Share

Chapter Four

"Okay. Class dismissed," ani ng teacher niya.

They stood up and got out of the classroom. Nakasabay rin niya ang ibang estudyante sa hallway.

"Best, tara gala," yaya ni Michelle.

"Tara, tara," sabat ni Anne.

"Sorry, bwesties. May susundo sa 'kin at 'di ako uuwi sa bahay. Kayo na lang," aniya.

Alam na 'yun ng Mama niya kasi nagpaalam siya na doon muna tutuloy sa bahay nina Tita Nancy. Pumayag naman agad ito, para daw tumahimik muna ang bahay nila.

"Sino? Si Mac ba?" Nagniningning ang mga mata na tanong ni Anne. Crush nito ang pinsan niya kahit hindi ito pinapansin ni Mac.

"Oo. Bakit?" Tanong niya. Baka magpumilit na naman ito na sumama saan man sila magpunta kaya mabuti pang unahan na niya ito. "May date kami. Istorbo ka."

Tumawa sina Michelle at Shaina.

Sumimangot naman ito. "Ang damot mo talaga kay Mac."

"Luh. Hindi ka lang talaga type ni Mac," gagad ni Michelle.

Nakarating na sila sa gate. Nakita naman niya agad si Mac na nakasandal sa kotse nito.

"OMG! He is so hot!" Pigil ang tili ni Anne.

Nilapitan sila nito. Hey, couz! No class at all?"

Tumango lang ang mga kaibigan niya.

"Bakit? Tuturuan mo kami?" Pilosopong balik niya.

Nalukot ang mukha nito. "You don't really care about my feelings, couz." He forced his voice to sound like in pain.

"I do, Mac! I do!" Sabat ni Anne.

"Paki ko?" Pasuplado nitong tanong.

Tumawa ulit sina Michelle at Shaina.

Hinawakan siya nito sa siko at giniya papasok sa sasakyan. Pumasok na din ito.

"Una na kami," paalam nito at pinasibad na palayo ang sasakyan.

"You really are harsh with Anne," maya-maya ay sabi niya.

"She'll get used to it," balewalang sabi nito.

Napailing na lang siya.

Tahimik lang sila habang nasa daan. Sa pakiwari niya'y may iniisip ito. Kumukunot pa kasi pati noo.

"Sino'ng nasa bahay?" Istorbo niya rito.

"Si Bryan at Tita Nancy lang," tipid nitong sagot.

Wala kang ganang dumaldal? Eh, di pagbigyan, aniya sa isip. Paki niya? Hindi naman laway niya ang mapapanis.

"HI, TITA!"

"Oh, Claire. Pwede bang kayo na muna ang bahala sa bahay? May pupuntahan lang ako. Baka gabi na ako makauwi," mahaba nitong lintanya. Mukhang may emergency. "Dadalawin ko lang sa ospital ang bestfriend ko."

"Yes, Tita. Okay lang po."

"Hay, salamat. Nakasaing at may ulam na rin diyan. Sige, aalis na 'ko," anito at nagmamadaling umalis.

She went to her room and changed her uniform. After that, she went to the kitchen. Nadatnan niya doon si Mac na nakaupo, with a glass of wine on his hand.

Sabi na, eh. May problema ang isang 'to.

"Problema mo?" Intro niya at umupo sa harap nito.

He looked devastated. This is the first time she saw him in that situation. Sinalinan nito ang isang wine glass and handed it to her. Tinanggap niya 'yon.

"Seeing her happy with that guy makes me want to punch that fucking face of his," his jaw clenched while saying those words.

"Who's the girl?"

"Rozelyn."

"The girl you dumped last week?" Di-makapaniwalang tanong niya. Hindi naman ito sumagot.

Silence means yes naman, di ba? So, absolutely, yes.

Inlove ang loko, asar niya.

"How come you get in that situation?"

"I don't know, okay? Even I don't know the reason," sabi nito. Parang iniwan ito ng nanay nito sa gitna ng kalye. Parang maiiyak na ito. Nilapitan niya ito at niyakap. Naaawa siya rito. Unti-unti itong umiyak. Hinigpitan niya ang yakap dito.

In love talaga.

SAKTO NAMANG papasok sana sa kusina si Bryan nang madatnan niya ang ganoong tagpo. Nagngalit ang mga bagang niya. Kung pwede lang manuntok ng mukha, mukha niya ang susuntukin niya. Mukha kasing nabubulag na talaga siya sa nararamdaman niya para sa pinsan niya.

"Fuck this feeling," he uttered and went back to his room.

PUMASOK ka na sa kwarto mo at matulog, Mac," sabi niya matapos nitong lasingin ang sarili habang nagkukwento tungkol kay Rozelyn. Actually, 8:45 na. Tatlong oras na siyang nakaupo. Mainit na rin ang puwitan niya.

Umungol lang ito. Nakayukyok na ang ulo nito sa mesa. Tumayo siya at kumuha ng unan, kumot at banig sa kwarto ni Tita Nancy. Kahit mahirap, pinagtiyagaan niyang ihiga si Mac sa banig at kinumutan ito. Hindi na siya naghapunan. Busog naman na siya sa mga kwento ni Mac, eh. Sinara na lang niya ang mga binta at pinto. Papasok na siya sa kwarto niya nang maalala niya si Kuya Bryan. 

9:05 pa lang naman. Gising pa naman siguro 'yun. Dumiretso siya sa kwarto nito. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakahiga lang ito.

"Kuya? Gusto mong kumain?" Alok niya.

He remained silent.

Baka hindi siya nito narinig o napansin. "Kuya? Gusto mong kumain?"

Ganoon pa rin. Lumapit siya dito.

"Ayoko," tumayo ito at pumunta sa terrace na kanugnog ng kwarto nito.

Mukhang bad mood, ah.

Sinundan niya ito. "Kuya, may problema ka ba?"

"Wala. Just leave me alone," anito na parang sasabog na. Pinipigilan ang galit.

"Kuya, pwede mo--"

"I said, leave me alone!" He shouted.

Nagulat siya sa biglaang pagsigaw nito kaya nag-alon ang mga mata niya. Dali-dali siyang tumalikod at lumabas ng kwarto nito.

"Shit!" He cursed as he watched her walked out of his room.

Humihikbi si Claire habang nakatagilid sa kama niya. Hindi niya malubos-maisip kung bakit ganoon ang reaksiyon nito sa pagtatanong niya. Mababaw lang ang luha niya kaya hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. 'Yun din ang unang beses na nagalit ito sa kanya kaya marahil dumagdag ang mga luha niyang walang humpay sa pagtulo. She heard the door opened and closed. Lumapit si Bryan sa kama nya at umupo sa gilid niyon.

"Claire, about what happened a while ago," simula nito. Mukhang nag-aalangan pa itong magsalita. "I'm sorry. I didn't mean to yell at you."

Hikbi lang ang sagot niya.

"Face me, Claire."

Sinunod niya ito. Bumangon siya at sumandal sa headboard. Hinugot niya ang kumot hanggang dibdib.

"Please, don't cry. I don't wanna see you crying," pinunasan nito ang mga luha niya. Masuyo ang boses nito and that's the reason why her tears never stop from falling. "Stop crying now, Baby."

She tried to stop herself from crying and looked at the man in front of her. Nakatitig lang din ito sa kanya. And in a split second, he captured her lips. Nanlaki ang mga mata niya. Dahil sa gulat, na-blangko ang isip at paligid niya. All she know is Bryan kissing her lips. He broke the kiss and his breath fanned her face.

"I-I'm sorry. I just can't stop myself," he apologized and captured her lips once again.

She didn't know what has gotten in to her mind the moment she responded in his kiss, she just thought the world stopped from revolving.

Its as if she and Bryan are only living in the world. He brushed his lips against hers. Pinutol nito ang halik at idinikit ang noo sa noo niya.

"I know this is insane but you have to know about this," he said huskily.

"A-ano 'yun?" Kinakabahang tanong niya.

Huminga muna ito nang malalim at tumitig sa kanya. "I love you."

Bumuka ang bibig niya at sumara din dahil walang lumalabas na salita. She just can't believe it. Is he really saying those words? Kinusot niya ang braso niya at napa-"aray" siya.

Natawa si Bryan sa ginawa niya.

"Am I dreaming?" Tanong niya maya-maya.

"No. And to prove you that you're not...," he kissed her again and she responded again.

At hindi manhid si Bryan para hindi maramdaman ang nais iparating ng pagsagot niya sa mga labi nito.

"Is this means that the feeling is mutual?" Nakangiting tanong nito.

Hindi naman siya makatingin sa mga mata nito.

"Answer me," utos nito.

"Y-yes," nakayuko at namumula ang buong mukhang sagot niya.

He raised her face. "Say it."

"I-I can't."

"Say it," mariin nitong sabi.

"I-I love y-you," she said with close eyes.

"Look straight into my eyes and say it, Claire."

Kung ilang hugot ang hinugot niya para lang makatingin dito ay hindi niya alam. All she know is her heart is beating so fast and loud.

Because she love this guy in front of her.

"I love you," she almost fainted because of embarrassment.

Ngumiti ito nang napakalawak at masuyong hinawakan ang mukha niya. "And I love you, too," he kissed her again.

Sa totoo lang, nakailang halik na ba ito sa kanya?

BIGLANG NAPABANGON si Claire sa pagkakahiga. "My God! Totoo ba talaga 'yun?" She touched her lips. She could still feel Bry's lips against hers.

"Hanggang panaginip ba, kasama mo pa rin ako?" Said the voice on her door.

Napalingon siya dito at nanlaki ang mga mata. "W-wha--?" She couldn't even say a single word.

"Good morning, Baby," he walked towards her and seated at her side. "How's your sleep?" He asked then held her face.

Umurong naman siya.

"Don't you remember what happened last night?"

Napatingin siya rito. Ngumisi ito nang makitang unti-unti nang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi base na rin sa ekspresyon ng mukha niya.

She buried her face on her blanket. Tumawa ito.

"No need to be shy now, baby. You're mine and I'm yours. Isn't it fair?" Pilit nitong kinukuha ang kumot sa kanya.

"Hindi 'to totoo. Hindi 'to totoo. This is just a dream!" She shouted on the blanket.

"Fortunately, this is not," he said then grabbed the blanket.

She saw him grinning. Tiningnan niya ito nang matalim.

"Oh, bago mo 'ko balatan nang buhay, kumain ka na muna. Andun si Tita Nancy sa kusina," anito at tumayo. "Don't tell anyone about us, Claire," sabi nito at lumabas na.

"Yeah, right."

After fixing herself, she went to kitchen and joined Tita Nancy and Bryan in breakfast.

"Nga pala, Claire. Can you stay here for days? Wala kasi ang Tita Nette n'yo. Nasa Tagaytay. May seminar," ani Tita Nancy. "Please?"

"Okay po, Tita," aniya. Gusto sana niyang hindi kaso baka magtampo ito at gusto rin naman niyang makasama ang "boyfriend" niya.

Lumiwanag ang mukha nito. "Great! I'll talk to your mom right after I finished eating."

Ngumiti na lang siya. She didn't want to disappoint her Tita Nancy. Minsan lang ito humingi ng oras niya kaya pagbibigyan na niya. Nang matapos nga ito sa pagkain ay lumabas na ito ng kusina. naiwan silang dalawa ni Bryan.

"Good thing you're staying here," nakakalokong ngumisi ito. "We'll surely be having a great time together."

I think staying here is a good mistake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status