Share

S3 - Chapter 18

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-11 15:11:47

Tisay POV

Agad kong binaba ang mga pinamili ko sa lamesa. Nagmadali na kasi akong umuwi dahil kailangan, magawa ko pang makapaglaba ng mga malilibag na damit. Nagpaikot na agad ako ng mga malilibag na blouse at palda sa washing machine. Habang hinihintay matapos ‘yun, kinuha ko ang cellphone ko at saka nag-umpisang manuod ng mga beauty vlogger.

“Paano ba ‘to?” bulong ko sa sarili habang pinanood ang isang beauty vlogger na sobrang linis at sobrang galing sa pagme-makeup. ‘Yung tipong parang walang makeup sa pero mayroon talaga. Koreana-style ang nabasa ko sa title, hindi mukhang sinabuyan ng harina o pintura ‘yung itsura niya kaya ito ang gusto kong matutunan.

Maya maya, nag-beep ang washing machine. Tumayo na ako, sinabit ang mga damit sa sampayan, paglatapos bumalik ako sa sala. Bago ako umupo, inayos ko ang lahat ng natanggap kong make-up products galing sa J Cosmetic. Nakalatag sa lamesa ang lahat—foundation, concealer, blush, highlighter, brow pencil, eyeshadow palette, lipstick,
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
relate kta tisay, hnd rn kase ako kagalingan sa pagmimake up heheh
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 28

    Tisay POVPuri ko si Kaiser sa kusina. Ang gaan niyang kasama roon. Magaling din magluto. Ako ang nagluto ng menudong baboy, habang siya ang sa adobong pusit na paborito pala niya.“Iniba ko ang mga menu talaga,” pag-aamin niya habang naglalagay na sa bowl ng nilutong niyang adobong pusit.“Kaya nga, ang alam ko kasi ay iba ang mga menu na binigay mo. Pinag-aralan ko pa nga kasi ang iba doon, hindi ko pa nata-try maluto. Pero, ayos na rin na iniba mo para makapag-try naman akong magluto ng iba,” pag-aamin ko sa kaniya.“Wow, effort pala. Nakakahiya na iniba ko pa ang menu. Ang totoo kasi niyan, mga paboritong pagkain ni Jamaica ang mga pina-ready ko. Siya dapat ang kasama ko rito, pero dahil kumalat ang video, tapos hindi pa siya umamin na siya iyon, nagsinungaling pa, wala, nag-decide ako na mag-isa na lang umalis. Tinuloy ko na ito kasi nahihiya rin ako kay Buknoy at Buchukoy, inisip ko, paraan ko na lang ito para makapag-relax,” sabi niya kaya napatango ako. “Mabuti na lang talaga

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 27

    Tisay POVWala na akong choice. Hindi naman din dumating si Buknoy o kahit si Buchukoy para saklolohan ako. Hindi ko naman ginusto ito, pero sana, hindi ito magdulot ng kung anumang problema.“Para kasing may kakaiba sa iyo, para talagang nagkita na tayo, ganoon ang napi-feel ko,” sabi niya habang nakangiti.Dahan-dahan kong binaba ang hawak kong kutsilyo, hinubad ang mga suot kong gloves habang nakatingin sa kaniya.“Sorry sa istorbo ah, alam kong busy ka, pero ‘yan lang ang request ko, Miss Chef,” sabi pa niya habang masaya pa rin. Ewan ko na lang kung sumaya pa siya kapag nakita niya ang mukha ko.Binabagalan ko dahil hinihintay ko talaga sina Buknoy o kahit si Buchukoy. Pero tila mukhang walang darating.Hinawakan ko na ang facemask ko, dahan-dahan ko itong tinanggal. Hanggang sa mapatingin na lang ako sa kaniya nang tuluyan kong matanggal iyon.Ang ngiting-ngiting mga labi niya ay unti-unting napunta sa pagkagulat. Titig na titig siya sa akin habang nakanganga. Sakto naman na big

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 26

    Tisay POVNarinig ko si Buknoy na kumatok sa pinto ng room ko pagkalipas ng isang oras. “Tisay, need mo nang magluto. Okay ka na ba?” mahinahon ang boses niya.Bumangon na ako. Binuksan ang pinto at saka siya hinarap.“Pagpasensyahan mo na si Buchukoy, kaya lang ganoon ‘yun ay dahil mahal ka namin. Nagulat lang kami kasi hindi ka ganiyan,” paliwanag ni Buknoy.“Pasensya na rin. Alam ko namang mali. Pero ang mahalaga ay nagsabi na ako hangga’t maaga. Kasi alam kong hindi matatapos ang isang linggo na ito na hindi ako makikilala ni Kaiser. Mainam na nauna akong magsabi, bago niyo pa malaman kapag nag-uusap na kaming dalawa,” sagot ko sa kaniya habang nagsusuot na ng facemask.“Ang sa amin lang kasi, ayos lang kung kaibigan lang o kiss ang nangyari. E, hindi ganoon, binigay mo agad. Kahit ako, nagalit din, pero naiintindihan din naman kita. Minsan, pahamak talaga ang alak.”Naginhawahan naman ako nang maramdaman kong hindi gaanong galit si Buknoy. Siguro, nasa gitna lang siya. Hindi na s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 25

    Tisay POVNilabas ko ang phone ko. Pinanuod ko sa kaniya ang video namin ni Kaiser nung gabing iyon sa condo namin. Kitang-kita ko sa mukha ni Buchukoy ang gulat.“Teka, kabit ka niya? Kung kabit ka niya, bakit umiiyak-iyak pa siya na parang broken sa nangyari sa kanila ni Jamaica?” tanong niya na tila nag-uumpisa nang magalit. Ganito si Buchukoy, nakakatakot kapag galit at seryoso na.“Wait, makinig ka muna. Hindi ako kabit. Ang totoo niyan ay pumunta siya sa cake shop ko nung first year anniversary nila. Bumili siya ng cake, pero sarado na ako, pinilit niya lang akong gumawa. Ayon, habang naghihintay siya sa cake na ginagawa ko, kasi ako na lang mag-isa nun, wala na ang mga staff ko. Nang matapos, nakita ko na lang na tahimik siyang umiiyak habang pinapanuod ‘yung video ni Jamaica kasama ang ibang lalaki sa kama. Dati na niyang alam na may kalandiang si Jamaica,” mahaba kong kuwento sa kaniya. Huminto lang ako para humigop muna ng kape kasi lumalamig na.“Oh, paano kayo nakarating s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 24

    Tisay POV“Kawawa naman si Sir Kaiser,” sabi bigla ni Buknoy nang lapitan kami ni Buchukoy dito sa wheelhouse.Napatingin agad ako sa kaniya habang kumakain ng tinapay at humihigop ng mainit na kape. “Bakit? Anong eksena?” tanong ko agad.“Narinig kong umiiyak. Napadaan kasi ako sa room niya, parang may kausap siya sa phone tapos umiiyak,” sabi niya kaya hindi ko maiwasang maging apektado kasi kahit ako ay naaawa rin sa kaniya.“Ganoon talaga. Normal na sa taong broken ang ganiyan, lalo na’t sariwa pa ang lahat, makaka-move on din ‘yan,” sabi ni Buchukoy na minsan ay seryoso rin.“Pero, huwag na nating pag-usapan, mamaya niyan marinig tayo, nakakahiya,” saway ko sa kanila.“Tama si Tisay,” sang-ayon sa akin ni Buchukoy.“Okay, change topic. Nga pala, kahit broken siya, nakakain siya ng maayos. Parang may magic talaga ang kamay mo, Tisay. Sabi niya, masarap ka raw magluluto,” sabi naman ni Buknoy kaya natuwa ako.“Thank you naman, kanina kasi, nahihiya at natatakot ako na baka hindi si

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 23

    Tisay POVPaglabas ko ng banyo, naririnig ko pa na nag-uusap silang tatlo. Dinig ko ang boses ni Kaiser, na-miss ko ‘yun, sobra kahit nung gabing lang na iyon kami nagkasama. Sa boses niya, parang wala namang bahid na lungkot siyang nararamdaman. Parang hindi broken, pero siguro, tinatago niya lang kasi may kaharap siyang ibang tao.“Okay lang ba kung isang linggo tayong mag-stay sa Collarga island?” dinig kong tanong ni Kaiser kina Buknoy at Buchukoy.“Ah, ibig sabihin po ba ay extend pa natin ng apat na araw pa, bale pitong araw po ba?” tanong naman din ni Buchukoy.“Oo, ganoon na nga. Kailangan ko kasing makapag-relax. Hindi ko naman na kailangan pang ipaliwanag, alam kong maging kayo, nabalitaan ang nangyari.” Doon sa part na iyon, may kirot, naramdaman ko nang malungkot talaga siya.“Wala pong problema, bossing. Kahit nga po dalawang linggo pa, walang problema sa amin, okay na okay po sa amin,” masayang sagot ni Buknoy.Puwes, ako hindi puwede. May business ako ‘no! Kung makapag-

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status