Share

chapter 4

Anak nagpunta nga pala dito kanina si Donya Carmella ang sabi may malaking handaan daw sa kanilang bahay sa lunes dahil kaarawan ng kanyang asawa na si Don Mariano. Kailangan daw niya ng katuwang sa paghahanda. Alam mo naman na ang kasambahay nila ay nag-iisa lamang at may kaidaran na rin ito.

Idagdag pa na nariyan ang kanyang apo niya na inhinyero mula sa maynila. Ang kompanya daw nito ang kinuha ni Mayor Robert Sanchez na mag-renovate ng palengke sa bayan. Darating din daw kasi ang mga kaibigan nito.

Sa dinami-daming tao dito sa lugar natin bakit ako pa ang napili ni Donya Carmella na maging katuwang niya nay.

Sige kung ayaw mo ako nalang anak. Ikaw nalang ang magbabantay Kay Zaile at sa papa mo. Inhinyero ang kanyang apo kaya napag-alaman siguro ng donya na nawawalan tayo ng pwesto sa palengke. Kilala kana niya at alam niyang mabait ka kaya ikaw ang pinili niya para na rin makatulong. Alam mo naman ang panahon ngayon mahirap pagkatiwalaan ang mga hindi kilala. At saka pwedi kang umuwi ano mang oras.

Kung sabagay may punto si nanay at saka malapit lang kami sa bahay nila. Nakikita nga ang ulo ng mansyon nila eh mula rito. At suki ko na ang matanda sa palengke. Kahit may palaisdaan na sila bumibili parin ito ng ibang uri ng mga isda. Paborito daw ng asawa nito ang pusit, hipon at lobster. Dahil sa kadaldalan ko naging close na kami ni Donya Carmella. Minsan naririnig niya ang mga panirang puri ng kapwa ko tindera kaya naikwento ko tuloy ang talambuhay ng aking pagkatao.

Sige nay, ako nalang ang pupunta sa bahay nila kayang-kaya ko na yon. Hindi naman po nila siguro ako pagbubuhatin ng mga saku ng bigas.

“Iwan ko sa'yo Lessery kung anu-anong kalukuhan ang pumapasok sa iyong utak.”

Zaile baby kumusta na ikaw hmmm. Cute naman ng baby namin sarap kagatin ng ganito ammp....humahagikhik naman ang munting prinsipe namin. Kapag nakikiliti ang cute talagang pakinggan ng kanyang hagikhik. When you big na ano gusto mo paglaki hmmm?

“Mama”.... hahaha syempre kasama mo parin si mama.

Paglaki mo anak huwag mong hanapin ang tatay mo dahil nalunod na yon sa sabaw ng sinigang baboy dahil sa kababoyan niya.

Kinabukasan maaga akong pumunta sa bahay nina don Mariano at donya Carmella para malaman ko na rin kung ano ang mga dapat kong gawin.

Pagdating sa may gate nila nakita kong nakabukas ito kaya pumasok na ako. Lalakarin pa ng konti bago marating ang bahay nila. Sagana sa prutas ang kanilang bakuran, may nakita akong katamtamang laki ng bayabas. Patikim po, di naman siguro kawalan kong kukuha ako ng isa. Nagpakasarap nito at talagang organic. Syempre varieties of Tae lang naman ang fertilizer nito. Baka nga pati tae ng apo ni Don Mariano naisali sa pampataba ng mga prutas.

Ang laki talaga ng bahay nila paano kaya nalilinisan ng isang katulong lang ang loob ng bahay na yan. Nag doorbell na ako sa harap ng pinto. Ang nagbukas ng pinto ay si Donya Carmella. Magandang umaga at mano po don....“di ba pinagbabawalan na kita na huwag mo akong tawaging Donya Carmella. Lessery hija, Lola nalang ang itawag mo sa akin.” Sige po Lola nalang, pero sorry po kumuha po ako ng isang bayabas doon sa dinadaanan ko. Nagmamakaawang kuhanin ko po kasi eh, kaya naawa naman ako at hayon po kinuha ko nga at kinain.

“Ikaw talagang bata ka nawawala ang mga kulubot ko sa mukha sa kapilyahan mo.” Ay si Lola talaga pagkamalan ba naman akong dermatologist na tagatanggal ng mga kulubot...sabay kaming nagtawanan

“Pumasok ka na nga at ng maituro ko sa'yo ang dapat mong gawin. Maraming salamat hija at pinaunlakan mo ang aking kahilingan. Nalaman ko kasi mula sa apo ko na temporary mawawalan kayo ng pwesto dahil sa renovation project ni Mayor Robert Sanchez. Kaya naisipan kong tulongan ka kahit papaano. Huwag kang mag-alala dahil libre na ang bigas nyo buwan-buwan. At may allowance kang matatanggap bawat linggo. “Oh bakit ka umiiyak, may nakakaiyak ba sa mga sinabi ko?”

Kasi po Lola hulog kayo ng puno eh...“oo alam ko na yan puno ng grasya.”

Ay si Lola natuto na rin, magaling po pala kayong estudyante at memoryado nyo kaagad.

Maraming salamat po talaga la, hayaan nyo po hindi ko po kayo bibiguin. Pagbubutihin ko po ang aking serbisyo.

" Tulungan mo lang si nanay Nida mo sa paglilinis dahil sa makalawa kaarawan ni Lolo Mariano mo. May mga bisita rin na darating ang apo ko mula maynila.

At ang apo ko habang naandito pakilabhan mo ang mga damit niya. May washing machine naman kaya madali lang. Lilinisin mo ang banyo at kwarto niya araw-araw.

Ngayon ang gagawin mo ay palitan ang kurtina at kobre kama niya. Si Lolo mo nasa fishpond at ang apo ko ay pumunta sa opisina ni mayor tungkol sa proyekto. Mamaya uuwi na rin yun at ipapakilala ko sa'yo. Nasa pangalawang palapag ang kwarto ng apo ko. Sa closets niya sa kaliwang bahagi makikita mo ang mga kurtina, pillow cover at bedsheets na pwedi mong ipalit.

Sige po Lola uumpisahan ko na para matapos na kaagad. Umakyat na nga ako sa kwarto ng apo ni Lola. Parang kinakabahan ako ng Hindi ko alam kung bakit. Tinanggal ko na lahat ng kurtina, bedsheets at pillow cover pati basang tuwalya kinuha ko para malabhan na din. In fairness ang bango ng may-ari ang sarap simhutin.....tskkk pesting utak kumakaringking.

Dinala ko muna sa laundry ang lahat ng mga labahin. Nilagyan ng tubig ang machine at powder soap at sinalang ko na ang mga maruruming damit. Syempre hiwalay ang puti sa mga de color. Habang umiikot-ikot ang washing machine bumalik ulit ako sa itaas para isabit ang kurtina at palitan na ang mga bedsheet at unan ng bagong cover. Syempre hindi mawawala sa sistima ko ang pagkanta habang nagtatrabaho.

Someday pangarap ko rin na maging singer. Singer sa lamay charizz....hahaha.

Lastly nilinis ko na ang banyo, speaking of linis dapat ang mga kasulok-sulokan ay dapat linisin.

I need somebody who can love me at my worst

No, I'm not perfect, but I hope you see my worth

'Cause it's only you, nobody new, I put you first

And for you, girl, I swear I'll do the worst

If you stay forever, let me hold your hand

I can fill those places in your heart no else can

Let me show you love, oh, I don't pretend, yeah

I'll be right here, baby, you know I'll sink or swim

Oh, oh, oh, don't

Don't you worry

I'll be there, whenever you want me.

Ayan tapos na rin kita kaya ang amo mo pwedi ng mag “ mirror mirror on the floor, who is the handsome of them all”

Pagpihit ko, “Ayyyyyy shokoyyyyy Lola tulong...nanay Nida tul....mmmm,mmmm. “Tumigil ka at huwag kang magsisigaw babae.”

Bitiwan mo akong shokoy ka, bakit nakaganyan ka alam mo namang may tao sa loob ng banyo.

“Room ko ito kaya I'm free to wear what I want.” Sh*t siya pala ang apo ni Don Mariano Cruz. Tadhana nga naman, ninais kong umiwas pero sadyang pinaglapit....anang isip ko.

Ah ganun?

Sorry manong huh nakakahiya naman po sa inyo. Inutusan kasi ako ng Lola nyo na linisin ang kwarto nyo. Paumanhin po sa hubo't hubad nyong katawan sana po ay kabagan kayo....agad na akong umalis sa harapan niya.

“Hey! Where are you going?”

Tapos na po ang trabaho ko kaya wala ng dahilan na manatili pa ako. Tagalinis po ang pinasukan ko at hindi taga hilod nyo.

Isinara ko kaagad ang pintuan at mabilis na bumaba ng hagdan.

Pumunta ako sa laundry para tingnan kong tapos na bang umikot ang mga damit. Binanlawan ko na kaagad ito, sinunod ko ang mga puti niyang t-shirt at polo. Naiilang akong labhan ang mga brief at boxer shorts niya. Hindi ko alam kung kusotin ko ba o washing machine na ang bahalang kumusot nito.

Isinampay ko na sa labas ang lahat ng mga nilabhan ko. Si nanay Nida na ang nagluluto ng pananghalian at ako naman ay naglilinis ng buong kabahayan. Oras na ng pananghalian tinawag ako ni Lola para sabay na daw kaming mananghalian. Ipinakilala na niya sa akin ang kanyang apo. Napag-alaman kong Zyrenity Zhykher Cruz daw ang buo nitong pangalan. Omg! Sinong alien kaya ang nagbigay ng kanyang pangalan?

Mabuti pa si baby Zachary Zaile ko maganda ang pangalan. Hala magkatunog sila ng pangalan as in ZZZZ and ending tulog.

Maupo kana hija ay tayo ay sabay-sabay ng mananghalian....si Lolo Mariano.

Mamaya nalang po ako kakain, tatapusin ko po muna ang ginawa ko. Next time nalang po ako sasabay sa inyo.

“Hindi kana pakakainin next time.”

Pabulong niyang sabi pero narinig ko.

Hindi ko na pinansin at tuluyan ko ng nilisan ang dinning area.

Natapos ko ng linisin ang lahat at niligpit ko na ang mga kagamitan. May mga halamang bulaklak sa bakuran pero hindi masyadong naasikaso. Dahil siguro nag-iisa lang si nay Nida at matanda na si Lola Carmella. Mamayang hapon ko nalang aayusan ang garden sa ngayon wawalisin ko nalang muna ang mga tuyong dahon. Feeling ko may nakatingin sa'kin ng tumingala ako sa second floor nakatayo pala sa may balkonahi ang shokoy. Kumindat pa ito sa akin kaya inirapan ko sabay sabing shokoy.

“Babe nakakarami kana, alam mo bang mahal ako maningil ng utang kailangan mong bayaran kasama ang interest.”

Ano ka may lahing Bombay magpapautang ng 5/6 at araw-araw dumudoble ang tubo....humalakhak naman ito.

Baliw, ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Kinulang yata sa panghimagas.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status