Share

Chapter 5

#FD05 || Bethylia Monteamor

Lumipas ang taon ng paaralan na ganoon ang palaging eksena. Panay ang lapit ni Pedro habang panay naman ang iwas namin sa kanya ng mga kaibigan ko. I don't know what to do anymore. Hindi siya nakikinig sa kahit anong sinasabi ko at ang gusto lang palagi ang gustong pinapakinggan. Nakakapagod siyang palayuin, nakakapagod ding intindihin.

Kahit sa trabaho ay nakasunod siya sa akin at kung nagkakaroon ako ng libreng oras ay pinapaupo niya ako sa puwesto niya. Maayos ang mga ganoong tagpo na nangyayari sa pagitan namin. Hindi nga lang maiiwasan ang pagiging marahas niya sa iilang araw.

Sa mga lumipas na araw noong bakasyong iyon ay hinayaan ko na lang siya sa gustong gawin. Bukod sa ayokong masaktan ay ayoko ring madamay ang pamilya't mga kaibigan ko kung nagkataong magalit siya sa akin. 

"Are you going home now?" He asked after seeing me going out of the staff room. Kitang-kita ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo niya at sa leeg. Pinipigilan ko ang ngumiwi dahil ayokong maisip niyang pinandidirihan ko siya. Hindi sa ganoon, kung may panyo naman siya ay bakit hindi niya gamitin? Sayang naman ang perang ginagastos nila para doon kung hindi naman magagamit. Sana ay idinagdag nalang nila sa pera ng bayan. 

I nodded hesistantly while looking around but him. Hindi na rito si Blanche sa pinagtatrabahuhan ko nagtatrabaho dahil mayroon siyang kaibigan na nakilala noong nakaraang buwan lang na nag-alok ng trabahong higit na mas malaki ang sahod kaysa dito. 

"Then, let's go?" I can't help but stiffened at that. Maayos naman siyang kasama, sa katunayan ay may nakikita naman akong kahit kaunting kabutihan sa kanya, hindi niya lang madalas ipakita dahil mas nauuna siyang husgahan ng tao kaysa sa kilalanin. Katulad ng ginagawa ko sa kanya ngayon. Iniisip ko kung paano makakatakas sa kanya dahil natatakot akong makita niya ang pamilya ko at sila ang pagdiskitahan kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan. 

That's what I am avoiding from the very start. It's okay if it's just me, but if anyone around me and close to me will get dragged in too, hindi na bale. Titiisin ko na lang ang mga pangungulit at pamimilit na ginagawa niya. 

"Sige, sandali lang. Puwedeng magbanyo muna?" I asked while acting like I really needed to pee. I think I can't handle being with him even for a second now. Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin.

"Kagagaling mo lang doon, hindi ba?" He asked with his forehead creased. I grimaced and hold my lower abdomen while exxageratingly crossing my feet for a more convincing act. 

"Naiihi na talaga ako, Pedro. Maupo ka na lang muna ulit doon, kahit sandali lang." I groaned but still made myself act naturally. 

Nanliliit ang matang tinitigan niya ako bago nagbuntong hininga at umupo sa itinuro kong upuan. 

Lihim akong napangisi at agad siyang tinalikuran para matakasan ng hindi niya nalalaman. 

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na sa bahay at kaagad na sinalubong ng nakababatang kapatid na may ipinapakitang papel na alam kong ginawa niya kanina para magpalipas ng oras. 

It's a sketch of a girl who look like me. My younger sister is good at illustrating and drawing. Malikhain ang kanyang mga daliri at kamay. Unang kita palang sa mga iginuguhit niya ay talagang mamangha ka na dahil sa edad niyang trese, mukha ng pang-propesyonal ang mga iginuhit niya. 

Malinis at pantay ang bawat linya at talagang detalyado ang bawat parte ng mukhang nakaguhit. 

"Ang ganda naman nito, Lucy. Para sa akin ba 'to?" I asked joyfully. 

She nodded enthusiastically and dragged me towards the kitchen where our mother is peacefully cooking while even humming a song. 

"Masarap ang ulam na niluto ni Mama ngayon, Ate!" She exclaimed while jumping in happiness. 

I chuckled and tousled her hair before walking towards our mother to tell her that I am home. It's nine in the evening, nasanay na kaming ganitong oras o higit pa nakakakain ng hapunan dahil madalas na ganitong oras na kami nakakauwi ni Mama, lalo na ako dahil hanggang hating-gabi pa ang pasok ko. May mga araw lang na maaga akong nakakauwi, katulad ngayon. 

"Ginuhit ko iyon kanina habang inaantay kayong dumating ni Mama." Lucy cheerfully told me. 

Natatawang umupo ako sa tabi niya matapos magmano kay Mama na natatawa na rin ngayon dahil sa sigla ng boses ni Lucy. 

At this week, this is the first time that we'll eat delicious food. Ibig kong sabihin ay masarap na ulam na para sa aming mahihirap. 

"You requested that food?" I laughed. 

Her forehead creased as she stared at me. "Food lang ang naintindihan ko, Ate." 

I laughed loudly and shook my head in amusement. Alam ko namang naiintindihan niya iyon dahil maalam siya sa klase at mahilig magbasa ng mga ingles na libro na pinapahiram ng mga kaibigan. 

"Ma, ibalik natin sa elementary 'tong si Lucy. Hindi makaintindi ng english, e." I teased that made our mother laugh. 

Tumayo ako para tumulong na maghain sa hapag nang makitang tapos na ang niluluto ni Mama na ulam. 

Lucy even clapped her hand while watching us put the food in the table. I shook my head and chuckled while watching my sibling and mother's wide smile. It washed away all my tiredness and frustration. 

Muli kong naalala si Pedro na naiwan ko doon sa restawran na pinagtatrabahuhan. Umuwi na kaya siya? 

Hindi ko maiwasang mag-alala kahit na sinadya ko naman siyang iwan doon. I don't know why I am feeling this so I shrugged it off. It's normal to worry about other people especially if you know that you did them wrong. And in my case, I left Pedro there without telling him my true intention. 

"Malalim ang iniisip mo, Bethyl. Bakit hindi ka muna kumain para hindi na maistorbo iyang pag-iisip mo mamaya?" Natatawa ngunit nag-aalalang saad ni Mama habang nakatitig sa akin. 

I smiled at her and started putting food in Lucy's plate before putting food on my own plate. Napanguso ako nang agad na sunggaban iyon ni Lucy na parang ilang araw hindi nakakakain.

A knock on the door made me look at my mom. May inaasahan ba siyang bisita? 

"Ma, may bisita ka pa ng ganitong oras?" I asked, wondering who that might be. 

Umiling si Mama at akmang tatayo ng unahan ko siya at pinuntahan na ang pintuang tanaw pa rin mula sa kusina namin dahil wala namang ibang harang na kahit ano para mapaghiwalay ang sala at kusina sa bahay namin. 

My mouth parted after seeing who's the one visiting us at this hour. 

"Pedro..." I nervously uttered. 

Madilim ang mukha niya habang nakatitig sa akin at mukhang pinipigilan ang sarili sa gustong gawin. 

"Nakauwi ka na pala." He sarcastically uttered. His face hardened as I took a step back. "Tiningnan ko lang kung nakauwi ka na ba talaga. I am just a little worried. Sleep well." He said before turning his back on me. 

I don't know why seeing him turning his back on my made my heart clench. It's like I know how disappointed he is on me and that made me feel disappointed at myself too. 

Nailing na lang ako sa sarili at ipinagsawalang bahala ang mga naiisip na bagay na hindi ko naman naiintindihan. 

"Sino iyon, Bethyl?" Mama asked while curiously looking at me. 

I avoided her eyes and sat on my chair before drinking the glass of water in front of me. 

"Namali lang ng bahay na kinatok, Ma." I lied. 

Mama has no idea on what had been going with my life. She doesn't know that Pedro's been pursuing me for a year now and hurting me if he gets a chance. I don't want to add weight on her shoulder by telling her my problem. Kung tutuusin ay hindi naman iyon matuturing na problema dahil natural sa mga babae na kulitin ng mga lalaking may gusto sa kanila. 

I am just not comfortable at the fact that the Mayor's son is trying to get me, its making me nervous all the time. Hindi kami mayaman, siguradong kung may magiging relasyon man kami ni Pedro ay aayawan din ako ng pamilya niya. Hindi naman sa sinasabi kong may pag-asang magkaroon nga kami ng relasyon ni Pedro, pero hindi pa rin natin masasabi. Ayokong magsalita ng tapos dahil katulad ng palaging sinasabi sa akin ni Blanche, hindi imposibleng hindi ko makain ang lahat ng iyon at walang atubiling lunukin. 

Kahit naman sinigurado ko na sa mga kaibigan na kailan man ay hindi ko magugustuhan si Pedro ay alam kong posibleng mabaliko pa iyon. 

"Madalas kang tulala nitong mga nakaraang araw, Bethyl." Samm noticed as she averted her eyes when I look at her. 

"Marami lang akong iniisip." 

Kumunot ang noo niya at saglit akong tiningnan. "Katulad ng?" 

"Anong ulam ang dala ni Argon mamaya." I chuckled. 

She frowned amd rolled her eyes at me. "Puro ka talaga kalokohan." 

I slap her arm and face her. "Hindi ako nagbibiro, nagugutom na ako kaya iyong ulam na dala niya ang iniisip ko. Don't worry, hindi naman si Argon ang iniisip ko." I teased her. I know that she likes him. 

Noong tumungtong kami sa huling taon namin sa kolehiyo noong nakaraang buwan ay siya ring pagsulpot ni Argon sa buhay ni Samm na pabor din sa amin ni Blanche dahil kahit wala namang dumadating na sakuna ay nakakatanggap kami ng libreng pagkain. 

"Manahimik ka na nga lang diyan. Nasaan na ba si Blanche?" Mahinhin niyang sabi. 

I groaned and rolled my eyes. "Boses ibon ka talaga, alam mo iyon?" 

Naiiling na tumawa siya habang nasa harapan pa rin ang tingin. "Ikaw boses kulob." 

I winced and held the hem of her hair to pulled it lightly. "Anong kulob ka diyan?!" I hissed. 

She just chuckled and shrugged. 

Natigil ako sa pagtawa ng mamataan ang isang bulto ng lalaking pamilyar na pamilyar na sa akin. He's here? Again? 

Hindi ako naiinis, pero hindi rin natutuwa. I don't know what to call this feeling. Maybe I am used to it so I can't tell what I am feeling anymore. 

Natigilan ako ng magtama ang mga mata namin. A small smile escaped on his lips as he nodded at me. I shyly nodded at him too and glanced at Samm who's busy writing something at the back of her notebook. 

Tumayo ako sa kinauupuan at lumabas para lapitan si Pedro na ngayon ay inaabangan na ang paglapit ko. 

I smiled and look at him confusedly. Hindi nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. I am still trying to treat him better because I know the consequences if I'll try to disobey him. 

"Why are you here?" I asked after facing him with my chin up. 

"I want to see you." He uttered without hesitation. 

Naiiling na nag-iwas ako ng tingin at pinagsiklop ang mga kamay sa likuran. 

"Hindi ka pa ba mahuhuli sa klase?" I asked after a minute of silence. The atmosphere is awkward for me, I don't know if we felt the same. 

"Mahuhuli na. No. I am already late." He said without blinking. 

My eyes widened as I look at the watch inside our room plastered on the wall. 

"Pumasok ka na. Nakita mo naman na ako." I said. 

Nangingiting tumango siya at nagtangkang hawakan ang braso ko ngunit agad akong nakaatras. 

"Take care." I said before turning my back on him. 

Hindi ko na siya muling nilingon hanggang sa makabalik sa kinauupuan. Isang mapanuring tingin ang ibinigay sa akin ni Samm na ipinagkibit-balikat ko lang. Kung si Blanche ang nandito ay pupunuin na naman niya ako ng tukso at pangaral na ilang ulit ko ng narinig mula sa bibig niya. 

"Be thankful that Blanche's not here." Samm chuckled. 

"Why would she be thankful?" Sabat ni Blanche na kadarating lang at mukhang narinig ang sinabi ni Samm. 

Sabay kaming nagkibit-balikat at nagkunwaring abala sa ibang bagay. 

I heard Blanche tsked as my mind started drifting away from me again. 

Questions filled my mind that time.

What does he feel when I am stepping away from him? What does he feel when I am close to rejecting him? What does he feel when he felt how I am so scared at him? What does he feel when I am building a thick wall in between us?

The question that made my mind go in haywire was this... 

Why am I thinking about his feeling now?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status