مشاركة

Kabanata 81

مؤلف: Elara Night
last update تاريخ النشر: 2026-08-09 22:28:18

NEAH’S POV

Pansin kong tingin nang tingin si Kaiden kay Dave. Tila ba gusto niyang lumipat ng pwesto pero hindi niya masabi dahil posibleng iniisip niya ang sasabihin at mararamdaman ng Daddy Liam niya. Pati ang walang kamuwang-muwang na anak ko ay naiipit sa ganitong sitwasyon.

Kung iniwan ko naman dito sa Albany ang anak ko at nagstay kami ng dalawang linggo sa France, wala na lang akong ibang iniisip kundi siya. Siguradong hindi ako makakapagtrabaho ng maayos dahil mas gusto ko na lang maka
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 82

    DAVE’S POVKanina ko pa pinagmamasdan si Cassandra. Hindi ko alam kung may problema ba siya o sadyang stress lang siya dahil malapit na ang company anniversary. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya ng maalala ko ang company anniversary. Hindi ko pa nakakausap ulit si Chairman Sy sa gusto niyang pakasalan ko si Cassandra. Plano niyang iannounce sa company anniversary ang engagement namin ni Cassandra. Bagay na hindi ko pa sinasang-ayunan. Nang matapos ang meeting namin ay sinundan ko si Cassandra. Ramdam kong may mali. Kilala ko si Cassandra kaya kaunting pagbabago lang sa kaniya, mapapansin ko kaagad yun sa kaniya. Kung stress man siya o may problema siya, sa akin siya palaging nagrarant pero ngayon, tahimik lang siya. “Cassandra,” tawag ko sa kaniya. “Hmm,” tanging sagot niya pero patuloy pa rin siyang naglalakad at hindi man lang ako nilingon. Sinabayan ko siya sa paglalakad niya. “May problema ba?” Tanong ko. “Meron ba dapat?” Napatingin ako sa kaniya dahil sarkastiko ang pagk

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 81

    NEAH’S POVPansin kong tingin nang tingin si Kaiden kay Dave. Tila ba gusto niyang lumipat ng pwesto pero hindi niya masabi dahil posibleng iniisip niya ang sasabihin at mararamdaman ng Daddy Liam niya. Pati ang walang kamuwang-muwang na anak ko ay naiipit sa ganitong sitwasyon. Kung iniwan ko naman dito sa Albany ang anak ko at nagstay kami ng dalawang linggo sa France, wala na lang akong ibang iniisip kundi siya. Siguradong hindi ako makakapagtrabaho ng maayos dahil mas gusto ko na lang makauwi. Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko na si Kaiden saka kami pumasok ng kwarto para makapagshower at makapagbihis na siya. Iniwan ko sa sala si Dave at Liam. Bahala na silang dalawa kung mag-aaway sila. Oras na ginawa nila yun sa loob ng pamamahay ko, hindi na sila makakapasok dito. "Mommy, is Daddy Dave going home too?" my son asked while I was helping him get dressed. Hinaplos ko ang pisngi niya saka siya nginitian. "Sweetheart, Daddy Dave has to go home. He can't live here. What abo

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 80

    NEAH’S POVNarinig ko rin ang sinabi ni Kaiden kay Dave. Gusto niyang tumira si Dave kasama namin at nagulat na lang ako ng dumating si Liam at mukhang narinig din ang sinabi ni Kaiden. Tahimik lang akong nasa pintuan ng kusina. Nilapitan ni Liam si Kaiden at binuhat ito. Sa itsura pa lang niya para bang galit siya.“Daddy Liam?” Usal ni Kaiden na tila ba hindi man lang masaya na makita si Liam. Maging ako ay nalilito na rin. Sa pananatili namin sa France, napalapit na naman ang loob ko kay Dave pero wala pa rin kaming relasyon. Gusto pa lang niyang ayusin ang relasyon namin at hindi pa ako pumapayag dun. “What have you been telling the child? Are you teaching him what to say?” Liam angrily confronted Dave. Tumayo na rin si Dave para harapin si Liam. “I never told him that, and can you please not get angry in front of the child?” Mas iniisip ni Dave ang mararamdaman ni Kaiden habang si Liam mas nangingibabaw ang galit niya dahil sa narinig niya na sinabi ni Kaiden. “That’s enough.

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 79

    DAVE’S POVMabilis na natapos ang dalawang linggo. Tahimik lang ako habang nakatingin kay Neah na natutulog sa pwesto niya. Nasa eroplano na kami pabalik ng Albany. Napapabuntong hininga na lang ako. Nalulungkot ako dahil wala na kami sa iisang bubong. Wala ng sasalubong sa akin pagkatapos ng nakakapagod na maghapon. Hindi ko na rin makakasama si Neah maghapon at magdamag.Hindi ko magawang matulog kahit na malalim na ang gabi. Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa ni Neah. Sana ay ginawa na ni Cassandra na isang buwan pero kahit gaano yata katagal ang magiging project namin ni Neah, kulang pa rin yun para sa akin.Gusto ko sanang habang buhay ko na silang makasama sa iisang bahay. Gusto kong makita si Kaiden na lumalaki na nasa tabi niya ako.Napatitig ako kay Kaiden, sa akin ulit siya tumabi at mahimbing na rin siyang natutulog. Kailangan kong makausap si chairman kaagad para naman makapagfocus na lang ako na ayusin ang relasyon namin ni Neah.Ilang araw ko na ring iniisip kung baki

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 78

    DAVE’S POVWalang mapaglagyan ang saya sa puso ko habang kasama si Neah at Kaiden. Nakalimutan ko ang buhay ko sa Albany, ang mga problema at stress. Gusto ko na lang i-enjoy ang bawat araw na silang dalawa ang kasama ko.Tila kinikiliti ang puso ko sa tuwing daddy ang tawag ni Kaiden sa akin. Kung hindi man siya nagmula sa akin, hindi man iisang dugo ang dumadaloy sa katawan namin, masaya akong tumayo bilang ama niya.Pinagpatuloy ni Neah ang trabaho niya sa mansion. Isang pirasong jewelry na lang ang gagawin niya at matatapos na siya. Kahit na wala na akong ginagawa ay sinasamahan ko pa rin siya. Nakaharap ako sa ipad ko habang binabasa ang mga sinend sa akin na report sa email ko.Mabilis na lumipas ang maghapon na iyun. Pagod na pumasok sa loob ng sasakyan si Neah. Nang makapasok na rin ako ay hinawakan ko ang mga kamay niya at maingat na hinilot ang mga iyun.“Masakit na ba mga kamay mo?” tanong ko habang hinihilot pa rin ang mga kamay niya. Napatingin ako sa kaniya nang sumandal

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 77

    NEAH’S POVGabi na pero hindi pa rin kami bumabalik sa hotel. Naglalakad-lakad na lang kami kahit na hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin. Buhat pa rin ni Dave si Kaiden. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni Dave. Ayaw ko sanang hawakan niya ako pero hindi niya na pinakawalan ang mga kamay ko kaya hinayaan ko na lang. Para kaming isang pamilya na namamasyal lang sa bansang ito. Tahimik lang kami at mukhang ubos na rin ang energy ni Kaiden dahil kalahating araw na kaming namamasyal.Nakakain na rin kami ng dinner at hindi na namin alam kung saan kami pupunta ngayon kaya naglalakad-lakad na lang kami. Alam kong matatapos din ang lahat ng ito at hindi ko rin maiwasang hindi malungkot.May kirot sa puso ko na aalis din kami sa bansang ito kapag natapos na ang trabaho namin. Tinitigan ko si Dave. Nauuna silang dalawa ni Kaiden pero hindi pa rin niya binibitiwan ang isang kamay ko. Simple lang naman ang gusto ko noon, magkaroon kami ng sarili naming pamilya at magkar

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 4

    DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 3

    NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 2

    NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 1

    NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the s

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status