Share

EPILOGUE

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-10-26 23:06:26

NEAH’S POV

Pagkatapos ng maraming nangyari sa mga buhay namin hindi ko akalain na siya pa rin ang pakakasalan ko. Siya pa rin ang nais kong makasama habang buhay. Siya pa rin ang lalaking paulit-ulit na maghihintay sa akin sa altar.

Nanlalabo na ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko siya malinaw na makita dahil sa belo na nakaharang sa buong mukha ko.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Isang taon na ang nakalipas simula nang ma-cancel ang kasal naming dalawa. Isang taon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Falling for My Ex-husband Again   EPILOGUE

    NEAH’S POV Pagkatapos ng maraming nangyari sa mga buhay namin hindi ko akalain na siya pa rin ang pakakasalan ko. Siya pa rin ang nais kong makasama habang buhay. Siya pa rin ang lalaking paulit-ulit na maghihintay sa akin sa altar.Nanlalabo na ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko siya malinaw na makita dahil sa belo na nakaharang sa buong mukha ko.Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Isang taon na ang nakalipas simula nang ma-cancel ang kasal naming dalawa. Isang taon na rin ang nakalipas nang sirain ni Monica ang career ko.“Are you okay?” Napatingin ako kay Liam. Tinupad niya pa rin ang sinabi niya. Siya pa rin ang naghatid sa akin para makarating ng altar. Masaya na rin si Liam sa buhay niya at ipinakilala niya na rin sa akin ang babaeng nililigawan niya ngayon at isa siya sa mga bisita ko sa kasal.“I’m fine. Sigurado ka bang nakausap mo ng maayos ang babaeng nililigawan mo? Sigurado ka bang hindi siya magseselos sa akin?” Tanong ko habang patuloy pa rin

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 159

    NEAH’S POVMahimbing ng natutulog si Dave ngayon habang ginawa niyang unan ang mga hita ko. Nahirapan akong pakalmahin siya kanina pagkatapos sumabog ng galit niya sa sarili niyang ina.Kung anong ginawa niya kanina at kung anong mga sinabi niya, yun din ang gusto kong sabihin kay Victoria. Walang kapatawaran ang ginawa niyang pagpatay sa panganay naming anak ni Dave. Hinding hindi ko rin sya mapapatawad sa ginawa niya sa amin, sa pagsira ng pamilya namin. Hindi ko rin hahayaan na maging parte siya ng buhay ng anak namin na si Kaiden.Hindi ko hahayaan na makikilala ni Kaiden si Victoria bilang lola niya. Kung ano man ang mangyari sa buhay ni Victoria, wala na akong pakialam dun. Hindi ko na dapat yun isipin at hindi na dapat ako makaramdam ng awa sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya sa amin, sa akin.Paulit-ulit niya akong minamaliit. Palagi niyang sinasabi na hindi ako ang babaeng karapat-dapat para kay Dave. May magagawa pa ba siya kung ako pa rin ang mahal ng nag-iisa niyang anak?

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 158

    DAVE’S POVAlam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi na ako maaawa sa kaniya. Bayad na ako sa buhay ko. Sobra sobra pa ang ibinayad ko sa kaniya kaya wala na siyang sisingilin sa akin. Hindi ko na utang na loob sa kaniya ang buhay ko.“Tingnan mo na? Tingnan mo kung gaano mo na na-brain wash ang sarili kong anak, Neah!” Baling niya kay Neah.“Desisyon ko ang pagtigil na ng pagsustento sayo mom at walang kinalaman dun si Neah!” Galit kong sigaw sa kaniya. Natahimik naman siya. Gusto ko siyang irespeto pa rin dahil siya pa rin ang ina ko pero sa ginagawa niya, inuubos niya ang kaunting respeto ko na natitira para sa kaniya.“Pagkatapos ng ginawa mo sa pamilya ko, may lakas ka pa ng loob na pumunta rito para maghingi ng pera at manggulo? Saan ka pa nangunguha ng kapal ng mukha mom? Alam na namin kung anong ginawa mo sa amin noon. Pinalampas ko ang pangbabastos mo kay Neah, pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng pera sayo pero pagkatapos kong malaman ang mga gin

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 157

    DAVE’S POVAlam ko naman na hindi ko maitatago sa kaniya habang buhay ang tungkol sa ginawa namin ni Liam kay Monica pero hindi ko pa rin naiwasang hindi magulat. Akala ko ay hindi niya na pupuntahan si Monica pero pinuntahan niya pa rin pala.Kung hindi na na-save ang mga daliri niya dahil sa mga ginawa namin ni Liam, sarili niya ang sisihin niya. Nangyayari ang lahat ng yun sa buhay niya dahil sa kaniya, dahil sa plinano niyang pagpatay kay Neah.“Hey,” napatingin ako kay Liam nang dumating na ito. Binigyan ko naman siya kaagad ng alak saka ko ininom ang alak ko. Nasa bar kami ngayon dahil inaya ko siyang mag-inom kahit kaunti lang.Nagpaalam naman ako kay Neah at alam niya kung saan ako pupunta at sino ang makakasama ko. Masyadong busy si Marco sa business ng pamilya niya kaya hindi ko madalas maaya.Hindi na rin ako nakakalabas ng bahay dahil pagkatapos ng trabaho ko, inilalaan ko naman kaagad ang oras ko sa mag-ina ko.“So, what’s up?”“Neah already knows.” Sambit ko.“Did you tel

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 156

    NEAH’S POVPagdating ko sa bahay ay napatingin ako kaagad sa office ni Dave. Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang kausapin pero alam kong busy pa siya. Hindi ko pa siya pwedeng abalahin sa trabaho niya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hihintayin ko na lang siya na makalabas ng office niya saka ko siya kakausapin. Wala akong alam sa ginawa nila ni Liam. Sa lagay ng mga kamay ni Monica kanina mukhang isang buwan na ang nakalipas nang gawin nila ang pagpitpit sa mga daliri nito. Magaling na ang mga kamay ni Monica, wala ng bakas ng sariwang sugat. Pinilit kong kalimutan si Monica para hindi ko na maalala ang ginawa niya sa mga kamay ko. Wala rin akong alam sa ginawa ni Dave at ni Liam sa kaniya. “Water please,” sambit ko sa katulong namin. Wala na akong lakas na maglakad pa papuntang kusina para uminom ng tubig. Hindi ko inaasahan na gagawin ni Liam at Dave yun kay Monica. Paanong napapayag ni Dave si Liam na gawin nila ang ganung krimen? Binayaran nila ang dalawang p

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 155

    NEAH’S POVNagngitngit ang mga ngipin ko. Gusto kong alisin ang ngisi niya sa mga labi niya. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang nakangiti. “Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, you deserve what happened to you now. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakauwi ng Pilipinas. Hindi makakahanap ng magandang trabaho rito. Hinding hindi ko hahayaan na makakalaya ka pa sa bilangguan mo. Aalisin ko ang ngiti sa mga labi mo. Tingnan natin kung hanggang kailan ka makakangiti ng ganiyan.” May diin kong wika. Hindi ko maitago ang inis at galit na nararamdaman ko sa kaniya. Seryoso niya naman akong tiningnan. “Patayin mo na lang ako kung ganun, Neah. Kung dun ka masasatisfied para makaganti sa akin, patayin mo na lang ako. Tapusin mo na lang kaagad ang mga hirap na pinagdadaanan ko. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa ang maghintay araw-araw kung hanggang kailan ako makukulong.” May diin niya ring sambit. Hilaw akong tumawa saka umiling sa kaniya. “Hindi ko gagawin yun. Malaki pa rin ang takot ko sa

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 6

    DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 5

    NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 4

    DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 3

    NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status