LOGINDAVE’S POV
“Sir, the investors are waiting.”
Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.
6:12 PM.
Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.
Pero ngayon, may isang taong naghihintay na ulit sa bahay. At sa pagkakataong ito, ayokong maulit ang dati.
Tumayo ako at isinara ang folder sa harap ko.
“We’ll continue tomorrow,” malamig kong sabi.
Natigilan ang buong boardroom.
“Sir?” gulat na tawag ng isa sa investors. “The proposal isn’t finalized yet.”
“It can wait.”
Hindi na ako nagbigay pa ng ibang paliwanag at agad nang lumabas ng conference room. Sa likod ko, ramdam ko ang pagtatakang tingin ng lahat. Dati, ako ang lalaking handang matulog sa opisina para lang matapos ang trabaho.
Pero hindi na ngayon.
Because for the first time in years…
Mas gusto kong umuwi.
---
Habang nagda-drive ako pauwi, napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ko ang date.
October 14.
Anniversary namin ngayon. Dati, kabisado iyon ni Neah.
Ako?
Palagi kong nakakalimutan.
At sa tuwing nakakalimutan ko, ngumingiti lang siya at sinasabing okay lang. Pero ngayon ko lang narealize—
Hindi pala talaga okay.
Pagdating ko sa bahay, agad kong inalis ang coat ko at tumingin sa dining area. Tahimik ang buong paligid.
Mahina lang ang ilaw.
Nandoon si Neah sa may sofa, tahimik na nagbabasa ng libro habang nakabalot ang cardigan sa katawan niya.
She looked peaceful.
Pero masyado na akong maraming beses nawala sa tabi niya para hindi mapansin ang lungkot na nananatili pa rin sa mga mata niya. Napatingin siya sa akin nang marinig ang pagbukas ng pinto.
Bahagya siyang natigilan.
“Maaga ka.”
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang sakit marinig iyon.
Kasi ibig sabihin noon—
Sanay siyang wala ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.
“I told you I’d come home early.” Tahimik lang siyang tumango. Parang hindi pa rin siya sanay paniwalaan ako. At kasalanan ko iyon.
Huminga ako nang malalim bago iniabot ang maliit na paper bag sa kaniya. Napakunot ang noo niya.
“What’s this?”
“Open it.”
Dahan-dahan niyang kinuha iyon.
At ilang segundo lang, tumambad ang isang maliit na silver bracelet. Simple lang yun pero yun ang pinakamahal sa pinagpilian ko. Hindi importante sa akin ang pera dahil sa dami ng nagawa ko sa kaniya, kulang pa yun.
Nakita kong bahagyang natigilan si Neah habang hinihimas ang bracelet.
“Dave…”
“Happy anniversary.” Biglang nanahimik ang buong sala. Parang pareho naming naalala ang lahat ng anniversary na sinira ko noon. Mga gabing mag-isa siyang naghihintay. Mga reservation na hindi ko sinipot. Mga kandilang nauubos nang hindi man lang nasisindihan.
Mahigpit akong napalunok.
“I know I ruined every anniversary we had before.”
Hindi siya nagsalita.
“At alam kong hindi sapat ‘to para ayusin lahat.” Napababa ako ng tingin. “Pero gusto kong subukan ulit… kahit paulit-ulit.” Tahimik lang siyang nakatingin sa bracelet.
“You remembered.” Parang may kung anong sumikip sa dibdib ko. Because she sounded surprised. As if she never expected me to remember something important about us.
Mabagal akong tumango.
“I’m trying to remember everything now.” Natahimik lang ulit siya hanggang sa marahan niyang isinara ang box.
Hindi niya ibinalik ang bracelet. Tinitigan niya iyun. At kahit maliit na bagay lang iyon…
Pakiramdam ko nanalo na ako ng kalahati ng mundo.
“May dinner sa labas?” tanong niya. Ngumiti at tumango ako.
“Oo naman, nagreserve ako sa favorite restaurant mo. Magbihis ka na at hihintayin kita dito.” Sagot ko. Hindi naman siya nagsalita at pumasok na sa kwarto namin. Alam kong masakit pa rin para sa kaniya ang nangyari sa anak namin at masakit din yun sa akin. Hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na makita at makasama ang anak namin.
Hindi ko mapigilang hindi isipin, ano kayang itsura niya? Kumusta na kaya siya? Tatlong buwan na lang sana ang hihintayin namin at makikita na namin siya pero dahil sa kapabayaan ko, nawala sa amin ang anak namin. Deserve ko ang punishment na yun pero hindi yun deserve ni Neah.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto, bumaba si Neah mula sa taas. At literal na natigilan ako. Nakasuot siya ng simpleng black dress na hanggang tuhod, habang nakalugay ang mahaba niyang buhok. Minimal lang ang makeup niya pero sapat iyon para maalala ko kung bakit siya pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin.
Napansin kong bahagya siyang nailang nang hindi ako agad nagsalita.
“Too much?” mahinang tanong niya. Agad akong umiling.
“You look beautiful.”
Sandali siyang natahimik bago umiwas ng tingin. At kahit maliit lang iyong moment na iyon… pakiramdam ko unti-unti ko siyang naaabot ulit. Kinuha ko ang coat ko at marahan kong inilagay iyon sa balikat niya.
“Ready?” Mabagal siyang tumango.
Pagdating namin sa restaurant, agad kaming sinalubong ng manager.
“Good evening, Mr. and Mrs. Montenegro.”
Sandaling natigilan si Neah sa pagtawag sa amin bilang mag-asawa. Napansin ko iyon. At mas lalong sumikip ang dibdib ko. Kasi kahit legal pa kaming kasal, pakiramdam ko matagal na akong nawalan ng karapatan tawaging asawa niya.
Tahimik kaming naupo sa reserved table namin sa rooftop. Kita mula roon ang city lights habang mahina ang tugtog ng violin sa paligid. Ito iyong favorite restaurant niya.
Yung restaurant na ilang beses kong kinansela dati dahil sa trabaho.
Pero ngayong nandito na kami, pakiramdam ko ako naman ang kinakabahan.
“Dave.”
Napatingin agad ako sa kaniya.
“I appreciate this.”
Halos mapapikit ako sa narinig.
Hindi dahil sa saya—
Kundi dahil matagal ko nang hindi naririnig ang lambot ng boses niya para sa akin.
“Ito pa lang ang simula ng pagbawi ko love. Maliit na bagay pa ito.” Tipid siyang ngumiti. Pakiramdam ko ang tagal na noong huling panahon na nakita ko siyang ngumiti.
“I’ll just go to the restroom.” Pagpapaalam niya.
Tumango ako habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa hallway. Napabuntong-hininga ako habang hinahawakan ang wine glass. Ngayon ko pa lang narerealize ang dami ng kasalanan ko sa asawa ko.
Nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa mesa, tiningnan ko iyun. Si Monica. Napakunot agad ang noo ko. Hindi ko sana sasagutin dahil malinaw kong sinabi sa office na ayokong maistorbo ngayong gabi. Pero sunod-sunod ang pag-ring nito.
Iritado kong sinagot ang tawag.
“What is it?”
“Sir…” parang nagmamadali ang boses ni Monica. “The investors from Singapore suddenly moved the schedule. They’re demanding an emergency meeting tonight.”
Agad akong sumimangot.
“Tomorrow.”
“Sir, they said they might pull out the deal if you don’t come.” Natahimik ako. Dati, hindi na ako magdadalawang-isip. Tatayo agad ako at aalis. Trabaho muna bago lahat.
Napatingin ako sa direksyon kung saan dumaan si Neah. Naalala ko yung mga gabing iniwan ko siya para sa meetings. Yung mga pagkakataong pinili ko ang kompanya kaysa pamilya ko.
Mahigpit akong napapikit.
“Cancel it.”
Natigilan si Monica.
“Sir?”
“I said cancel it.”
“Pero sir—”
“I’m with my wife.” Natahimik sa kabilang linya. Parang hindi makapaniwala si Monica sa narinig niya. At sa unang pagkakataon, wala akong pakialam. Ibababa ko na sana ang tawag nang biglang nagsalita ulit si Monica.
“Sir… are you really changing everything because of her?” Napakunot agad ang noo ko.
“What?” Pero bago pa ako makapagsalita— May biglang bumangga sa table ko.
Nabuhos ang wine sa mesa dahil sa waiter.
“Shit—sorry sir!” Agad akong tumayo habang nililinis ng waiter ang table.
At sa ilang segundong distraksyon na iyon. Hindi ko napansing may taong huminto sa likod ko. Hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses.
“Dave?”
Parang biglang nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong napalingon. At doon… Nakita ko si Cassandra Sy.
Nakatayo ilang hakbang lang ang layo mula sa akin habang nakatitig sa dinner table namin ni Neah.
Napangisi siya nang lapitan niya ako.
“So, you’re just here dating with someone. Mas importante pa ba sayo ang date na ‘to kesa sa promotion mo sa kompanya, Dave? Talaga bang ibabagsak mo ang kompanya namin para lang sa kung sinong babaeng kasama mo ngayong gabi? Kapag nagpull-out ang mga investors ng kompanya namin, mawawala rin sayo ang promotion mo at hindi lang promotion mo ang mawawala, maging ang trabaho mo.”
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Napapahilamos na lang ako sa mukha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong nagmamadali pa ako? “Paanong nangyari yun? Pinacheck ko lang ang sasakyan ko last week. Pinalitan din ang mga gulong.” Nagtataka kong tanong sa secretary ko na para bang alam niya rin ang sagot gayong magkasama kami sa loob ng conference room.“Hindi ko rin po alam sir.” Napapabuntong hininga ako.“Magbook ka ng sasakyan.” Utos ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa suit at pants ko pero wala ito. “Where’s my phone?” baling ko sa secretary ko. Kinuha naman nito ang cellphone ko sa bag niya at ibinigay sa akin.Tiningnan ko kung may message man lang ba si Neah o tawag pero wala. Siguro ay naghihintay pa siya sa
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na ako. Tumikhim ako bago ako naupo para kunin ang atensyon niya.“Love,” mahina niyang usal. Tipid akong ngumiti, kunwaring hindi napapansin ang pagkabalisa niya. Anong nangyari habang wala ako? May tumawag ba sa kaniya? Trabaho na naman ba?“What happened?” kalmado kong tanong. Gusto kong isipin na hindi niya sisirain ang gabing ito. Sinisimulan pa lang naming ayusin ang relasyon namin. Ayaw ko ng iparanas niya na naman sa akin na mas mahalaga pa rin sa kaniya ang trabaho niya kesa sa akin.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang iniisip niya.“Dave,” tawag ko s
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong naghihintay na ulit sa bahay. At sa pagkakataong ito, ayokong maulit ang dati.Tumayo ako at isinara ang folder sa harap ko.“We’ll continue tomorrow,” malamig kong sabi.Natigilan ang buong boardroom.“Sir?” gulat na tawag ng isa sa investors. “The proposal isn’t finalized yet.”“It can wait.”Hindi na ako nagbigay pa ng ibang paliwanag at agad nang lumabas ng conference room. Sa likod ko, ramdam ko ang pagtatakang tingin ng lahat. Dati, ako ang lalaking handang matulog sa opisina para lang matapos ang trabaho.Pero hindi na ngayon.Because for the first time in years…Mas gusto kong umuwi.---Habang nagda-drive ako pauwi, napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ko ang date.October
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga araw na buntis pa ako, na kasama ko pa ang anak ko.Tiningnan ko siya at ang dala-dala niyang mga bulaklak and foods. Na para bang maibabalik ng mga yun ang mga nangyari sa amin, sa pamilya namin, sa anak namin, sa relasyon naming dalawa.Mapait akong ngumiti ng makita ang white roses na dala-dala niya. Sa tuwing nakikita ko yun, naaalala ko ang gabing nawala sa akin ang anak ko, ang araw na mag-isa kong inilibing ang anak namin.Tumayo ako at umalis sa sala.“Neah,” tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa hardin ni mommy at naupo sa swing. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit pa rin sa akin na wala na ang anak ko. Na wala man lang akong nagaw
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito mula pa kanina.Hindi ko kayang umalis.Pakiramdam ko kapag tumayo ako rito… tuluyan ko nang iiwan ang anak namin.Sa likod ko, rinig ko ang mahihinang bulungan ng mga tao.Mga kaibigan. Mga kamag-anak. Mga taong naaawa sa amin.Pero ni isa sa kanila walang lumapit sa akin. Dahil alam nilang may isang taong hinihintay ko.Si Dave.Mahigpit akong napapikit nang mapatingin sa wall clock. Two hours late. Hindi ko alam kung bakit may parte pa rin sa akin na umaasang darating siya. Na baka sa pagkakataong ito… pipiliin niya kami.Biglang may lumapit sa akin na babae at marahang hinawakan ang balikat ko.Mommy ni Dave.Elegant pa rin ito tulad ng dati
NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the seventh time tonight.Sumasakit na ang tiyan ko kanina pa, ngunit ngayon ay halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi ito normal. Hindi ganito kasakit ang simpleng pananakit lang.“Please answer… please…”Tumulo ang luha ko nang marinig ko na naman ang voicemail.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang nararamdaman ko ngayon o ang katotohanang baka mas importante na naman ang trabaho kaysa sa akin.Bigla akong napayuko nang may mainit na likidong dumaloy sa pagitan ng mga hita ko.Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa sahig. Nakita ko ang dugong dahan-dahan na tumutulo mula sa mga hita ko.“D-Dave…”Mabilis kong pinunasan ang luha ko haban







