DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
NANG maiparada ni Mayumi ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng Ayala Entertainment, biglang may bumangga sa kaniyang kotse. Labis na kaba at takot ang kaniyang naramdaman sa pag-aakalang katapusan na iyon ng kaniyang buhay dahil sa tantiya niya ay ilang sentimetro na lang ay tuluyan na siyang masasagaan ng kotse. What a careless driver?! Higit ang kaniyang paghinga ay napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Ilang saglit pa, malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan sa ere upang pakalmahin ang kaniyang sarili. At nang tuluyang makabawi sa nakagugulantang at nakatatakot na pangyayari, kunot ang noo at galit na tinapunan niya ng tingin ang kotse na muntikan nang makasagasa sa kaniya. Kung nakalulusaw lamang ng sasakyan ang matalim na titig niya, malamang na nalusaw na iyon kasama ang driver na hindi ata marunong magmaneho. At dahil sa inis at galit niya, nanggagalaiting hinubad niya ang kaniyang high heels at ibinato niya iyon sa windshield ng kotse. Sa lakas nang pagkakaba
“MAYUMI, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Bunny nang dumating ito sa kaniyang condo. “Akala ko kanina ay may nangyari na sa ’yong hindi maganda dahil basta ka na lang nawala roon sa pinagtataguan mo.” “Thanks to Sergeant Jeff Reyes. Tinulungan niya akong makaalis doon, Bunny,” wika niya. “I’m sorry. Gusto sana kitang hanapin at isamang tumakas kanina pero malapit na akong makita ng mga taga-media. Naisip kong iwan ka na lang tutal hindi ka naman dudumugin mga iyon. I’m sorry talaga. Maayos naman ang kalagayan ko ngayon.” “Who is he? Siya siguro ’yong guwapong guy na nakasalubong ko sa labas ano?” nakangising tanong nito sa kaniya. Naglaho na ang pag-aalala sa mukha nito. “Knight in shining armor, ang peg.” “Yeah, he is. He helped me out of that damned place. Buti na lang. Dahil kung nakita ako ng mga taga-media kanina ay talagang kalahati ng buhay ko ang masisira.” Bigla na naman siyang nakadama ng galit dahil sa lalaking nakabangga sa kotse niya kanina. “At dahil
MATAPANG na sinugod ng isang kabit ang asawa ng lalaking kinakasama nito. Intense ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal ng iisang lalaki. “Akin lang si Mikael, Amanda!” bulyaw ng babae. Parang tigreng mangangagat na kahit anong oras ay gusto siyang sunggaban nang matatalim nitong pangil.“Anong sa ’yo lang ang asawa ko? Hoy babae kabit ka lang ng asawa ko kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!” Ganti ni Amanda sa babaeng sumugod sa kaniya.“Anong silbi ng pagiging asawa mo kung sa akin na siya sumasaya ngayon? Alam mo, kung magaling ka lang sana sa kama e ’di sana hindi na maghahanap ng iba ang asawa mo,” sarkastikong sabi ulit sa kaniya ni Rosalinda na puno ng pagmamayabang. Ang dakilang kabit na kung makapag-asta ay daig pa ang totoong asawa. “Aba? Look at me! ’Di yata’y mas maganda at sexy ako kumpara sa ’yo. Siguro ahas ka at may dugong higad kaya mo nakuha ang loob ng asawa ko. Pero ngayon, hindi ko na hahayaan na magtatagumpay ka sa binabalak mong pag-ag
KADADATING lang ni Kalel sa Condo unit niya buhat sa sementeryo. Dinalaw kasi niya ang puntod ng kanyang yumaong ina. Kumuha kaagad siya ng beer sa refrigerator saka uminom. Hindi naman siya apektado sa mga sinabi ng matanda pero napapaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami kaya ng mga tatanga-tangang babae ang nakabangga na niya, kaya sino kaya sa mga iyon?Napapailing siyang naupo sa couch. Pumikit at hinilot ang sintido. "How terrible," naibato niya beer in can sa may trash bin. Di ito pumasok pero 'di na niya pinagka-abalahang damputin.Tumunog ang cellphone niya. Kaya tumayo siya para tingnan ang kung sino nag-text. Nang makita kung sino ay mas uminit ang ulo niya.Ang step-mother niya si Shirleyang nag-text. Pinapauwi siya ng bahay dahil may dinner na gaganapin."Why is she inviting me for dinner? Something fishy. She's not like this before," pumikit siya ulit at inilapag ang cellp
NABULABOG ang pagtulog ni Mayumi ng gisingin siya ni Bunny. Ang sarap-sarap nang kaniyang tulog pero biglang nasira ang mood niya nang magising siya. Wala naman siyang dapat gawin ngayon kundi ang matulog buong araw. Sa susunod na linggo pa naman ang next taping nila, that's why, she's free this time. Kahit hindi pa siya nakadidilat ng mga mata ay kaagad siyang nagtanong kay Bunny kung bakit parang may emergency nang yugyugin siya nito."Is there anything wrong, Bunny? Inaantok pa ako," tanong niya habang nakatalukbong pa rin ng kumot."Gumising ka na. May mga ibabalita ako sa'yo. It's a good news and at the same time bad news," anito.Nakapikit pa rin ang mga mata niya, tila walang ganang bumangon at pakinggan ang mga sasabihin ng manager niya. "Sabihin mo na muna ang good news saka na ang bad news at nang sa ganun makabalik na ako sa pagtulog. I want to have a good sleep and I want to relaxed, kahit ngayong araw lang Bunny."Napapailing na lang si Bunny sa reaksiyon niya. "The go
NAGPAHATID sa bus station si Mayumi. Sumasakay lang siya ng bus kapag pumunta siya sa Batangas para malaya niyang pagmasdan ang mga madadaanan niyang tanawin.Minsan lang siya nagmamaneho ng sariling kotse kapag trip niya, mas gusto niyang magbus para hindi siya mapagod sa biyahe. Mahigit tatlong oras ang biyahe na guguluhin niya bago makarating sa Batangas, specifically sa nursing home kung saan ang kaibigan niya nakatira.Minsan nang magbakasyon siya sa Batangas ay nakilala niya ito. Mga sampung taon na rin silang mag best-friend. Halos hindi sila mapaghiwalay noon pero simula nang mag-artista si Mayumi ay bihira na lamang silang magkasama. Busy na sila pareho sa kani-kanilang mga trabaho, kung kailan may free time ay nagkikita naman sila upang makapag bonding. Isang simpleng babae lang si Michelle kaya siya nagustuhan ni Mayumi. Parang kapatid na ang turing niya rito. Wala din naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya. NASA kalagitnaan pa lang siya ng biyahe kaya may o
NAUNANG nagising si Mayumi. Hindi naman sa excited siya pero sanay rin naman siyang gumising ng maaga. Mula alas-otso ng gabi hanggang alas-sinco ng umaga ay sapat na para makatulog ng higit sa walong oras. Sapat na iyon bilang pahinga. Mas gusto niya rito sa isla dahil marami ang tulog niya.Lumabas siya ng kwarto at nandoon na pala sa kusina si Auntie Maya. Nagkakape na ito. Sumaglit muna siya sa banyo para maghilamos saka pumunta sa mesa para makipag daldalan kay Maya. Pagkaupo niya sa silyang naroon ay binigyan agad siya nito ng isang tasa ng kape. Native coffee na paborito niya.Inamoy-amoy pa nga niya ang kape bago sinumulang inumin. "Masarap talaga Auntie ang native coffee. Iyong binigay niyo sa'kin ay matagal ko nang naubos, magdadala ako nito ulit ha," wika niya saka lumagok ulit ng kape.Ngumiti naman si Maya ng marinig ang sinabi niya. "Don't worry padalhan kita ulit. Kung pwede nga lang sana na dito ka na lang araw-araw ay mas gugustuhin ko talaga," sagot nito. Nangingiba