Share

Chapter 81

Author: Lirp49
last update Petsa ng paglalathala: 2026-01-23 21:45:34

PAGPASOK ni Caitlyn sa kwarto ay saktong sinagot na ang tawag. "Hello, nasa ospital ka pa ngayon?"

"Yes, bakit?" balik tanong ni Ezekiel.

"Kasi..." Saglit siyang sumulyap sa saradong pinto. "Nandito ang parents mo," bulong niya, na tila ba maririnig siya mula sa labas.

"Ano?" Hindi agad naintindihan ni Ezekiel ang sinabi nito dahil abala sa trabaho, saka bihira lang bumisita ang mga magulang niya.

"Nandito ang parents mo, nasa condo ko ngayon," pag-uulit ni Caitlyn.

Doon na natigilan si Ezekiel
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
More update po, maganda na
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 147

    SA KAHABAAN ng highway ay bumagal ang takbo ng mga sasakyan kaya naipit si Ezekiel sa traffic. Marahan niyang tinatapik-tapik ang manibela, nababagot na hindi man lang umuusad ang daloy ng trapiko.Hanggang sa ang sasakyan sa kaliwa niya ay biglang lumiko at sumuot sa eskinitang makikita malapit sa kanya. Napatitig siya roon, iniisip kung gagayahin niya ba o mananatili sa puwesto.Hindi pa siya gaanong pamilyar sa lugar pero kailangan na niyang ibalik sa may-ari ang nirentahang kotse bago mag-alas nuebe.Nang tingnan niya ang oras ay trenta minutos na lang ang nalalabi at malayo pa siya sa apartment.Sa huli ay napili niyang gayahin ang naturang sasakyan at sa eskinita na dumaan para makaalis sa traffic.Bahagyang makipot ang daan papasok pero kapag nasa loob ka na ay malawak naman pala, may mga bahay pero kapansin-pansin na wala gaanong ilaw sa paligid.Gayon pa man ay hindi na siya masiyado pang nag-isip, ang mahalaga ay makalabas at makauwi ng maayos.Nang walang ano-ano, mula sa k

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 146

    PAREHONG natigilan ang dalawa sa tanong ni Caitlyn, umiwas ng tingin si Meriam na tila ba may kung anong nais itago. Samantalang si Consolacion na ang kusang nagsalita, "Ibang tao lang, apo. Hindi mo kilala."Tumango si Caitlyn saka bumalik sa kinauupuan, habang si Ezekiel ay nagpaalam na para bumalik sa trabaho."Makakabalik ka ba agad?" tanong ni Caitlyn."Hindi pa 'ko sure.""Okay, ime-message na lang kita if aalis na kami.""Salamat, sa pagsundo sa'min, hijo," ani Meriam.Tumango lang si Ezekiel, sabay hakbang paalis pero ang kamay ay nakahawak pa rin, tila ayaw bumitaw at ganoon din si Caitlyn."Aalis na 'ko," paalam muli ni Ezekiel. Paglabas niya sa silid ay naaktuhan niya pang kumakayaw si Caitlyn kaya ngumiti siya ay lumabi, "I love you," na hindi niya nasabi kanina habang kasama ito.Pagkatapos ay nagtungo na siya sa kwarto ng pasiyente, pero nang makitang nasa loob si Marcus ay hindi na siya tumuloy. Hindi niya ito gustong makaharap muli, naiirita siya rito at hindi siya 'yu

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 145

    NAGLAPAG ng dalawang baso ng tubig si Ezekiel para sa dalawa. "Uminom muna kayo," aniya, sabay tingin kay Caitlyn na kanina pa umiiyak.Nag-abot pa siya ng tissue sa tatlong babae na emosyonal ng sandaling iyon."Ba't 'di mo sinabi sa'kin?" bakas ang pagtatampo sa boses ni Caitlyn ng tingnan ang nobyo."Ako ang nagsabi sa kanyang 'wag sabihin sa inyo." Pagtatanggol naman ni Consolacion. "Ang totoo nga niyan ay wala talaga akong balak na sabihin sa inyo dahil ayokong ganito ang mangyari.""Mommy naman," iyak ni Meriam. "Pati ba naman sa'kin? Mas lalo lang akong malulungkot kung hanggang sa huling hininga mo'y wala akong kaalam-alam!" sa pagtaas ng boses ay humigpit ang hawak niya sa kamay ng ina."Patawad," ani Consolacion, sabay tingin kay Ezekiel na may ngiti sa labi. "Mabuti na lamang kinausap mo 'ko at napag-isip-isip kong tama ngang ipaalam ko sa kanila ang lahat."Tipid na pagngiti ang tinugon ni Ezekiel. "Wala po 'yun, 'La.""Maraming salamat." Baling naman ni Meriam at hinawaka

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 144

    ONE MONTH LATER…Bumaba si Caitlyn mula sa itim na kotse habang inaayos ang laylayan ng suot na damit. Pagtapak pa lang ng paa sa sementadong daan ay agad siyang sinalubong ng magkabilang hanay ng mga lalakeng nakauniporme.Sabay-sabay pang yumuko bilang pagbibigay-galang at hindi niya alam kung paano magre-react. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang VIP kahit simpleng dinner invitation lang naman ang pakay niya sa lugar."Thank you," aniya pero ng hindi mag-angat ng tingin ang mga ito ay nagpatuloy na siya papasok sa restaurant. Bumungad sa kanya ang elegante at tahimik na ambiance pagpasok niya. Malamlam ang ilaw mula sa crystal chandeliers sa kisame habang marahang tumutugtog ang classical piano music.May malalawak na bintanang tanaw ang city lights sa labas, habang ang bawat mesa ay may nakapatong na kandila at sariwang bulaklak. Hindi rin siksikan ang mga upuan kaya mas lalong nagmukhang mamahalin at pribado ang buong restaurant.“Good evening, Miss Caitlyn.”Napalingon siya nang

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 143

    PINAGMASDAN ni Caitlyn ang itsura ni Marcus, bagamat nagawa na nitong magamot ang sarili ay halata pa rin sa mukha ang hirap. Pinagpapawisan ito at bahagya pa ring namumutla.Hindi niya tuloy maiwasang makita ang sarili sa kalagayan nito. Nakakaawa at sugatan, kung hindi niya tutulungan? Para na rin siyang walang pinagkaiba sa ibang tao na sarili lang ang iniisip."Kung ayaw mo, ayos lang naman sa'kin. Pakihatid na lang ako sa sakayan ng bus, kaya ko—""Ano nga ulit 'yung address?" aniya, sabay lahad ng kamay upang mahingi ang cellphone nito.Pinakita naman ni Marcus ang lokasyon at pagkatapos ay nagmaneho na si Caitlyn. Binilisan niya ang takbo ng kotse pero nananatili pa rin ang ingat.Makaraan ang ilang sandali ay hindi niya maiwasang magtanong, may gumugulo lang talaga sa isip, "May humahabol ba sa'yo at gusto kang saktan? I mean, mukhang nagawa naman na nila… So?"Saglit niya itong nilingon ngunit pikit ang mga mata, tila natutulog. Kinabahan siya, buti na lang at magpupula ang t

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 142

    NATARANTA na si Caitlyn nang mawalan ito ng malay. Bigla siyang nanlamig at kinilabutan, sinubukan niya pa itong gisingin sa pamamagitan nang pagtapik sa pisngi. Ngunit hindi ito nagrereact kaya mas lalo siyang kinabahan."Jusko po! 'Wag kang mamamatay rito!" Saka siya dali-daling nagmaneho patungo sa ospital ngunit nang maalala ang pakiusap ng lalake ay iniliko niya ang sasakyan. "Sa'n naman kita dadalhin ngayon?!" Parang gusto na lang niyang maiyak sa sitwasyon na iyon. Kung nasa bansa lang siguro si Ezekiel ay madali lang siyang matutulungan ng nobyo.Sa huli ay bumalik siya at pumasok sa subdivision. Mabuti na lamang at hindi nang-usisa ang guard sa entrance, pagkakita sa kanya ay pinapasok agad siya.Malaki at malawak ang subdivision, may iilang lupa na bakante kaya doon niya napiling pumarada saglit. Pagkatapos ay bumaba agad siya sa kotse para tingnan ang kondisyon ng lalake.Namumutla ito at pinagpapawisan, pero hindi iyon ang mas pinagtuonan niya ng pansin kundi ang sugat nit

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 94

    MAHIGPIT na hawak ni Caitlyn ang bitbit na lunchbox habang pinapanood ang boyfriend na iparada ang kanyang sasakyan.Si Ezekiel na ang nagpresinta para hindi na siya mahirapan pa sa paghahanap.“Hintayin mo na lang ako sa office,” iyon ang sabi ng binata.Pero hindi niya ginawa at matiyaga itong hi

    last updateHuling Na-update : 2026-04-02
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 93

    HABANG NAGHAHAPUNAN ay panay ang tingin ni Caitlyn sa cellphone, kanina pa siya may hinihintay.“Ano ‘yun?” tanong ni Mika habang ngumunguya, ang kutsara ay nasa labi pa. “May hinihintay kang tawag or something?”Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Caitlyn, saka binaba ang hawak na kubye

    last updateHuling Na-update : 2026-04-02
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 92

    AKMANG ibibigay na ni Amor ang cellphone nang biglang dumating si Lando, sumigaw ng, “Hoy!” Saka dali-daling lumapit sabay hablot ng cellphone mula sa hipag.Umiwas naman ng tingin si Fiona pero hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ang matalim na tingin nito. Walang duda na tama ang hinala niyang

    last updateHuling Na-update : 2026-04-02
  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 91

    NILUKOB ng takot si Fiona sa banta ni Lando, hindi niya akalaing iba-blackmail siya nito. Bigla siyang nanlamig sa kaba, iniisip kung kailan pa kaya nito naisip na gawin ang mga bagay na iyon?Si Amor naman sa kabilang dako ay agad hinampas ang likod ng bayaw, sabay agaw ng cellphone. “Ano bang gin

    last updateHuling Na-update : 2026-04-02
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status