Share

KABANATA 5

THE next few days were a whirlwind of emotions and confusion. Umuwi sa kanilang mga probinsya ang dalawa kong kaibigan kaya naiwan ako sa dorm ng mag-isa. Wala tuloy akong mapagsabihan sa kung anong ganap dahil hindi naman nagrereply sina Shan at Marie sa mga texts ko.

Professor Reynolds's unexpected comments about the last ball left me wondering. Did he feel a twinge of jealousy, or guni-guni ko na naman ito?

Kaya nang dumating na ang Lunes at habang naglalakad ako papasok sa campus, ang gulo ng isip ko. Hindi pa man ako nakaliko sa isang pasilyo ay biglang nagpakita ang dalawang tao na kanina ko pa hinahanap.

"What's the scoop, Via? Spill it!"

I rolled my eyes. "Hindi kayo nagrereply sa akin!"

Niyakap ako kaagad ni Shanti. "Sorry na kasi, mamsh! Alam mo naman, sobrang busy ng buhay naming dalawa kapag nasa probinsya!"

Ngumuso ako. "Mga gamit niyo?"

"Inuwi namin. Hindi kami pumasok sa first subject."

Tumango ako at tiningnan ang paligid.

"So ano nga ang chika, girl! Tungkol ba sa hottie professor mo? Nakita ko kanina, super hot niya today."

Nginisihan ko si Shanti at sinapok siya. "Akin iyon!"

"May David ka na!" 

Umiling ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung nangliligaw na ba si David sa akin dahil wala naman siyang sinasabi pero base sa kilos niya, parang ganoon nga.

Marie nudged me with a teasing grin. "Ay taray! Love triangle! Details, girl! Spill all the juicy deets!"

Napabuntong hininga ako at dinala sila sa bench.

"Well, kasi may sinabi si Ethan sa akin na kakaiba sa akin about sa ball. Uhh, last week. It felt... strange."

Nagtaas ng kilay si Marie. "Paanong strange?"

"He made it sound like being friends with David is somehow a big deal. And lately, nararamdaman kong pino-provoke niya lagi si David. Parang napakalaking issue sa kaniya na magkaibigan kami ni David," paliwanag ko, sinusubukan kong intindihin ang usapan.

Shan's eyes widened. "Teka! Teka, sis! Sinasabi mo bang....finally, nagseselos si Prof?!"

I nodded uncertainly. "Right?! Alam ko, parang baliw. Pero kakaiba ang reaksyon niya, at hindi ko maalis ang pakiramdam na may iba pa."

Sumandal si Marie sa bench at napalitan ng pagkaseryoso ang kaniyang kilos at mukha. 

"Via, be careful. Baka trap iyan! Oh baka nag-ooverthink ka lang?" aniya.

Shan, ever the optimist, chimed in. "Or maybe he's secretly in love with you, and natatakot lang siyang aminin?"

Ngumiwi ang kaibigan ko sa sinabi ni Shan. Napangiwi rin ako. 

"Baka no?" pampalubag ko sa sarili ko.

"Ay, hindi ka na talaga masasagip, gurl! Feed up sa delusions mo!"

Hinampas ko si Shan at dinuro siya. After, we all burst into laughter, the tension momentarily lifted. Despite the confusion, having Shan and Marie by my side made things a bit more bearable.

"Hey, what's all the laughter about? Chismis na naman ba?"

Napalingon kaming tatlo nang may magsalita sa kabila. We saw 

Kinindatan ako ni Shan. "Wala naman. Just discussing the romantic escapades of our dear Professor Reynolds." At tumingin siya sa akin.

Nagtaas ng kilay si David. "Oh, talaga? Kailangan ko bang mag-alala?"

Nagulat ako sa narinig at napa-hindi kay David. Napangisi naman ito at umupo sa tabi ko. 

Pilyong ngumisi si Shan. "Well, depende sa type nitong kaibigan namin! Pero kapag hindi ka nito sagutin, David, akin ka na lang!"

"Hindi ka dapat kabahan, David. Magiging okay din iyan si Olivia sa kahibangan niya!"

Inisnob-an ko si Marie. "Che! Sana hindi masarap ang ulam mo mamaya!"

"Gaga, oorder ako ng same sa'yo para friendship goals!"

Mas lalo lang akong umirap at natawa nalang sa sinabi niya.

After that day, I tried to get rid of the things that were in my delusional head. Pumasok ako sa loob ng lecture room, umupo ako sa tabi ni David habang sinisimulan ni Professor Reynolds ang kanyang klase. Despite my efforts to focus on the lecture, my attention kept drifting to the man at the front of the room. 

Habang pilit akong nagc-concentrate sa harap, biglang nahulog ang ballpen ko na siyang nakagawa ng sandalingay sa loob ng room. Hilaw akong ngumisi sa lahat. Naging mabilis naman si David at kinuha ang ballpen ko at binigay iyon sa akin.

"Thank you," ngiti ko at kumindat naman siya sa akin.

Nang mapatingin ako sa harap ay nakita ko ang tingin ni Ethan sa amin. Nang magtagpo ang tingin namin ay agad siyang napaiwas ng tingin.

As the lecture progressed, David leaned in and whispered, "You doing okay?"

Tumango ako, offering a small smile. "Yeah, sinusubukan lang na mag-focus."

Nanlambot ang kanyang mga mata, at maingat na naglagay ng banayad na halik sa likod ng aking palad. Nanlaki ang mga mata ko sa kanilang ginawa kaya mabilis kong inagaw ang aking kamay. Bahagya siyang natawa sa ginawa ko kaya sa tingin ko ay binibiro lang niya ako.

"Baliw ka! Kadiri 'to!" hagikgik ko.

Hindi ko namalayang napalingon si Propesor Reynolds sa direksyon namin, bakas sa kanyang ekspresyon ang magkahalong galit at, marahil, bakas ng selos.

Teka! Selos? Selos?!

"Olivia, coffee later after class?" David suggested while we were doing our group activity.

"Sure!" pagpayag ko agad.

"People at the back! Gawin niyo ng maayos ang activity niyo. Don't mix personal plans inside our class. We are here to learn, not to date."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Hinanap ng mga mata ko si Ethan at nakita ko na siya ngayong nakipag-usap sa mga kaklase ko.

Dati ba siyang baliw? Kami ba ang pinariringgan niya?!

Nang matapos ang klase, at nagsimulang umalis ang mga estudyante, nagtagal si Propesor Reynolds nang ilang sandali kaysa karaniwan. His gaze met mine briefly before he turned away, concealing the thoughts that flickered in his eyes.

The room emptied, leaving only the three of us—him, David, and me.

Ngumisi si David, marahan akong niyakap sa balikat. "Via, that lecture was a killer, huh?"

"Yeah, your jokes made it bearable," peke kong tawa at bahagyang sumulyap kay Ethan. 

"Later, Via, huh? Maghihintay ako! Sa dati pa rin!"

"Sure! Maaga ang out ko today. 3 pm. G?" 

"Kahit 6 pa out mo, willing to wait po!" asar niya pa at pinisil ang pisngi ko. Humagikgik ako at kinuha na lahat ng gamit ko.

Narinig kong medyo mabibigat ang kaniyang mga kamay sa pagsilid ng kaniyang macbook sa kaniyang bag pati na rin ang iba niyang gamit kaya napatingin ako sa kaniya.

Professor Reynolds, usually stern, adjusted his glasses with a serious look. He came over, eyeing David's hand that was now holding mine.

"Via, can we talk for a moment?" ani Ethan sa akin gamit ang matigas na ingles.

Hindi ko alam pero may kung anong takot na lumukob sa akin nang makita ko siya ngayon sa gilid ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status