Share

S3 - Chapter 17

last update Last Updated: 2025-06-10 20:34:57

Tisay POV

“At dahil special ang araw ngayon, masuwerte ka pa rin, girl, dahil si Miss Jamaica Dela Vega na CEO ng J Cosmetics ang magme-makeup sa iyo,” sabi ng host ‘paglapit ko sa kaniya. “Anyway, anong pangalan mo, girl?” tanong pa ng baklang host.

“Cristina po,” nahihiya ko pang sagot.

“Okay, Cristina, tatanungin kita ulit, pumapayag ka bang magpa-makeup kay Miss Jamaica? Don’t worry, may nag-aabang na regalo sa iyo after nito,” tanong ng baklang host kaya dali-dali na akong tumango.

“Yes, payag naman po,” nahihiya pa rin ako kasi lahat ng tao rito ay sa akin nakatingin.

“Let’s go,” aya sa akin ni Jamaica. Ang bait ng boses niya at saka palangiti. Hindi mo makikita sa pagkatao niya na malandi at nangangabit siya kahit na may seryoso at poging-pogi siyang boyfriend.

Nung lumapit ako sa kaniya, napa-wow ako. Grabe, manikang-manika ang mukha niya. Ang kutis, sobrang puti at tila kahit sugat o peklat ay wala, pantay ang kulay niya mula mukha, hanggang paa. Para siyang anghel na bumaba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
tisay akin nalng ang Isang set hehehe... btw thanks Ms a sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 30

    Tisay POV“Kaiser, pahinga lang kami ni Buchukoy ah. Sobrang antok na at alam mo naman, ang haba ng oras na paglalakbay natin, ngayon lang kami makakapagpahinga,” paalam ni Buknoy habang nag-unat sa may sala. Tumango lang ako.“Sige. Magpahinga muna kayo. Pagigising ko na lang kayo kapag dinner na.”Pagtaas nila sa kuwarto nila, lumabas ako , natanaw ko si Tisay na mukhang hindi napagod sa biyahe namin. Nasa may pool area siya. Tahimik, may hawak na libro, nakasuot ng simpleng puting dress at ang buhok niya ay nakaipit. Mukhang payapa siyang tignan. Hindi ko muna siya nilapitan. Mukhang gusto niyang mag-relax, at sa totoo lang, kailangan ko rin ng ilang minutong katahimikan. Ito na kasi ‘yun, kaya ako narito, para mag-relax din.Bumalik ako sa kuwarto at nahiga sa kama. Mula nung umalis ako sa Lux City, ngayon ko lang iche-check ang phone ko. Umay kasi ako dahil alam kong uulanin ako ng mga message dahil sa scandal ni Jamaica. Binuksan ko ang cellphone ko, agad na sumalubong ang tatlo

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 29

    Tisay POVSa wakas. Pagkatapos ng halos isang araw na paglalayag, nakarating din kami sa Isla Collarga“Collarga Private Island,” sabi ni Buknoy habang tinuturo ang malawak at mala-paraisong tanawin sa harapan namin.Hindi ko maiwasang mapanganga. Hindi lang ito basta isla. Para itong isang bahagi ng langit na tinanggal sa ulap at ibinaba sa dagat, ganoon. Ang tubig ay kasing linaw ng kristal, ang buhangin ay tila pulbos na harina sa kaputian at ang mga palm trees ay maayos na nakapuwesto na parang ginupit mula sa postcard. Dinaig pa nito ang Boracay at Palawan. Napapatanong na tuloy ako kung magkano ang pagkakabili dito ng pamilya ni Kaiser, tiyak na hindi biro ang halaga, grabe.“Ang ganda,” bulong ko habang hindi pa rin makapaniwala.“Grabe, Kaiser! Seryoso? Sa inyo ba talaga ‘to?” tanong ni Buchukoy habang nakapamaywang sa deck ng yate. Tumango lang si Kaiser, naka-sunglasses na ngayon, para siguro hindi mapansin ng mga staff nila na maga ang mata niya. Pero, bagay sa kaniya ang n

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 28

    Tisay POVPuri ko si Kaiser sa kusina. Ang gaan niyang kasama roon. Magaling din magluto. Ako ang nagluto ng menudong baboy, habang siya ang sa adobong pusit na paborito pala niya.“Iniba ko ang mga menu talaga,” pag-aamin niya habang naglalagay na sa bowl ng nilutong niyang adobong pusit.“Kaya nga, ang alam ko kasi ay iba ang mga menu na binigay mo. Pinag-aralan ko pa nga kasi ang iba doon, hindi ko pa nata-try maluto. Pero, ayos na rin na iniba mo para makapag-try naman akong magluto ng iba,” pag-aamin ko sa kaniya.“Wow, effort pala. Nakakahiya na iniba ko pa ang menu. Ang totoo kasi niyan, mga paboritong pagkain ni Jamaica ang mga pina-ready ko. Siya dapat ang kasama ko rito, pero dahil kumalat ang video, tapos hindi pa siya umamin na siya iyon, nagsinungaling pa, wala, nag-decide ako na mag-isa na lang umalis. Tinuloy ko na ito kasi nahihiya rin ako kay Buknoy at Buchukoy, inisip ko, paraan ko na lang ito para makapag-relax,” sabi niya kaya napatango ako. “Mabuti na lang talaga

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 27

    Tisay POVWala na akong choice. Hindi naman din dumating si Buknoy o kahit si Buchukoy para saklolohan ako. Hindi ko naman ginusto ito, pero sana, hindi ito magdulot ng kung anumang problema.“Para kasing may kakaiba sa iyo, para talagang nagkita na tayo, ganoon ang napi-feel ko,” sabi niya habang nakangiti.Dahan-dahan kong binaba ang hawak kong kutsilyo, hinubad ang mga suot kong gloves habang nakatingin sa kaniya.“Sorry sa istorbo ah, alam kong busy ka, pero ‘yan lang ang request ko, Miss Chef,” sabi pa niya habang masaya pa rin. Ewan ko na lang kung sumaya pa siya kapag nakita niya ang mukha ko.Binabagalan ko dahil hinihintay ko talaga sina Buknoy o kahit si Buchukoy. Pero tila mukhang walang darating.Hinawakan ko na ang facemask ko, dahan-dahan ko itong tinanggal. Hanggang sa mapatingin na lang ako sa kaniya nang tuluyan kong matanggal iyon.Ang ngiting-ngiting mga labi niya ay unti-unting napunta sa pagkagulat. Titig na titig siya sa akin habang nakanganga. Sakto naman na big

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 26

    Tisay POVNarinig ko si Buknoy na kumatok sa pinto ng room ko pagkalipas ng isang oras. “Tisay, need mo nang magluto. Okay ka na ba?” mahinahon ang boses niya.Bumangon na ako. Binuksan ang pinto at saka siya hinarap.“Pagpasensyahan mo na si Buchukoy, kaya lang ganoon ‘yun ay dahil mahal ka namin. Nagulat lang kami kasi hindi ka ganiyan,” paliwanag ni Buknoy.“Pasensya na rin. Alam ko namang mali. Pero ang mahalaga ay nagsabi na ako hangga’t maaga. Kasi alam kong hindi matatapos ang isang linggo na ito na hindi ako makikilala ni Kaiser. Mainam na nauna akong magsabi, bago niyo pa malaman kapag nag-uusap na kaming dalawa,” sagot ko sa kaniya habang nagsusuot na ng facemask.“Ang sa amin lang kasi, ayos lang kung kaibigan lang o kiss ang nangyari. E, hindi ganoon, binigay mo agad. Kahit ako, nagalit din, pero naiintindihan din naman kita. Minsan, pahamak talaga ang alak.”Naginhawahan naman ako nang maramdaman kong hindi gaanong galit si Buknoy. Siguro, nasa gitna lang siya. Hindi na s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 25

    Tisay POVNilabas ko ang phone ko. Pinanuod ko sa kaniya ang video namin ni Kaiser nung gabing iyon sa condo namin. Kitang-kita ko sa mukha ni Buchukoy ang gulat.“Teka, kabit ka niya? Kung kabit ka niya, bakit umiiyak-iyak pa siya na parang broken sa nangyari sa kanila ni Jamaica?” tanong niya na tila nag-uumpisa nang magalit. Ganito si Buchukoy, nakakatakot kapag galit at seryoso na.“Wait, makinig ka muna. Hindi ako kabit. Ang totoo niyan ay pumunta siya sa cake shop ko nung first year anniversary nila. Bumili siya ng cake, pero sarado na ako, pinilit niya lang akong gumawa. Ayon, habang naghihintay siya sa cake na ginagawa ko, kasi ako na lang mag-isa nun, wala na ang mga staff ko. Nang matapos, nakita ko na lang na tahimik siyang umiiyak habang pinapanuod ‘yung video ni Jamaica kasama ang ibang lalaki sa kama. Dati na niyang alam na may kalandiang si Jamaica,” mahaba kong kuwento sa kaniya. Huminto lang ako para humigop muna ng kape kasi lumalamig na.“Oh, paano kayo nakarating s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status