Share

Chapter 18

Habang naglalakad, hindi nila maiwasang isipin ang mga nangyari, ilan na ang nawala sa kanila, ilan na lamang silang natira, at ano na nga ba ang nangyari kina Blake.

Tahimik lamang silang naglalakad ng biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan, sa pakiwari ba ay mayroong malalaking paa na naglalakad, tila higante sapagkat bawat hakbang ay talagang nayayanig ang buong paligid.

Hindi nga sila nagkamali sa kanilang hinua, nakita na lamang nila ang higanting nilalang, para itong cyclope sapagkat iisang mata lamang mayroon ito,malalaking bibig na parang pinigtas dahil umaabot hanggang tenga, malalaking tenga, matutulis na ngipin at tumutulo pa ang lqway nito.

Nanlaki ng husto ang kanilang mga mata sa nasaksihan, isang nakakatakot na nilalang ang ngayon ay nakatayo sa kanilang harapan.

*Gggrrrrr, tao, nasaas ang tao, ggrrr!*

Malakas na sigaw nito. Napapikit na lamang sila dahil duon. Inaamoy-amoy pa nito ang paligid at pilit sinisipat. Sa mabilis na galaw, ay sabay nilang inatake ang higante. Gamit ang kanilang mga sandata, nanlaki lalo ang mata ng higante, malamya nitong hinampas ng kamay ang tumatalon ng mataas na si Deroi, malakas na bumagsak di Deroi sa buhanginan.

“Deroi!” Sigaw nilang lahat. Pinagtulunuan nilang palibutan at atakehin ang halimaw.

*Graaahhh! * Isang malakas na huni nanaman ang pinakawalan nito ng masugatan ni Artemis ang hita nito.

Agad nyang tinabig si Artemis. Mabilis naman itong tumalsik sa malayo. Sa gulat nila, ay bigla nitong pinulot si Deroi na hanggang ngayon ay hindi parin makakatayo, itinaas nito hanggang sa umabot sa kanyang mga bibig.

“Deroi!” Hindi alam ni Xinniang kung sino ang uunahin, sa huli ay mabilis na lumapit si Kael dito.

“Xinniang, tulunhan mo si Artemis, ako ng bahala kay Deroi, pagkatapos ay malakas na tumalon-talon sa katawan ng halimaw. Ng akmang isusubo na ng halimaw si Deroi, ay magkasunod na hiwa ang kanyang natanggap mula kay Kael, at kay Blue na nakapwesto sa may paanan ng higanti.

Muli itong napaungol ng pagkalakas-lakas at parang papel na na nabitiwn di Deroi, agad naman itong sinalo ni Xinniang at Artemis. Nakabawi na pala si Artemis mula sa kanyang pagkakabagsak.

Mabilis silang sabay na tumalon paputa sa uluhan ng higante, bawat parte nito na kanilang nadadaanan ay kanlang hinihiwa at sinasaksak.

*Guaaaah! * Panay ungol at pagpupumiglas ang ginagawa nito. Naghahampas ito sa hangin kaya nahihirapan silamg makaakyat. Nalaman nilang ang mata nito ang kahinaan nito dahil ito ang labis na inoprotektahan ng halimaw. Kaya ngayon ay yun ang pinunterya nila. Sa kasamaang palad, ay nahagip ng malaking kamay nito si Kael kaya tumalsik sya ng pagkalayo-layo. Muntik na syang mawalan ng ulirat dahil da sakit. Pagapang syang naglakad, ngunit sobrang sakit na ng katawan nya. Hindi nga naman biro ang mahampas ng malakas ng mga malalaking kamay ng isang higante

“Kael!" Malakas naman na tawag nina Red, Ash, Artemis at Xiniang. Apat nalang silang ngayong lumalaban. Nahihirapan silang makalusot. Sa mabilis na hampas ng kamay ay walang babalang nahampas ng malakas si Artemis na ikinalaki na lamang ng kanyang mga mata. Maging sina Xenniang at Ash at Red ay biglang nagulo nito dahil nawalan sila ng kontrol.

“Huhhahaha,masarap kain, tao,” Malakas nitong sambit. Aagd na nagpupumiglas si Xinniang, ngunit kahit anong gawin nya ay hindi sya makawal. Ganun din sina Red ay hindi makawala. Mas lalo pang nanindig ang balahibo nilang tatlo ng inilapit sila nito sa bibig at nagtangkang kainin, ngunit bigla itong tumawa ng malakas midmo da harapan nila,nagtalsilan ang mabaho at nakakadiring laway nito sa kanilang mga katawan. Tila naligo sila sa imburnal dahil sa nabubulok na amoy.

Binitbit nito pati sina Kael at Deroi na parehong we ala ng malay.

Samantalang si Artemis naman ay namimilipit parin sa sakit. Tumilapon sya halos isang kilometro mula sa kanilang pwesto, bukod doon ay sobrang sama ng kanyang pagbagsak. Hindi sya makatayo sa sakit, ngunit ng biglang maisip si Xinniang, doon ay tila muling nabuhay ang kanina lang ay nanghihinang sistema.

Mabilis ngunit maingat syang tumayo, pinulot ang sandata at paika-ikang naglakad papuntang pinangyarihan ng gulo. Ngunit gayon na lamang ang kanyang gulat ng makitang pinupulot nito ang mga katawan nina Deroi at Kael, hawak narin nito sina Xinniang, Red at Ash.

Mabilis syang nagtago ng makitang akmang lilingon sa kanya ang higante, ng marinig ni Artemis na naglalakad na ito, ay mabilis nyang sinundan ito. Takbo-lakad ang kanyang ginawa masundan lamang ito.

Pagkarating ng higanti sa kaniyang tahanan, mabilis niyang dinala sina Xinniang sa loob ng kusina at itinapon isa-isa sa loob ng kulungan. Tumatawa pa ito na para bang tuwang-tuwa sa kanyang huli, mabilis na nagtadtad ng mga gulay at pakanta-kantang inayos ang lamesa.

Si Artemis naman ay hirap na hirap sa pag-akyat sa mataas na bahagi ng lamesa, kung saan ay nandoon sina Xinniang.

“Pag...ka..in, masa..rap," usal pa ng halimaw. Abala ito sa pagbubuhos ng harina sa lamesa, may kung ano-ano pa itong hinahalo at inaamoy-amoy pa nila . Nakita pa nila itong kinakalikot ang kanyang tenga, pagkatapos ay tiningnan ang kamay at walang babalang isinubo. Tila sarap na sarap pa ito.

Halos masuka naman sina Xinniang habang nakatingin rito. Si Artemid naman ay abala sa pag-akyat. Nagulat nalang sila ng binuksan nito ang kulungan ni Ash, walang babalang kinuha ito. Nagsisigaw pa ito ng tulong.

Walang pakialam. na nilagay ng halimaw si Ash sa ibabaw ng harina at pinaikot-ikot na parang lumpia. Ng makitang hindi halos kumakapit ang harina kay Ash, kumuha ito ng kulay berdeng likido at walang sabi-sabing inilublob roon si Ash.

Sobrang sama ng amoy ng likidong iyon. Napaubo ng malakas si Ash, hindi nya napaghandaan kaya sapol na sapol ang iba sa lalamunan nya. Sumuka sya ng sumuka dahil hindi kinaya ng kanyang sikmura ang amoy ng likidong iton. Ngunit wala lang ito sa higante. Ibinalik nya lamang si Ash sa harina at muling inaikot-ikot hanggang makuntinto ito. Pagkatapos ay binalot pa sya ng makapal na arang pambalot ng lumpia kaya nahirapan syang huminga. Pikit matang tiniis ni Ash ang lahat, tinanggap na nyang ito na ang kanyang kamatayan.

Bigla nya nalamang nakita si Artemis na nagkandahirap-hirap sa pag-akyat. Duon ay muli syang nabuhayan ng loob, mabilis na lumapit si Artemis kay Ash ng tumalikod ang higante, pilit na hinihiwa ni Artemis ang nakabalot kay Ash ng biglang...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status