LOGINAgad na lumapit si Alarick kay Viara ng sabihin iyon ng kuya niyang si Alistair. “Viara, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan—”
“Tumigil ka.” Napaatras siya nang tangkain nitong hawakan siya. “Ilang beses mo na akong sinabihan na wala kang tinatago. Ngayon, mismong kapatid mo ang nagsasabing may sikreto ka tungkol sa anak natin kaya gusto kong marinig ang totoo.”
Tumingin si Alistair kay Alarick bago nagsalita. “Hindi ko gustong malaman mo ito sa ganitong paraan, pero mas ayokong patuloy kang maniwala sa kasinungalingan niya.”
“Anong kasinungalingan?”
“Sabihin mo sa kanya,” malamig na sabi ni Alistair kay Alarick. “Pagod na akong panoorin kang magsinungaling sa asawa mo.”
Napatitig si Viara kay Alarick. “Magsinungaling tungkol saan?”
“Viara, makinig ka muna sa akin.”
“Hindi! Ikaw ang makinig sa akin.” Namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nalaman kong may relasyon kayo ni Serena, at hindi mo sinabi sa akin na bumalik siya. Hindi mo sinabi na pumupunta ka rito at ilang beses mo akong pinaniwalang trabaho ang dahilan kung bakit hindi ka umuuwi. Tapos ngayon, may tinatago ka pa tungkol sa anak ko?”
Walang naisagot si Alarick kaya napatingin si Viara kay Alistair. “Sabihin mo sa akin, kung ayaw niyang sabihin ang totoo, ikaw ang magsabi sa akin.”
Huminga nang malalim si Alistair. “Hindi kay Alarick ang anak na dinadala mo.”
Nanigas si Viara. “Anong sabi mo?”
“Alistair, tama na!” sigaw ni Alarick.
Hindi ito pinansin ni Alistair. “Hindi si Alarick ang ama ng anak mo, Viara.”
Umiling si Viara. “Hindi, impossible ‘yang sinasabi mo, kung ganun sino? Siya lang ang asawa ko! May ebidensya ka ba?” tanong niya. “O gusto mo lang sirain ang pamilya namin?”
“Wala akong balak sirain ang pamilyang matagal ng sira, bakit ko ‘to sinasabi? Dahil may nangyari bago pa kayo ikasal ni Alarick,” sagot ni Alistair.
“Anong nangyari?”
“Sabihin mo sa kanya,” utos ni Alistair kay Alarick.
Namumutla si Alarick. “Hindi ko kaya.”
Mapait na natawa si Viara. “Kaya mong lokohin ako at kaya mong magkaroon ng relasyon sa ibang babae at magsinungaling sa akin gabi-gabi. Pero hindi mo kayang sabihin kung sino ang ama ng anak ko?”
“Ginawa ko ang lahat para hindi ka masaktan!”
“Hindi mo ako sinaktan sa lagay na ‘to?” Napahawak si Viara sa dibdib niya. “Buntis ako, Alarick. Habang iniisip kong may asawa akong nagmamahal sa akin, may iba ka pa lang babae at may sikreto ka pa tungkol sa anak ko!”
Napayuko si Alarick sa sinabi niya.
Nang hindi ito sumagot ay muling nagsalita si Alistair. “Viara, kung gusto mong malaman ang buong katotohanan, kailangan mong malaman kung sino talaga ang ama ng anak mo.”
“Sabihin mo sa akin kung sino.” Hamon na sabi ni Viara.
“Hindi mo na kailangang hulaan dahil nasa harapan mo siya.” Sagot nito dahilan para mapatingin si Viara kay Alarick at kay Alistair.
Hindi na niya kailangang magsalita dahil kita niya ang takot sa mukha ni Alarick lalo na ng dahan-dahang inilabas ni Alistair ang isang maliit na sobre mula sa loob ng coat niya. “May test result ako.”
Iniabot niya iyon kay Viara, pero bago pa niya mahawakan, mabilis iyong hinablot ni Alarick. “Hindi!”
Napatingin si Viara sa kamay nitong nanginginig. Doon niya tuluyang naintindihan na hindi lang simpleng sikreto ang pilit nitong itinatago. “Alarick…” mahina niyang sabi. “Ano ang nasa loob niyan?”
Hindi ito sumagot kaya kinuha ni Viara ang sobre mula sa kamay nito at binuksan iyon. Isang pangalan ang unang bumungad sa kanyang mga mata, Alistair Sandoval, isa lang ang ibig sabihin nito.
Nanlamig ang buong katawan niya. “Hindi…” Napahawak siya sa tiyan niyang ilang buwan pa lamang ang dinadala habang unti-unting bumagsak ang mga luha sa kanyang pisngi.
At mula sa likod niya, narinig niya ang boses ni Alistair. “Viara, ako ang ama ng anak mo.”
Parang tumigil ang mundo ni Viara sa narinig niya. Ilang segundo siyang nakatitig kay Alistair habang hindi makapagsalita. “Hindi…” paulit-ulit siyang umiling. “Hindi puwedeng ikaw. Paano naging ikaw ang ama ng anak ko?”
Lumapit si Alistair, pero nanatili siya ng ilang hakbang ang layo kay Viara. “Alam kong mahirap itong tanggapin, pero hindi kita hahayaang mabuhay sa kasinungalingan.”
Napatingin si Viara kay Alarick. “Alam mo?”
Hindi sumagot ang asawa niya at sapat na iyon para tuluyang bumagsak ang luha niya.
“Alam mo pala…” mahina niyang sabi. “Buong panahong ipinagmamalaki kong asawa kita, alam mong hindi sa’yo ang anak ko.”
“Viara, please…”
“Wala ka nang karapatang magsabi sa akin ng ‘please’.” Napahawak siya sa tiyan niya. “Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang pagtataksil mo o ang malaman kong hindi ikaw ang ama ng dinadala ko.”
Natahimik si Alarick, samantala, nanatiling nakatingin si Alistair kay Viara.
“May isa pang bagay na kailangan mong malaman.”
Napatingin siya rito, kahit nanginginig na ang buong katawan niya. “Ano pa?”
Huminga nang malalim si Alistair bago nagsalita. “Hindi aksidente ang nangyari noong gabing iyon.” Nanlaki ang mga mata ni Viara. “At si Alarick…” saglit itong tumingin sa kapatid niya, “alam niya kung ano talaga ang nangyari.”
Napatitig si Viara kay Alarick, sa pagkakataong iyon, wala na siyang ibang gustong marinig kundi ang buong katotohanan.
“Alarick…” nanginginig niyang sabi. “Ano ang ginawa mo sa akin?”
Agad na lumapit si Alarick kay Viara ng sabihin iyon ng kuya niyang si Alistair. “Viara, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan—”“Tumigil ka.” Napaatras siya nang tangkain nitong hawakan siya. “Ilang beses mo na akong sinabihan na wala kang tinatago. Ngayon, mismong kapatid mo ang nagsasabing may sikreto ka tungkol sa anak natin kaya gusto kong marinig ang totoo.”Tumingin si Alistair kay Alarick bago nagsalita. “Hindi ko gustong malaman mo ito sa ganitong paraan, pero mas ayokong patuloy kang maniwala sa kasinungalingan niya.”“Anong kasinungalingan?”“Sabihin mo sa kanya,” malamig na sabi ni Alistair kay Alarick. “Pagod na akong panoorin kang magsinungaling sa asawa mo.”Napatitig si Viara kay Alarick. “Magsinungaling tungkol saan?”“Viara, makinig ka muna sa akin.”“Hindi! Ikaw ang makinig sa akin.” Namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nalaman kong may relasyon kayo ni Serena, at hindi mo sinabi sa akin na bumalik siya. Hindi mo sinabi na pumupunta
Hindi mapakali si Viara kinabukasan, kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na wala siyang dapat ipagduda kay Alarick, hindi niya makalimutan ang tungkol kay Serena.Maagang umalis si Alarick para sa meeting. Bago ito lumabas ng pinto, hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka muna ngayon. Huwag kang masyadong mag-isip dahil malapit ka nang manganak.”“Alarick,” tawag ni Viara. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang dapat sabihin sa akin tungkol kay Serena?”Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Wala, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin.”Tumango si Viara, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Bandang tanghali, habang nagpapahinga siya sa bahay, may pumasok na mensahe mula sa unknown number. “Kung gusto mong malaman ang totoo tungkol sa asawa mo, pumunta ka sa Melendez Hospital. 9th floor.”Ilang segundo siyang nakatitig sa screen, hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero naalala niya agad ang gabing na
Makalipas ang ilang sandali, saka sinagot ni Alarick ang tawag. “Viara.” Paos at antok ang boses nito, na para bang kagigising lang.“Bakit hindi ka umuwi kagabi?” diretso niyang tanong.“Natagalan ako sa kumpanya hanggang madaling-araw kaya natulog na lang ako sa break room. Ayokong umuwi at baka magising pa kita.”“Sigurado ka?”“Wala ka bang tiwala sa akin?” nanghahamong tanong nito sa kanya.“Hindi naman sa gano’n. Nag-aalala lang ako, baka may nangyari sa kumpanya at ayaw mong sabihin sa akin.”“Okay na ang problema, kaya huwag ka nang mag-alala, naayos na lahat.”“Okay, pero sa susunod, sabihin mo sa akin kung may problema. Mag-asawa tayo, Alarick. Hindi mo kailangang solohin lahat.”Pagkababa ng tawag, naghanda na si Viara para sa trabaho. Gaya ng dati, si Daniel ang naghatid sa kanya sa ospital. Tanghali na nang lapitan siya ng isang kasamahan. “Viara, puwede bang ikaw muna ang humawak ng online consultation ko? Masakit talaga ang tiyan ko at kailangan kong magpatingin.”“Sige
Bahagyang natigilan si Alarick bago sumagot. “Babae ’yung kausap ko tungkol sa collaboration kanina. Nasira ang sasakyan niya at nasa talyer, kaya hinatid ko muna siya sa opisina pagkatapos naming pirmahan ang kontrata, wala namang ibang ibig sabihin.”Tumango si Viara, wala naman siyang nakitang dahilan para pagdudahan ito. “Okay, akala ko kasi pamilyar ’yung pabango.”Tinulungan siya ni Alarick na makasakay bago sila pumunta sa restaurant. Habang kumakain, panay ang asikaso nito sa kanya. Nang maihain ang hipon, nagsuot pa ito ng gloves at isa-isang binalatan ang mga iyon.“Alarick, kaya ko namang balatan ang hipon. Buntis lang ako, hindi baldado. Simula kanina, halos ayaw mo na akong gumawa ng kahit ano.”Ngumiti si Alarick habang inilalagay ang hipon sa plato niya. “Hayaan mo na ako mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa’yo. Kumain ka nang mabuti at huwag mo nang isipin ang ibang bagay. Ikaw at ang baby ang importante sa akin.”“Lagi ka talagang ganyan kaya lalo akong nasasanay na i
“Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at p







