Se connecterTulala nang makabalik sa gawain n'ya si Rita. Pakiramdam n'ya ay parang panaginip lang ang nangyari kanina.
Agad siyang nilapitan at tinanong ng dalawang katulong. "Oy Rita, bakit ka ipinatawag ni ser Martin, napagalitan ka ba?" "Bakit kaya, ano? Hindi naman basta-basta nagagalit 'yong si ser Martin e, ano ba kasi ang ginawa mo?" tanong ng isa. Hindi sumagot si Rita, nakatulala lamang ito habang nagpapaulit-ulit sa isipan n'ya ang mga sinabi ng amo niyang lalaki sa kanya kanina: Nang makitang walang naging reaksyon si Rita ay inisip ni Martin na baka hindi s'ya naintidihan nito, kaya ipinaliwanag n'ya. "Kahit hindi pa natin alam kung magbubunga ba o hindi ang nangyari sa atin, dapat ay maging handa pa rin tayo sa pag-ako ng responsibilidad, kaya ngayon pa lang ay dapat na nating kilalanin ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, hindi naman natin kailangan na palaging magkita, pero dapat ay makapag-spend pa rin tayo ng oras sa isa't-isa kahit paminsan-minsan lang para makapag-adjust tayo." Sa lahat ng mga sinabi ni Martin ay nakatulala lang si Rita, ni hindi malaman kung may naintidihan ba ito. Nang makitang, tila walang balak sumagot si Rita ay iniwan na lang ito ng mga katulong. Inisip na lang nila na maaaring napahiya ito dahil napagalitan ito. Matapos ng araw na iyon ay parang wala namang nagbago, dahil, katulad ng dati ay hindi pa rin naman binibigyang pansin ni Martin si Rita. Tila malamig pa rin ito sa kanya. Habang nagbabasa ang binata ng mga files sa sala ay palihim itong pinagmamasdan ni Rita sa malayo-layo. Nakipagpalit s'ya ng gawain sa isang may-edad na katulong para lang makapuwesto dito at para lang masilayan si Martin. Habang pinagmamasdan n'ya ito ay naglalaro sa isipan n'ya ang mga sinabi nito kahapon. Bagaman parang mahirap paniwalaan kung totoo ba talaga ang nangyari kahapon, ay umaasa pa rin s'ya kahit paano ng kaunting pansin mula dito. Nang wala namang nangyayari ay naisip ni Rita na baka hindi naman pala ito seryoso sa mga sinabi nito kahapon. "Rita!" Naitigil ni Rita ang ginagawa nang bigla siyang tawagin ng binata. Paglapit n'ya ay inutusan s'ya nitong ayusin ang mga files na kanyang binabasa. Pagtingin ni Rita ay nakita n'ya ang magulo at nakasabog na mga files sa coffee table. Yumuko siya at sinimulang ipunin at iligpit iyon. "Maupo ka dito..." Turo ni Martin sa kanyang tabi, sa inuupuan niyang mahabang sofa. "Sasakit ang likod at balakang mo kung yuyuko ka nang ganyan." Natigilan si Rita. Tila nahirapan itong sundin ang utos ng amo, ngunit sa huli ay may pag-aalangan pa rin siyang naupo sa tabi nito. "Mahihirapan ka sa pagdampot kung ganyan ka kalayo, lumapit ka pa." Walang nagawa si Rita kung hindi ang lumapit pa. Sinadya niyang dumistansya dahil naiilang at nahihiya siyang tumabi dito, ngayon ay parang hindi naman s'ya mapakali. Ito pa lang ata ang unang beses na nakalapit s'ya nang ganito kay Martin. Biglang namula ang kanyang pisngi nang maalalang, may nangyari na nga pala sa kanilang dalawa kaya nalalaman n'ya na higit pa dito ang ginawa nila. Napaigtad si Rita nang biglang magtanong ang binata, "Anong nangyari sayo, bakit parang naninigas ka diyan?" "Um..." Magdadahilan na sana si Rita nang biglang lumapit nang husto ang binata sa kanya. Bigla niyang naamoy ang preskong amoy ng pabango nito, ang leeg nito ay halos sumayad na sa kanyang mukha. Mula doon ay kitang-kita n'ya ang adams apple nito, bigla tuloy siyang nagkaroon ng udyok na halikan iyon. Napapikit si Rita, hindi s'ya handa sa biglaang intimasyon ng among lalaki sa kanya, pakiramdam n'ya ay tila gusto siyang yakapin nito. Tumatakbo pa lamang ang imahinasyon n'ya nang biglang lumayo si Martin. Saka niya nakitang, kinuha lang pala nito ang ilang files na nasa harapan n'ya. Namula ang mukha niya sa hiya, ang akala pa naman n'ya ay... Muli siyang napaigtad nang bigla namang sunggaban ni Martin ang kanyang kamay. "Kanina ka pa parang wala sa sarili mo, may problema ba?" Itinago ni martin ang kamay nila sa ilalim ng mesa, saka n'ya hinaplos-haplos ng kanyang hinalalaki ang kamay ng dalaga. "Boyfriend mo ako, baka gusto mong sabihin sa akin kung ano ang gumugulo sa'yo?" Pakiramdam ni rita ay tila nagkamali s'ya ng dinig. "H-ha?" Saka n'ya naisip na hawak nga pala nito ang kanyang kamay. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Tinatanong kita kung ano ang gumugulo sa'yo, pero kung ayaw mong sabihin, ayos lang." Yumuko si Martin at hindi na tiningnan pa si Rita dahil may katulong na biglang dumaan, ngunit hindi n'ya binitawan ang kamay nito. "Pasensya na kung palihim ang relasyon natin. Naiintindihan mo naman siguro kung ano ang puwedeng mangyari kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa atin, lalo na ng mommy ko, hindi ba?" "Um. w-wala namang problema sa akin yun, ser." May pag-aalangang sagot ni Rita. "Sir?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Martin. "Kapag tayong dalawa lang, Martin na lang ang itawag mo sa kin, okay?" "S-Sige po, se– m-martin pala." . . . "Martin, kumusta na nga pala kayo ni Claire? Nakapag-usap na ba kayo?" Natigilan sa pagsisilbi sa hapag-kainan si Rita nang marinig ang tanong na ito ni Roda. Pasimple siyang sumulyap sa among lalaki na ngayon ay nobyo na n'ya. Nagtaka s'ya, sino si Claire? "Hindi pa." Walang pakialam na sagot ni Martin. Ikinadismaya ito ni Roda, "O, e, bakit parang wala ka atang ginagawa? Gusto mo bang tawagan ko s'ya para magkausap kayo?" "Hindi na mom, wala naman kaming pag-uusapan e." "Hay naku, hanggang kailan mo ba balak magbalewala? Ang balita ko ay marami raw ang umaali-aligid kay Claire doon sa abroad. Sige ka, baka maunahan ka at sa huli ay baka magsisi ka." Gusto sanang tanungin ni Rita si Martin kung sino si Claire, ngunit hindi s'ya makatyempo. Hanggang sa bigla na lang itong nawala. Nagtanung-tanong s'ya sa mga kapwa katulong kung nasaan ito, ngunit hindi din alam ng mga ito. Saka lang n'ya nalaman na nagkaroon pala ito ng biglaang business trip sa ibang bansa. Gusto na lang niyang magtampo dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya bago ito umalis. Lumipas pa ang ilang araw nang walang paramdam si Martin kay Rita, nakakuha lang siya ng impormasyon tungkol dito nang magbida si Roda. "Tingnan mo ito, mama...." Ani Roda sa kanyang biyenan habang pinapakita n'ya dito ang larawan sa kanyang cellphone na ipinadala lang sa kanya. "Bagay na bagay talaga sila Claire at Martin, ano?" Biglang bumagal ang kilos ni Rita. "Kuha nila itong dalawa nang manood sila ng sine, at... sila lang daw dalawa." Tila kinikilig pang dagdag ni Roda. "Siguro ay dapat na akong maghanda, ano? Baka pag-uwi ni Martin ay kasama na n'ya si Claire at ibalita na lang sa atin na magpapakasal na sila." Nakaramdam ng hindi maganda si Rita nang marinig ito, pakiramdam n'ya ay para siyang pinagtaksilan. Tila biglang nawalan ng lakas ang kamay n'ya, at hindi sinasadya, ay nabitiwan n'ya ang mangkok na kanyang dala.Tulala nang makabalik sa gawain n'ya si Rita. Pakiramdam n'ya ay parang panaginip lang ang nangyari kanina.Agad siyang nilapitan at tinanong ng dalawang katulong. "Oy Rita, bakit ka ipinatawag ni ser Martin, napagalitan ka ba?" "Bakit kaya, ano? Hindi naman basta-basta nagagalit 'yong si ser Martin e, ano ba kasi ang ginawa mo?" tanong ng isa.Hindi sumagot si Rita, nakatulala lamang ito habang nagpapaulit-ulit sa isipan n'ya ang mga sinabi ng amo niyang lalaki sa kanya kanina:Nang makitang walang naging reaksyon si Rita ay inisip ni Martin na baka hindi s'ya naintidihan nito, kaya ipinaliwanag n'ya. "Kahit hindi pa natin alam kung magbubunga ba o hindi ang nangyari sa atin, dapat ay maging handa pa rin tayo sa pag-ako ng responsibilidad, kaya ngayon pa lang ay dapat na nating kilalanin ang isa't-isa. Huwag kang mag-alala, hindi naman natin kailangan na palaging magkita, pero dapat ay makapag-spend pa rin tayo ng oras sa isa't-isa kahit paminsan-minsan lang para makapag-adjust tay
"Ay!" naibulalas ni Andeng nang bigla niyang masalubong si Rita at nang halos magkabanggaan silang dalawa. May dala pa naman siyang plato ng pagkain. "Oy Rita, saan ka galing? Bakit wala ka sa kuwarto natin, saan ka natulog kagabi?" "Um... n-nakatulog po kasi ako sa paglilinis kagabi. Napagod po ako, kaya... k-kaya nagpahinga po muna ako, kaya lang nakatulog po pala ako." matapos makapangatwiran ay dali-daling umalis si Rita. Pagpasok sa maid's quarter ay agad siyang kumuha ng damit at naligo. Kailangan umasta s'ya na parang walang nangyari, kahit medyo masakit ang kaselanan n'ya. Ngunit hindi maalis-alis sa isipan n'ya ang nangyari kagabi, sariwa pa 'yun sa kanya."Ay, ano ba yan? Tonta!" singhal ni Roda nang matapunan s'ya ng malamig na juice ni Rita. Habang nagtratrabaho kasi ay lumilipad ang isip nito. Nagpaumanhin agad si Rita. Sa mga del Prado ay dito s'ya kay Roda pinakatakot dahil nalalaman niyang ayaw nito sa kanya, kaya hangga't maaari ay nag-iingat s'ya na makagawa ng pa
"Nanay Andeng, sandali..." tawag ni Martin sa matandang katulong nang makitang may nahulog na papel mula sa mga dala nitong damit.Nanggaling ang matanda sa maid's quarter dala ang mga marurumi nilang damit para labhan ang mga iyon, nang masalubong niya si Martin.Dala ng katandaan at ng mahina nang pandinig ay hindi tumigil si Andeng, bagkus ay nagdiri-diretso ito papunta sa laundry area.Hindi na ito tinawag pa ni Martin, dinampot na lamang niya ang papel sa sahig. Nang bigla niyang ma-spot-an ang pangalan niya sa labas ay na-curious siya kaya binasa niya iyon.Matapos mabasa ay halos lamukusin na niya ang papel.Nang may dumating na katulong ay inutusan niya ito na tawagin si Rita at pasunurin ito sa kanya sa may patyo.."Magsabi ka ng totoo, sayo ba ang sulat na ito?" tanong ni Martin pagdating na pagdating ni Rita.Hindi makasagot ang dalaga, hindi niya alam kung aamin ba siya lalo na nang makita ang tila madilim na awra ng kanyang amo. "S-ser Martin, ano po... m-magpapaliwanag p
Habang nasa biyahe ay tumutulo ang mga luha ni Rita. Kanina, habang pumupuslit s'ya sa likod-bahay nila Lorna para tumakas, ay naririnig n'ya ang pagtatalo nito at ng kanyang ina. Nalalaman n'yang galit na galit ito sa pagtakas n'ya, dinig na dinig din n'ya ang masasakit na sinabi nito."Kung alam ko lang na lalaki siyang ingrata, sana ay nilunod ko na lang s'ya pagkapanganak ko sa kanya! Wala siyang utang na loob!"Napahagulgol si Rita, ngunit inimpit n'ya ang kanyang pag-iyak dahil karamihan sa mga pasahero ng bus na sinasakyan n'ya ay mga natutulog. 'Nay, patawarin nyo sana ako, pero.... hindi ko talaga kaya gawin ang mga ipinapagawa n'yo sa akin.' Matapos niyang mailabas ang bigat ng kanyang kalooban ay guminhawa na rin ang pakiramdam niya at nakatulog. Pagbaba ng bus ay sumakay pa ng jeep at tricycle si Rita. Ibinaba s'ya ng tricycle driver sa tapat ng isang subdivision. "Magandang araw, ho." bati n'ya sa guwardya. "Papunta po ako sa mga del Prado, pinapunta po ako ni Andeng."
"Kakanin! Kakanin kayo diyan!" sigaw ni Rita. Naroon siya sa labas ng isang eskuwelahan, dala ang paninda niyang mga kakanin na nakalagay sa isang basket."Ate, may suman?" tanong ng isang babaeng estudyante. "Meron, ilan?" "Isa lang." Siya si Margarita Luna, o mas kilala bilang Rita. 22 anyos, panganay sa kanilang pitong magkakapatid at naninirahan sa Ormoc. Tumigil siya sa pag-aaral para tulungan ang kanyang ina na kumita ng pera, at dahil lahat ng anim niyang mga kapatid na iba-iba ang ama ay pawang mga nag-aaral na. "Nariyan ka na pala, Nay. Maganda po ang naging benta ko kaya namalengke ako para masarap-sarap naman ang hapunan natin. Tatawagin ko lang po ang mga kapatid ko," ani Rita. "Mamaya mo na sila tawagin. Makinig ka muna, may importante akong sasabihin sa iyo," saway ni Lydia. "Mag-ayos ka at magpaganda mamayang gabi; sasama ka sa akin doon sa bar." Nag-iba ang disposisyon ni Rita, naunawaan agad niya kung ano na naman ang pinaplano ng kanyang ina. "Iyan po ba ang i







