LOGINMakalipas ang ilang sandali, saka sinagot ni Alarick ang tawag. “Viara.” Paos at antok ang boses nito, na para bang kagigising lang.
“Bakit hindi ka umuwi kagabi?” diretso niyang tanong.
“Natagalan ako sa kumpanya hanggang madaling-araw kaya natulog na lang ako sa break room. Ayokong umuwi at baka magising pa kita.”
“Sigurado ka?”
“Wala ka bang tiwala sa akin?” nanghahamong tanong nito sa kanya.
“Hindi naman sa gano’n. Nag-aalala lang ako, baka may nangyari sa kumpanya at ayaw mong sabihin sa akin.”
“Okay na ang problema, kaya huwag ka nang mag-alala, naayos na lahat.”
“Okay, pero sa susunod, sabihin mo sa akin kung may problema. Mag-asawa tayo, Alarick. Hindi mo kailangang solohin lahat.”
Pagkababa ng tawag, naghanda na si Viara para sa trabaho. Gaya ng dati, si Daniel ang naghatid sa kanya sa ospital. Tanghali na nang lapitan siya ng isang kasamahan. “Viara, puwede bang ikaw muna ang humawak ng online consultation ko? Masakit talaga ang tiyan ko at kailangan kong magpatingin.”
“Sige, ako na muna. Magpahinga ka muna at magpacheck-up.”
Pag-login niya sa account, nagulat siyang makita ang message ng parehong babaeng nakausap niya kahapon. “Dok, kagabi, kasama niya ako at ang anak namin buong gabi. Iniwan niya ang asawa niya para samahan kami. Ibig bang sabihin, mas mahalaga kami sa kanya kaysa sa asawa niya?
Napabuntong-hininga si Viara bago sumagot. Bilang psychiatrist, kailangan niyang manatiling professional kahit hindi siya sang-ayon sa ginagawa ng pasyente.
“Naiintindihan kong mahalaga sa’yo ang lalaking iyon, pero may asawa siya. Sa tingin mo ba magiging maayos at pantay ang relasyon ninyo kung nagsimula ito sa pagtatago at panloloko?” tipa niya at sabay send sa babae.
“Sinabi niyang pananagutan niya ako at ang anak namin. Naniniwala ako sa kanya, kailangan lang niya ng panahon para ayusin ang kasal niya, kaya kong maghintay dahil alam kong mahal niya ako.”
“Kung talagang responsable siya, bakit niya kailangang lokohin ang asawa niya? Ang pagmamahal dapat may respeto at katapatan. Mahirap mabuhay sa relasyong kailangan mong itago at lagi kang naghihintay kung kailan ka niya pipiliin.” Mahinahong sagot ni Viara.
Hindi agad sumagot ang babae, pero maya-maya ay nagpadala ulit ito ng mensahe. “Dok, sabi mo kahapon, hindi dapat kumapit sa relasyong wala nang tunay na pagmamahal. Kung ikaw ang asawa niya, makikipaghiwalay ka rin, hindi ba?”
Napakunot ang noo ni Viara. Ano ba ’tong babaeng ’to? Gusto sana niyang sabihin na maayos ang pagsasama nila ni Alarick at wala siyang dahilan para makipaghiwalay pero pasyente niya ang kausap niya, kaya pinili niyang sagutin ito nang maayos. “May sarili akong limitasyon pagdating sa relasyon. Kung mawala man ang respeto at pagmamahal, hindi ko pipilitin ang sarili kong manatili.”
“Tama, dapat marunong ding umalis ang original wife dahil wala ng saysay ang kumapit pa kung ayaw na sa kanya ng asawa niya.”
Napatingin si Viara sa screen, grabe siya na nga ang kabit, siya pa ang may ganang magsabi kung sino ang dapat umalis. Mabuti na lang at nag-offline na ito bago pa siya tuluyang mawalan ng pasensya.
---
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso si Viara sa Melendez Hospital para dalhan ng pagkain si Mira. Habang kumakain sila, biglang may naalala ang kaibigan niya. “By the way, narinig ko na hindi raw maganda ang kondisyon ng anak ni Serena. Naospital daw sila pagkatapos nilang bumalik dito.”
Napatingin si Viara. “Talaga? Ano raw ang nangyari sa bata?”
“Hindi ko alam pero may narinig ako kanina sa legal department ng Sandoval Group. Mukhang pinag-uusapan nila ang posibilidad na makipag-collaborate ang kumpanya ninyo sa Mendez Group. Siyempre, nang marinig ng mga tao ang pangalan ni Serena, napunta na naman sa dati ninyong issue ang usapan.”
Kumunot ang noo ni Viara. “Makikipag-collaborate ang Sandoval Group sa Mendez Group? Bakit hindi sinabi sa akin ni Alarick?”
“Hindi mo ba siya tinanong? O wala man lang siyang sinabi?”
“Hindi, ngayon ko lang narinig.”
“Siguro tanungin mo siya pag-uwi mo. Lalo na’t may history kayo ni Serena. Baka may dahilan kung bakit hindi pa niya sinasabi.”
Tumango si Viara, pero hindi nawala sa isip niya ang sinabi ni Mira. Kung pinag-uusapan na ng kumpanya ang pakikipag-collaborate sa Mendez Group, malamang alam na rin ni Alarick na nakabalik na si Serena. Bakit hindi nito sinabi?
---
Mag-aalas-onse na ng makauwi si Alarick at nadatnan niyang nagbabasa pa si Viara sa kama. “Hindi ba sinabi kong huwag mo akong hintayin? Buntis ka pa at kailangan mong matulog nang maaga.”
Isinara ni Viara ang libro. “Hindi naman kita hinihintay, may gusto lang akong itanong.”
Umupo si Alarick sa tabi niya at marahang minasahe ang namamagang binti niya. “Ano ’yon?”
“May balak ba talagang makipag-collaborate ang Sandoval Group sa Mendez Group?”
Saglit itong natahimik. “Sinabi ni Mira?”
“Oo ngayon ko lang nalaman.”
“Hindi pa naman final. Ayaw ko sanang sabihin sa’yo hangga’t hindi sigurado dahil ayokong ma-stress ka. Plano ko sanang pag-usapan natin pagkatapos mong manganak.”
“Akala ko may tinatago ka sa akin.”
“Wala at kung hindi ka komportable, hindi ko itutuloy. Kahit tutulan pa ako ng shareholders, hindi ako makikipag-deal sa kanila kung magiging problema iyon sa’yo.”
Napabuntong-hininga si Viara. “Hindi naman kailangang umabot sa gano’n. Kung makakatulong naman sa kumpanya at wala namang problema, bakit natin tatanggihan? Malapit na ring dumating si baby, kaya kailangan nating mag-ipon para sa mga gastusin.”
Ngumiti si Alarick. “Kaya kita mahal eh, lagi mong iniisip ang lahat bago ang sarili mo.”
“Basta huwag mo na lang ililihim sa akin ang mga bagay na dapat alam ko.”
“Hindi na.” Saglit silang natahimik bago biglang may naalala si Alarick. “By the way, may sinabi si Dirk, nakabalik na raw sa bansa ang kapatid niya.”
Napatingin si Viara sa kanya. “Si Serena?”
Tumango si Alarick at sa muling pagbanggit sa pangalan nito, bumalik sa isip ni Viara ang lahat ng nangyari noon.
Agad na lumapit si Alarick kay Viara ng sabihin iyon ng kuya niyang si Alistair. “Viara, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan—”“Tumigil ka.” Napaatras siya nang tangkain nitong hawakan siya. “Ilang beses mo na akong sinabihan na wala kang tinatago. Ngayon, mismong kapatid mo ang nagsasabing may sikreto ka tungkol sa anak natin kaya gusto kong marinig ang totoo.”Tumingin si Alistair kay Alarick bago nagsalita. “Hindi ko gustong malaman mo ito sa ganitong paraan, pero mas ayokong patuloy kang maniwala sa kasinungalingan niya.”“Anong kasinungalingan?”“Sabihin mo sa kanya,” malamig na sabi ni Alistair kay Alarick. “Pagod na akong panoorin kang magsinungaling sa asawa mo.”Napatitig si Viara kay Alarick. “Magsinungaling tungkol saan?”“Viara, makinig ka muna sa akin.”“Hindi! Ikaw ang makinig sa akin.” Namumuo ang luha sa mga mata niya. “Nalaman kong may relasyon kayo ni Serena, at hindi mo sinabi sa akin na bumalik siya. Hindi mo sinabi na pumupunta
Hindi mapakali si Viara kinabukasan, kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na wala siyang dapat ipagduda kay Alarick, hindi niya makalimutan ang tungkol kay Serena.Maagang umalis si Alarick para sa meeting. Bago ito lumabas ng pinto, hinalikan siya nito sa noo. “Magpahinga ka muna ngayon. Huwag kang masyadong mag-isip dahil malapit ka nang manganak.”“Alarick,” tawag ni Viara. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang dapat sabihin sa akin tungkol kay Serena?”Saglit itong natigilan bago ngumiti. “Wala, matagal nang tapos ang lahat sa pagitan namin. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na wala namang kinalaman sa atin.”Tumango si Viara, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Bandang tanghali, habang nagpapahinga siya sa bahay, may pumasok na mensahe mula sa unknown number. “Kung gusto mong malaman ang totoo tungkol sa asawa mo, pumunta ka sa Melendez Hospital. 9th floor.”Ilang segundo siyang nakatitig sa screen, hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero naalala niya agad ang gabing na
Makalipas ang ilang sandali, saka sinagot ni Alarick ang tawag. “Viara.” Paos at antok ang boses nito, na para bang kagigising lang.“Bakit hindi ka umuwi kagabi?” diretso niyang tanong.“Natagalan ako sa kumpanya hanggang madaling-araw kaya natulog na lang ako sa break room. Ayokong umuwi at baka magising pa kita.”“Sigurado ka?”“Wala ka bang tiwala sa akin?” nanghahamong tanong nito sa kanya.“Hindi naman sa gano’n. Nag-aalala lang ako, baka may nangyari sa kumpanya at ayaw mong sabihin sa akin.”“Okay na ang problema, kaya huwag ka nang mag-alala, naayos na lahat.”“Okay, pero sa susunod, sabihin mo sa akin kung may problema. Mag-asawa tayo, Alarick. Hindi mo kailangang solohin lahat.”Pagkababa ng tawag, naghanda na si Viara para sa trabaho. Gaya ng dati, si Daniel ang naghatid sa kanya sa ospital. Tanghali na nang lapitan siya ng isang kasamahan. “Viara, puwede bang ikaw muna ang humawak ng online consultation ko? Masakit talaga ang tiyan ko at kailangan kong magpatingin.”“Sige
Bahagyang natigilan si Alarick bago sumagot. “Babae ’yung kausap ko tungkol sa collaboration kanina. Nasira ang sasakyan niya at nasa talyer, kaya hinatid ko muna siya sa opisina pagkatapos naming pirmahan ang kontrata, wala namang ibang ibig sabihin.”Tumango si Viara, wala naman siyang nakitang dahilan para pagdudahan ito. “Okay, akala ko kasi pamilyar ’yung pabango.”Tinulungan siya ni Alarick na makasakay bago sila pumunta sa restaurant. Habang kumakain, panay ang asikaso nito sa kanya. Nang maihain ang hipon, nagsuot pa ito ng gloves at isa-isang binalatan ang mga iyon.“Alarick, kaya ko namang balatan ang hipon. Buntis lang ako, hindi baldado. Simula kanina, halos ayaw mo na akong gumawa ng kahit ano.”Ngumiti si Alarick habang inilalagay ang hipon sa plato niya. “Hayaan mo na ako mas gusto kong ako ang nag-aalaga sa’yo. Kumain ka nang mabuti at huwag mo nang isipin ang ibang bagay. Ikaw at ang baby ang importante sa akin.”“Lagi ka talagang ganyan kaya lalo akong nasasanay na i
“Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at p







