Share

Chapter 181

Author: Lirp49
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-27 16:48:58

NAPAKUNOT-NOO si Caitlyn sa narinig dahil wala naman itong ibang kamag-anak kundi ang mga taong dumukot sa kanya.

Bigla siyang naging alerto. "Bakit?"

Nagbaba ng tingin si Fiona, ang dalawang kamay ay hindi mapakali. "H-Hindi ko pa nasabi sa'yo… wala na sila."

Naningkit ang mata ni Caitlyn. "What do you mean na wala na sila?"

May namuong luha sa gilid ng mata ni Fiona. "P-Pinatay silang lahat," mahina niyang sabi.

Napasinghap siya, hindi makapaniwala sa narinig. "W-Wait… silang lahat? Pati ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 182

    NAHINTAKOTAN si Caitlyn sa narinig. Mariin niyang hinawakan ang kamay nito at tinitigan sa mata. "Kasalanan 'yang iniisip mo."Nagbaba ng tingin si Fiona saka binawi ang kamay mula rito. "Isang malaking pagkakamali ang buhayin ang batang 'to. Isipin ko pa lang na nabubuo sa loob ko ang anak ng mamamatay tao na 'yun—nasusuka na 'ko. Ayokong isilang ang bata na gaya ko, hindi buo ang pamilya."Nalulungkot si Caitlyn habang pinagmamasdan ito pero hindi niya hahayaang may buhay ang mawala. Walang kasalanan ang bata sa mga pagkakamali ng magulang. "Kami ang pamilya mo, buo tayo kaya 'wag kang mag-isip ng ganyan. Magiging masaya ang bata, maniwala ka. Hindi natin didiktahan ang buhay niya base kung saan siya nagmula." Sabay haplos sa buhok nito. "Marami ka ng pagkakamaling nagawa, kaya 'wag mo nang dagdagan. Kung ayaw mo sa bata, hayaan mong kami na lang—ako? Aakuin ko siya, hayaan mo lang makita at maranasan niyang mabuhay sa mundo."Muling naluha si Fiona, hindi na nagawa pang magsalita h

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 181

    NAPAKUNOT-NOO si Caitlyn sa narinig dahil wala naman itong ibang kamag-anak kundi ang mga taong dumukot sa kanya.Bigla siyang naging alerto. "Bakit?"Nagbaba ng tingin si Fiona, ang dalawang kamay ay hindi mapakali. "H-Hindi ko pa nasabi sa'yo… wala na sila."Naningkit ang mata ni Caitlyn. "What do you mean na wala na sila?"May namuong luha sa gilid ng mata ni Fiona. "P-Pinatay silang lahat," mahina niyang sabi.Napasinghap siya, hindi makapaniwala sa narinig. "W-Wait… silang lahat? Pati ang bata, si Boyet?" Nagtataasan ang balahibo sa katawan niya. Kinikilabutan siya habang iniisip na maging ang bata ay namatay. "S-Sinong gumawa?"Umiling-iling si Fiona, hindi niya maaaring sabihin ang totoo—na siya mismo ang nagdala sa mga ito sa hukay. "Magpapasama sana ako sa sementeryo. Nalaman ko na kasi kung sa'n sila nilibing.""Okay," iyon na lang ang sinabi Caitlyn kahit marami siyang gustong tanungin.Akala niya ay doon na matatapos ang pag-uusap nila nang walang ano-ano ay biglang lumuho

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 180

    HABANG nililinisan ang kwarto ni Fiona ay pansamantala muna itong nag-stay sa guest room, katabi ng silid ni Caitlyn."Okay ka lang?" tanong ni Ezekiel nang tabihan sa kama ang asawa. Hinawi ang ilang hibla ng buhok saka inipit sa tenga.Nag-angat ng tingin si Caitlyn sabay tango. "Iniisip ko lang si Fiona… Tingin mo ba, masyado lang akong paranoid kasi iniisip ko na baka may gawin na naman siyang hindi maganda?"Tumango-tango si Ezekiel, sang-ayon sa sinabi ng asawa. "'Di naman 'yan maiiwasan kaya maging high alert na lang tayo."Hingang malalim ang ginawa ni Caitlyn. "Gusto kong maniwalang nagbago na siya pero sa dami ng nagawa niyang kasalana… mahirap nang magtiwala."Pinakatitigan ni Ezekiel ang mukha ng asawa. Matapos ay hinalikan niya ito sa pisngi. "Kung 'di ka komportable, pwede naman tayong mag-stay muna sa iba. Sa condo ko or sa'yo—kahit sa'n basta magkasama tayo."Napangiti si Caitlyn at niyakap ang braso ng asawa sabay sandal ng ulo sa balikat nito. "Yeah… anywhere basta l

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 179

    EMOSYONAL na umalis sila Caitlyn sa columbarium matapos na ilagak ang urn ni Consolacion. Nauna nang umalis ang pamilya ng asawa habang naghihintay naman sa kotse ang magulang at kapatid."Susunod ba kayo sa bahay?" tanong ni Meriam, mugto ang mga mata mula sa pag-iyak.Si Ezekiel ang sumagot, doon sila pansamantalang nagsi-stay habang hindi niya pa naaasikaso ang bahay para sa kanilang dalawa ni Caitlyn."Ilang araw ka ng hindi umuuwi sa pamilya mo," saad ni Meriam."Naiintindihan naman po nila… Mommy," tawag ni Ezekiel sa biyenan."Sumunod na lang kayo," ani Alejandro.Si Sandro na nasa passenger seat ay tumango lang. Pagkatapos ay nagmaneho na ang driver paalis.Naglakad na rin sila patungo sa kotse ni Ezekiel. Habang nagmamaneho ay panaka-naka ang lingon niya sa asawa na tutok sa cellphone. "Ayos ka lang?"Nakatitig lang si Caitlyn sa phone. Kahapon pa ang huling balita niya mula sa assistant ni Marcus.Noong ihatid sila pabalik sa Pilipinas ay agad rin itong umalis pabalik sa Mex

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 178

    NAGISING si Caitlyn, una niyang namulatan ang wallclock. Pasado alas-tres na ng hapon, nakahiga sa kama at nasa isang silid na hindi siya pamilyar.Sa palagay niya ay nasa ospital siya base na rin sa IV line na nakakabit sa likod ng palad. Akma siyang babangon nang makarinig nang pagbukas ng pinto.Bumungad sa kanya ang asawa na may dalang termos at nang makita siyang gising na ay agad na dumalo. "Kumustang pakiramdam mo?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ezekiel."Nasa'n na tayo?""'Wag ka munang tumayo, kabababa lang nang lagnat mo."Hindi na nagmatigas si Caitlyn at nahiga lang. Ilang sandali pa ay tumulala, rumagasa ang alaala bago siya mawalan ng malay.Masikip ang dibdib niya sa kaalamang wala na ang abuela. "Tumawag na ba ulit sila Mommy?""Hindi pa, pero nag-message silang iuuwi nila sa Pinas ang labi ni lola Consolacion," sagot ni Ezekiel, saka hinawakan ang kamay nito. "Nasa Venezuela tayo ngayon. Kinailangan na kitang dalhin dito sa ospital dahil sobrang taas ng lagnat mo…

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 177

    NANATILING ligtas ang mag-asawa at mga tauhan ni Marcus nang makababa sila ng barko. Nakaakap at hindi binibitawan ni Caitlyn ang braso ni Ezekiel hanggang sa makasakay sila sa sasakyan.Ilang minutong biyahe nang matanaw na nila ang paliparan ngunit sa halip na lumiko patungo roon ay nagdire-diretso lang sila.Hindi nga maalis ni Ezekiel ang tingin sa airport, pagkakataon na nilang makaalis sa lugar pero…Nang mga sandaling iyon ay naalarma siya, pakiwari niya ay may mali kaya napahigpit ang kapit niya sa kamay ng asawa.Napatingin naman si Caitlyn sabay bulong, "Bakit?"Umiling-iling si Ezekiel, hindi niya maaaring sabihin kung ano ang nasa isip pero patingin-tingin na siya sa pinto ng kotse. Naka-lock, mahihirapan silang makalabas kung hindi niya gagawan ng paraan.Medyo kinakabahan na ng mga sandaling iyon si Caitlyn habang nakatingin sa mukha ng asawa. Alam niyang malalim ang iniisip ito, tila nababahala. "Anong nangyayari?"Napalingon ang assistant. "Sorry, sa hotel muna tayo, M

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 92

    AKMANG ibibigay na ni Amor ang cellphone nang biglang dumating si Lando, sumigaw ng, “Hoy!” Saka dali-daling lumapit sabay hablot ng cellphone mula sa hipag.Umiwas naman ng tingin si Fiona pero hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ang matalim na tingin nito. Walang duda na tama ang hinala niyang

    last updateHuling Na-update : 2026-04-02
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 91

    NILUKOB ng takot si Fiona sa banta ni Lando, hindi niya akalaing iba-blackmail siya nito. Bigla siyang nanlamig sa kaba, iniisip kung kailan pa kaya nito naisip na gawin ang mga bagay na iyon?Si Amor naman sa kabilang dako ay agad hinampas ang likod ng bayaw, sabay agaw ng cellphone. “Ano bang gin

    last updateHuling Na-update : 2026-04-02
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 80

    IPINATONG ni Fiona ang parehong kamay sa table, at napatingin doon ang doctor. "Ilang araw na kasi akong hindi nakakatulog nang maayos at nakakakain," saad niya.Sinulatan ni Ezekiel ang consultation sheet. "Ano pang nararamdaman bukod ro'n?""Minsan nagkaka-anxiety ako kapag sobrang stress."Tuman

    last updateHuling Na-update : 2026-03-30
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 78

    NAGNGANGALIT ang bagang ni Jude habang mariing nakakuyom ang parehong kamay. Hinding-hindi siya makakapayag na basta na lamang gamitin nang ganoon. Isinakripisyo niya ang sariling negosyo pero sa bandang huli ay iba pa rin pala ang pipiliin para kay Caitlyn?Hindi niya iyon hahayaan!Nilagpasan niy

    last updateHuling Na-update : 2026-03-30
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status