FAZER LOGINNAKASUNOD si Fiona hanggang sa biglang huminto ang kotse sa unahan at bumaba ang assistant. Nagtaka siya hanggang lumapit ito at kumatok sa bintana, sabay bigay ng maliit na card."Puntahan mo na lang sa address na 'to, kailangan kong balikan si Sir Emilio."Nagtaas ng kilay si Fiona. "Akala ko ba'y dadalhin mo 'ko ro'n?"Hindi ito nagsalita hanggang sa talikuran siya at bumalik sa sasakyan. Nag-U turn hanggang sa tuluyan na niyang hindi matanaw ang kotse.Naiinis man ay wala ng nagawa si Fiona, pinuntahan na lang niya ang address na nasa card. Makalipas ang ilang minuto ay bumagal ang pagmamaneho niya nang marating ang ospital."A-Ano 'to?!" anas niya sa pag-aakalang baka may kung anong nangyaring masama sa mga ito. Matapos makapag-park ay pumasok na siya at pinagtanong sa nurse station kung may pasiyente bang kapangalan ng kanyang tiyahin."Wait lang, Ma'am. Itsi-check ko," sabi ng babaeng nurse. "Ahm… wala po, Ma'am pero…" Saglit na tumigil, nag-aalinlangan sa sasabihin.""Pero ano
PUDPOD na ang kuko ni Fiona sa kakangatngat dahil kanina pa siya hindi mapakali. Ilang beses na niyang tinawagan si Emilio kahit ang assistant nito pero hindi sumasagot.Tinadtad na rin niya ito ng messages pero wala pa rin nangyayari. Nasa loob siya ng kwarto, palakad-lakad. Mayamaya pa ay kumakatok na ang tagalinis."Ma'am, nakapagligpit na po ba kayo para makapagsimula na 'ko at tapos na 'ko rito.""Sandali lang!" yamot na sabi ni Fiona. Pero ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ito. "Ano ba?! Kasasabi lang na san—""Ma'am, bayad po ang oras ko at may iba pa po akong client na pupuntahan kaya nagmamadali talaga ako.""Edi, maglinis ka! 'Wag mong pakialaman ang gamit ko!" singhal ni Fiona.Bumuntong-hininga naman ito at pagkatapos ay lumabas. Tinawagan ang assistant at nagsumbong, "Sir, hindi pa po siya umaalis kaya hindi ako makapaglinis ng—" Muntik nang mabuwal matapos itulak ni Fiona sabay agaw ng cellphone."Hello, sino 'to? Ikaw ba 'to Emilio?!"Walang nagsalita kay
HININTAY lang ni Caitlyn ang kaibigan na makauwi bago siya umalis papunta sa condo ni Ezekiel. Bukas na kasi ang alis nito kaya napagdesisyunan niyang doon mag-sleep over.Naka-ready na ang pagkain ni Mika para hindi na nito kailangan pang magluto. Mga ten minutes din siya naghintay hanggang sa dumating ito na halatang nagmamadali, "Sorry, ngayon lang ako."Napangiti si Caitlyn. "May humahabol ba sa'yo?"Umiling si Mika kahit tila ganoon naman nga ang nangyari. Bigla kasi siyang inabangan ng ex sa labas ng university kaya sa likod pa siya dumaan. Tuloy, mahaba ang naging biyahe niya pauwi. "Paki kumusta ako kay Dok Ezekiel, sabihin mo, ingat sa biyahe."Tumango si Caitly sabay yakap at pagkatapos ay lumabas na ng unit. Naglakad siya patungo sa elevator hanggang sa makasakay. Nagmaneho na siya palabas ng building nang mapansin sa gilid ng exit ang isang lalakeng nakatayo, kausap ang guard.Dahil madadaanan naman ay hindi niya naiwasang marinig ang sinasabi nito."May kaibigan ako sa lo
PAGOD na lumabas si Fiona sa kotse sabay kuha ng paperbags. Umaga pa lang ay busy na siya ay kanina ay regular check up niya.Kondisyon iyon ni Emilio, upang maiwasan na mabuntis siya at hindi pa naman ito gumagamit ng proteksyon. Kaya siya ang nagsasakripisyo na uminom ng contrac*ptives.Pagkatapos ay dumaan siya sa mall at namili ng mga damit at gamit na nagustuhan lang niya habang naroon. Bitbit ang pinamili ay sumakay na siya ng elevator, hindi na pinansin pa ang tingin ng ibang residente—sanay na siya.One time, may isang matandang babae ang nagtanong kung anong trabaho niya at madalas siyang makita na laging may bitbit na mamahalin at branded na gamit.Hindi niya sinagot ang matanda kaya nainis ito, simula noon ay iba na ang tingin ng mga nakatira sa building na iyon. Marahil, pinag-uusapan siya at kung ano-anong sinasabi pero wala na siyang pakialam.Ang mahala sa kanya ay na-e-enjoy niya ang tinatamasang buhay.Pagkarating sa tamang palapag ay lumabas na siya at naglakad patun
BINAGALAN ni Caitlyn ang pagmamaneho ng makarating sa condominium building ni Ezekiel, sa unahan ay napansin niya ang isang pamilyar na sasakyan kaya pasimple siyang sumunod pero dahil limitado ang parking space ay napilitan siyang pumarada.Sa kabilang direksyon siya nakakita at pagkatapos ay kinuha ang dalang gift para sa pamilya ni Ezekiel. May gaganaping family dinner sa itaas kaya pinaghandaan niya talaga ng husto.Naglakad siya patungo sa elevator at nang makarating sa tamang palapag ay naabutan niya sa harap ng pinto ang pamilya nito na siyang sinusundan niya kanina. "Good evening po,"magalang niyang pagbati sabay ngiti.Nagkusa na rin siyang bumeso sa Ginang habang tinanguan naman siya ni Federico.Saktong bumukas ang pinto at bumungad si Ezekiel na direkta agad ang tingin sa kanya. Napaiwas siya ng tingin, matapos makaramdam ng hiya dahil ilang araw niya rin itong iniiwasan.Kahit na naging maayos naman sila pagkatapos ay hindi niya pa rin maiwasang mailang."Mauna na kayong
MAGSASALITA pa lang sana si Damian ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binalewala niya ngunit ang tingin ng tatlo ay nanatili sa kanya."Ba't 'di mo muna sagutin 'yan at baka importante," ani Alejandro, may kaunting malisya sa boses.Nanlalamig ang palad ni Damian ng kunin sa bulsa ang phone. Galing sa bahay ang tawag kaya dali-dali niyang sinagot, "Hello?"Natatarantang boses ng isa nilang katulong ang maririnig sa kabilang linya, "Sir! Nahimatay po si Madam!""A-Ano? Bakit, anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong, biglang nanigas ang katawan sa takot."Hindi po namin alam. Bigla na lang po siyang natumba habang naglalakad."Napatingin si Damian kay Alejandro at sinabi ang nangyari, "Kailangan ko lang puntahan ang asawa ko sa ospital." Nang pumayag ito ay wala siyang sinayang na oras at agad ng lumabas ng opisina.Nabigla naman si Sandro sa naging desisyon ng ama at kinuwestiyon ito, "Hahayaan niyo lang siya, Dad?"Huminga nang malalim si Alejandro. "Wala naman siyan
BUMABA si Mika sa jeep at naglakad patungo sa ospital. Yakap niya ang ilang libro habang patungo sa malapit na kainan, hindi kalayuan sa ospital para bumili ng makakain sa hapunan—at medyo may kamahalan ang pagkain sa loob.Isang simpleng karinderya at sa kabilang kalsad ay mga magkakahilerang rest
SA LUMANG BODEGA, na pagmamay-ari ng pamilya Salvante matatagpuang nakakulong ang mag-anak na siyang dumukot noon kay Caitlyn.Sama-sama sa isang kwarto ang mag-asawang sina Amor at Joey, kasama ang kapatid ng huli, si Lando at ang anak nilang si Boyet—na ilang oras pa lang ang nakararaan ay muntik
BUMILIS ang pintig ng puso ni Caitlyn, una ay nakaramdam siya ng kakaibang kiliting umakyat papunta sa kanyang batok hanggang sa mag-init ang kanyang mukha.Mabuti na lamang at dim ang ilaw sa resto kaya, marahil ay hindi nito mahahalata kung namumula na ang kanyang pisngi.Napangiti naman si Ezeki
MAKALIPAS ang ilang minuto, habang naglalatag ng pinggan at kubyertos ang magkaibigan ay narinig nila ang tunog ng doorbell.Tumayo si Federico at nagpresentang siya na lamang ang magbubukas ng pinto. Bumungad agad sa kanya ang nakakunot-noong mukha ng anak.“Si Caitlyn?” tanong agad ni Ezekiel.“N







