa akin,” muling sabi ni Sabrina.Nakangising sumunod ang mga lalaki kay Sabrina. Pinakita pa ng isa kay Magnus ang nakakuyom nitong kamao.Umiling na lang si Magnus at marahang hinaplos ang nasaktang tagiliran. Maayos siyang tumayo nang bahagyang nawala ang sakit. Umakbay sa kaniya si Ken habang na sa unahan nila si Jude. Magkakasunod silang naglalakad patungo sa likod ng bar.“Hindi ka ba nagtataka sa kilos ngayon ni Jude?” tanong ni Ken kay Magnus.“Nagtataka rin ako. Hindi siya mapakali at mukhang kinakabahan,” sagot niya, pero si Sabrina ang tinitingnan niya. Para itong robot maglakad. Hindi man







