LOGINNABULABOG ang buong bahay dahil sa pagdating ni Lando. Marahas nitong itinulak ang pinto at pasuray-suray na pumasok. Namumula ang mukha at amoy ang alak. Halata na maraming nainom dahil hirap itong panatilihing diretso ang katawan.Dahil sa ingay, si Amor na gising pa ng mga sandaling iyon ay lumabas ng kwarto. Napakunot-noo siya nang makitang dumiretso ang bayaw sa kusina at kumuha ng itak. "Anong gagawin mo diyan?" tanong niya kay Lando.Pero hindi ito sumagot. Mas lalong nagtaka si Amor nang mahigpit nitong hawakan ang itak at naglakad palabas."Hoy! Lando!" sigaw niya sabay lapit. "Lasing ka ba? Saan ka pupunta?" Ganoon pa rin, hindi siya pinansin.Hanggang sa maglakad na ito palabas ng bahay kaya tumakbo na siya sa kwarto para gisingin ang asawa. "Joey, gising!"Napabalikwas ng bangon si Joey. "Bakit?" Halatang wala pa sa wisyo."Pigilan mo si Lando at may hawak na itak! Mukhang may binabalak na naman masama!"Sa narinig ay biglang nawala ang antok ni Joey. Mabilis siyang tumayo
NAGPALINGA-LINGA muna ang matandang babae bago bahagyang lumapit upang bulungan si Marcus, "May nakita kasi ako noon… Parang… minomolestiya niya 'yung pamangkin niya na may sakit daw sa pag-iisip."Natigilan si Marcus, biglang kumuyom ang mga kamay at tila may kung anong kumulo sa loob-loob niya. Para siyang sasabog ng mga sandaling iyon."Sinabi ko agad sa kapitan 'yung nakita ko," patuloy ng matanda. "Sinugod namin sa bahay nila, pero todo tanggi ang pamilya. Kami pa ang napasama, pinalabas na gumagawa ng kuwento."May isang babae pa ang lumapit nang marinig ang sinabi ng mantanda. "Totoo 'yun," anito. "Minsan pa nga, nagsumbong kami sa pulis. Kaso wala ring nangyari." Bakas sa mukha ang pagkadismaya habang nagkukwento. "Ewan ko ba kung anong ginawa ng pamilyang 'yun at napaniwala nila ang pulis. Hindi na tuloy kami makapagsumbong ulit kasi na-warning-an na kami ng pulis.""Kaya 'pag may nakikita o naririnig ay tumahimik na lang kami," dagdag ng matanda. "Pati ang mga taga-rito, wal
MULA nang malaman ni Marcus ang buong katotohanan ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Palihim siyang nag-aral ng management sa ilalim ni Antonio para sa takdang panahon ay maayos niyang mapatakbo ang organization.At nang matapos sa kolehiyo ay nagpasiya siyang magtrabaho sa malayong lugar upang hindi mahalata ang kanilang plano. Nais nilang dalawang mag-ama na linlangin si Teresa at ang mga kapatid para hindi maghinala dahil nais din ng mga itong makuha ang organisasyon.Habang nasa malayo ay malaya niyang nagagawa ang mga nais gawin. Pabalik-balik siya sa Pilipinas para makasama ang ina. Umuuwi lang siya sa bahay kapag may special ocassion tapos aalis din naman agad para hindi na makasalamuha ang mga kapatid, na walang ibang ginawa kundi ang pagtulungan siya, hindi na nagbago ang ugali—parang mga bata.Sa hindi mabilang at muling pagbisita sa ina, habang ini-enjoy ang beach ay nakatanggap si Marcus ng tawag mula sa ama. Napag-alaman nitong nakidnap si Caitlyn, ang nakakalungkot pa
TAHIMIK lang at hindi nagsalita ang dalawa sa unahan ngunit pagkaraan nang ilang minuto ay napansin ni Marcus na patungo sa bahay ang tinatahak nilang daan."I said, dumiretso tayo sa kompanya," matigas niyang sabi."Bilin sa'min ni Senior Antonio na after niyong magkausap ni Ma'am Gina ay didiretso kayo pauwi. Alam ni Madam Teresa ang schedule niyo sa school kaya pinag-iingat kayo ni Senior."Kumuyom ang parehong kamay ni Marcus, kahit gusto niyang umapela ay pinili na lamang niyang manahimik hanggang sa makauwi sila sa bahay.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nang akmang bababa ay may sinabi pa ang assistant, "Sir, hindi po dapat malaman ni Madam na nagkita kayo ni Ma'am Gina. Manatiling lihim ang nangyari sa cabin lalo na ang mga nalaman niyo."Hingang malalim lamang ang naging komento ni Marcus at pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Dire-diretso siya patungo sa hagdan kung saan ay makakasalubong niya pa ang madrasta. Natigilan siya, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng in
NAKATITIG si Marcus sa ina habang napapailing. Hindi sila nagkakaintindihan ngunit hindi niya iyon masyadong pinagtuonan ng pansin. Ang mahalaga sa kanya ay maialis ito sa lugar.Muli niya itong hinawakan sa kamay at hinila palabas—itinutulak ang mga tauhan na humaharang."Move!" sinigawan niya muli ang mga ito.Hanggang sa tuluyan umiksena na ang assistant. "Sir, mas lalo niyo lang inilalagay sa alanganin ang kaligtasan ni Ma'am Gina kung ipipilit niyo ang gusto niyong itakas siya rito."Natigilan si Marcus, dahan-dahan ang paglingon sabay tingin nang masama sa assistant. Sa isang iglap ay mabilis itong kinuwelyuhan, ang kamay ay nakaamba na para suntukin ito sa mukha."Marcus!" sigaw ni Gina bago pa tuluyang magkagulo. "Bitawan mo siya." Mabilis niyang nilapitan ang anak, pilit inaalis ang kamay nito sa uniform ng kaawa-awang assistant. "Ano bang nangyayari sa'yo?! Ba't mo siya biglang sinugod?"Nanggagalaiti na si Marcus sa galit kaya namumula na ang mukha at kanyang leeg. Gayon pa
KILABOT ang hatid ng impormasyong dala ni Marcus. Kung manganganib din pala ang buhay niya ay bakit kailangang siya pa ang maging alay?"Tinuturing niya ba talaga akong anak?" hindi niya mapigilang isumbat. Ang mga pasiyente at ilang tao sa paligid ay napatingin matapos niyang magtaas ang boses.Naging conscious sila sa mga nakapalibot na tingin kaya nagpasiya si Ezekiel na dalhin na ang mga ito sa pribadong lugar, malayo sa mata ng ibang tao. "Ang mas mabuti pa ay lumipat tayong lahat sa opisina ko." Matapos ay hinawakan niya ang kamay ni Caitlyn. "Mas makakapag-usap kayo nang maayos do'n."Nagpatianod naman ang dalaga hanggang sa makapasok silang lahat. Naglabas ng upuan si Ezekiel para sa apat saka niya piniling tumayo sa tabi ng pinto. Kahit naka-lock ay gusto niyang magbantay habang nakikinig sa mga ito.Sandali muna silang natahimik hanggang sa magsalita si Marcus, "Magulo at nakakatakot ang buhay na kinalakihan ko. Ibang-iba sa isang normal na pamilya na gaya ninyo… Napapatanon
SUMIGAW sa galit si Fiona nang hindi man lang sinasagot ni Jude ang tawag niya. Nanginginig siya sa galit habang mariing hawak ang cellphone.Matapos ay nag-umpisa na siyang maging paranoid—pabalik-balik ang paglalakad sa loob ng kanyang kwarto. Hindi pwedeng wala siyang gawin at hayaan na lamang a
MAKAILANG-ULIT na bumuntong-hininga si Jude, ang kamay ni Fiona na paulit-ulit siyang sinasaktan kanina ay naging banayad. Hinahawak-hawakan ang mukha niya, pilit kumakapit pero ayaw na niya.Marahan niya itong tinulak. “Tama na, Fiona… mas lalo lang tayong mahihirapan kung ipagpapatuloy pa natin ‘
NAPATIIM-BAGANG si Ezekiel kasabay ng pagkuyom ng kamay. Gusto na niyang hilahin ang likod ng kwelyo nito at kaladkarin palabas pero naroon si Caitlyn.Nakaramdam naman agad si Matthew at mabilis na lumapit sa dalaga. “Hi, I’m Matthew pala, kaibigan ni Ezekiel,” pakilala niya sa sarili sabay lahad
MAKALIPAS ang apat na araw ay bumalik si Caitlyn sa ospital para sa follow up check up niya. Ayon kay Doktora Jasmine ay bumubuti ang kanyang kalagayan ngunit kailangan niya pa rin maging maingat dahil kaunting pagpapabaya lang ay posible nang magdulot ng komplikasyon.“Salamat, Dok,” ani Caitlyn.







