Share

Chapter Seven

Dismissal time. Naghintay sila sa gate ng mga susundo sa kanila. Bryan called her and said he'll pick her up. Nakamasid lang sa kanya ang mga kaibigan. After seven minutes, a Vios car stopped in front of them. Bryan stepped out of his car and walked towards them. So handsome in his blue polo shirt which was tucked in in his slacks.

"Hi, Baby," he said then kissed her cheek.

Tumikhim si Michelle. "Guys, nandito pa kami. Pwede mamaya n'yo na ituloy 'yang lambingan ninyo?"

She blushed. "Ah, guys. Meet Kuya--este Bryan. My b-boyfriend," she said. Mababanaag ang pagmamalaki sa kanyang tinig.

"Hi! I'm Shaina."

"Hello! I'm Michelle."

"Hey, yo! Anne here."

"Nice meeting you all," he smiled. "We gotta go. May dadaanan pa kami."

"Oh, sige."

"Bye!"

Bryan opened the door for her on the passenger's seat, went inside the car and drove away.

"Where are we going?" She asked.

"Kahit saan."

"Eh?"

Natawa ito. "Basta. Huwag ka nang magtanong."

"Okay."

At dahil 6:30 PM na, naipit sila sa traffic. Payday kasi.

Hinawakan nito ang isang kamay niya na nakapatong sa binti niya. Napatingin siya sa mga kamay nilang magkahugpong. She looked at him and saw him smiling.

"Ba't ka nangingiti diyan?" Takang tanong niya.

"Wala lang."

"Adik ka ba? Nangingiti ka diyan sa walang dahilan?" Pinaglihi yata 'to ni Tita Nelly sa baliw, eh.

Nagulat siya nang kabigin siya nito at napasubsob siya sa dibdib nito.

"Dito ka muna sa tabi ko. You don't know how much I missed your body next to mine," paanas nitong sabi.

Ano pa ba ang reaksiyon ng babaeng sinasabihan ng gano'n ng kanyang mahal?

"Uy, kinikilig siya," tukso nito.

Hinampas niya ito sa dibdib. "Panira ka ng moment," angal niya at sumimangot.

Okay na sana 'yung moment, eh. Kinikilig na siya kung hindi lang nito sinira 'yon.

He laughed before lifted her chin. He looked at her tenderly and said, "I love you," then kissed her lips.

Naputol ang halik nila nang may bumusina sa likod ng sasakyan nila. Go na pala.

"Istorbo," he uttered and started the engine.

NAPATANGA si Claire sa nakita. Bry brought her home. Akala niya ay kung saan siya nito dadalhin. He motioned her to the garden. May mesa at dalawang upuan do'n. May kandilabra din sa gitna ng mesa. May wine pa. She didn't know who prepared this pero aaminin niyang may touched of class and love 'yun. Simple lang pero mahihinuha talagang pinag-aksayahan ng panahon.

"Sino'ng nag-prepare nito?" Tukoy niya sa set-up.

"Ako."

Tumingin siya dito. "Weeh?"

"Wala ka bang bilib sa 'kin?"

"Err..." Napakamot siya sa ulo. "Hindi naman. 'Di lang ako makapaniwala. Asan sina Tita?" Pang-iiba niya ng topic.

"Ospital. Do'n daw matutulog. Si Mac, 'di pa siguro dumating."

"Kakausapin ko siya mamaya--"

"Okay. Sasamahan kita."

"Huwag na. Kaya ko naman, eh," aniya habang kumakain. She better talk to Mac alone.

"Say ahh," inangat nito ang kutsara sa bibig niya.

"Hindi na ako bata," aniya at kunwaring sumimangot pero sa totoo lang, kinikilig na siya.

"Bata lang ba ang sinusubuan? Nganga na," inilapit nito nang husto ang kutsara sa bibig niya. "Besides, you're my baby."

"Ayo--"

Isinubo nito ang kutsara sa bibig niya. Dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito, parang kinain niya ang sinabi. Tiningnan niya ito nang masama. Ngumuya siya at uminom ng tubig. "Salbahe ka."

Parang wala lang dito ang ginawa at sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. At dahil gutom, she did the same.

"How's your day?" He asked afterwards.

"Okay lang."

My gosh. Ang tahimik. I can't live with silence.

They finished eating when Mac arrived. Tiningnan lang sila nito at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay.

Tumingin siya kay Bryan at tinanguan siya nito. "Ako na'ng bahala dito. Go talk to him."

"S-Sigurado ka?"

"Oo naman," he said then smiled.

"Sige," tumayo siya at pumasok sa bahay. Naabutan niya si Mac sa kwarto nito na nakatihaya.

"Mac," she started. "Can we talk?" She asked as she seated on his bed. 

Naku naman. Sana maintindihan niya ang sitwasyon namin, piping dalangin niya.

Tumingin ito sa kanya.

"Mac, I've tried my best not to... You know. Love him. Not to fall in love with him. Pero hindi ko mapigilan. I know this is insane pero mahal ko talaga siya, Mac. Plus the fact that we're blood related," she said. Wala siyang pakialam kung hindi nito tanggapin ang katotohanang mahal niya si Bryan. As long as hindi nito sasabihin sa iba ang tungkol sa kanila, walang silang problema.

"I know. Your eyes says it all. Even just a simple mention of his name, your eyes sparks," naiiling nitong sabi. "Kung noon, si Liam Hemsworth ang kinababaliwan mo, ngayon naman ay si Bryan. Hay. Pag-ibig nga naman. Tsk. Tsk."

Napamata siya dito. Totoo ba ang naririnig niya? Ba't hindi man lang niya nabakasan ng galit ang boses nito? Humupa na ba ang galit nito?

"H-hindi ka galit?"

Nagsalubong naman ang kilay nito. "No. Why would I? Hindi ko naman siguro kayo mapipigilan kahit ngumawa ako."

Hindi pa rin siya makapaniwala. "P-pero no'ng nakita mo kami ay halos kainin mo na kami nang buhay."

Bumuga ito ng hangin. "Hindi ako galit. Nagulat lang talaga ako. Sino ba naman ang hindi? Maabutan ko ba namang nasa ibabaw mo si Bryan."

"Buti nga ikaw ang nakakita, eh. Paano pa kaya kung si Tita na?"

Ano kaya'ng mangyayari pag nalaman ng mga ito ang tungkol sa kanila? Will they get angry to the highest level?

"Ang masasabi ko lang, huwag kayong magpahalata kung ayaw n'yong matapos agad ang mga masasayang araw ninyo," sabi nito at umupo.

"Payag ka na sa relasyon namin?" Namimilog ang mga mata niya.

"Opo," anito at sumimangot. "Wala naman na siguro akong magagawa pa."

Dahil sa kasiyahan, nayakap niya ito. "Thanks, Mac! You really are amazing!"

Niyakap rin siya nito. "Oo na. Huwag mo na akong bolahin pa."

She laughed. She's very happy. Hindi niya akalaing hindi naman pala galit si Mac. Iwas-alalahanin 'yon. Tumawa rin ito. Bigla niya itong binatukan nang may maalala siya. Nagulat ito at agad umangal.

"Para sa'n 'yun?!" Tanong nito na halos kita na ang mga ugat sa leeg.

Hindi pa siya nakontento at binatukan ulit ito.

"Takte naman, couz! Hindi ako ipinanganak ni Mama para batukan mo lang," halos umusok na ang bumbunan nito sa angal.

Binatukan niya ito. Ulit.

"Aray! Nakatatlo ka na, ah!"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Bagay lang sa 'yo 'yan! 'Yung unang batok, para sa pagsuntok mo kay Bryan. 'Yung ikalawa, para sa mga luhang sinayang ko dahil akala ko ay galit ka. 'Yung pangatlo, para sa mura mo!"

Tiningnan siya nito nang masama. "May araw ka rin."

"Oo! Mayroon ka din!" Tumayo na siya at dumiretso sa pinto. 

Pero deep inside, masaya siya dahil hindi naman pala galit ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status