INICIAR SESIÓNDAVE’S POVAlam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi na ako maaawa sa kaniya. Bayad na ako sa buhay ko. Sobra sobra pa ang ibinayad ko sa kaniya kaya wala na siyang sisingilin sa akin. Hindi ko na utang na loob sa kaniya ang buhay ko.“Tingnan mo na? Tingnan mo kung gaano mo na na-brain wash ang sarili kong anak, Neah!” Baling niya kay Neah.“Desisyon ko ang pagtigil na ng pagsustento sayo mom at walang kinalaman dun si Neah!” Galit kong sigaw sa kaniya. Natahimik naman siya. Gusto ko siyang irespeto pa rin dahil siya pa rin ang ina ko pero sa ginagawa niya, inuubos niya ang kaunting respeto ko na natitira para sa kaniya.“Pagkatapos ng ginawa mo sa pamilya ko, may lakas ka pa ng loob na pumunta rito para maghingi ng pera at manggulo? Saan ka pa nangunguha ng kapal ng mukha mom? Alam na namin kung anong ginawa mo sa amin noon. Pinalampas ko ang pangbabastos mo kay Neah, pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng pera sayo pero pagkatapos kong malaman ang mga gin
DAVE’S POVAlam ko naman na hindi ko maitatago sa kaniya habang buhay ang tungkol sa ginawa namin ni Liam kay Monica pero hindi ko pa rin naiwasang hindi magulat. Akala ko ay hindi niya na pupuntahan si Monica pero pinuntahan niya pa rin pala.Kung hindi na na-save ang mga daliri niya dahil sa mga ginawa namin ni Liam, sarili niya ang sisihin niya. Nangyayari ang lahat ng yun sa buhay niya dahil sa kaniya, dahil sa plinano niyang pagpatay kay Neah.“Hey,” napatingin ako kay Liam nang dumating na ito. Binigyan ko naman siya kaagad ng alak saka ko ininom ang alak ko. Nasa bar kami ngayon dahil inaya ko siyang mag-inom kahit kaunti lang.Nagpaalam naman ako kay Neah at alam niya kung saan ako pupunta at sino ang makakasama ko. Masyadong busy si Marco sa business ng pamilya niya kaya hindi ko madalas maaya.Hindi na rin ako nakakalabas ng bahay dahil pagkatapos ng trabaho ko, inilalaan ko naman kaagad ang oras ko sa mag-ina ko.“So, what’s up?”“Neah already knows.” Sambit ko.“Did you tel
NEAH’S POVPagdating ko sa bahay ay napatingin ako kaagad sa office ni Dave. Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang kausapin pero alam kong busy pa siya. Hindi ko pa siya pwedeng abalahin sa trabaho niya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hihintayin ko na lang siya na makalabas ng office niya saka ko siya kakausapin. Wala akong alam sa ginawa nila ni Liam. Sa lagay ng mga kamay ni Monica kanina mukhang isang buwan na ang nakalipas nang gawin nila ang pagpitpit sa mga daliri nito. Magaling na ang mga kamay ni Monica, wala ng bakas ng sariwang sugat. Pinilit kong kalimutan si Monica para hindi ko na maalala ang ginawa niya sa mga kamay ko. Wala rin akong alam sa ginawa ni Dave at ni Liam sa kaniya. “Water please,” sambit ko sa katulong namin. Wala na akong lakas na maglakad pa papuntang kusina para uminom ng tubig. Hindi ko inaasahan na gagawin ni Liam at Dave yun kay Monica. Paanong napapayag ni Dave si Liam na gawin nila ang ganung krimen? Binayaran nila ang dalawang p
NEAH’S POVNagngitngit ang mga ngipin ko. Gusto kong alisin ang ngisi niya sa mga labi niya. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang nakangiti. “Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, you deserve what happened to you now. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakauwi ng Pilipinas. Hindi makakahanap ng magandang trabaho rito. Hinding hindi ko hahayaan na makakalaya ka pa sa bilangguan mo. Aalisin ko ang ngiti sa mga labi mo. Tingnan natin kung hanggang kailan ka makakangiti ng ganiyan.” May diin kong wika. Hindi ko maitago ang inis at galit na nararamdaman ko sa kaniya. Seryoso niya naman akong tiningnan. “Patayin mo na lang ako kung ganun, Neah. Kung dun ka masasatisfied para makaganti sa akin, patayin mo na lang ako. Tapusin mo na lang kaagad ang mga hirap na pinagdadaanan ko. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa ang maghintay araw-araw kung hanggang kailan ako makukulong.” May diin niya ring sambit. Hilaw akong tumawa saka umiling sa kaniya. “Hindi ko gagawin yun. Malaki pa rin ang takot ko sa
NEAH’S POVHindi ko alam kung bakit nalulungkot ako kahit na masaya naman ang pamilya namin ni Dave. Hindi lumayo sa amin si Liam dahil mas naging malapit siya sa pamilya namin pero kahit na kompleto kami. Kasama ko ang anak ko at si Dave pero pakiramdam ko may kulang pa rin. Napatingin ako sa mga kamay ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin naigagalaw ng maayos dahil diretso pa rin ang mga daliri ko. Masyadong malaki ang naging pinsala dahil sa pagpitpit ni Monica sa mga kamay at daliri ko.Wala na akong balita kay Monica pero isa lang ang alam ko. Nasa kulungan na siya ngayon at nahatulan na ng attempted murder at kidnapping. Gusto ko siyang puntahan para makita ko ang kalagayan niya. Gusto kong makitang miserable din ang buhay niya. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa mga kamay ko. Nang dahil sa inggit niya ay nagawa niya ang lahat ng ito sa akin?Wala akong nagawang kasalanan sa kaniya. Masyado lang mataas ang pangarap niya. Masyado siyang umasa na mamahalin din si
NEAH’S POVPagsapit ng bagong taon ay sama-sama kaming nagcelebrate sa bahay. Kasama rin namin si Liam. Pagkatapos mamatay ng mga magulang ko, parang ngayon na lang ulit naging masaya ang bagong taon namin. Napakagandang panoorin ng makulay na kalangitan. Tuwang-tuwa rin si Kaiden na pinapanuod ang mga daddy niya na nagsisindi ng mga fireworks. Talon pa siya nang talon kapag lumilipad na ang mga fireworks at pumuputok na ito sa kalangitan. “Ma’am, may bisita ka.” Napatingin ako kay Donna nang magsalita siya mula sa likod ko. Nakita ko naman kaagad si Cassandra. Nahihiya pa itong ngumiti sa akin. “I’m sorry for coming here without even telling you. My penthouse just felt so lonely. I had no one with me, so I thought I’d just come here instead. Is it okay if I spend the New Year with all of you?” Nahihiya niyang saad. Parang ilang beses pa niyang pinag-isipan kung pupunta ba siya dito o hindi. Bahagya ko siyang nginitian at nilapitan.“Of course. It’s actually more fun when there ar
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara







