LOGINHindi makatulog ng maayos si Ayesha dahil sa kakaisip niya. Malapit nang maghating gabi pero nasa balcony pa rin siya. Napahawak siya sa puson niya at paulit-ulit na humingi ng sorry sa batang nasa sinapupunan niya.
Hindi niya nagawa ang plano niya dahil hindi kaya ng konsensya niya. Walang kasalanan ang bata para ipalaglag niya ito. Gaya ng ginawa niya dati, gusto niyang ituloy ang pinagbubuntis niya dahil ayaw niyang pagdatin
Bumalik ng Las Vegas si Ayesha at dun na sila nagkita-kita ng mga kaibigan niya. Iniwan niya na muna ang anak niya sa mommy niya. Sinadya niya ring umalis kaagad ng maaga dahil ayaw niyang samahan si Arianne sa lahat ng gagawin nito lalo na sa paghahanda sa kasal nila ni Kian. Hindi dahil sa ayaw niyang tumulong, masyado pa kasing sariwa sa kaniya at masyado pang masakit.Pwede naman sigurong umattend na lang siya sa kasal pero ang sumama pa sa paghahanda, masyado naman na yatang torture sa kaniya yun. Paano kung maging si Kian ay hindi maging komportable kapag palagi siyang kasama? Baka siya pa ang maging dahilan para umatras si Kian sa kasal. Ayaw niya namang mangyari yun.“Ayesha! We’re here!” Rinig na ni Ayesha sa boses ng mga kaibigan niya. Kararating pa lang niya sa hotel at nauna na ang mga kaibigan niya dito sa Las Vegas.
Mapait na ngumiti si Ayesha saka siya tumango-tango.“Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin ang tungkol diyan. Desisyon niyo naman yun. Mabuti yun, congrats sa inyo.” Sagot ni Ayesha habang pilit na itinatago ang totoong nararamdaman niya. Palihim na lang siyang humuhugot ng malalim na buntong hininga para hindi siya mautal-utal sa mga sasabihin niya.“I’m sorry for what happened, Ayesha. I’m sorry kung pinilit ko pang alamin kung may nararamdaman ka ba sa akin. Tama ka naman, si Arianne ang nandito, si Arianne ang kasama ko, si Arianne ang fiancee ko kaya dapat lang na siya ang pakasalan ko.”“Mabuti naman at natauhan ka. Siguro ay nangungulila ka lang sa kaniya. Huwag mo ng isipin yun. Kalimutan na lang natin.” Pilit na ngumiti si Ayesha, pilit niyang pinapasigla ang boses niya. Tipid namang
Nakatitig si Ayesha sa monitor, pinagmamasdan ang maliit na buhay na nasa sinapupunan niya. Napapangiti na lang siya habang pinagmamasdan ito at pinapakinggan ang heartbeat niya.“Your baby is fine pero huwag mo na sanang uulitin na mag-inom na naman ng marami. Posibleng maapektuhan ang baby mo kapag hindi mo itigil ang pag-iinom mo.” Habilin sa kaniya ng OB niya.“Hindi naman ako madalas mag-inom doc. Sa sobrang dami kasi ng iniisip ko nitong mga nakalipas na araw, nakalimutan kong buntis pala ako kaya nag-inom ako.” Pagpapaliwanag niya.“Take care of yourself, Miss Martin. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari. Mabuti na lamang at healthy ka, healthy ang baby mo pero huwag mong abusuhin ang katawan mo. Iniinom mo ba ang mga prenatal vitamins mo?” Hindi nakasagot si Ayesha kaya napapailing na lang sa kaniya a
Tahimik lang si Kian at Arianne habang nasa byahe sila habang si Ayesha naman ay tulog na tulog pa rin. Nakatulalang nakatingin sa labas ng bintana si Arianne, malalim ang iniisip habang si Kian naman ay pasulyap-sulyap kay Ayesha.Hindi niya maiwasang isipin kung ano bang dahilan bakit nagpakalasing si Ayesha ng sobra ngayon. Naging busy siya nitong mga nakalipas na araw dahil kailangan siya sa Tagaytay. Hindi siya umalis dun ng ilang araw kahit na gusto niya nang bumalik sa main branch.“Okay ka lang?” tanong ni Kian kay Arianne. Nagsalubong naman ang mga tingin nila sa salamin.“I’m fine,” sagot ni Arianne. Napapatango na lang si Kian.“I’m sorry,” ani ni Kian kaya muli siyang tiningnan ni Arianne. Nagsalubong ang mga kilay.“Sorry for what?” tanong niya. Hindi sumagot si Kian. “May itinatago ka ba sa akin?” tanong pa ni Arianne. Napapabuntong hininga naman si Kian.“Wala lang naman, pakiramdam ko kasi kailangan kong humingi ng sorry sayo.” Sagot ni Kian. Hindi naman na pinilit ni
Pareho nang lasing si Arianne at Ayesha pero mas lasing na lasing si Ayesha. Magkaakbay na silang dalawa habang naglalakad papuntang highway para mag-abang ng taxi. Hindi na nila kayang magdrive pa at kahit na lasing na sila, ayaw naman nilang mamatay kapag pinilit pa nilang magdrive.Nagtatawanan na silang dalawa habang pagewang-gewang na naglalakad.“Ilang beses ka na bang nagmahal, Arianne?” lasing na tanong ni Ayesha. Umiikot na ang mundo nila pero nagagawa pa rin nilang tumayo ng diretso habang magkaakbay.“Why do you want to know? Ano bang connection nun sa nararamdaman ko ngayon?” natatawang sagot ni Arianne. Ngumiti naman si Ayesha, namumungay na ang mga mata niya. “How about you, Ayesha? Ilang lalaki na ba ang minahal mo? Siguro you’re a heartbreaker.” Tanong naman ni Arianne.Natawa naman si Ayesha. Tama naman ang sinabi ni Arianne, ilang lalaki na ba ang binasted niya noong nag-aaral pa lang siya? At ngayon naman, kailangan niyang saktan ang lalaking mahal niya para kay Ari
Matapos ang pag-amin ni Kian ay hindi na yun nawala sa isip ni Ayesha. Sa mga nakalipas din na araw ay hindi niya nakita si Kian. Hindi rin sila nagkakasalubong o nagsasabay sa elevator. Hindi alam ni Ayesha kung nagpalipat ba ng branch si Kian o kung bumalik na ba ito ng Germany. Wala siyang balita, pinipigilan niya rin ang sarili niya na magtanong tungkol kay Kian.Nasabi niya na ang bagay na ayaw niya sanang sabihin pero hindi niya naman na pwedeng bawiin.Nang matapos ang maghapon na iyun ay hindi na muna umuwi si Ayesha. Dumiretso siya sa isang bar. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kakaisip. Ito ang dapat niyang gawin, ang pigilan ang nararamdaman niya.Humingi kaagad si Ayesha ng alak sa bartender nang makaupo na siya sa counter. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang imahe ni Kian noong huli silang nag-usap. Kumikirot ang puso niya sa tuwing naaalala niya ang mga mata ni Kian na nasasaktan.“Isang bote ng alak please,” saad ni Ayesha sa bartender.“Anong alak po ma’am
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha habang nakatingin siya sa salamin. Ngayong araw ang alis nila papuntang Germany. Simula noong isang gabi ay hindi pa sila nagkikita ni Kian. Hindi rin maganda ang paghihiwalay nilang dalawa dahil sa pag-aaway
Sa huli ay pumayag si Ayesha sa gusto ni Kian. Nagpaalam kaagad si Ayesha sa pamilya niya lalo na sa anak niya na mawawala siya ng tatlong araw.“Kasama mo po si daddy?” tanong ni Zayn habang naggagayak si Ayesha.“Oo baby, so don’t worry about me, okay?”“Hindi po ba ako pwedeng sumama, mommy?” na
Iniharap ni Nick ang laptop niya kay Ayesha saka siya nagsalita.“We need at least 20 million for the campaign.” Anas ni Nick saka siya ngumiti. Napakunot naman ng noo si Ayesha habang nakatingin siya sa screen ng laptop.Napabuntong-hininga si Ayesha.“Grabe, Nick,” wika niya habang napapailing. “
Pagdating ni Kian sa executive floor ay tahimik na ang buong paligid dahil nakauwi na ang mga empleyado.Halos lahat ng ilaw ay patay na maliban sa opisina ni Ayesha.Nakaupo si Ayesha sa harap ng laptop habang nakabukas ang iba't ibang files sa screen—transaction logs, system access records, at fi







