INICIAR SESIÓNSa bawat araw na lumilipas, masaya silang tatlo. Ineenjoy nila ang bawat araw na nasa Maldives pa sila. Araw-araw silang nasa tabing dagat lalo na sa hapon. Tuwang-tuwa silang naliligo. Inenjoy na rin ni Kaye at ni Lalaine ang maiksing bakasyon nila lalo na at tutok din sila sa mga trabaho nila. Ngayon lang sila makakapagpahinga mula sa tambak nilang trabaho. Alam nilang matatambakan sila ng trabaho pagdating nila ng Manila pero hindi nila pagsisisihan na samahan sa Maldives si Ayesha.Habang nasa dalampasigan sila Ayesha ay hindi niya maiwasang hindi maalala ang mag-ama niya. Hindi pa niya nakakausap ang mga ito at ngayon pa lang namimiss niya na ang mga ito.Nakahinga na siya sa stress na naramdaman niya dahil araw-araw niya na lang iniisip ang magiging kasal nila ni Kian. Nawala siguro ang excitement niya dahil sa araw-araw na lang na ito ang iniisip niya.May signal naman sila sa isla. Hindi pa niya binubuksan ang cellphone niya simula nang makarating sila. Mag-iisang linggo na si
Maaga pa lamang ay nagising na si Ayesha. Natutulog pa naman ang anak niya sa kwarto, may inutusan siyang katulong na magbantay dito para kung sakaling magising ay makuha ito.Ilang minuto pa ang nilakad ni Ayesha bago siya nakalabas ng mansion. Sa laki ng mansion para bang nag-eexercise ka na sa paglalakad bago makalabas.Hindi niya masyadong rinig ang ingay ng alon ng dagat dahil may kalayuan din ito mula sa mansion.“Good morning ma’am,” bati ng mga katulong na nakakasalubong ni Ayesha. Tumatango lang naman siya sa mga ito.Naglakad-lakad lang siya habang pinagmamasdan ang paligid. Maraming mga puno kaya kahit na maglakad-lakad ka sa tanghali ay hindi mainit dahil sa mga anino nito.Yumakap sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin. Lumanghap siya ng hangin at napangiti. Marami siyang hindi nagawa simula nang magkaanak siya. Simula nang magkaanak siya para bang hindi na siya ang may-ari ng sarili niya. Pero masaya siya nang magkaanak siya. Napapaisip lang siya kung anong buhay niya
Itinuloy ni Ayesha ang pag-alis niya kasama si Kenneth at ang mga kaibigan niya. Mabilis niyang pinalis ang mga luha niya nang makapasok sila ng boarding gate. Hindi niya na nilingon ang mag-ama niya na naghatid sa kanila sa airport dahil alam niyang aatras siya. Ayaw niya namang sirain ang magandang plano para sa kaniya ng mga kaibigan niya. Isinantabi ng mga ito ang mga trabaho nila para lang masamahan siya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Mabigat ang dibdib niya dahil isang buwan niya ring hindi makikita ang mag-ama niya at alam niyang malulungkot ang mga ito ng sobra lalo na at kasama niya si Kenneth. Hindi niya naman pwedeng iwan si Kenneth dahil breastfeed ito.“Magiging okay ka rin. Hindi man namin naiintindihan ang nararamdaman mo ngayon, tutulungan ka namin na malampasan ito.” Pagpapalakas ni Lalaine sa loob ni Ayesha.“Nakakatakot ang motherhood ‘no? Ganiyan pala ang postpartum stress. Hindi mo alam kung anong problema mo. Hindi mo alam kung anong maka
Tahimik lang si Ayesha, iniisip ang suggestion ng mga kaibigan niya. Naiinis na rin siya sa sarili niya. Kung kailan malapit na ang kasal nila ni Kian, ngayon pa siya nakaramdam ng ganito. Hindi niya naman ito naramdaman noong nanganak siya sa panganay niya. Siguro dahil wala siyang naramdamang stress, wala siyang iniisip.Nakokonsensya siya sa nararamdaman niya. Alam niyang masaya at excited si Kian sa kasal nila pero siya, ganito ang nararamdaman niya.“Pag-iisipan ko, kakausapin ko rin muna si Kian tungkol diyan.” Sagot niya sa mga kaibigan niya.“Mabilis lang ang isang buwan. Magrelax muna tayo, hindi ka namin iiwan. Sasamahan ka namin hanggang sa makabalik tayo rito. Magstay muna tayo sa isla na pagmamay-ari ng Daddy Dexter mo. Sa Maldives yun hindi ba? Dun na muna tayo.” Wika ni Kaye. Tumango na lang si Ayesha.“I’ll talk to him later.” Sagot niya. Bahagya naman ng ngumiti si Lalaine at Kaye.“Nasaan nga pala si Kenneth?” Pag-iiba na nila.“Nasa hardin sila nila ni mommy. Mas gu
Nagpatuloy ang birthday celebration. Pinuntahan na ni Kian at Ayesha ang mga bisita nila. Masaya sila dahil nakompleto silang lahat. Opisyal nang nanliligaw si Nick kay Lalaine kaya magkasama ang dalawang ito.Ang makita ni Ayesha na may happy ending silang lahat ay napapangiti siya. Nakaligtas si Nick sa aksidente ganun din si Michael. Normal pa rin naman silang namuhay ngayon. Masaya siya dahil walang nalagas sa kanila.Masaya na rin si Michael at ang asawa nito kasama ang anak nila.Ngayong tapos na ang birthday ng anak niya. Susunod naman ang kasal nila ni Kian. Magiging isang ganap na siyang Mrs. Villanos. Hindi siya makapaniwalang aagawin pa niya ang apilido ng kaniyang ina. Hindi niya naman yun sinasadya pero nakokonsensya pa rin siya. Kapag nakikita niyang okay naman ang mga magulang nila ay nawawala ang guilty na nararamdaman niya.Gaya ng sabi ng kaniyang ina, apilido lang naman ang nawala sa kaniya pero hindi ang pagmamahalan nila ni Dexter.Nang matapos ang celebration ay
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha. Ngayon ang 6th birthday ni Zayn. Nakaharap na siya sa salamin dahil aayusan na siya ng make-up artist. Minimal make-up lang naman ang ipapalagay niya. Kaya niya namang gawin yun pero para bang tinatamad na siya. Gusto niyang marelax dahil alam niyang marami silang bisita ngayon.“Okay na ba si Zayn?” tanong niya kay Jella.“Opo ma’am, he’s excited na po.” Nakangiting sagot ni Jella. Napapangiti na lang din si Ayesha. Simpleng celebration lang ang ibinigay nila kay Zayn last year kaya gusto nilang bumawi ngayon lalo na at tahimik at payapa naman na sila.Nang matapos ayusan si Ayesha ay lumabas na siya. Bago magsimula ang program ay nagtungo na sila sa function hall. Marami ng mga bisita ang nasa loob habang ang iba ay nasa labas pa at nagpapahangin. Glass wall lang ang pinakapader ng function hall kaya kitang-kita nila ang mga tao sa labas.“Where’s the birthday boy?” Tanong ni Lalaine nang dumating sila ni Kaye.“Busy na mak
Nang makauwi silang dalawa sa bahay ay naabutan nilang nasa sala ang mag-ina na naghihintay sa kanila.“Kumusta?” tanong kaagad ni Ayesha.“Hindi siya umaamin. Wala siyang sinasabi na may kinalaman si Uncle Rafael sa mga ginawa niya pero hindi kami titigil hangga’t hindi namin siya napapaamin.” Sag
Nang mailipat ng kwarto si Nick ay pinuntahan kaagad ito ni Kian. Diretso siyang nakatayo habang seryosong nakatingin kay Nick. Isa si Nick sa pinagseselosan ni Kian dahil alam niya, nakikita niya sa mga mata ni Nick na may gusto ito kay Ayesha pero hindi niya akalain na gagawin ito ni Nick sa kan
Inihatid na ni Kian si Ayesha sa bahay nila. Hindi na muna nila sinundan si Nick sa hospital kahit na gustong-gustong puntahan ni Ayesha. Madilim ang mukha ni Ayesha at salubong ang mga kilay niya.“He saves us. Gusto ko lang namang malaman ang kalagayan niya. Ilang beses ko bang sasabihin sayong o
Inilalagay na ni Kian sa bag ang mga gamit nila ni Ayesha. Inaalalayan naman ng isang nurse si Ayesha dahil nagbibihis pa ito.“Are you sure you’re okay now?” tanong ni Kian dahil mas mabuti ng magstay sila sa hospital masiguro niya lang na okay ang mag-ina niya.“Okay naman na ako. Tumigil naman n







