Share

Chapter 6 - Present

Author: Lirp49
last update publish date: 2026-09-07 01:02:45

NAPABALIKWAS sa kama si Matthew, habol ang sariling hiningi matapos na muling mapanaginipan ang yumaong asawa. Tagaktak ang pawis niya sa noo saka leeg at nanlalamig ang buo niyang katawan.

Ilang linggo na niyang hindi napapanaginipan si Mika kahit na araw-araw niya itong iniisip.

Ngayon na muli itong dumalaw sa kanyang panaginip, dapat ay masaya siya at muli itong nakasama pero gaya ng paulit-ulit na nangyayari.

Lagi itong kinukuha ng kung anong anino o kung hindi naman ay liwanag. May pagkaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 12 - Guidance Office

    LUNCH BREAK, mag-isa si Amara dahil kailangan umuwi ni Shaina habang si Jonathan naman ay kasama ang kaklase. Inaya naman siya pero mas gusto niyang mapag-isa, hindi siya iyong tipo ng tao na nakikihalubilo.Kung iisipin, kaunti lang talaga ang circle of friends niya at dalawa lang ang itinuturing niyang malapit na kaibigan.Maingay sa loob ng cafeteria, may nagtatawanan sa katabing table at kung ano-ano pa. Habang siya ay mag-isa sa four-seater table nang biglang umupo si Gio, kasama si Ryan.Matalim na tingin agad ang pinukol ni Amara sa dating kasintahan. "Ano na naman ang kailangan mo?""Wala," ani Gio habang nakangisi. "Nakita kasi kitang mag-isa. Nasa'n pala ang mga kaibigan mo?"Hindi niya sinagot ang tanong dahil para saan pa? Wala na itong bilang sa buhay niya."Don't talk to me," anas niya at nagpatuloy sa pagkain. Medyo binilisan niya para makaalis na siya agad."I miss you."Nabilaukan si Ryan nang marinig iyon. Samantalang natigilan naman si Amara, kinuha ang baso ng tubi

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 11 - Charming Professor

    LUMAPIT si Matthew habang nakatingin sa dalang pagkain ng estudyante. "Para sa'kin ba 'to?"Umiling si Amara. "I-I mean, yes! Pero anong ginagawa niyo rito, Sir? Kailan kayo lumipat?""This weekend lang, mas malapit kasi sa university," sagot ni Matthew. "Ikaw? Pa'no mo nalaman na nandito ako?" Naningkit ang mata niya, halata ang pagdududa sa mukha. "Don't tell me…?""It's not what you think, Sir! Pagmamay-ari namin 'tong apartment at nagbibigay kami ng foods sa bagong tenant!" natataranta si Amara sa pag-explain, buti na lang at hindi siya nautal."Oh… akala ko dito ka rin nakatira," ani Matthew.Si Amara naman tuloy ang nalito. Akala niya ay pagdududahan siyang nang-stalk o kung ano pa mang creepy situations na maiisip ng sandaling iyon."Thank you," ani Matthew, may ngiti sa labi at pagkatapos ay kinuha na sa kamay nito ang pagkain.Mabagal ang pagtango ni Amara matapos matigilan nang ngumiti ito. "Wow…""Ano 'yun?"Umiling-iling siya nang mapagtanto ang nasabi. "Sige, Sir, alis na

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 10 - Transfer

    HINILA ni Amara ang braso ng kaibigan, bigla silang na-conscious na dalawa ni Shaina. Halata nga sa mukha nito ang hiya nang pagtinginan ng lahat."Tara, do'n sa dulo," ani Amara sabay hila papunta sa dulo ng row.Nang makaupo ay yukong-yuko si Shaina dahil sa hiya. "Parang gusto ko ng lumabas," bulong niya at nang makita na parang wala lang kay Amara ay pinaningkitan niya ito ng tingin. "Narinig mo 'ko?""Yes, pero klase natin 'to and I think… siya ang professor natin."Napangiwi si Shaina, lalong nangliit nang mag-flashback sa isip niya ang pinaggagawa sa bar. Kung paano siya makipag-flirt dito without knowing na magiging teacher niya pala ito."Sana lamunin na 'ko ng lupa.""Same," anas ni Amara nang sumagi sa isip kung paano niya tarayan si Matthew. "Mukhang manganganib ang grade natin."Para naman maiiyak si Shaina, hinila-hila ang braso ng kaibigan. "Lumipat na lang kaya tayo kay Sir Arman?""Good idea."Sabay silang tumingin sa bukas na pinto. Pagtayo ay bigla naman nagdagsaan

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 9 - Back to School

    BAGO pa lumala at magkagulo ay may lumapit ng sales lady, nakangiti ito pero halata sa mukha ang kaba—dama ang namumuong tensyon sa magkabilang panig.Hinila naman si Lizel ng isa niyang kaibigan ay sinabihan na umalis na lang sila. Nagpahila naman ang dalaga matapos matakot sa babala ni Jonathan.Kahit binabae ay hindi pa rin maikakaila na lalake pa rin ito physically. Sa oras na gumamit ito ng dahas ay dehado sila.Nang makalayo na ang grupo ay saka lang nag-relax ang tatlo. Tumitikwas-tikwas pa nga ang kamay ni Jonathan. "Gosh, muntik ko ng gamitin ang super powers ko."Napangiti si Amara saka tiningnan ang staff na naroon pa. "Sorry po sa abala… kukunin ko na 'yung mga nandito sa part na 'to," aniya bilang paumanhin.Nanlaki ang mata nito. "S-Seryoso po, Ma'am?"Tumango si Amara, hindi issue sa kanya ang pera. Lagi siyang may allowance na natatanggap sa magulang kahit bakasyon. Hindi rin naman siya magastos, binibili lang niya kung anong kailangan niya. "Isama mo na rin kung anong

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 8 - No Backing Down

    LUMIPAS ang mga araw, hanggang dalawang linggo na lang at magpapasukan na ulit. Sa araw na iyon ay nag-usap sina Amara at Shaina na mag-mall para bumili ng gamit pero hindi nila sinabi kay Jonathan—dahil balak nila itong i-surprise.Mga bandang alas-kwatro ng hapon ay dumating sila, lulan ang kotseng minamaneho ni Amara. Si Shaina ang unang bumaba ng sasakyan at lumapit sa gate kung saan ay nagwawalis ng bakuran ang ina ni Jonathan, si Aling Gigi."Magandang hapon po!" magalang na saad ng dalaga."Oh! Napadalaw ka, hija. Natutulog pa si Tan-tan, sandali at gigisingin ko.""Kami na lang po, Aling Gigi."Pinagbuksan sila ng gate at pagkatapos ay pumasok na sa loob. Tuloy-tuloy sila hanggang sa kwarto, wala ng hiya-hiya at sanay na sila roon.Dahan-dahang binuksan ni Amara ang pinto at nakita nilang mahimbing na natutulog ang kaibigan. Wala itong suot na pang-itaas habang may nakatutok na electric-fan.Humagikhik si Shaina, halatang may binabalak na kung ano. "Gapangin mo," utos niya sa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 7 - Offer

    MARIIN ang pagtanggi ni Amara habang umiiling-iling. Seryoso ang ekspresyon ng tumingin sa ama. "Once is enough... 'di ko hahayaan saktan niya ulit ako. Kahit ano pang gawin niya ay 'di na 'ko maniniwala sa kanya."Tumatango ang dalawa niyang kaibigan, sumasang-ayon. "Tama. 'Wag mong babalikan ang Gio na 'yun. Maraming lalake sa mundo, 'di ka mauubusan," saad ni Jonathan.Napangiti si Mario, pagkatapos ay tiningnan ang asawa na kalalabas lang ng silid."Anong pinag-uusapan niyo? May bisita bang dumating?" clueless na tanong ni Aileen."Wala po, Mommy---" Saka makahulugang tiningnan ang dalawang kaibigan. Hangga't maaari ay iniiwasan nilang banggitin ang pangalan ni Gio sa harap ng ina.Dahil nang malaman na nagloko ang nobyo---ex, ay galit na galit ang kanyang ina. Sinabihan ang lahat sa bahay na sa oras magtangkang bumisita ay huwag na huwag itong patutuluyin."He he he." Pagak na tawa ni Jonathan. "Bigla akong nagutom."Pumalakpak si Amara para mapunta sa kanya ang atensyon. "Ready

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status