LOGINMasaya si Mayumi na nakasama niya sina Michelle at Auntie Maya sa isla. Mula nang dumating siya tatlong araw na ang nakalipas, hindi niya naramdaman na may problema siyang iniisip o may taong dapat pakisamahan na hindi naman talaga siya gusto. Sa laki ng mundo, parang dito sa maliit na isla natagpuan niya ang tahimik at payapang lugar na matagal na niyang hinahanap.Bukod sa pagkakasama nina Michelle at Auntie Maya, ginugol niya rin ang karamihan ng kanyang oras sa pagtulong sa lokal na nursing home ng isla. Ang pasilidad na matatagpuan sa tabi ng dagat ay tahanan ng labinlimang matatanda at pitong batang walang mag-alaga. Noong unang araw pa lang na makita niya ang mga bata, hindi niya napigilan ang puso na mamuhay ng kaunti para sa kanila. Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil siya mismo ang nandoon para tulungan sila sa mga takdang-aralin nila. Minsan pa nga ay nagdala siya ng mga bagong lapis, papel, at kwaderno mula sa lungsod kaya lalong sumigla ang mga bata sa pag-aaral.“Hindi
DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh
DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya
NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?
"ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pakialam ka ba sa akin? Puwede ba, pagsabihan mo si Briana na huwag siyang mangggulo rito," naiinip siyang naupo sa kaniyang folding bed. Inilapag ang dalang traveling bag sa gilid niya at tinanggal ang suot niyang sapatos."Yeah, wala akong pakialam sa'yo, pero hindi puwede na masaktan ka rito dahil magagalit si Dad," tugon niya. Tapos na itong nagbihis. Galing lang ito sa banyo dahil naligo siya. Naupo ito sa may kama niya."Okay, so, dapat pala kay sir Sebastian ako humingi ng basbas sa tuwing may gagawin ako, kasi takot ka sa kaniya. Nakakainis," wika niya, saka tumalikod kay Kalel."Of course, daddy ko siya kaya dapat na sundin ko ang mga gusto niya kahit na minsan parang sinasakal ako. S
NAALIMPUNGATAN si Kalel ng kinutusan siya ni Mayumi. Nakapameywang ito sa harapan niya. Naiinip siyang bumangon."Ano ba ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan si Mayumi na napapairap sa harapan niya. "Ako ang sagutin mo, bakit magkatabi na naman tayo nang magising ako? Kagabi kinu
NAKARATING na sa Banaue, Ifugao sina Mayumi at Kalel. Nagcheck in sila sa isang kilalang hotel para sa mga turista. Maganda ang pagsalubong sa kanila ng mga staffs ng hotel pero ang hindi nila inaasahan na puno ng mga turista ngayon dahil sa kanilang kapistahan—ang Imbayah festival.Isang kuwarto lan
WALA sa mood na sinundo ni Kalel si Mayumi sa condo unit nito. Alam na niya ang room number nito dahil sinabi na ni Sebastian ang details ng tirahan ng babae. Nag-doorbell siya. Kaagad na bumukas ang pinto at sumungaw ang napakagandang dilag. Ngumiti si Mayumi sa kaniya kaso fake iyon."Let's go," ti
MARAMI ang mga natutunan nina Mayumi at Kalel nang makausap nila ang isa sa mga katutubong si Manong Al. Kinuwento nito ang kasaysayan ng Ifugao, maging ang kultura at tradisyon ng lugar. Sinamahan sila nitong bumisita sa mga katutubong nayon na matatagpuan sa mismong lugar ng Lagud. "Nag enjoy ba k







