Share

CHAPTER 4

Author: Yiel
last update publish date: 2026-09-16 19:58:53

Hindi mapakali si Viara kinabukasan, kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na wala siyang dapat ipagduda kay Alarick, hindi niya makalimutan ang tungkol kay Serena.

Maagang umalis si Alarick para sa meeting. Bago ito lumabas ng p***o, hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka muna ngayon. Huwag kang masyadong mag-isip dahil malapit ka nang manganak.”

“Alarick,” tawag ni Viara. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang dapat sabihin sa akin tungkol kay Serena?”

Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Wala, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin.”

Tumango si Viara, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Bandang tanghali, habang nagpapahinga siya sa bahay, may pumasok na mensahe mula sa unknown number. “Kung gusto mong malaman ang totoo tungkol sa asawa mo, pumunta ka sa Melendez Hospital. 9th floor.”

Ilang segundo siyang nakatitig sa screen, hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero naalala niya agad ang gabing nakita niya si Alarick sa 9th floor dala ang isang bag ng gamit para sa baby.

Tinawagan niya ito pero walang sumasagot, muli siyang tumawag, pero wala pa rin. Sa halip na maghintay, kinuha niya ang bag niya at nagpasundo kay Daniel.

Pagdating sa ospital, mabilis siyang umakyat sa 9th floor. Paglabas niya ng elevator, agad niyang nakita si Serena sa hallway at karga nito ang isang sanggol.

Natigilan silang pareho ng magtama ang kanilang mga tingin. “Viara?”

Hindi siya agad nakasagot. Nakatitig lang siya sa bata bago muling tumingin kay Serena. “Anong ginagawa mo rito?”

“Dapat ikaw ang tanungin ko niyan,” sagot ni Serena. “Bakit ka nandito?”

“May nagsabi sa akin na pumunta ako rito.”

“Para saan?” Bago pa makapagsalita si Viara, bumukas ang p***o sa likod ni Serena at lumabas si Alarick.

Pagkakita niya kay Viara, agad na nawala ang kulay sa mukha nito. “Viara…”

“Alarick.” singhap niya sa pangalan ng asawa at ilang segundo silang nagkatitigan.

“Bakit nandito ka?” tanong nito.

“Mas magandang ikaw ang sumagot niyan. Bakit nandito ka kasama si Serena?”

“May inaasikaso lang ako.”

“Trabaho na naman?” sarkastiko niyang tanong at hindi nakasagot si Alarick.

Napatingin si Viara sa sanggol na karga ni Serena. “Anak niya?”

“Viara, umuwi na tayo. Pag-uusapan natin ’to nang maayos.” sa halip ay sagot ni Alarick.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang totoo.”

“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin ‘yan.”

“Kung wala kang tinatago, bakit ayaw mong sabihin dito mismo?” Hamong tanong ni Viara dahilan para mapayuko si Alarick at doon tuluyang nanginig ang kamay ni Viara. “Alarick, may relasyon ba kayo ni Serena?”

“Viara…”

“Sumagot ka.” Madiing sabi niya dito.

Huminga nang malalim si Alarick. “Oo.”

Parang biglang nawala ang ingay sa paligid ni Viara dahil sa narinig, napatingin siya sa lalaki na ilang taon niyang pinagkatiwalaan. “Gaano na katagal?”

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo.”

“Sabihin mo lang ang totoo, kahit masakit tatanggapin ko huwag mo lang akong lolokohin.”

“Matagal na.” nakayukong sagot ni Alarick sa kanya. 

Napatawa si Viara nang mahina, pero mabilis ding napuno ng luha ang mga mata niya. “Matagal na pala kaya pala ang dali mong magsinungaling sa akin. Habang nagtitiwala ako sa’yo, may iba ka palang buhay na hindi ko alam.”

“Hindi ko sinasadyang umabot sa ganito.”

“Pero hinayaan mong umabot dito.” asik niyang sagot kay Alarick.

“Viara, mahal kita patawarin mo ako.” 

“Kung mahal mo ako, hindi mo sana ako niloko.” Sumbat niya rito. Napayuko si Alarick, lalo siyang nasaktan sa kawalan nito ng maisagot. Maya-maya, napatingin siya kay Serena. “Ikaw rin pala ’yung kausap ko online.”

 Namula si Serena at hindi makatingin nang diretso. “Hindi ko alam na ikaw ’yung doktor na kausap ko,” mahina nitong sabi.

“Pero alam mong asawa ko si Alarick.”

“Viara, hindi ko gustong—”

“Enough.”

Pinahid ni Viara ang luha sa pisngi niya. “Hindi ko kayang marinig pa ang mga dahilan ninyo.”

Agad siyang nilapitan ni Alarick. “Umuwi na tayo, please. Pag-usapan natin ito nang tayong dalawa lang.”

Umatras siya. “Huwag mo akong hawakan.” Napahinto ito sa sinabi niya. “Sa lahat ng pagkakataon na sinabi mong mahal mo ako, alin doon ang totoo?” nanginginig na tanong ni Viara. “Noong gabi na hindi ka umuwi? Noong sinabi mong may problema sa kumpanya? O noong pumunta ka rito para sa kanya?”

“Lahat ng sinabi ko sa’yo tungkol sa pagmamahal ko, totoo.”

“Pero hindi sapat ang pagmamahal kung kaya mo akong lokohin.”

Bago pa makasagot si Alarick, biglang bumukas ang elevator. Isang lalaking matangkad at naka-dark suit ang lumabas. Mabigat ang bawat hakbang nito habang papalapit sa kanila.

Pagkakita ni Alarick sa lalaki, bigla itong natigilan. “Alistair…” bulalas nito sa pangalan ng nakatatandang kapatid.

Tumigil ang lalaki sa harapan nila at sapat na ang malamig nitong tingin para tuluyang manahimik ang lahat. Tumingin muna ito kay Serena, saka kay Alarick. “Akala ko malinaw na sa’yo na hindi mo na dapat ilapit ang babaeng ‘yan sa pamilya natin.”

Nanlaki ang mga mata ni Viara. “Anong ibig mong sabihin?”

Hindi sumagot si Alarick, lumipat ang tingin ni Alistair kay Viara. Saglit niya itong tinitigan bago bumaba ang tingin sa tiyan nito. “Viara, kailangan nating mag-usap.”

“Bakit? Tungkol saan?”

Huminga nang malalim si Alistair. “Dahil may isang bagay kang dapat malaman tungkol sa anak mo na hindi sinabi sa’yo ni Alarick.”

Namutla si Alarick. “Alistair, huwag.”

Doon tuluyang kinabahan si Viara. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, halos pabulong. “Ano ang hindi niya sinabi sa akin tungkol sa anak ko?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy   CHAPTER 5

    Agad na lumapit si Alarick kay Viara ng sabihin iyon ng kuya niyang si Alistair. “Viara, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan—”“Tumigil ka.” Napaatras siya nang tangkain nitong hawakan siya. “Ilang beses mo na akong sinabihan na wala kang tinatago. Ngayon, mismong kapatid mo ang nagsasabing may sikreto ka tungkol sa anak natin kaya gusto kong marinig ang totoo.”Tumingin si Alistair kay Alarick bago nagsalita. “Hindi ko gustong malaman mo ito sa ganitong paraan, pero mas ayokong patuloy kang maniwala sa kasinungalingan niya.”“Anong kasinungalingan?”“Sabihin mo sa kanya,” malamig na sabi ni Alistair kay Alarick. “Pagod na akong panoorin kang magsinungaling sa asawa mo.”Napatitig si Viara kay Alarick. “Magsinungaling tungkol saan?”“Viara, makinig ka muna sa akin.”“Hindi! Ikaw ang makinig sa akin.” Namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nalaman kong may relasyon kayo ni Serena, at hindi mo sinabi sa akin na bumalik siya. Hindi mo sinabi na pumupunta

  • Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy   CHAPTER 4

    Hindi mapakali si Viara kinabukasan, kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na wala siyang dapat ipagduda kay Alarick, hindi niya makalimutan ang tungkol kay Serena.Maagang umalis si Alarick para sa meeting. Bago ito lumabas ng pinto, hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka muna ngayon. Huwag kang masyadong mag-isip dahil malapit ka nang manganak.”“Alarick,” tawag ni Viara. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang dapat sabihin sa akin tungkol kay Serena?”Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Wala, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin.”Tumango si Viara, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Bandang tanghali, habang nagpapahinga siya sa bahay, may pumasok na mensahe mula sa unknown number. “Kung gusto mong malaman ang totoo tungkol sa asawa mo, pumunta ka sa Melendez Hospital. 9th floor.”Ilang segundo siyang nakatitig sa screen, hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero naalala niya agad ang gabing na

  • Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy   CHAPTER 3

    Makalipas ang ilang sandali, saka sinagot ni Alarick ang tawag. “Viara.” Paos at antok ang boses nito, na para bang kagigising lang.“Bakit hindi ka umuwi kagabi?” diretso niyang tanong.“Natagalan ako sa kumpanya hanggang madaling-araw kaya natulog na lang ako sa break room. Ayokong umuwi at baka magising pa kita.”“Sigurado ka?”“Wala ka bang tiwala sa akin?” nanghahamong tanong nito sa kanya.“Hindi naman sa gano’n. Nag-aalala lang ako, baka may nangyari sa kumpanya at ayaw mong sabihin sa akin.”“Okay na ang problema, kaya huwag ka nang mag-alala, naayos na lahat.”“Okay, pero sa susunod, sabihin mo sa akin kung may problema. Mag-asawa tayo, Alarick. Hindi mo kailangang solohin lahat.”Pagkababa ng tawag, naghanda na si Viara para sa trabaho. Gaya ng dati, si Daniel ang naghatid sa kanya sa ospital. Tanghali na nang lapitan siya ng isang kasamahan. “Viara, puwede bang ikaw muna ang humawak ng online consultation ko? Masakit talaga ang tiyan ko at kailangan kong magpatingin.”“Sige

  • Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy   CHAPTER 2

    Bahagyang natigilan si Alarick bago sumagot. “Babae ’yung kausap ko tungkol sa collaboration kanina. Nasira ang sasakyan niya at nasa talyer, kaya hinatid ko muna siya sa opisina pagkatapos naming pirmahan ang kontrata, wala namang ibang ibig sabihin.”Tumango si Viara, wala naman siyang nakitang dahilan para pagdudahan ito. “Okay, akala ko kasi pamilyar ’yung pabango.”Tinulungan siya ni Alarick na makasakay bago sila pumunta sa restaurant. Habang kumakain, panay ang asikaso nito sa kanya. Nang maihain ang hipon, nagsuot pa ito ng gloves at isa-isang binalatan ang mga iyon.“Alarick, kaya ko namang balatan ang hipon. Buntis lang ako, hindi baldado. Simula kanina, halos ayaw mo na akong gumawa ng kahit ano.”Ngumiti si Alarick habang inilalagay ang hipon sa plato niya. “Hayaan mo na ako mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa’yo. Kumain ka nang mabuti at huwag mo nang isipin ang ibang bagay. Ikaw at ang baby ang importante sa akin.”“Lagi ka talagang ganyan kaya lalo akong nasasanay na i

  • Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy   CHAPTER 1

    “Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status