"Good morning, everybody!" Bungad niya sa kusina kung saan nag-uusap-usap sina Tita Nette at Tita Nancy habang nagkakape. Lumingon ang mga ito sa kanya.
"Gusto mo ng kape, Claire? Ipagtitimpla kita," alok ni Tita Nancy.
Umupo siya sa isang stool. "Yes, tita. Please, thank you."
Tumayo ito at ipinagtimpla siya.
"How's your sleep, Claire? Nakatulog ka ba nang maayos?" Tita Nette asked and sipped her coffee.
"Medyo lang, Ta. Hindi kasi ako maka get-over sa videoke namin kagabi. Masakit pa rin ang likod ko," aniya.
Inilapag ni Tita Nancy ang tasa ng kape sa harap niya at bumalik sa pagkakaupo nito.
"Nakatulog ka kasi sa sofa kagabi kay siguro sumakit ang likod mo," sabi ni Tita Nancy.
"Oo nga pala." Napaisip siya. "Si Kuya Bry po ba ang bumuhat sa 'kin kagabi?"
"Ah, oo. Baka nga masakit din ang likod at mga braso no'n, eh. Baka nabigla sa bigat mo," ani Tita Nette.
"Claire's not that heavy," sabi ng isang tinig sa bukana ng kusina. Naglakad ito papasok at umupo sa gilid niya.
Hinarap niya ito. "Kuya, pasensiya ka na kagabi, ah? Binuhat mo pa tuloy ako. Sana kasi ginising mo na lang ako," nakasimangot niyang sabi.
Inabutan ito ni Tita Nancy ng kape. "Okay lang 'yun. Don't worry. No harm done," anito at tumingin sa kanya.
She sighed in relief. "Salamat naman."
Inubos na ni Tita Nancy ang kape nito at tumayo na. "Una na 'ko. May gagawin pa 'ko sa outpost," anito at lumabas na. Barangay secretary si Tita Nette sa lugar nila.
"Ang aga mo yatang nagising ngayon, Yan?" Tanong ni Tita Nancy. Kadalasan kasi, madaling araw na kung matulog si Kuya Bry kasi nagpupuyat ito sa computer.
"Hindi nga po ako makatulog nang maayos, eh. Naninibago siguro ang katawan at mga mata ko."
"Ay, siguro nga. Alas onse pa lang kasi nang matulog ka," ani Tita Nancy. "Hindi ka naman ba inaantok?"
Umiling ito.
Tumayo si Tita Nancy at inilagay sa kitchen sink ang tasa. "Dito lang kayo? Maglilinis pa 'ko," anito at lumabas na ng kusina.
Humigop ng kape si Kuya Bry at tumingin sa kanya. "Uuwi ka ba, Bhe?"
"Ah, opo. May klase na kasi ako bukas. Bakit, Kuya?"
"Oh, nothing. Natanong ko lang."
Tumingin siya sa wall clock na nakasabit malapit sa malaking aparador. Nanlaki ang mga mata niya. "Oh, my! Alas nueve na?" May kalakasan ang boses na tanong niya.
Inubos niya ang kape at tumayo na. "Bihis na ko, Kuya. Uuwi na 'ko," sabi niya at dali-daling umakyat sa kwarto niya para magbihis. Hindi na siya naligo kahit may mga gamit siya sa kwartong 'yon. Nagpalit na lang siya ng damit at sinuklay ang buhok. Kinuha niya ang sling bag sa side table. Pagbukas niya ng pinto ay nakatayo si Kuya Bry sa gilid at waring hinihintay siya.
"Oh, Kuya. May kailangan ka?" Tanong niya at isinara ang pinto.
"I'll take you home."
Natulala siya. "Eh? Okay ka lang, Kuya?"
He's never fond of going outside aside from school.
Instead of answering, he grabbed her right hand at lumabas na na bahay. "Huwag ka nang magpaalam kay Mac. Naghihilik pa 'yon."
Binuksan nito ang passenger's seat. Nagtataka man sa ikinikilos nito ay sumakay na siya. Malay ba niya kung anong usok ang nasinghot nito. Makakalibre pa siya ng pamasahe.
Tahimik lang ito habang nasa daan kaya para hindi boring, kinausap niya ito.
"Kuya, graduating ka na, 'di ba? Magtatrabaho ka ba agad?" Umpisa niya.
Lumingon ito sandali at ibinalik ang tingin sa daan. "Yeah. Para makatulong ako kina Mama at Tita."
Kina Tita Nancy ito nakatira, hindi kina Tita Nelly.
"Eh, hindi ka naman mamumulubi pag 'di ka nagtrabaho agad, eh."
"Alam ko pero iba pa rin pag nagtrabaho agad ako. Hindi na 'ko aasa pa sa pera nina Mama."
"Ah. Okay, okay," aniya at tumango-tango.
"Ikaw ba?" Lumingon ulit ito sa kanya at ibinalik ang tingin sa daan.
"Ako? Hmm." Napaisip siya. "Magpapahinga muna siguro ako para ma-relax ang utak at katawan ko."
"Tama 'yan."
Tumahimik na siya dahil wala naman na siyang may maisip na itanong dito at para na rin hindi masira ang konsentrasyon nito sa pagmamaneho. After some time, pumarada na ang sasakyan nito sa labas ng gate nila. Lumabas ito at binuksan ang pinto sa gilid niya. Lumabas siya at isinara naman nito ang pinto.
"Pasok ka muna, Kuya. Mag-breakfast muna tayo," aya niya.
"Hindi na. I'm still full," tanggi nito.
She rolled her eyes. "Ang arte nito. Tara sa loob at nang makalamon," she said and held his hand papasok ng bahay. "Ma?" She called as they entered the house. "Ma."
Lumabas ng kusina ang Mama niya. "Oh, Claire, Bryan, nandito ka pala," anito at ngumiti. "Have you eaten your breakfast already?"
"Hindi--,"
"Nagugutom na kami, Ma. May pagkain ba?" Kinaladkad niya si Bryan sa kusina.
Natawa ang Mama niya. "Oo. Nagluto ako ng paborito mong ulam," sumunod ito sa kanila sa kusina.
Pinaupo niya si Bryan sa katabing stool at sinerbehan sila ng Mama niya.
"Kumusta ka na, Yan? Tagal nating 'di nagkita, ah," komento ng Mama niya.
Ngumunguya si Bryan nang sumagot. "Oo nga po, Tita. Mabuti naman po ako. Kayo po ni Tito?" Tukoy nito sa Papa niya.
Her mother seated in front of them. "We're good," ngumiti ito.
"That's good."
Kumakain na rin siya nang maisipang itanong ang Papa niya.
"Ayun. Nasa opisina. May emergency meeting daw," naiinis na sagot ng Mama niya.
"Hay, naku, Ma. Ikain mo na lang 'yan."
"Tapos na 'ko." Tumayo na ito. "O siya. Magkikita kami ng Tita Cel mo ngayon. Alis na 'ko. Una na ko, Yan," anito at umalis na.
"Kain pa, Kuya," aniya. "Huwag kang mahiya, 'di ka others."
"Ang daldal mo talaga," naiiling na sabi nito.
Nagkibit lang siya ng mga balikat. Natural lang sa kanya ang maging madaldal.
Tinitigan niya ito habang kumakain. Wala itong kiyeme sa lahat ng bagay. Hindi rin ito plastic o manggagamit. May kaengotan man ito, atleast, she's true from top to toe.
She raised her head. "May dumi ba ako sa mukha, Kuya?"
Nabigla siya sa biglaang pagtingin nito sa kanya kaya 'di agad siya nakaisip ng palusot. "Ah? Eh... Lumikot ang mga mata niya. "W-wala."
"Ah."
Tinapos na nila ang pagkain nila. Hindi na rin siya muling tumingin dito dahil alam niyang nagtataka ito sa inaasal niya. Even he himself, nagtataka kung bakit iba ang ikinikilos niya. Hinatid siya ni Claire sa sasakyan niya.
"Ingat sa pagda-drive, Kuya," kumaway pa siya.
"Sige," tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Ikaw din." He drove away.
She went back and fixed herself. Wala naman na siyang gagawin for this day so she rather sleep or read some books than to go out and have fun. Nagbibihis na siya nang mag-ring ang cellphone niya. Nagtaka siya nang makita ang pangalan ni Kuya Bryan sa screen.
She answered it. "Yes, Kuya?"
Tumikhim ang nasa kabilang linya. "Hey there."
"Oh, Kuya? May kailangan ka?"
"Ah, wala. Wala lang kasi akong makausap dito kaya tinawagan kita."
"Ah," tumango-tango siya. "Nakabalik ka na ba sa bahay?"
"Yeah. Actually, pabalik na ko diyan."
Napamulagat siya. "What?! Are you serious, Kuya?" She looked at the clock on her table. It's been twenty-five minutes since he left the house. How come...?
She heard the engine of Bry's car. Lumapit siya sa bintana at sinilip ito. Nakababa na ito sa sasakyan nito. Nakangiti ito habang nakatingala sa kanya.
"I am serious."
"Okay, wait." Binilisan niya ang pagbibihis. Baka kasi makita siya nito sa 'di kaaya-ayang sitwasyon.
Kinuha niya ang cellphone. Hindi pa pala nito pinapatay ang tawag. "Hello, Kuya? Pasok na," lumabas siya ng kwarto dala ang hairbrush at cellphone. Pinagbuksan niya ito ng pinto.
He handed her a paper bag of foods from Jollibee. "Bangag ka ba, Kuya? Ba't ka gumamit ng cellphone habang nagda-drive?" Sermon niya. Hindi yata ito takot mabangga.
Imbes na sumagot ay inakbayan siya nito at lumakad sila patungo sa kwarto niya.
"Nandito na ko nang tumawag ako. No need to worry, okay?" Binuksan muna nito ang paper bag at nilabas ang bagong bili na baraha. Nagsusuklay siya nang ituro nito ang kama, pinapaupo siya. Sumunod naman siya. Binuksan nito ang mga biniling pagkain bago binalasa ang baraha at sinimulan siyang bigyan.
"You know how to play Tong Its?" Tanong nito.
"Of course! Magaling kaya ako diyan," pagmamalaki niya.
Masaya ang laro nila. Quits lang din sila. Nang mapunta ang usapan nila sa usapang hindi niya akalaing bubuksan nito.
"Anyway, may boyfriend ka na ba?"
"Ugh. No. Never had before. Wala rin ngayon," sagot niya. Inilabas niya ang set niyang Jack. "Virgin pa ang status ko," aniya at tumawa.
Nabulunan ito sa kinain nitong French Fries.
"Kuya, okay ka lang?" Aniya at binigyan ito ng Coke.
"Yeah, yeah," tumikhim ito. "That's right. That stuff can wait. No need to rush."
"Right," sang-ayon niya. "Eh, ikaw, Kuya? Ilan na ex mo?" Usisa niya. Para fair.
"Five. No current girlfriend. And currently having this weird yet wonderful feeling for this particular girl," sabi nito na nakatingin sa kanya nang diretso.
"Aw, swerte niya. Ano pa'ng hahanapin niya sa'yo? Gwapo, matalino, may pera. Oh, ano pa?" Iniwangayway pa niya ang kamay para may dating talaga.
Tumawa lang ito. "Bhe, pag may suitor or boyfriend ka na, ipakilala mo sa 'kin, ah?"
"Oo ba pero wala pa 'yan sa utak ko ang ganyang bagay."
"Mabuti 'yan, mabuti 'yan."
Mabuti talaga. Hindi pa siya dapat magkaroon ng boyfriend. Bata pa siya, ani Bryan sa isip at ngumiti.
"Ano'ng iningiti-ngiti mo diyan, Kuya?" Pansin niya.
"Ha? Ah, wala. Mabuti 'yan."
"Ang labo mong kausap, Kuya."
Tumawa lang si Bryan.
Naglaro na lang ulit sila. Paminsan-minsan ay napipikon siya kasi parang dinadaya siya nito.
"Ano ba'ng dinadaya kita? Hindi, no," depensa nito.
"Hindi daw. Ang daya," maktol niya saka sumimangot.
Pasimple itong pumunta sa likod niya at kunwaring sinakal siya. Kinuha niya ang unan at hinampas dito. Tumatawang lumayo ito at sumuko na.
"Hatid mo na 'ko sa labas, Bhe. Uwi na 'ko."
"Mabuti pa nga," aniya at kinaladkad niya ito palabas ng bahay.
"Bye, Bhe. Next time ulit," anito at ngumiti. Nakatayo ito sa gilid ng sasakyan nito.
Benelatan lang niya ito. Nang wala na ito sa paningin niya ay bumalik na siya sa kwarto niya at niligpit ang mga kalat.
"Nag-iwan pa ng mga b****a," aniya.
Nang matapos, humiga siya at napaisip. Parang ibang Kuya Bryan ang kaharap niya kanina. Palatawa na at namimikon pa. Maaliwalas din ang mukha nito.
Maybe because of the girl he was talking about earlier. Mukhang in love ang Kuya Bryan niya, ah.
"Sana mas mabait kaysa sa 'kin," aniya at humagikgik. Pero bakit parang pinupunit ang puso niya sa isiping may itinatangi ang Kuya Bryan niya?
"Okay. Class dismissed," ani ng teacher niya.They stood up and got out of the classroom. Nakasabay rin niya ang ibang estudyante sa hallway."Best, tara gala," yaya ni Michelle."Tara, tara," sabat ni Anne."Sorry, bwesties. May susundo sa 'kin at 'di ako uuwi sa bahay. Kayo na lang," aniya.Alam na 'yun ng Mama niya kasi nagpaalam siya na doon muna tutuloy sa bahay nina Tita Nancy. Pumayag naman agad ito, para daw tumahimik muna ang bahay nila."Sino? Si Mac ba?" Nagniningning ang mga mata na tanong ni Anne. Crush nito ang pinsan niya kahit hindi ito pinapansin ni Mac."Oo. Bakit?" Tanong niya. Baka magpumilit na naman ito na sumama saan man sila magpunta kaya mabuti pang unahan na niya ito. "May date kami. Istorbo ka."Tumawa sina Michelle at Shaina.Sumimangot naman ito. "Ang damot mo talaga kay Mac."
Claire's lying on her bed. A while ago, Tita Nancy asked her if what happened to Mac. She's been torn between telling the truth and feeding her a lie. Surely, Mac wouldn't like it if she tell the true story. So, she told her that they're just having fun. Naniwala naman agad si Tita Nancy at nagsabing aalis na. Sasama nga sana siya kaso sabi nito ay babalik ito ng ospital.Someone knocked at her door. "Claire, I'm going now. Tell Mac to take medicine for his hangover.""Yes, Tita."Akmang aalis na ito nang may maalala. "And Bry's looking for you. Sige, bye," sabi nito at umalis na."What the f!" Tinatamad na tumayo siya at pumunta sa kwarto ni Kuya Bryan. Huminga muna siya nang malalim at humugot ng lakas ng loob. Sa totoo lang, hindi niya talaga alam kung paano na ito ngayon haharapin. "You can do it, Claire. Hinahanap ka lang niya. Hindi ka niya kakainin nang buhay," she convinced herself.
Humikab siya. Inaantok pa siya dahil malalim na ang gabi nang siya ay matulog. Yumukyok siya sa desk niya to take a nap when Anne poked her."What?" Naiinis na tanong niya.Actually, ginabi sila ni Bryan ng pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Gusto pa nga sana nito na tumabi sa kanya sa pagtulog pero kandailing siya. Baka kung saan pa mapunta ang pagtabi nito sa kanya."HB ka? 'Wag gano'n. Ang ganda ng araw, oh," anito at ngumiti sa alapaap."Maganda ang araw ko. Ikaw lang ang sumira," aniya.Napasimangot ito."Claire, ang hard mo talaga sa bestfriend natin. Ano'ng mero'n?" Puna ni Shaina na nakatingin lang sa kanila."Inaantok lang ako," maikli niyang tugon."Palagi ka namang inaantok, eh," nakalabing sabad ni Anne. "Anyway, I think I saw Louie yesterday at the park.""As in Louie de Vera? 'Yung crush mo way back in third year?" Tanong ni Michelle. "Kailan pa siya nakabalik galing States?""Yup. Pero hindi ako
Dismissal time. Naghintay sila sa gate ng mga susundo sa kanila. Bryan called her and said he'll pick her up. Nakamasid lang sa kanya ang mga kaibigan. After seven minutes, a Vios car stopped in front of them. Bryan stepped out of his car and walked towards them. So handsome in his blue polo shirt which was tucked in in his slacks."Hi, Baby," he said then kissed her cheek.Tumikhim si Michelle. "Guys, nandito pa kami. Pwede mamaya n'yo na ituloy 'yang lambingan ninyo?"She blushed. "Ah, guys. Meet Kuya--este Bryan. My b-boyfriend," she said. Mababanaag ang pagmamalaki sa kanyang tinig."Hi! I'm Shaina.""Hello! I'm Michelle.""Hey, yo! Anne here.""Nice meeting you all," he smiled. "We gotta go. May dadaanan pa kami.""Oh, sige.""Bye!"Bryan opened the door for her on the passenger's seat, went inside th
"Hey, baby. You sleepy?" Tanong ni Bryan at pumasok sa kwarto niya.Kanina pa niya natapos ang binabasang pocketbook. Hindi lang siya dalawin ng antok. Ewan ba niya. 'Yan yata ang epekto ng romantic dinner with her boyfriend. Nakasandal lang siya sa headboard. Nag-iisip tungkol sa mga katangiang nagustuhan niya dito at tungkol sa pag-uusap nila ni Mac.Mac didn't know how much he made her happy for accepting their relationship."Hindi pa naman. Ikaw?""Same."Lumapit ito at umakyat sa kama niya. Umisod naman siya para tumabi ito sa pagkakasandal niya. Inakbayan siya nito and his other hand held her hand. As if he's afraid to lose her.What a sweet gesture."Ano'ng pinag-usapan ninyo ni Mac?"She looked at him and smiled. "Hindi naman pala siya nagalit. Nabigla lang daw siya. Well, can't blame him," aniya at humagikgik.
Kinabukasan walang pasok kasi holiday. Umuwi si Tita Nancy para magpalit ng damit at umalis din agad. Nagising siya ng alas-siete y media. Pumunta agad siya sa kwarto ni Bryan. Nakailang katok na siya pero hindi ito sumasagot kaya binuksan niya ang pinto and found nothing. The bed was fixed already which only means Bryan wasn't there anymore. Bumaba siya at pumunta sa kusina. Nandoon si Mac kumakain ng tinapay."Hey, you okay?" He probably noticed her swollen eyes."Sa'n si Bryan?" She asked instead. She's having a bad feeling about him not letting her know where he is right now."Umalis. Kanina pa. Bakit? 'Di ba nagpaalam sa'yo?" Tanong nito. Not even bothering to offer her what he's eating."Magtatanong ba ko kung alam ko?" Balik tanong niya."Ba't di siya nagpaalam sa'yo? Hindi naman yata kapani-paniwala yan. Nag-away ba kayo?"The scene between them last night flashed
"Ay, kabayong bakla!" Nagulat siya nang may mga brasong pumulupot sa beywang niya."Ako? Kabayong bakla?" Takang tanong naman nito.Natawa naman siya. Sobrang gwapo naman yata ni Bryan para maging kabayong bakla."Gabi na. Ano pa'ng ginagawa mo dito? Akala ko ba natulog ka na?" Sunud-sunod niyang tanong. She needs distraction. Umiinit na ang pakiramdam niya."Can't sleep," sabi nito.Naalarma siya nang maramdamang umakyat sa tiyan niya ang mga kamay nito at marahang humahaplos doon. Hinalikan din nito ang leeg niya. Napaliyad siya sa sesyasyong bumabalot sa kanya. First time niyang mag-init nang ganoon. Hindi pa ito nakontento at ipinasok na ang mga kamay sa suot niyang manipis na nighties."B-Bry," napapikit siya. Napamulat siya nang umakyat na sa dibdib niya ang mga kamay nito. "Bry," napalayo siya dito."What?" Naiinis nitong tanong. Tila hindi nagustuh
"Good afternoon po, Tita," bati ni Bryan sa Mama niya."Pasok kayo," niluwagan ng Mama niya ang pinto.They got inside and seated at the sofa."Honey, bumaba ka. Nandito sina Claire at Bryan," tawag nito sa Papa niyang nasa kwarto. "Kuha lang ako ng makakain," she added and left.'Di nagtagal ay bumaba ang Papa niya."Claire! I missed you!" He hugged her."I missed you too, Pa!"Humiwalay ito sa kanya. "Oh, Yan. Kumusta ka?" Baling ng Papa niya kay Bryan.Ngumiti naman ang huli. "Okay naman po ako, Tito. Kayo po?" Magalang nitong saad."Ah, okay lang. Gwapo pa rin," tumawa ito.Natawa naman si Bryan."Conceited ka pa rin pala, Pa," aniya.Tumawa ito. He looked younger than his real age when he laugh.Well, nasa genes lang 'yan.Lu