Share

Chapter 39

Author: Airam Anelé
last update publish date: 2026-04-18 11:06:04

Ano, 'ma? Gusto n'yong kunin si Sophia kay rita? Ina din kayo, diba? Bakit parang hindi n'yo naiintindihan kung ano ang idudulot nun sa kanya? Kung gawin yun sa inyo, papayag ba kayo?"

Pinandilatan ni Roda si Martin. "Kinukunsensya mo ba ako? Ikaw na nga ang tinutulungan ko diyan, e."

"Sigurado ba kayo na tinutulungan niyo ako? O, baka naman yun ang talagang gusto nyong gawin; ang agawin si Sophia sa nanay n'ya para sa pansarili niyong kagustuhan?" Nagtungo si Martin sa pinto. "Hindi ako p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Finding Love Again    Chapter 44

    "Misis, hindi naman po malala ang infection. Mabuti't dinala n'yo agad dito ang anak n'yo para ma-treat kaagad ang sugat niya. Kung magagamot nang tama, hindi naman ito mag-iiwan ng peklat. Kung magkapeklat naman, may mga ipinapahid na gamot naman na very accessible na ngayon. Makakabili kayo nun sa kahit saang pharmacy o drugstore." Wika ng doktor habang ginagamot ang sugat ni Sophia na nakuha nito sa pagkakadapa. Kinamot ito ng bata kaya nagkaimpeksyon. "Payo ko lang po, Misis, sa susunod na masugatan po ulit ang Anak n'yo, ganito po ang gawin n'yo..." Sa lahat ng sinabi ng doktor ay tila walang naintindihan si Rita, nakayuko lang ito habang may malalim na iniisip. "Misis? Misis?" Tawag ng doktor ngunit hindi pa rin ito narinig ni Rita. Kung hindi pa naihulog ng malikot na si Sophia ang pen holder na sa mesa ay hindi pa s'ya magbabalik sa wisyo. Pinulot nya iyon at ang mga nakalagay na mga ballpen doon. "Pasensya na po, doc, sa kalikutan ng anak ko."

  • Finding Love Again    Chapter 43

    Nagmamaneho si Martin papunta sa hotel na tinutuluyan ng mag-inang Rita at Sophia, kasama n'ya ngayon si Sean na kaluluwas lang ng Maynila. "Kumusta naman sean ang pagporma mo kay Lara, may progress ka na ba?""Wala pa, pakipot naman kasi, e. Tulungan mo nga ako, o kaya ay bigyan mo na lang ako ng tip kung paano mo napasagot si Rita noon."Natigilan si Martin, mabuti na lang ay nagpula na ang traffic light. "Paano ko naman malalaman yun, e, diba may amnesia ako?""Oo nga pala!" Nahampas ni Sean ang kanyang noo. "Kumusta nga pala nga mag-ina mo dito sa Maynila, nakaka-adapt naman ba sila?" "Oo naman. Nakapunta naman na si Rita dito sa Maynila, e. Diba nga, namasukan s'ya sa amin?" Nakarating na sila sa hotel. sa lobby ay naulinigan agad ni Martin ang malakas na boses ng isang babae. Kumunot ang kanyang noo nang makilala kung kaninong boses iyon. 'Si Claire ba yun? Ano naman ang ginagawa nya dito?' Dali-dali siyang naglakad papunta sa

  • Finding Love Again    Chapter 42

    "Matin!" Tawag ni Sophia nang makita ang kanyang ama paglabas n'ya ng kuwarto nilang mag-ina.Naudlot ang pagsasalita ni Martin. Yumuko s'ya at kinarga ang bata. Hinalikan n'ya ang malambot na pisngi nito. "Pia, anak, pasensya na kung hindi ako nakapunta kahapon, ha. Nagkaproblema kasi si daddy, naghintay ka siguro." "Puwede mo na bang sabihin kung ano ang nangyari?" Tanong ni Rita. Hindi n'ya mapigilang ma-curious sa sinabi nito kanina.Natigilan si Martin. Kanina, sa pagpunta n'ya dito ay naisip n'ya maging tapat kay Rita at sabihin na may nangyari sa kanila ni Claire. Naisip nya na wala naman sigurong problema kung ibabahagi n'ya iyon sa dating nobya, ngunit nang makita n'ya si Sophia ay naapektuhan na malaki ang desisyon nya; pakiramdam n'ya ay may masisira sa kanila kapag sinabi nya ang tungkol doon. "Martin?" "Um... ano, puwede bang huwag na lang muna nating pag-usapan?" Nagtaka si Rita, kanina lang ay willing i

  • Finding Love Again    Chapter 41

    Sa loob ng kanilang suite ay inaalo-alo ni Rita si Sophia na noo'y nakahiga na sa sahig. Naglulupasay ito at tinutopak na dahil kanina pa ito naghihintay sa pagdating ng kanyang ama, dahil nangako ito na ipapasyal s'ya nito sa mga malalaki at magagandang pasyalan sa Maynila ngayong araw. Excited pa naman ito, maging si Rita."Kaunting hintay pa, anak, baka nagkaproblema lang sa bahay o sa kumpanya ang daddy mo. O, kaya ay baka naipit lang sa traffic kaya wala pa siya hanggang ngayon." Alo ni Rita. "Naynay, lit ayo!"(Nanay, umalis na tayo!) Wika ng bata na tila paiyak na.Napabuntung-hininga si Rita. Ayaw sana niyang tawagan si Martin, maliban na lang kung emergency. Tinawagan niya na lang ito para itanong kung matutuloy pa ba sila, ngunit panay ring lang ang cellphone nito. Wala siyang magawa sa nagwawalang anak dahil hindi naman sumasagot ang ama nito. Dahil dito ay ipinakain na lang niya dito ang mga babaunin sana nilang pagkain para tumigil na ito. Pagkatapos ay naupo s'ya at bi

  • Finding Love Again    Chapter 40

    "Rita? Magche-check out na kayo?" Tanong ng nagtatakang si Martin. Kung hindi s'ya nagpunta ngayong araw ay baka nakaalis na lang ito kasama si Sophia nang hindi n'ya nalalaman. "Hump!" Ismid ni Rita. "Pia, tara na." Hinawakan n'ya sa kamay ang Anak habang hawak naman n'ya sa isang kamay ang mga gamit nila, pagkatapos ay wala siyang lingon-lingon na naglakad sa lobby ng hotel palabas. Hindi naman ganun kabigat ang mga gamit nila kaya niyang bitbitin yun mag-isa. "Rita, teka lang!" Hinarangan ni Martin ang daanan ng mag-ina." "Tabi!" Singhal ni Rita. "Hindi. Sabihin mo muna kung ano ang nangyayari, bakit bigla na lang kayo aalis nang hindi mo man lang sinasabi sa akin? Alalahanin mong ako ang nagpapunta sa inyo dito kaya responsibilidad ko kayo." "Mali ka, lola mo ang nagpapunta sa amin dito." "Rita naman. May nangyari ba? Saan kayo pupunta, babalik na ba kayo sa Ormoc?" "Wala ka nang pakialam kung gusto ko nang umuwi. Tabi!" Nagkaroon ng kalituhan si Sophia. Sa wari niya'y p

  • Finding Love Again    Chapter 39

    Ano, 'ma? Gusto n'yong kunin si Sophia kay rita? Ina din kayo, diba? Bakit parang hindi n'yo naiintindihan kung ano ang idudulot nun sa kanya? Kung gawin yun sa inyo, papayag ba kayo?" Pinandilatan ni Roda si Martin. "Kinukunsensya mo ba ako? Ikaw na nga ang tinutulungan ko diyan, e." "Sigurado ba kayo na tinutulungan niyo ako? O, baka naman yun ang talagang gusto nyong gawin; ang agawin si Sophia sa nanay n'ya para sa pansarili niyong kagustuhan?" Nagtungo si Martin sa pinto. "Hindi ako pumapayag sa gusto nyo, ma. Si Sophia ang buhay ni Rita kaya hindi n'yo s'ya puwedeng kunin sa kanya" At umalis na ito. "Hump! Bakit hindi mo na lang sabihin na kaya ayaw mong pumayag ay para may dahilan ka para punta-puntahan ang babaeng yun?" Sagot ni Roda sa likod ng anak. Nang puntahan ni Martin ang bunsong kapatid sa silid nito, at naaktuhan n'ya ang pagbabahagi nito sa kausap nito sa telepono ang isyu sa kanilang pamilya. "Hay naku, sinabi mo pa. Could you imagine, may Anak si kuya sa la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status