Share

Chapter 12

Author: Angel_266
last update Last Updated: 2022-10-20 16:40:22

Maya-maya ay nagulat sila ng makarinig ng malakas na palakpak.

“Magaling, magaling! Sa loob ng limang-daang taon kong pagbabantay sa lugar na ito, sa dami ng nagtangka ay kayo lamang ang bukod tanging nakapasa sa aking pagsubok, Binabati ko kayo. Maaari na kayong pumasok sa kweba. Ito ang susi,” Ibinigay nito ang susi sa kanila. Tatalikod na sana ito ng mabilis itong tawagin ni Artemis.

“Sandali!” Mabilis na humarang si Artemis sa daan nito at agad na nagtanong.

“Bakit? Bakit ako ang iyong napiling ipasok sa iyong ilusyon? Bakit si Ina pa?” Tahimik lang itong nakatingin sa kanya habang sya ay nanggigigil na sa galit. Galit sya hindi dahil sa ipinakita nito, kung hindi dahil sa ipinakita nito ang katotohanang matagal na nyang itinatanggi simula palang ng umalis sya sa kaharian nila.

Uniling lang ito at mabilis na naglaho sa hangin. Hindi parin nakakahuma si Artemis, labis syang naapektuhan ng mga nakita. Kung sana lang ay hindi totoo iyon, kung sana lang ay kabaliktaran iyon ng tunay na nagaganap.

Mabilis namang lumapit si Xinniang kay Artemis. Hinaplos nito ang kanyang likod upang pakalmahin siya. Hinawakan din nito ang kanyang mga nakatiklop na kamao. Hindi rin nagtagal ang kanyang nagtangis, ay agad na nilang binagtas ang pinto, ang pinto para sa unang hakbang na kanilang tatahakin.

Nang bumukas ang pinto, sinalubong sila ng mabining sikat ng araw. Magandang tanawin at payapang mundo. Kay sarap sanang mamuhay sa mundong kagaya nito.

Naglakad sila patungo sa nag-iisang bahay na kanilang nakita. Kumatok ng marahan si Xinniang.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto, nagulat sila sa kanilang nakita. Hindi sila makapaniwala sa nakita.

“Lola Bilenda?” Sabay-sabay nilang sambit.

“Hahaha, kumusta naman kayo mga apo?” Nakangiting tanong naman pabalik ni Lola Bilenda.

Hindi agad sila nakagalaw, mas lalo pa silang nagulat ng may dalawang lalaking lumabas mula sa kusina.

“Lola a...Xinniang?” Malakas na bulalas ng huli.

Mabilis naman na tumakbo si Xinniang kina Loid at Benjo. Malakas syang napaiyak, ang buong akala nya ay tuluyan na nyang hindi masisilayan ang dalawa.

“Bakit hindi kayo tumuloy sa munting bahay ko mga apo,” Alok naman ni Lola.

Hindi parin kasi sila makahuma. Nang makita nila si Lola Belinda ay saka lamang bumalik sa kanilang alaala ang matandang kanilang tinulungan.

Agad naman silang pumasok sa loob, umupo sila sa lamesa. Biglang kumalam ng malakas ang kanilang mga tyan. Tatlong araw na rin silang walang maayos na kain. Naubos na kasi ang kanilang pagkain maging ang kanilang tubig. Gutom na gutom at uhaw na uhaw narin. Nang makita nila ang sobrang daming pagkain na nakahain sa lamesa, ay biglang nanubig na ang kanilang mga bibig.

Napatawa naman ng malakas si Lola Belinda, “Oh sya, kumain na muna kayo at magpahinga, makakapaghintay naman ang inyong mga tanong. Wag kayong mag-alala, isang araw sa tunay na mundo ay isang buwan na sa loob ng mundong ito. Kaya marami tayong oras para sa mga tanong,” Masayang alok nito.

Walang kimi namang nagsipagkainan ang lahat hanggang sa mabusog. Binigyan rin sila ng mga panibagong damit ni Lola Belinda. Nagpahinga na muna sila. Kinahapunan ay agad na nilang tinadtad ng tanong si Lola Belinda.

“Lola, paanong nandito ka? Nasaan na si lolo karding?” Paunang tanong naman ng nagtatakang si Artemis.

“ Oo nga po lola,” Segunda naman ng iba.

“Wala, isa lamang itong ilusyon bilang parte ng inyong mga pagsubok,” Masigasig namang tanong nito.

“Lola, paanong napunya sina Loid dito? Kitang-kita namin kung paano higupin ng dalawang mangkukulam ang kanilang mga kaluluwa?” Tanong naman ni Deroi.

“Iniligtas ko sila, kinuha ko ang kanilang mga katawan at pinatakan ng tubig mula sa bukal. Mabubuhay sila habang buhay, ngunit kapalit ay hindi na sila maaari pang lumabas mula sa lugar na ito,” Sagot naman nito.

“Ano? Ang ibig sabihin, hindi na sila maaaring sumama sa amin?” Tumango naman ito

“Kung gayon, di bali! ang mahalaga naman ay buhay sila,” Mabilis na pinahid ni Xinniang ang kanyang mga luha.

“Ngayon kayo naman ang tatanungin ko, ano ang sadya ninyo sa lugar na ito? Paano kayo nakarating rito?” Seryoso naman nitong tanong.

Bagay na hindi rin nila alam kung papano sasagutin. Maging sila ay walang alam kung paano sila napunta sa lugar na ito ng walang ginagamit na kahit na anong portal. Nasa kagubatan lamang sila ng Mount Povo at nagbabasa ng...'Tama'

“Tama!” Malakas na bulalas ni Artemis,“Ang kuwentas, ang kuwentas na ito ang nagdala saamin da lugar na ito,” Binuksan nya rin ang pendant, lumabas ang mga letra mula roon, ngunit iba na ang nakasulat at iba narin ang letrang ginagamit. Tila isa itong mensahe.

Agad namang lumapit si Dustine,

“Kaya kong basahin yan,” Tumango naman sila.

Binabati, ika'y nagtagumpay, nakarating sa huling lantay, tubig na bukal ilang dangkal, oh aking bantay sila'y kailangan ng iyong gabay, iyong ibigay, dalisay ng tubig ng buhay.

Aklat na nakabuklat, ang kanilang mata'y imulat, salat man sa lahat, itim man ang balat, malabo man ang nakasulat, ituro saan man sila tutungo, huwag hayaang mahulog sa lalim ng dulog. Sa tamang daan, sila'y iyong gabayan.

Matapos basahin, ay tiningnan agad nila si Lola Belinda na mataman lamang na nakikinig. Napangiti sya, alam nyang hindi sya nagkamali ng mga taong kanyang pinili.

Hindi na nagdadalawang isip si lola Belinda, agad nyang hinawakan ang kamay ni Xinniang at Artemis. Pinaupo nya ang dalawa na magkaharap.

“Artemis, liban sa kuwentas na dala mo, may iba pa bang ibinigay sa iyo ang taong nagbigay sayo nito?” Tanong nya kay Artemis. Agad naman itong tumango at inilabas ang pulseras, maging ang kanyang espada ay inilapag rin.

Naglagay sya ng maliit na mangkok sa harap nilang dalawa. Hiniwa nya ang kanyang palad, mabilis na tumulo ang kanyang dugo patungo sa mangkok. Sunod ay kinuha nya rin ang kamay ni Xinniang at Artemis. Sabay nyang hiniwaan ang kanilang mga kamay at itinapat din doon sa mangkok. Mabilis na naghalo ang kanilang mga dugo.

Hawak ang kamay ng dalawa, pumikit sya at nag-usal ng dasal. Maya-maya, kinuha nya ang espada, ang kwentas at ang pulseras. Ibinuhos nya ang dugo roon sa tatlong gamit.

Nagulat sila ng umusok lamang ang mga ito. Para bang hinigop nito ang dugong ibinuhos. Maya-maya lang ang ibinalik nya kay Alcarus ang mga bagay na binuhusan niya ng dugo.

“Buksan mo ang pendant Artemis,” Utos nito. Nagulat sila ng makita ang mapa, ito ang mapa papuntang kanlaon, gayon din kung saan makikita ang mismong aklat.

“Maraming-maraming salamat lola Belinda, hindi namin alam kung paano ka namin mapapasalamatan lola,” Ngumiti lamang ito sa kanila. Ikinumpas nya ang kanyang mga kamay at may lumabas na syam na bote sa harapan nila. Tig-iisa sila.

"Munting handog ko sa inyo, alam kong matutulungan kayo ng bagay na iyan pagdating ng panahon,” Sambit naman nito...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status