LOGINBahagyang natigilan si Alarick bago sumagot. “Babae ’yung kausap ko tungkol sa collaboration kanina. Nasira ang sasakyan niya at nasa talyer, kaya hinatid ko muna siya sa opisina pagkatapos naming pirmahan ang kontrata, wala namang ibang ibig sabihin.”
Tumango si Viara, wala naman siyang nakitang dahilan para pagdudahan ito. “Okay, akala ko kasi pamilyar ’yung pabango.”
Tinulungan siya ni Alarick na makasakay bago sila pumunta sa restaurant. Habang kumakain, panay ang asikaso nito sa kanya. Nang maihain ang hipon, nagsuot pa ito ng gloves at isa-isang binalatan ang mga iyon.
“Alarick, kaya ko namang balatan ang hipon. Buntis lang ako, hindi baldado. Simula kanina, halos ayaw mo na akong gumawa ng kahit ano.”
Ngumiti si Alarick habang inilalagay ang hipon sa plato niya. “Hayaan mo na ako mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa’yo. Kumain ka nang mabuti at huwag mo nang isipin ang ibang bagay. Ikaw at ang baby ang importante sa akin.”
“Lagi ka talagang ganyan kaya lalo akong nasasanay na inaasikaso mo.”
“Wala namang masama roon, kung kaya kong gawin para sa’yo, gagawin ko.”
Napangiti si Viara, ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Alarick. Nasa tabi niya ‘yon kaya inabot niya. “Sasagutin ko ba?”
“’Wag muna, unknown number lang ’yan.”
Ibinaba ni Viara ang tawag, ngunit ilang segundo lang ay muling tumunog ang parehong numero. “Alarick, baka importante. Dalawang beses nang tumatawag.”
Kinuha nito ang cellphone at sumagot. “Hello?” Tahimik itong nakinig sa kabilang linya at unti-unting nagbago ang ekspresyon nito.
“Ano’ng nangyari?” tanong ni Viara nang ibaba nito ang tawag.
“May urgent na problema sa kumpanya, kailangan kong pumunta roon.”
“Ngayon mismo?”
“Oo pero ihahatid muna kita sa bahay bago ako bumalik.”
“Hindi na kailangan, tawagan mo na lang si Daniel para sunduin ako. Ayokong ma-delay ka dahil sa akin.”
“Ihahatid muna kita, hindi ko kayang iwan ka dito nang mag-isa.”
Hinawakan ni Viara ang kamay nito at inilagay sa kanyang tiyan. “Pumunta ka na, kami na ni baby ang maghihintay sayo sa bahay. Baka maubusan pa kami ng pambili ng gatas kung hindi ka magtatrabaho.”
Napatawa si Alarick. “Sige, susunod ako pero kumain ka nang mabuti at huwag kang magpupuyat.”
Hindi nagtagal, dumating si Daniel para sunduin siya. Habang pauwi, nag-message si Viara kay Alarick. “Kumusta sa kumpanya? Okay na ba ang problema?”
“Inaayos na, huwag kang mag-alala. Hindi naman malaking problema, magpahinga ka na pag-uwi.” Mabilis nitong reply.
“Sige, magiingat ka.”
Pagkababa niya ng cellphone, naisip niyang tawagan si Mira. “Pinaka-busy kong kaibigan, kumain ka na ba?”
Ngunit ibang babae ang sumagot. “Kaunti na lang po ang IV niya. Pagkatapos nito, puwede na siyang magpahinga.”
Napakunot-noo si Viara. “Mira?”
“Viara...” mahinang sagot ng kaibigan.
“Nasaan ka? Bakit may nurse na sumasagot sa cellphone mo?”
“Nasa ospital ako, naaksidente ako kanina habang nagmamaneho.”
Nanlaki ang mata ni Viara. “Ano?! Nasaan ka ngayon? Anong ospital? Sabihin mo sa akin dahil pupunta ako riyan.”
“Melendez Hospital, pero minor lang, Viara. Nabalian lang ako nang kaunti sa kaliwang braso.”
“Minor o hindi, pupuntahan kita. Huwag kang aalis diyan.”
Pagkababa ng tawag, agad niyang sinabi kay Daniel na dumiretso sa Melendez Hospital.
Pagdating nila, mabilis siyang pumunta sa inpatient department. Ngunit bago pa man siya makasakay sa elevator, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki, si Alarick.
May hawak itong shopping bag habang nakatingin sa cellphone. “Alarick? Anong ginagawa mo rito?”
Napatingin ito sa kanya. “Viara? Akala ko nakauwi ka na. May pinuntahan akong kliyente rito.”
“Si Mira ang pinuntahan ko, naaksidente siya.”
Tumango si Alarick. “Okay lang ba siya?”
“Minor fracture lang daw.”
Pumasok sila sa elevator. “Anong floor si Mira?”
“10th floor.”
Pinindot ni Alarick ang number 10, saka ang number 9.
“Bakit nine?” naguguluhang tanong niya.
“May kailangan lang akong dalhin sa isang kliyente.”
Napatingin si Viara sa shopping bag. Pamilyar sa kanya ang logo. “Ano ’yang dala mo?”
“Mga gamit para sa baby, manganganak kasi ang asawa ng kliyente ko at pinakiusapan niya akong dalhin.”
Tumango si Viara. “Gusto mo bang samahan kita?”
“Kung gusto mo, may mga gamit din doon na baka magustuhan mo para kay baby.”
“Hindi na, puntahan mo na ang kliyente mo. Nag-aalala pa ako kay Mira.”
Pagdating sa 10th floor, hindi agad lumabas si Alarick. “Ihahatid pa rin kita mamaya sa bahay.”
“Hindi na kailangan, kung may inaasikaso ka pa, huwag ka nang pabalik-balik. Kaya ko na kasama ko naman si Daniel.”
“Sigurado ka?” tanong pa nito.
“Oo, tawagan mo na lang ako kapag tapos ka na.”
Tumango si Alarick bago lumabas. Hindi alam ni Viara na ang taong pinuntahan nito sa 10th floor ay may kaugnayan sa isang lihim na matagal nang itinatago sa kanya.
Pagdating kay Mira, nalaman niyang nawalan ito ng preno habang nagmamaneho kaya nabangga nito ang guardrail.
“Dito ka muna, ako na ang mag-aalaga sa’yo,” sabi ni Viara.
“Hindi pwede, buntis ka. Ikaw nga ang dapat nagpapahinga.”
“Pero nag-aalala ako sa’yo.” Bakas sa boses ni Viara ang pag-aalala habang nakatingin sa kaibigan.
“Okay lang ako, umuwi ka na at magpahinga. Bukas na lang tayo magkita.”
Napilitan si Viara na pumayag at bago siya umalis, nag-message siya kay Alarick. “Pauwi na ako.”
Wala itong reply hanggang sa mag-alas nuwebe ay doon niya natanggap ang reply nito. “Sorry, marami pa akong inaasikaso. Matulog ka na at magpahinga, huwag mo na akong hintayin dahil baka gabihin ako nang husto.”
Kinabukasan, paggising ni Viara, bakante pa rin ang kabilang bahagi ng kama, ibig sabihin ay hindi umuwi si Alarick. Tinawagan niya ito nang ilang beses, ngunit walang sumagot, muling pumasok sa isip niya ang pabango sa kotse, ang kakaibang tawag kagabi, at ang shopping bag na dala nito sa ospital.
Sa unang pagkakataon, hindi niya maiwasang magtanong sa sarili, may tinatago ba sa kanya si Alarick?
Agad na lumapit si Alarick kay Viara ng sabihin iyon ng kuya niyang si Alistair. “Viara, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan—”“Tumigil ka.” Napaatras siya nang tangkain nitong hawakan siya. “Ilang beses mo na akong sinabihan na wala kang tinatago. Ngayon, mismong kapatid mo ang nagsasabing may sikreto ka tungkol sa anak natin kaya gusto kong marinig ang totoo.”Tumingin si Alistair kay Alarick bago nagsalita. “Hindi ko gustong malaman mo ito sa ganitong paraan, pero mas ayokong patuloy kang maniwala sa kasinungalingan niya.”“Anong kasinungalingan?”“Sabihin mo sa kanya,” malamig na sabi ni Alistair kay Alarick. “Pagod na akong panoorin kang magsinungaling sa asawa mo.”Napatitig si Viara kay Alarick. “Magsinungaling tungkol saan?”“Viara, makinig ka muna sa akin.”“Hindi! Ikaw ang makinig sa akin.” Namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nalaman kong may relasyon kayo ni Serena, at hindi mo sinabi sa akin na bumalik siya. Hindi mo sinabi na pumupunta
Hindi mapakali si Viara kinabukasan, kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na wala siyang dapat ipagduda kay Alarick, hindi niya makalimutan ang tungkol kay Serena.Maagang umalis si Alarick para sa meeting. Bago ito lumabas ng pinto, hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka muna ngayon. Huwag kang masyadong mag-isip dahil malapit ka nang manganak.”“Alarick,” tawag ni Viara. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang dapat sabihin sa akin tungkol kay Serena?”Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Wala, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin.”Tumango si Viara, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Bandang tanghali, habang nagpapahinga siya sa bahay, may pumasok na mensahe mula sa unknown number. “Kung gusto mong malaman ang totoo tungkol sa asawa mo, pumunta ka sa Melendez Hospital. 9th floor.”Ilang segundo siyang nakatitig sa screen, hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero naalala niya agad ang gabing na
Makalipas ang ilang sandali, saka sinagot ni Alarick ang tawag. “Viara.” Paos at antok ang boses nito, na para bang kagigising lang.“Bakit hindi ka umuwi kagabi?” diretso niyang tanong.“Natagalan ako sa kumpanya hanggang madaling-araw kaya natulog na lang ako sa break room. Ayokong umuwi at baka magising pa kita.”“Sigurado ka?”“Wala ka bang tiwala sa akin?” nanghahamong tanong nito sa kanya.“Hindi naman sa gano’n. Nag-aalala lang ako, baka may nangyari sa kumpanya at ayaw mong sabihin sa akin.”“Okay na ang problema, kaya huwag ka nang mag-alala, naayos na lahat.”“Okay, pero sa susunod, sabihin mo sa akin kung may problema. Mag-asawa tayo, Alarick. Hindi mo kailangang solohin lahat.”Pagkababa ng tawag, naghanda na si Viara para sa trabaho. Gaya ng dati, si Daniel ang naghatid sa kanya sa ospital. Tanghali na nang lapitan siya ng isang kasamahan. “Viara, puwede bang ikaw muna ang humawak ng online consultation ko? Masakit talaga ang tiyan ko at kailangan kong magpatingin.”“Sige
Bahagyang natigilan si Alarick bago sumagot. “Babae ’yung kausap ko tungkol sa collaboration kanina. Nasira ang sasakyan niya at nasa talyer, kaya hinatid ko muna siya sa opisina pagkatapos naming pirmahan ang kontrata, wala namang ibang ibig sabihin.”Tumango si Viara, wala naman siyang nakitang dahilan para pagdudahan ito. “Okay, akala ko kasi pamilyar ’yung pabango.”Tinulungan siya ni Alarick na makasakay bago sila pumunta sa restaurant. Habang kumakain, panay ang asikaso nito sa kanya. Nang maihain ang hipon, nagsuot pa ito ng gloves at isa-isang binalatan ang mga iyon.“Alarick, kaya ko namang balatan ang hipon. Buntis lang ako, hindi baldado. Simula kanina, halos ayaw mo na akong gumawa ng kahit ano.”Ngumiti si Alarick habang inilalagay ang hipon sa plato niya. “Hayaan mo na ako mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa’yo. Kumain ka nang mabuti at huwag mo nang isipin ang ibang bagay. Ikaw at ang baby ang importante sa akin.”“Lagi ka talagang ganyan kaya lalo akong nasasanay na i
“Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at p







