Share

Chapter 10

NGUMUSO siya at pinaglaruan niya ang kanyang naka kalahati ng juice. Mukhang may nasabi na naman akong hindi maganda. Kinagat ko kaagad ang labi ko para mapigilan ang pagdagdag ng salita. Elisia, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito!

"Hey, you're not eating your food." Aniya sa matigas na ingles.

Bumagsak ang paningin ko sa aking pinggan at nagsimula ulit akong kumain ng maliliit na parte. Alam kong dapat ay ubusin ko ito ng sa ganon ay wala akong maaksaya na pera niya.

Kumain ako hanggang sa nabusog ako. May natira pang iilang steak at kanin. Hiyang hiya tuloy ako dahil pinapanood niya pa ako.

"Sorry." Sabi ko nang pinunasan ko ng tissue ang aking bibig.

Nagtaas siya ng isang kilay. "Para san?"

"Hindi ko naubos 'yong pagkain na binigay mo. Baka isipin mong inaaksaya ko lang ang pera mo. Busog na busog na ako, pinilit ko lang kainin 'yong natirang gulay para hindi ka magalit dahil sa pag aaksaya ko ng pera."

Nalaglag ang panga niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

"Ano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status