Share

Kabanata 3

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-05-30 12:12:58

NEAH’S POV

Tatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga araw na buntis pa ako, na kasama ko pa ang anak ko.

Tiningnan ko siya at ang dala-dala niyang mga bulaklak and foods. Na para bang maibabalik ng mga yun ang mga nangyari sa amin, sa pamilya namin, sa anak namin, sa relasyon naming dalawa.

Mapait akong ngumiti ng makita ang white roses na dala-dala niya. Sa tuwing nakikita ko yun, naaalala ko ang gabing nawala sa akin ang anak ko, ang araw na mag-isa kong inilibing ang anak namin.

Tumayo ako at umalis sa sala.

“Neah,” tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa hardin ni mommy at naupo sa swing. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit pa rin sa akin na wala na ang anak ko. Na wala man lang akong nagawa para protektahan siya. Hanggang ngayon pakiramdam ko pinupunit pa rin ang puso ko sa sakit.

“Alam kong hindi madaling mapatawad mo ako,” marahan niyang sabi mula sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin.

Narinig ko ang mahinang kaluskos—parang inilapag niya ang dala niya sa mesa sa gilid ng garden.

“Hindi ko rin alam kung may karapatan pa akong humingi ng tawad sa’yo araw-araw,” pagpapatuloy niya, mas mababa ang boses ngayon. “Pero hindi ko rin kayang hindi gawin.”

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang panginginig ng boses ko.

“Neah…” lumapit siya ng kaunti, pero hindi pa rin siya tumabi sa swing. Parang alam niyang kapag ginawa niya iyon, tatakbo ulit ako palayo. “Hindi ko hinihingi na agad mo akong patawarin.”

Tahimik ako.

Narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Napalunok ako at para bang biglang tinusok ang puso ko sa narinig ko. Simula nang mamatay ang anak namin, ngayon ko lang siya narinig na umiyak.

“Please, let’s fix this. Bumalik ka na sa akin. Babawi ako. Alam kong hindi ko na maibabalik ang anak natin pero pakiusap, umuwi ka na sa bahay natin. Ang lungkot lungkot sa bahay simula nang umalis ka. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang pati ikaw ay mawala sa akin. I’m begging you, ayusin natin ‘to.” Umiiyak niyang pakiusap. Nanginginig ang kamay kong pinunasan ang mga luha ko.

Galit pa rin ako sa kaniya pero naiinis ako sa sarili ko dahil sa kabila ng mga ginawa niya sa akin at sa anak namin, mahal ko pa rin siya. Gusto ko pa rin siyang makasama. Sa totoo lang, sa nakalipas na tatlong linggo namimiss ko na siya. I miss his hug, his kisses, his voice, everything about him.

Lumuhod na siya sa harap ko habang umiiyak at nakayuko ang ulo niya. Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng balikat niya dahil sa pag-iyak niya.

“Bumalik ka na sa akin please. Ayusin natin ‘to. Babawi ako.” Patuloy niyang pakiusap. Humugot ako ng malalim na buntong hininga dahil alam kong sa mga oras na ito, bibigay na naman ako. Nangingibabaw na naman ang pagmamahal at awa ko sa kaniya. Iniisip ko pa lang kung anong buhay niya ng mag-isa sa bahay namin, nasasaktan ako.

Bahagya akong umupo  sa harap niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Inalalayan ko siyang tumayo at sinalubong ang mga mata niya. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

“I can’t live without you, love. Please come back to me.” Tipid akong ngumiti. Lahat ng pagtitiis ko na hindi bumalik sa kaniya sa nakalipas na tatlong linggo ay tila biglang nawala. Hindi ko pa siya kayang patawarin pero may parte pa rin sa puso ko na gusto kong bumalik sa kaniya, gusto kong ayusin ang relasyon naming dalawa.

Niyakap ko siya at dun na siya tuluyang bumigay. Bumuhos na ang mga luha niyang para bang matagal niya ng pinipigilan. Nakasubsob siya sa balikat ko habang mahinang umiiyak.

“I’m really sorry. I’m sorry if I failed you, love. I’m sorry kung wala ako sa tabi mo noong mga panahon na higit mo akong kailangan. Believe me, sinubukan kong makarating pero hindi ako umaabot.” Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya. Mabagal kong hinahaplos ang likod niya para i-comfort siya.

“Masakit din para sa akin ang pagkawala ng anak natin. Ayaw kong umiyak sa harap mo dahil ayaw kong lalo kang panghinaan ng loob. Kung mahina ka na at magiging mahina rin ako, kanino ka na lang huhugot ng lakas? I’m sorry, love.” Umiiyak pa rin niyang sambit. Hinayaan ko siyang umiyak dahil para bang ang bigat bigat ng nararamdaman niya.

Makalipas ang ilang minuto ay pareho na kaming nakaupo sa swing. Tahimik lang kaming nakatingin sa kawalan. Napapaisip ako kung worth it pa ba talagang ayusin ang relasyon namin dalawa.

Masyadong lulong si Dave sa pag-abot ng pangarap niya para maging isang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Hindi siya ganito dati, palagi niya akong inuuna noon, wala siyang pinapalampas na mahahalagang okasyon. Sinuportahan ko siya sa pangarap niya pero iyun pala ang magiging dahilan para unti-unting masira ang relasyon naming dalawa.

Palaging late umuwi, palaging nasa meetings, business trip at mga project. Nakakatulog na lang din ako sa gabi kakahintay sa kaniya pero may sikat na ang araw kapag nakakabalik siya.

“Umuwi na tayo, love. Pangakong babawi ako sayo. Masyado lang kaming naging busy sa mga projects namin nitong mga nakaraang buwan kaya hindi ako nakakauwi on time. Hayaan mong bumawi ako sayo ngayon.” Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang paniwalaan. Paano kung masaktan na naman ako? Paano kong umasa na naman ako sa mga pangako niya? Paano kung ngayon lang siya hindi busy? Paano kung mabusy na naman siya sa trabaho niya?

Maghihintay na naman ba ako sa kaniya?

“Kapag ba pinagbigyan kita, maipapangako mo ba talagang babawi ka?” mahina kong saad sa kaniya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin.

“I promise, magsimula tayo ulit.” Sagot niya. Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. Kahit gaano kalalim ang galit ko sa kaniya, mahal ko pa rin siya. Gusto kong samahan siya at gusto ko pa ring lampasan naming magkasama ang lahat ng nangyayari sa amin.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka siya nilingon at nginitian. Niyakap niya ako, isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Sana lang ay magbago na nga siya, bumalik na sa dating siya. Makapagsimula kami ulit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 155

    NEAH’S POVNagngitngit ang mga ngipin ko. Gusto kong alisin ang ngisi niya sa mga labi niya. Naiinis ako kapag nakikita ko siyang nakangiti. “Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, you deserve what happened to you now. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakauwi ng Pilipinas. Hindi makakahanap ng magandang trabaho rito. Hinding hindi ko hahayaan na makakalaya ka pa sa bilangguan mo. Aalisin ko ang ngiti sa mga labi mo. Tingnan natin kung hanggang kailan ka makakangiti ng ganiyan.” May diin kong wika. Hindi ko maitago ang inis at galit na nararamdaman ko sa kaniya. Seryoso niya naman akong tiningnan. “Patayin mo na lang ako kung ganun, Neah. Kung dun ka masasatisfied para makaganti sa akin, patayin mo na lang ako. Tapusin mo na lang kaagad ang mga hirap na pinagdadaanan ko. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa ang maghintay araw-araw kung hanggang kailan ako makukulong.” May diin niya ring sambit. Hilaw akong tumawa saka umiling sa kaniya. “Hindi ko gagawin yun. Malaki pa rin ang takot ko sa

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 154

    NEAH’S POVHindi ko alam kung bakit nalulungkot ako kahit na masaya naman ang pamilya namin ni Dave. Hindi lumayo sa amin si Liam dahil mas naging malapit siya sa pamilya namin pero kahit na kompleto kami. Kasama ko ang anak ko at si Dave pero pakiramdam ko may kulang pa rin. Napatingin ako sa mga kamay ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin naigagalaw ng maayos dahil diretso pa rin ang mga daliri ko. Masyadong malaki ang naging pinsala dahil sa pagpitpit ni Monica sa mga kamay at daliri ko.Wala na akong balita kay Monica pero isa lang ang alam ko. Nasa kulungan na siya ngayon at nahatulan na ng attempted murder at kidnapping. Gusto ko siyang puntahan para makita ko ang kalagayan niya. Gusto kong makitang miserable din ang buhay niya. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa mga kamay ko. Nang dahil sa inggit niya ay nagawa niya ang lahat ng ito sa akin?Wala akong nagawang kasalanan sa kaniya. Masyado lang mataas ang pangarap niya. Masyado siyang umasa na mamahalin din si

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 153

    NEAH’S POVPagsapit ng bagong taon ay sama-sama kaming nagcelebrate sa bahay. Kasama rin namin si Liam. Pagkatapos mamatay ng mga magulang ko, parang ngayon na lang ulit naging masaya ang bagong taon namin. Napakagandang panoorin ng makulay na kalangitan. Tuwang-tuwa rin si Kaiden na pinapanuod ang mga daddy niya na nagsisindi ng mga fireworks. Talon pa siya nang talon kapag lumilipad na ang mga fireworks at pumuputok na ito sa kalangitan. “Ma’am, may bisita ka.” Napatingin ako kay Donna nang magsalita siya mula sa likod ko. Nakita ko naman kaagad si Cassandra. Nahihiya pa itong ngumiti sa akin. “I’m sorry for coming here without even telling you. My penthouse just felt so lonely. I had no one with me, so I thought I’d just come here instead. Is it okay if I spend the New Year with all of you?” Nahihiya niyang saad. Parang ilang beses pa niyang pinag-isipan kung pupunta ba siya dito o hindi. Bahagya ko siyang nginitian at nilapitan.“Of course. It’s actually more fun when there ar

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 152

    NEAH’S POVMabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Katatapos lang ng therapy ko ngayon pero parang walang nangyayari sa araw-araw na pagte-therapy sa mga kamay ko. Hirap na hirap pa rin akong igalaw ang mga daliri ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Nasasaktan pa rin ako sa kalagayan ng mga kamay ko pero kailangan kong magpatuloy. Hindi ko lang siguro kailangang madaliin ang paggaling nila. Kanina ko pa hinihintay si Dave dito sa sala pero wala pa rin siya. Hindi niya sinabi kung saan ba siya pupunta pero hindi ko naman na siya tinanong. Masyado siyang seryoso kanina nang paalis siya saka mukhang mainit ang ulo niya. “Hi, Mommy. Are you done with your therapy?” Kaiden asked as he walked over to me.“Yes, baby. Did you already have your snack?” I asked him.“Yes, Mommy, I’m done. How are your hands? Can you move them now?” Inosente niyang tanong. Tiningnan ko ang mga daliri ko na diretso pa rin at parang nastroke sa mga itsura nila. “I can move them sometimes. I still ne

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 151

    DAVE’S POVPatuloy pa rin siya sa pag-iyak niya habang nanginginig na ang mga kamay niya na naliligo na ngayon sa sarili niyang dugo. Mas nangingibabaw ang galit ko sa kaniya dahil wala akong maramdaman kahit kaunting awa. Nilalabag man namin ang batas pero hindi ako makatulog sa gabi hangga’t hindi ko naipaparanas sa kaniya ang ginawa niya kay Neah. Sinira niya rin ang araw ng kasal namin. Asawa ko na sana ulit si Neah pero dahil sa kaniya, hindi ko nagawang pakasalan si Neah noong araw na yun. “Give me a reason why I should let your hands live.” Wika ko kay Monica. Nakayuko na siya. Nanghihina na siya at mukhang hindi niya na kaya ang sakit na nararamdaman niya. “Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko sayo. Gusto mo bang dagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon? Isang beses na lang kitang tatanungin, Monica. Sabihin mo sa akin, may kinalaman ka ba kung bakit hindi ko natatawagan si Neah noon at hindi natatanggap ang mga tawag at messages niya? Asnwer me! Damn it!” Sig

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 150

    DAVE’S POVUmalis na muna ako ng bahay namin. Iniwan ko na muna si Neah at Kaiden. Nandun naman ang mga katulong namin para asikasuhin silang dalawa. Nasa loob lang ako ng sasakyan ko habang hinihintay si Liam na makababa ng penthouse niya. Nang makita ko na siya ay pinaandar ko na ang sasakyan ko at nilapitan na siya. Sumakay naman siya kaagad sa passenger seat at umalis na rin kami. “Are you sure about what you’re about to do?” Tanong ni Liam. Wala akong dahilan para hindi ituloy ang plano ko. “I should be the one asking you that. Are you sure you’re coming with me? You still have time to back out because as for me, I won’t hesitate anymore. Do you want me to take you back?” Seryoso kong tanong sa kaniya. “No, I want to do this too.” Sagot niya naman kaya tiningnan ko siya panandalian. “Are you sure?” Paninigurado ko. “Of course. Hindi mo ako makakasama ngayon kung ayaw kong gawin.” Sagot niya naman kaya mas binilisan ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Tinahak namin ang

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 4

    DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 2

    NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 6

    DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 5

    NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status