Share

Chapter 31

KELLY

TIME flies! Dalawa na ang anak nina Flynn at Vicky habang kami ni Brandon ay hindi pa nakakaisa. Tahimik silang naglalaro sa isang sulok habang nanonood ng TV.

“Mabuti naman at naisip mo ’kong bisitahin. Nakakatampo ka, Kel. Parang hindi mo ’ko best friend.” Nakasimangot si Vicky at halata ang tampo.

Niyakap ko siya mula sa likod. “Sorry na. Alam mo namang sobrang busy ko sa agency. Hindi nga ’ko maka-reply sa chat, e.”

“Tsk. Hindi ka naman talaga active doon.”

Napatawa ako sa sinabi niya at kumalas sa pagkakayakap. Tinulungan ko siyang magbalat ng pinya habang hinihintay niyang kumulo ’yong bulalo.

“Pero kayo ni Brandon, ha?” Pinamulahan ako ng mukha. “Ay nag-blush ang ale! Mahal mo talaga siya, ’no?”

“Vicky, ang ingay mo.” Inirapan ko siya at saka ipinagpatuloy ang paghihiwa. “Kailan mo balak sundan ’yong bunso mo?”

Tumawa ang kaibigan ko. “Ikaw muna ang magbuntis bago ako. Kapag lalaki ang naging anak mo, ipagkakasundo ko ’yan sa bunso ko kapag babae.”

“Ay wow! Nasa kasun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status