LOGIN
“Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”
Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.
Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.
“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.
Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”
Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at para mapalapit sa kanya ang babaeng iyon, pinilit niya akong mag-abroad at pagka-alis ko ay nagkaroon ako ng boyfriend. Sinubukan kong gamitin ang relasyon namin para makalimot pero noong official ko nang ipinakilala sa mga tao ang boyfriend ko, bigla siyang pumunta sa akin nang palihim, nang hindi alam ng asawa niya. Alam kong mali pero hindi ko siya napigilan. Hindi nagtagal, nabuntis ako at hindi ko sinabi sa boyfriend ko na ang bata ay anak ng ibang lalaki.”
Napailing si Viara, hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang babaeng ito nang hindi niya napaparamdam ang panghuhusga.
“Sinubukan kong kumbinsihin ang ama ng anak ko na iwan na niya ang asawa niya at pakasalan ako pero ayaw niya at ngayon, hindi ko na rin kayang iwan ang boyfriend ko para sa kanya.”
Napahawak si Viara sa noo, ano ba itong pinasok ng babaeng ‘to? May relasyon ang lalaki at may boyfriend din siya. Nagkaroon pa sila ng anak at higit sa lahat, ayaw nilang bitawan ang kani-kanilang relasyon.
Akala niya roon na matatapos ang kuwento, pero may panibago itong sinabi. “Dok, alam mo ba? Noong araw na manganganak ako,
nanatili siya sa tabi ko. Hindi ba ibig sabihin noon, mahal na mahal niya ako?”
Napahinga nang malalim si Viara kung hindi lang siya professional, baka nasampal na niya ‘to.
“Hindi lang iyon, siya mismo ang nag-aalaga sa anak namin. Naglaan din siya ng sampung milyong piso para sa edukasyon ng bata pagkasilang nito. Pagbalik namin sa Pilipinas, siya mismo ang sumundo sa amin at binilhan niya kami ng malaking bahay at kumuha ng mga kasambahay at butler para hindi kami mahirapan. Hindi ba malinaw na mahal niya kami?”
Sandaling nakatitig lang si Viara sa screen, mayabang na nga, proud pa. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa babaeng iyon na hindi porke't may perang ginagastos ang isang lalaki ay hindi ibig sabihing tama na ang ginagawa nito.
Bago pa siya makapag-type ng sagot, may panibagong tanong na naman ito.
“Dok, mukhang magaling ka namang psychologist, may itatanong ako kung sakaling lokohin ka ng asawa mo at magkaroon siya ng anak sa ibang babae, makikipaghiwalay ka ba?”
Napakunot ang noo ni Viara, medyo personal na iyon pero sa huli, pinili niyang sagutin pa rin. “Ang relasyon ay binubuo ng dalawang taong parehong nagbibigay ng tiwala at kapag nagtaksil ang isa, hindi na pareho ang pundasyon ng relasyon. Hindi kailangang manatili sa isang pagsasama kung wala na itong respeto.”
Ilang segundo ang lumipas ay sumagot ito. “Tama ka dyan dok, sana lahat ng asawa ay kagaya mo.”
Napakunot-noo si Viara, hindi niya malaman kung papuri ba iyon o may ibang ibig sabihin. Maya-maya ay nag-offline na ang babae, napailing si Viara habang nakatingin sa gray na profile picture. Kung hindi lang siya nakatali sa professional ethics, baka pinagsabihan na niya ng walang preno ang babaeng iyon pero pasyente niya ito. Anuman ang sabihin o ikuwento nito, mananatiling pribado ang lahat.
Natigilan siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. “Hello?”
“Viara!” Boses iyon ng matalik niyang kaibigan na si Mira. “May nakita ako kanina.”
“Ano?” bored niyang tanong sa kaibigan.
“Bumalik na raw sa Pilipinas si Serena.” Natahimik si Viara sa sinabi nito. “At may kasama siyang bata.”
Parang tinapunan siya ng malamig na tubig dahil sa narinig at hindi niya alam kung bakit, pero kusang napunta ang tingin niya sa laptop.
Sa gray na profile picture ng pasyente niyang kanina lamang ay kausap niya. Serena din kasi ang pangalan nito.
“Viara? Naririnig mo ba ako?”
Napakurap siya at agad na bumalik sa usapan. “Oo, naririnig kita.”
“Bakit parang wala kang reaction?”
“Wala naman akong dapat ikabahala. Kung bumalik siya, ano naman?”
“Paano kung may binabalak na naman siya sa’yo? Nakalimutan mo na ba kung bakit siya pinaalis noon?”
Hindi iyon makakalimutan ni Viara, si Serena ang babaeng minsang nagtangkang sirain ang pagsasama nila ni Alarick noong araw ng kasal nila, nilagyan nito ng gamot ang iniinom niya at sinubukang ipahamak si Viara sa ibang lalaki. Mabuti na lamang at nalaman iyon ni Alarick bago pa tuluyang mangyari ang gusto nito.
Iyon din ang unang pagkakataong nakita ni Viara ang asawa niyang mawalan ng kontrol sa galit. Namumula ang mga mata ni Alarick habang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Serena, kung hindi dumating ang ina nito para pigilan siya, hindi alam ni Viara kung ano ang pweding mangyari.
Pagkatapos noon, ipinadala ni Alarick si Serena sa ibang bansa at tuluyang pinutol ang ilang negosyo sa pamilya nito.
Kaya hanggang ngayon, malinaw pa rin kay Viara kung bakit ayaw niyang marinig ang pangalan ni Serena.
“May anak na pala siya,” mahinang sabi ni Viara. “Baka may sarili na siyang buhay ngayon. Bakit pa niya ako guguluhin?”
“May punto ka rin at saka, mahal na mahal ka ni Alarick. Kahit ano pa ang gawin ni Serena, hindi niya iyon papayagan.”
Bago pa makasagot si Viara, naputol ang tawag kaya napabuntong-hininga siya. Siguro nga wala na siyang dapat ipag-alala. Maya-maya, may panibagong pasyente na pumasok sa online consultation kaya ibinalik niya ang buong atensyon sa trabaho.
---
Alas-singko nang isara ni Viara ang laptop. Hinawakan niya ang bilog niyang tiyan habang dahan-dahang tumatayo. Ilang linggo na lang at manganganak na siya.
Matagal nang hinihiling ni Alarick na mag-leave na siya, pero ayaw pa niyang manatili lang sa bahay. Bilang psychiatrist ng ospital, gusto rin niyang matulungan ang mga bagong intern bago siya tuluyang mag-maternity leave.
Paglabas niya, agad niyang nakita si Alarick na naghihintay sa tabi ng kotse. Napangiti siya nang maalala ang unang pagkakataong hinintay siya nito tatlong taon na ang nakalipas.
Noon, bagong graduate pa lamang siya at tutol ang pamilya ni Alarick sa relasyon nila. Magkaiba ang mundo nila, pero hindi siya nito sinukuan.
“Anong iniisip mo?”
Napapitlag si Viara nang marinig ang boses nito. “Wala, naalala ko lang kung gaano ka kasipag manuyo noon. Buti na lang at hindi ka sumuko sa akin.”
Hinawakan ni Alarick ang kamay niya. “Paano ako susuko? Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay. At ngayong may anak na tayo, mas lalo kitang aalagaan.”
Ngumiti si Viara. “Kaya pala ikaw mismo ang sumundo sa akin ngayon. May especial ba sa araw na ‘to?
“May reservation ako sa restaurant. Gusto kong makasama ka ngayong gabi, kaya huwag ka nang magreklamo at sumama ka na sa akin.”
Habang papunta sa kotse, panay ang tanong nito tungkol sa baby. “Pagod ka ba? Kumusta si baby? Madalas pa rin ba siyang sumipa?”
“Hindi ako pagod at oo mas madalas siyang sumipa o maglikot nitong mga nakaraang araw.”
Ngumiti si Alarick habang hinahaplos ang tiyan niya. “Baby, huwag mong masyadong pahirapan si Mommy. Kapag lumabas ka na, ako na ang bahala sa inyong dalawa.”
Napatawa si Viara. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay kumpleto na ang buhay niya pero nang buksan ni Alarick ang p***o ng kotse ay bigla niyang naamoy ang isang matamis na pabango.
Pamilyar na pamilyar iyon, napahinto siya at muling suminghot bago tumingin kay Alarick. “Bakit may amoy ng pabango ng babae sa kotse mo? At bakit parang pamilyar sa akin ’yung amoy na ’yan?”
Agad na lumapit si Alarick kay Viara ng sabihin iyon ng kuya niyang si Alistair. “Viara, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan—”“Tumigil ka.” Napaatras siya nang tangkain nitong hawakan siya. “Ilang beses mo na akong sinabihan na wala kang tinatago. Ngayon, mismong kapatid mo ang nagsasabing may sikreto ka tungkol sa anak natin kaya gusto kong marinig ang totoo.”Tumingin si Alistair kay Alarick bago nagsalita. “Hindi ko gustong malaman mo ito sa ganitong paraan, pero mas ayokong patuloy kang maniwala sa kasinungalingan niya.”“Anong kasinungalingan?”“Sabihin mo sa kanya,” malamig na sabi ni Alistair kay Alarick. “Pagod na akong panoorin kang magsinungaling sa asawa mo.”Napatitig si Viara kay Alarick. “Magsinungaling tungkol saan?”“Viara, makinig ka muna sa akin.”“Hindi! Ikaw ang makinig sa akin.” Namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nalaman kong may relasyon kayo ni Serena, at hindi mo sinabi sa akin na bumalik siya. Hindi mo sinabi na pumupunta
Hindi mapakali si Viara kinabukasan, kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na wala siyang dapat ipagduda kay Alarick, hindi niya makalimutan ang tungkol kay Serena.Maagang umalis si Alarick para sa meeting. Bago ito lumabas ng pinto, hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka muna ngayon. Huwag kang masyadong mag-isip dahil malapit ka nang manganak.”“Alarick,” tawag ni Viara. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang dapat sabihin sa akin tungkol kay Serena?”Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Wala, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin.”Tumango si Viara, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Bandang tanghali, habang nagpapahinga siya sa bahay, may pumasok na mensahe mula sa unknown number. “Kung gusto mong malaman ang totoo tungkol sa asawa mo, pumunta ka sa Melendez Hospital. 9th floor.”Ilang segundo siyang nakatitig sa screen, hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero naalala niya agad ang gabing na
Makalipas ang ilang sandali, saka sinagot ni Alarick ang tawag. “Viara.” Paos at antok ang boses nito, na para bang kagigising lang.“Bakit hindi ka umuwi kagabi?” diretso niyang tanong.“Natagalan ako sa kumpanya hanggang madaling-araw kaya natulog na lang ako sa break room. Ayokong umuwi at baka magising pa kita.”“Sigurado ka?”“Wala ka bang tiwala sa akin?” nanghahamong tanong nito sa kanya.“Hindi naman sa gano’n. Nag-aalala lang ako, baka may nangyari sa kumpanya at ayaw mong sabihin sa akin.”“Okay na ang problema, kaya huwag ka nang mag-alala, naayos na lahat.”“Okay, pero sa susunod, sabihin mo sa akin kung may problema. Mag-asawa tayo, Alarick. Hindi mo kailangang solohin lahat.”Pagkababa ng tawag, naghanda na si Viara para sa trabaho. Gaya ng dati, si Daniel ang naghatid sa kanya sa ospital. Tanghali na nang lapitan siya ng isang kasamahan. “Viara, puwede bang ikaw muna ang humawak ng online consultation ko? Masakit talaga ang tiyan ko at kailangan kong magpatingin.”“Sige
Bahagyang natigilan si Alarick bago sumagot. “Babae ’yung kausap ko tungkol sa collaboration kanina. Nasira ang sasakyan niya at nasa talyer, kaya hinatid ko muna siya sa opisina pagkatapos naming pirmahan ang kontrata, wala namang ibang ibig sabihin.”Tumango si Viara, wala naman siyang nakitang dahilan para pagdudahan ito. “Okay, akala ko kasi pamilyar ’yung pabango.”Tinulungan siya ni Alarick na makasakay bago sila pumunta sa restaurant. Habang kumakain, panay ang asikaso nito sa kanya. Nang maihain ang hipon, nagsuot pa ito ng gloves at isa-isang binalatan ang mga iyon.“Alarick, kaya ko namang balatan ang hipon. Buntis lang ako, hindi baldado. Simula kanina, halos ayaw mo na akong gumawa ng kahit ano.”Ngumiti si Alarick habang inilalagay ang hipon sa plato niya. “Hayaan mo na ako mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa’yo. Kumain ka nang mabuti at huwag mo nang isipin ang ibang bagay. Ikaw at ang baby ang importante sa akin.”“Lagi ka talagang ganyan kaya lalo akong nasasanay na i
“Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at p







