Share

Chapter 13

“Ano po ang mga ito lola?” Tanong naman agad ni Deroi.

“Malalaman nyo sa takdang panahon,” Pagkasabi nito ay mabilis na itong tumayo. “Tara na, ihahatid ko na kayo sa labasan, bago pa magsara ang lagusan at tuluyan kayong makulong dito,” Mahinahon nitong sambit.

Pagkarating nilang lahat sa lagusan, nakita nila ang malaking pintuan, sa pintuan ay may siyam na pangalan ang nakaukit. Ng titigan nilang mabuti, nalaman nilang pangalan nila ang nakasulat sa pintuan, napakunot ang kanilang mga noo dahil sa pagtataka.

Itim ang kulay ng pinto, wala namang kung anong kahina-hinalang bagay na makikita dito. Tanging pinto lang ito na nakatayo sa gitna ng kawalan, wala kang ibang matatanaw sa lugar na iyon maliban sa itim at matayog na pinto.

“Kayong siyam, sabay ninyong hawakan ang pintuan, walang mauuna, walang mahuhuli, maliwanag?” Utos nito. Agad naman na tumango ang lahat. Nagpaalam muna sila kuna Loid at Benjo bago sabay na lumapit sa pinto. Bago nila mahawakan ang pinto, narinig pa nila ang mabining bulong sa hangin.

“Nawa'y mapagtagumpayan ninyo ang inyong misyon, ibinibigay ko sa inyo ang aking basbas. Sana ay magkita pa tayong muli,” Kasabay ng paghawak nila sa pinto, ay ang kanilang paglingon. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kanila. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, ay wala na ang pinto sa kanilang harapan, maging sina Lola, Benjo at Loid ay wala na. Nakatayo sila sa kagubatan

“Nasaan tayo?” Iyon na lamang ang nasambit ni Xinniang.

“Kakaiba ang pakiramdam ko sa gubat na ito. May itim na enerhiyang bumabalot sa hangin, kailangan nating maging mapagmasid. Artemis, tingnan mo ang mapa, baka malaman natin ang eksaktong lokasyon natin,” Nananayo ang mga balahibo sa katawan ni Kael. Hindi sya duwag na tao, ngunit kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa lugar na ito. Pakiramdam nya ay may mga matang nakatanaw sa kanila, na ano mang oras ay handa silang sunggaban.

Agad namang binuksan ni Artemis ang pendant ng kwentas. Umiilaw ito ng puti, may mga kakabang arrow, doon ay may nakita silang syam na bilog na gumagalaw sa pinakadulo. Nalaman nilang nasa bukana na pala sila ng daan papuntang Kanluan. Kaya pala kakaiba ang kanilang nararamdaman dahil mapanganib na nga talaga ang lugar na kanilang tinatahak.

“Kailangan nating mag-ingat, nakikita nyo tong mga pulang bilog na to? tingin ko ay mga babala ito, at ito naman ay tayo, kailangan nating iwasang mapunta sa mga ipinagbabawal na lugar,” Sambit naman ni Artemis.

Dahan-dahan silang umabante, bawat lakad nila ay katumbas ng kaba sa kanilang dibdib. Napakatahimik ng lugar na ito, nakakabingi. Para bang walang kahit na ano mang nilalang ang nabubuhay. Nagpatuloy sila a paglalakad, puro patay na puno lamang ang kanilang makikita, sa isip ni Xinniang, ay hindi na gubat ang lugar na ito, kundi ay isang libingan.

Tahimik nilang binabagtas ang daan pakaliwa, hinahawi ang mga nagtataasang damo. Nagulat si Alcarus ng biglang umilaw ang hawakan ng kanyang espada. Napahinto sya sa paglalakad. Dahil sya ang nauuna, ay nabangga ang walang kamalay-malay at palinga-lingang si Kael. Maging ang sa likod nitong si Xinniang at ang iba ay natumba rin. Napalingon naman si Artemis, muntik na syang matawa ng makita ang posisyon ng mga kasamahan ngunit hindi na nya nagawa. Nagulat sya ng nanginig ang kanyang espada, tila may babalang pilit na ipinararating sa kanyang tagapangalaga.

“Ssssh, wag kayong maingay, may paarating,” Mabilis silang nagtago sa ibabaw ng mga malalaking sanga ng puno. Doon nakita nila ang dalawang nakakahindik na halimaw. Inaamoy-amoy ng mga ito ang lupang kanina lang ay kanilang tinatayuan.

Maya-maya lang, ay hindi na halos humihinga si Red. Ang halimaw ay unti-unting tumitingin sa gawi nito, at hindi nga nagkamali, nakita nito si Red. Bigla itong umungol ng pagkalakas-lakas na ikinayanig ng buong lupain. Nahulog ang iba dahil sa pagkabigla. Napakalaki ng halimaw na ito, may syam na malalaking sungay, malaking katawan na parang bakal, anim na mga malalaking paa, sampong mata, tumutulo ang kulay berdeng laway at tig-aapat na mga mukha. Agad na silang nagsibaba, inihanda ang kanilang sandata.

'Naloko na, ang aga pa para makaharap kami ng mga halimaw. Papaanong nangyari na nasa bungad palang ay naamoy na agad kami ng mga ito?'

Hindi maiwasang mapatanong ni Artemis. Maging si Kael ay ganun din.

Agad silang sinunggaban ng isang halimaw, isang kalmot ang natanggap ni Blake. Tumilapon ito sa malayo.

“Blake,” Mabilis na nilang sinugod ang halimaw. Kahit anong gawin nilang pagpapatama sa katawan nito ay tila isa itong bakal, wala man lang kahit na anong pinsala ang natatamo. Magkatulong na nilalabanan ni Kael, Xinniang, Artemis at Dustine ang isa habang sina Deroi at ang iba pa doon sa pangalawa.

*Grrrrll!*

Malakas na angil ng halimaw ng matusok ni Artemis ang isang mata nito. Agad naman itong nagwala, nagpaikot-ikot ito sa aligid at sinuman ang matamaan nito ay tiyak na hindi mabubuhay. Tumalon-talon sila sa mga sanga ng puno upang makaiwas sa mahabang buntot ng halimaw. Nagulat sila ng muling masanggi ng buntot si Dustine. Agad na tumalon si Deroi upang saluhin ito. Dahil doon ay muntik na silang masakmal ng halimaw. Buti nalang at maliksing tumalon si Xinniang at agad na pinalipad ang hawak na pamaypay, ito ang kanyang pangalawang sandata.

Ang pamaypay na ito ay hindi lamang isang simpleng pamaypay, may taglay itong ibat-ibang sa dulo nito. Mabilis na tumarak ang dulong bahagi ng pamaypay sa paa ng halimaw. Agad naman niyang tinulungan sina Dustine at Deroi. Tumakbo sila palayo sa halimaw. Habang sina Artemis ay patuloy parin sa pakikipagbuno sa isa pang halimaw. Tulong-tulong nilang inatake ang halimaw. Binibigyan nila ng panahon si Kael. Gamit ang mahabang lubid na dala nila, ay tinali ni Kael ng mahigpit sa paa ng halimaw at ang kabila ay sa isa pang halimaw.

Pagkatapos nilang siguraduhing mahigpit na ang pagkakatali ay agad na silang huminto sa pakikipaglaban, sabay silang tumakbo ng mabilis at nagpaikot-ikot, sinadya nila iyon upang magkabihol ang dalawang halimaw. Mabibigat ang mga paang hinabol sila ng dalawang halimaw. Habang sina Xinniang, Deroi at Dustine ay may kanya-kanya ng hawak ng kanilang sandata. Hindi sila napansin ng halimaw dahil sa bilis ng pagtakbo ng mga ito. Ng paparating na ang mga ito sa pwesto nila, agad na umupo ng bahagya si Deroi, doon mabilis na tumalon at tumuntong si Xinniang balikat ni Deroi at tumalon sa mukha ng halimaw, hawak ang kanyang espada ay mabilis nya itong tinarak sa isang mata ng halimaw. Ganun din ang ginawa ni Dustine sa isa pang halimaw. Kahit masakit ang pagkakatilapon nito ay hindi parin sya pumayag na hindi makatulong. Parehong huminto ang dalawang halimaw. Lahat sila ay pinagtulungan ang nagwawalang halimaw. Wala silang ibang nakikitang kahinaan nito maliban nalang sa mga mata nito.

*Gwaahhh!* Malakas itong nagkakawag kaya tumilapon sa malayo ang iba. Ang iba ay nahampas ng mga kamay at si Xinniang naman ay nahulog. Ng makita ni Artemis na nahuhulog si Xinniang, ay mabilis syang tumalon upang saluhin ito. Saktong pagkarating nila sa lupa ay ang pagkatumba ng mga halimaw. Mata pala talaga ang kahinaan nito.

Sugatan silang lahat, napasigaw na lamang si Dustine dahil sa sakit ng kanyang katawan. Hindi sya makatayo, pakiramdam nya ay konting oras nalang ang nalalabi sa kanya...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status