Share

Chapter 16

last update Last Updated: 2025-02-14 12:58:27

Zain POV

Wala akong pasok ngayon sa pagiging peke kong boyfriend para kay Tahlia.. Sabado na naman kasi. Ibig sabihin ay uuwi ako ngayon sa amin.

"Sige, umuwi ka na sa inyo," sabi ni Tahlia bago ako umalis. "Pero pag-uwi mo, mag-grocery ka. Gamitin mo 'to. Para matuwa mama mo."

Iniabot niya sa akin ang isang sobre na may pera. Pero siyempre, hindi naman niya iyon inabot nang mabait na parang leading lady sa pelikula. Ibinato niya iyon sa akin na parang utang na loob ko pang tanggapin.

"Ano 'to? Para kang nagpapasweldo sa'kin ah ng advance?"

"Eh di 'wag mong tanggapin, ewan ko sa'yo."

Napailing na lang ako at sinilid sa bulsa ang sobre. Alam kong ayaw niyang magpahalata, pero gusto niya lang makatulong. Mukhang naaawa rin siya sa akin kahit paano. Oh, baka natutuwa kasi magaling naman ako sa trabaho ko sa kaniya. Wala pa akong nagiging palpak.

Ang magarang sasakyan niya ang naghatid sa akin pauwi. Wala pa man ako sa Lopez Jaena Town, sa Garay Street, dumaan pa kami sa mall. Sabi niya,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
thanks Ms a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 34

    Tisay POVHindi ko alam kung panaginip ba ‘to o bangungot.Pagdilat ng mata ko, unang-una kong nakita ay ang ilaw mula sa cellphone ko. Nagvi-vibrate pa ‘yon, senyales na may mga sunod-sunod na notification. Wala pang limang segundo, nagdesisyon akong abutin ito kahit papungay-pungay pa ang mga mata ko. Pagkapindot ko ng lock screen, unang lumabas ang notip mula sa isang social media app—at ang pangalan ni Kaiser ang naka-tag sa akin.Napakabilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay mag-load ang app. Pagbukas ko nito, tumambad sa akin ang isang video.Kami.Ako at si Kaiser ang nasa video.Ito ‘yung gabi na lasing kami. ‘Yung gabi na nililigawan niya ako. ‘Yung video na may halik pa siyang ginawa sa akin. Naka-post iyon at naka-publi pac. Naka-upload sa mismong account ni Kaiser. At hindi lang basta naka-upload, may caption pa talaga.“Sana dati pa kita nakilala, Tisay.”Literal na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakagalaw agad. Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung tatawa ako,

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 33

    Tisay POVAaminin ko, hindi ko akalaing darating ang araw na gagawa ako ng cake kasama ang lalaking nitong mga nakaraang araw lang ay inaasam-asam kong makasama ulit. Saka, sa isang private island pa talaga. At hindi lang basta cake, kundi buko cake na ang pangunahing sangkap ay literal na buko na pinulot lang namin sa paligid ng villa nila. Sosyal pero local, kumbaga.“Bakit buko cake, Kaiser?” tanong ko habang kinakaladkad ko ang portable mixer mula sa pantry ng villa.“Kasi maraming buko dito, tapos sabi mo favorite mo ‘yung buko pandan cake na gawa mo dati. Ewan ko, parang ang saya lang kung gagawin nating version natin,” sagot niya habang bitbit ang dalawang malaking buko.Hindi ko alam kung anong mas nakaka-overwhelm, ‘yung dami ng buko sa harap ko o ‘yung thought na gusto niya akong makasama sa kusina para gumawa ng cake. Pero pinatulan ko na kasi alam kong way niya ito para maglibang.Unang step, naghiwa ako ng buko. With a cleaver. Si Kaiser, todo cheer habang hawak ang bowl.

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 32

    Tisay POVMainit ang hapon at malakas ang sikat ng araw pero presko pa rin ang simoy ng hangin dito sa tabing-dagat. Gising na ang lasenggong si Kaiser. Hapon na rin siya nagising.“Tisay, maligo tayo mamaya sa dagat habang nag-iihaw ng mga pagkain, gusto ko ‘yon,” bungad ni Kaiser nang magising siya mula sa mahaba niyang tulog. Gulo-gulo pa ang buhok nito habang pababa sa hagdanan, pero pogi pa rin. Mas guwapo pa nga ata kapag magulo ang buhok niya.“Tara, game ako diyan,” agad kong sagot. Aba, simula nung mapunta ako sa Lux city, tila nakalimutan ko nang maglangoy sa dagat. Tamang-tama rin talaga ang pagsama ko sa kanila.Sina Buchukoy at Buknoy naman, sabay na sumang-ayon, kahit umay na umay na sila sa dagat.Agad na pumunta si Kaiser sa kusina para magpahanda ng mga iihawin. Narinig ko pa nga na tila may naka-ready na kasi kilala nila si Kaiser na mahilig sa mga inihaw.Ang mga staff ni Kaiser ang naghanda ng mga gamit, upuan at ihawan sa may tabing-dagat. Dinala na rin nila doon

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 31

    Tisay POVMadaling-araw pa lang, gising na ako. Tahimik pa ang buong isla, malamig ang simoy ng hangin at tanging lagaslas lang ng alon sa dagat ang maririnig sa labas. Maaga rin kaming natulog kagabi, marahil dahil sa pagod sa maghapong biyahe. Isa pa, ang sarap ng dinner kagabi. Parang fine dining experience sa Lux City. Hindi lang pala chef ang dala ni Kaiser dito, kundi mga eksperto talaga sa pagkain. Pati presentation, pang-hotel. Habang nakatayo ako sa bintana ng kuwarto, pinagmamasdan ko ang unti-unting pagliwanag ng langit. Hindi pa kita ang araw pero alam mong papalapit na siya. Nagpalit ako ng jogger pants at hoodie, nagsuot ng rubber shoes at nagdesisyong mag-jogging muna sa tabing-dagat. Wala pang gising na kahit sino, kaya perfect timing para mag-ikot-ikot at magpainit ng katawan. Nahihiya kasi ako minsan kapag maraming tao, tapos nagja-jogging. Pakiramdam ko kasi, nakatingin sila sa akin kasi umaalog ang dibdib ko kapag tumatakbo.Habang papalapit ako sa pampang, napans

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 30

    Tisay POV“Kaiser, pahinga lang kami ni Buchukoy ah. Sobrang antok na at alam mo naman, ang haba ng oras na paglalakbay natin, ngayon lang kami makakapagpahinga,” paalam ni Buknoy habang nag-unat sa may sala. Tumango lang ako.“Sige. Magpahinga muna kayo. Pagigising ko na lang kayo kapag dinner na.”Pagtaas nila sa kuwarto nila, lumabas ako , natanaw ko si Tisay na mukhang hindi napagod sa biyahe namin. Nasa may pool area siya. Tahimik, may hawak na libro, nakasuot ng simpleng puting dress at ang buhok niya ay nakaipit. Mukhang payapa siyang tignan. Hindi ko muna siya nilapitan. Mukhang gusto niyang mag-relax, at sa totoo lang, kailangan ko rin ng ilang minutong katahimikan. Ito na kasi ‘yun, kaya ako narito, para mag-relax din.Bumalik ako sa kuwarto at nahiga sa kama. Mula nung umalis ako sa Lux City, ngayon ko lang iche-check ang phone ko. Umay kasi ako dahil alam kong uulanin ako ng mga message dahil sa scandal ni Jamaica. Binuksan ko ang cellphone ko, agad na sumalubong ang tatlo

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 29

    Tisay POVSa wakas. Pagkatapos ng halos isang araw na paglalayag, nakarating din kami sa Isla Collarga“Collarga Private Island,” sabi ni Buknoy habang tinuturo ang malawak at mala-paraisong tanawin sa harapan namin.Hindi ko maiwasang mapanganga. Hindi lang ito basta isla. Para itong isang bahagi ng langit na tinanggal sa ulap at ibinaba sa dagat, ganoon. Ang tubig ay kasing linaw ng kristal, ang buhangin ay tila pulbos na harina sa kaputian at ang mga palm trees ay maayos na nakapuwesto na parang ginupit mula sa postcard. Dinaig pa nito ang Boracay at Palawan. Napapatanong na tuloy ako kung magkano ang pagkakabili dito ng pamilya ni Kaiser, tiyak na hindi biro ang halaga, grabe.“Ang ganda,” bulong ko habang hindi pa rin makapaniwala.“Grabe, Kaiser! Seryoso? Sa inyo ba talaga ‘to?” tanong ni Buchukoy habang nakapamaywang sa deck ng yate. Tumango lang si Kaiser, naka-sunglasses na ngayon, para siguro hindi mapansin ng mga staff nila na maga ang mata niya. Pero, bagay sa kaniya ang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status