Share

47

Author: Boraine
last update Last Updated: 2025-10-13 16:30:45

Pagkatapos manigarilyo, bumalik si Jiro sa silid. Agad niyang napansin si Jayra, masiglang nagkukuwento ng mga biro sa tabi ng kama. Pero si Chloe, tila wala sa sarili, nakatitig lamang sa kawalan, parang malayo ang iniisip.

Pagpasok ni Jiro, agad tumayo si Jayra at ngumiti. “Kuya.”

Bahagyang kumurap si Chloe, unti-unting nagiging malinaw ang kanyang mga mata. Nang makita si Jiro, parang biglang bumalik sa kanya ang realidad. Marami siyang tanong, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

Tumango si Jiro kay Jayra. “You can go out first.”

“Okay.” Ngumiti si Jayra kay Chloe bago lumabas. “Ate, magpahinga ka muna, ha? I’ll call you pag dinner na.”

“Salamat,” mahinang tugon ni Chloe, bahagyang nagtaas ng kilay habang sinusubukang ngumiti.

Pagkaalis ni Jayra, marahang isinara ni Jiro ang pinto. Lumapit siya kay Chloe at dahan-dahang hinaplos ang ulo nito.

“Ano’ng iniisip mo kanina? Pagpasok ko, parang lutang ka.”

Tumingala si Chloe sa kanya, bahagyang nanginginig ang boses. “Totoo ba… n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   83

    “May kailangan lang akong asikasuhin sa isa sa mga subsidiary. Tara, ihahatid kita sa school pagkatapos nating kumain,” sabi ni Jiro habang inaayos ang manggas ng kanyang dark suit. Eleganteng tignan, kalmado, at napakaayos, kahit hindi siya magsalita, kapansin-pansin pa rin ang presensiya niya.Magkasabay silang kumain, saka umalis mula sa Alviera.Pagkalipas ng kalahating oras, nakiusap si Arienna na bumaba na bago pa sila makarating sa mismong gate ng unibersidad. Ayaw niyang mapansin ng mga tao, lalo na’t mamahaling kotse ang sinasakyan niya.Ngunit bago siya tuluyang bumaba, hinila siya ni Jiro palapit at hinalikan nang mariin. Nang bitawan siya, namumula na ang kanyang pisngi.“I’ll wait for you here after class,” bulong ni Jiro, malambing pero may halong awtoridad.“Okay…” mahina niyang tugon, sabay lingon sa driver na tahimik lang sa harap. Nahihiya niyang binuksan ang pinto at mabilis na lumabas ng sasakyan.Pagkaalis ni Arienna at nang mawala na ang anino nito sa dami ng es

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   82

    Nang makaalis si Marina, mahinahon siyang humakbang papalapit. Maingat niyang inabot ang kanyang munting kamay para hawakan ang kamay ni Jiro. Ang malinaw niyang mga mata ay may bahid ng pagka-ilang at paghingi ng paumanhin."Sorry, love. Pinag-alala pa kita," malambing niyang sabi.Bahagyang yumuko si Jiro, tinitigan ang mukha niya na para bang nagpapaumanhin. Tahimik siyang bumuntong-hininga at inunat ang mga braso para yakapin siya nang mahigpit. Marahan siyang nagtanong sa tenga ni Arienna, "Na-miss mo ba ako?""Opo! Sobra!" Ipinulupot niya ang mga braso sa baywang nito at idinikit ang kanyang mukha sa dibdib nito, mahina siyang ngumiti.Kahit na sanay na siya sa kapaligiran doon, ito ang unang pagkakataon na matagal silang nagkahiwalay. Minsan, nagigising siya sa hatinggabi at nakikitang walang tao sa kanyang tabi, kaya naman ay sobra siyang nangungulila. Gusto niyang tumawag at pakinggan lang ang boses nito, pero nag-aalala siyang baka makaistorbo lang siya sa pagtulog nito.Hin

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   81

    Matapos gamutin ng doktor ang paso sa balikat ni Kyle, dumating din ang manager at ang waiter mula sa restaurant. Halatang kabado ang dalawa habang inilapag nila ang resibo at mga gamot sa mesa ng doktor.“Pasensya na po talaga, Sir,” wika ng manager habang nakayuko. “Sasagutin po ng restaurant ang lahat ng gastusin ninyo, pati na rin ang anumang follow-up treatment.”Seryoso ang tono nito, at nakitang taos-puso ang paghingi ng tawad. Kaya’t hindi na nagsalita pa si Kyle. Iniwan niya ang numero ng telepono at pinauwi ang mga ito.“Isuot mo na ang damit mo,” paalala ng doktor nang mapansing nakahubad pa rin siya habang nilalagyan ng ointment.Ngunit nang tignan ni Kyle ang basang polo niyang puno ng mantsa ng sabaw, napakamot siya sa ulo.“Mukhang hindi ko na maisusuot ‘to,” aniya, medyo nahihiya. “Tatawag na lang ako para may magdala ng pamalit.”Tahimik lang si Arienna, nakatayo sa tabi niya. Pinagmamasdan niya si Kyle habang paulit-ulit nitong sinusubukang tawagan ang kung sino, ngu

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   80

    Habang tinitingnan ni Arienna ang mga nakasabit na damit, maingat niyang pinili ang mga ito isa-isa. Sa huli, tumigil ang tingin niya sa isang blue pinstripe shirt, simple pero elegante. Kinuha niya ang sukat na alam niyang sinusuot ni Jiro at mahinang sabi sa clerk, “Ito na lang po.”Sa labas ng tindahan, isang grupo ng mga lalaki ang naglalakad at isang babae. Sa gitna nila, napatingin si Lorie sa loob at biglang natigilan. Lumapit siya kay Jiro at mahinang bulong,“Sir, si Ma'am Arienna… nasa loob po ng store.”Natigilan si Jiro. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita nga si Arienna na naglalakad papunta sa cashier, hawak ang isang striped shirt. Saglit na napangiti ang mga labi niya.“Gusto n’yo po bang lapitan siya?” tanong ni Lorie.Ngumiti si Jiro, bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pinagmasdan niya sandali ang likod ni Arienna bago marahang umiling.“Hindi na. Let’s go. May meeting pa tayo para sa National Day event.”Ngunit kahit nagpatuloy na sila sa paglakad, halata

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   79

    Kakaunti na lang at tulog na si Arienna nang biglang tumunog ang cellphone sa tabi nila. Napaigtad siya sa gulat, ngunit agad siyang hinaplos ni Jiro sa balikat, pinapakalma. Kinuha nito ang telepono, sinagot sandali, at matapos ang ilang mahihinang tugon, agad ding ibinaba.“Paalis ka na?” mahina niyang tanong, nakatingin sa mga mata nito.Tumango si Jiro. “Oo. Parating na ang driver.”Hinapit siya nito sa dibdib at marahang hinalikan sa pisngi. Hindi na nagsalita pa si Arienna, nakayuko lamang siya, at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng suot nito. Simula nang magkasama sila, iyon ang unang beses na lalayo siya rito, ang unang pagkakataong haharapin niya ang lahat nang mag-isa.“Be good,” bulong ni Jiro, idinidiin ang ilong sa kanyang buhok. “Babalik ako kapag may oras.”“Sige,” sagot niya, halos pabulong, puno ng panghihinayang.Ilang sandali pa, narinig nila ang tunog ng kotse sa labas. Binitiwan siya ni Jiro at tumayo. Tinanggap nito ang maleta mula kay Marina, sabay sabi, “Mar

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   78

    Matapos ang halos isang oras, pumasok sila sa isang high-end subdivision sa Pampanga na tinatawag na Alviera, at tumigil sa harap ng isang magarang bahay.“Sir Jiro, nandito na po tayo,” sabi ng driver, sabay bukas ng pinto.Lumabas si Jiro at marahang hinawakan ang kamay ni Arienna.“Halika, tingnan mo kung magugustuhan mo ang bahay na titirhan mo,” sabi niya nang may ngiti.Tahimik silang naglakad papasok. Tumingala si Arienna, pinagmamasdan ang paligid, ang malinis na hardin, ang malawak na sala, at ang tahimik na kapaligiran. Bagaman mas maliit ito kaysa sa bahay nila sa Metro-manila, para sa kaniya, napakalaki pa rin at medyo nakaka-ilang.“Parang masyado naman itong malaki para sa akin,” sabi niya nang mahina. “Pwede naman akong tumira sa campus.”Alam niyang magiging hamon iyon, makisama sa mga kaklaseng hindi pa niya kilala, pero gusto rin niyang subukan.Ngunit ngumiti lang si Jiro at umiling.“Hindi ka naman mag-isa rito. May darating bukas, siya ang tutulong sa ’yo.”Hinila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status