Share

Chapter 2

Auteur: Airam Anelé
last update Date de publication: 2026-03-17 13:11:35

Habang nasa biyahe ay tumutulo ang mga luha ni Rita. Kanina, habang pumupuslit s'ya sa likod-bahay nila Lorna para tumakas, ay naririnig n'ya ang pagtatalo nito at ng kanyang ina. Nalalaman n'yang galit na galit ito sa pagtakas n'ya, dinig na dinig din n'ya ang masasakit na sinabi nito.

"Kung alam ko lang na lalaki siyang ingrata, sana ay nilunod ko na lang s'ya pagkapanganak ko sa kanya! Wala siyang utang na loob!"

Napahagulgol si Rita, ngunit inimpit n'ya ang kanyang pag-iyak dahil karamihan sa mga pasahero ng bus na sinasakyan n'ya ay mga natutulog. 'Nay, patawarin nyo sana ako, pero.... hindi ko talaga kaya gawin ang mga ipinapagawa n'yo sa akin.' Matapos niyang mailabas ang bigat ng kanyang kalooban ay guminhawa na rin ang pakiramdam niya at nakatulog.

Pagbaba ng bus ay sumakay pa ng jeep at tricycle si Rita. Ibinaba s'ya ng tricycle driver sa tapat ng isang subdivision. "Magandang araw, ho." bati n'ya sa guwardya. "Papunta po ako sa mga del Prado, pinapunta po ako ni Andeng." Matapos makumpirma ang kanyang pagkakakilanlan ay pinapasok si Rita.

Hindi ganoon kalalaki ang mga bahay sa naturang subdivision, ngunit magaganda ang pagkakagawa sa mga ito, sapat na para mamangha si Rita.

Hawak ang isang maliit na papel na may nakasulat na address, ay huminto siya sa tapat ng isang brown na gate. Nang makumpirma na iyon ang villa na pakay n'ya, ay agad siyang nag-doorbell.

"Sino sila?" tanong ng isang matandang katulong pagkabukas ng gate.

"Magandang araw po, ako po si Rita; nariyan po ba si nanay Andeng?"

"Ako si Andeng. Ikaw pala si Rita. Halika, pasok ka." Dinala ni Andeng si Rita sa may patyo. "Dito ka muna, ha, sasabihin ko lang kay madam Leonora na narito ka na. Sinabi ko kasi sa kanya ang pagdating mo."

Hindi nagtagal, nang maiwan sa labas si Rita, ay may sasakyang bumusina sa labas ng gate.

Nang walang lumabas na katulong para magbukas, ay muli itong bumusina. Dahil sa paulit-ulit nitong pagbusina, ay nagdesisyon si Rita na pagbuksan na lamang ito.

Pagpasok ng sasakyan, ay huminto ito sa tabi niya; nagbaba ng bintana ang nagmamaneho nito. Kumunot ang noo ng lalaki pagkakita sa kaniya. "Bago ka dito?"

Hindi kaagad nakasagot si Rita; natulala lang ito sa mukha ng lalaki. Hindi naman ito sobrang guwapo, ngunit ang malamig na awra nito ay tila nagbibigay ng kung anong interes at kilig sa kanya.

Nang makita ang mga tingin ni Rita sa kanya, ay kumunot ang noo ng lalaki, pumalatak ito bago isinara ang bintana ng kotse. Nagmaneho na ito papunta sa garahehan.

Napagmasdan na lang ni Rita ang pag-alis ng kotse; natauhan lamang ito nang tawagin na s'ya ni Andeng. Pagpasok sa villa, ay naikot ng tingin ni Rita ang paligid; ngayon pa lamang s'ya nakapasok sa ganoong kagandang bahay sa buong buhay n'ya, kaya hindi n'ya mapigilang mamangha.

Nang makita n'ya ang isang matandang babae na napapalamutian ng mga alahas sa sofa, ay inayos n'ya ang kanyang sarili. "M-magandang araw po, madam." Bati n'ya.

Ngumiti ang matandang babae. "Magandang araw din, iha. Sinabi sa akin ni Andeng ang pinagdaanan mo sa inyo, at ikinalulungkot ko ang nangyari sa'yo." Nagustuhan kaagad ni Leonora si Rita kaya kaagad niya itong tinanggap.

Nung araw na iyon, ay pinagpahinga muna si Rita at hindi muna pinagtrabaho dahil nalalaman ni Leonora na napagod ito sa biyahe.

Kinabukasan, ay nagsimula na itong magtrabaho. Habang nagpupunas ng muwebles, natanaw ni Rita ang pagdating ng isang lalaki. Bitbit ang ilang files, ay naupo ito sa sala. Nanlaki ang mga mata niya nang makilalang ito ang lalaking pinagbuksan n'ya ng gate kahapon.

"Ang guwapo, ano?"

Napaigtad sa gulat si Rita nang may biglang magsalita sa tapat ng kanyang tenga. "Nanay Andeng, nakakagulat naman po kayo!" aniya habang nakahawak sa kanyang dibdib.

"Oy, Rita, binabalaan kita ha; hindi ka puwedeng magkagusto sa amo natin, hindi ka puwedeng magkagusto kay ser Martin. Ako na ang nagsasabi sa'yo, kung ayaw mong mapaalis dito nang wala sa oras, ay itigil mo na kaagad ang pag-illusyon mo."

Ngumuso si Rita. "Si nanay Andeng naman. Hindi naman po ako nangangarap ng gising, e. Saka kahit ba paghanga man lang, bawal din?"

"Oo, bawal. Alam mo, kung tutuusin ay hindi ka dapat tatanggapin ni madam Leonora, kung hindi lang s'ya naawa sayo. Kaya makinig ka."

Nagtaka si Rita sa mga sinabi ng matanda, ngunit sinunod pa rin n'ya ang sinabi nito, dahil nalalaman naman niyang wala naman talagang patutunguhan ang mumunting pagtingin n'ya para sa among lalaki.

Sa mga nagdaang mga araw ay puro pagtanaw lang sa malayo ang ginagawa ni Rita kay Martin, ngunit sa paglipas din ng mga araw ay tila lumalaki ang paghanga at ang pagtingin n'ya para dito, lalo na nang makita n'ya kung gaano ito kabuti sa mga matatanda nilang katulong.

Dahil nasa bakasyon ang pamilya ni Martin, bukod kay Leonora, ay nagawa niyang maipagdiwang ang ika-70 kaarawan ng isang katulong. Pinagpahandaan n'ya ito ng maraming pagkain at binigyan pa ng regalo. Kung titingnan ay parang kapamilya na rin ang turing ni Martin dito. Hinahayaan lamang n'ya na yakap-yakapin sya nito habang nagpapasalamat ito sa kanya.

Dahil sa lumalaking pag-ibig ni Rita para sa lalaki ay tila hindi na n'ya magawang itago pa ang kanyang nararamdaman, at dahil nalalaman niyang bawal ay sa sulat na lamang n'ya inihayag ang kanyang damdamin.

Nang wala na siyang malay gawin sa labas ay nagtungo muna sa maid's quarter si Rita para makapagpahinga sandali; doon n'ya naisipang gumawa ng love letter para kay Martin. Habang nagsusulat ay nangingiti ito at kinikilig pa. Nang matapos na s'ya ay maingat niyang tiniklop ang papel, pagkatapos ay sinulatan pa n'ya iyon sa labas.

"Rita! Nasaan ka?"

Nagitla si Rita nang marinig ang malakas na pagtawag ni Andeng sa labas, pakiramdam tuloy nya ay para siyang palihim na gumagawa ng kasalanan. Sa pagkataranta ay dali-dali niyang itinago ang sulat sa lagayan nila ng maruruming damit, na nasa ilalim lang ng double deck na kanyang hinihigaan, saka s'ya lumabas.

...

Kinabukasan ay nagtaka at kinabahan si Rita nang sabihin sa kanya ng isang katulong na ipinapatawag s'ya ni Martin. Nakaramdam s'ya ng excitement habang papunta sa kinaroroonan nito dahil ito pa lang ata ang kauna-unahang beses na ipinatawag s'ya nito.

"S-ser Martin, ipinatawag n'yo raw po ako?"

Iniangat ni Martin ang kanyang kamay na may hawak na nakatiklop na papel para ipakita kay Rita. "Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na 'to?"

Nang pagmasdan ni Rita ang papel ay nakilala n'ya ito bilang ang love letter na isinulat n'ya kahapon. Gulat na gulat sya nang bigla iyong sumulpot sa kamay ni Martin. Paano ito napunta sa kanya?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Finding Love Again    Chapter 5

    Tulala nang makabalik sa gawain n'ya si Rita. Pakiramdam n'ya ay parang panaginip lang ang nangyari kanina.Agad siyang nilapitan at tinanong ng dalawang katulong. "Oy Rita, bakit ka ipinatawag ni ser Martin, napagalitan ka ba?" "Bakit kaya, ano? Hindi naman basta-basta nagagalit 'yong si ser Martin e, ano ba kasi ang ginawa mo?" tanong ng isa.Hindi sumagot si Rita, nakatulala lamang ito habang nagpapaulit-ulit sa isipan n'ya ang mga sinabi ng amo niyang lalaki sa kanya kanina:Nang makitang walang naging reaksyon si Rita ay inisip ni Martin na baka hindi s'ya naintidihan nito, kaya ipinaliwanag n'ya. "Kahit hindi pa natin alam kung magbubunga ba o hindi ang nangyari sa atin, dapat ay maging handa pa rin tayo sa pag-ako ng responsibilidad, kaya ngayon pa lang ay dapat na nating kilalanin ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, hindi naman natin kailangan na palaging magkita, pero dapat ay makapag-spend pa rin tayo ng oras sa isa't-isa kahit paminsan-minsan lang para makapag-adjust tay

  • Finding Love Again    Chapter 4

    "Ay!" naibulalas ni Andeng nang bigla niyang masalubong si Rita at nang halos magkabanggaan silang dalawa. May dala pa naman siyang plato ng pagkain. "Oy Rita, saan ka galing? Bakit wala ka sa kuwarto natin, saan ka natulog kagabi?" "Um... n-nakatulog po kasi ako sa paglilinis kagabi. Napagod po ako, kaya... k-kaya nagpahinga po muna ako, kaya lang nakatulog po pala ako." matapos makapangatwiran ay dali-daling umalis si Rita. Pagpasok sa maid's quarter ay agad siyang kumuha ng damit at naligo. Kailangan umasta s'ya na parang walang nangyari, kahit medyo masakit ang kaselanan n'ya. Ngunit hindi maalis-alis sa isipan n'ya ang nangyari kagabi, sariwa pa 'yun sa kanya."Ay, ano ba yan? Tonta!" singhal ni Roda nang matapunan s'ya ng malamig na juice ni Rita. Habang nagtratrabaho kasi ay lumilipad ang isip nito. Nagpaumanhin agad si Rita. Sa mga del Prado ay dito s'ya kay Roda pinakatakot dahil nalalaman niyang ayaw nito sa kanya, kaya hangga't maaari ay nag-iingat s'ya na makagawa ng pa

  • Finding Love Again    Chapter 3

    "Nanay Andeng, sandali..." tawag ni Martin sa matandang katulong nang makitang may nahulog na papel mula sa mga dala nitong damit.Nanggaling ang matanda sa maid's quarter dala ang mga marurumi nilang damit para labhan ang mga iyon, nang masalubong niya si Martin.Dala ng katandaan at ng mahina nang pandinig ay hindi tumigil si Andeng, bagkus ay nagdiri-diretso ito papunta sa laundry area.Hindi na ito tinawag pa ni Martin, dinampot na lamang niya ang papel sa sahig. Nang bigla niyang ma-spot-an ang pangalan niya sa labas ay na-curious siya kaya binasa niya iyon.Matapos mabasa ay halos lamukusin na niya ang papel.Nang may dumating na katulong ay inutusan niya ito na tawagin si Rita at pasunurin ito sa kanya sa may patyo.."Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na ito?" tanong ni Martin pagdating na pagdating ni Rita.Hindi makasagot ang dalaga, hindi niya alam kung aamin ba siya lalo na nang makita ang tila madilim na awra ng kanyang amo. "S-ser Martin, ano po... m-magpapaliwanag p

  • Finding Love Again    Chapter 2

    Habang nasa biyahe ay tumutulo ang mga luha ni Rita. Kanina, habang pumupuslit s'ya sa likod-bahay nila Lorna para tumakas, ay naririnig n'ya ang pagtatalo nito at ng kanyang ina. Nalalaman n'yang galit na galit ito sa pagtakas n'ya, dinig na dinig din n'ya ang masasakit na sinabi nito."Kung alam ko lang na lalaki siyang ingrata, sana ay nilunod ko na lang s'ya pagkapanganak ko sa kanya! Wala siyang utang na loob!"Napahagulgol si Rita, ngunit inimpit n'ya ang kanyang pag-iyak dahil karamihan sa mga pasahero ng bus na sinasakyan n'ya ay mga natutulog. 'Nay, patawarin nyo sana ako, pero.... hindi ko talaga kaya gawin ang mga ipinapagawa n'yo sa akin.' Matapos niyang mailabas ang bigat ng kanyang kalooban ay guminhawa na rin ang pakiramdam niya at nakatulog. Pagbaba ng bus ay sumakay pa ng jeep at tricycle si Rita. Ibinaba s'ya ng tricycle driver sa tapat ng isang subdivision. "Magandang araw, ho." bati n'ya sa guwardya. "Papunta po ako sa mga del Prado, pinapunta po ako ni Andeng."

  • Finding Love Again    Chapter 1

    "Kakanin! Kakanin kayo diyan!" sigaw ni Rita. Naroon siya sa labas ng isang eskuwelahan, dala ang paninda niyang mga kakanin na nakalagay sa isang basket."Ate, may suman?" tanong ng isang babaeng estudyante. "Meron, ilan?" "Isa lang." Siya si Margarita Luna, o mas kilala bilang Rita. 22 anyos, panganay sa kanilang pitong magkakapatid at naninirahan sa Ormoc. Tumigil siya sa pag-aaral para tulungan ang kanyang ina na kumita ng pera, at dahil lahat ng anim niyang mga kapatid na iba-iba ang ama ay pawang mga nag-aaral na. "Nariyan ka na pala, Nay. Maganda po ang naging benta ko kaya namalengke ako para masarap-sarap naman ang hapunan natin. Tatawagin ko lang po ang mga kapatid ko," ani Rita. "Mamaya mo na sila tawagin. Makinig ka muna, may importante akong sasabihin sa iyo," saway ni Lydia. "Mag-ayos ka at magpaganda mamayang gabi; sasama ka sa akin doon sa bar." Nag-iba ang disposisyon ni Rita, naunawaan agad niya kung ano na naman ang pinaplano ng kanyang ina. "Iyan po ba ang i

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status