Share

Chapter Six

Humikab siya. Inaantok pa siya dahil malalim na ang gabi nang siya ay matulog. Yumukyok siya sa desk niya to take a nap when Anne poked her.

"What?" Naiinis na tanong niya.

Actually, ginabi sila ni Bryan ng pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Gusto pa nga sana nito na tumabi sa kanya sa pagtulog pero kandailing siya. Baka kung saan pa mapunta ang pagtabi nito sa kanya.

"HB ka? 'Wag gano'n. Ang ganda ng araw, oh," anito at ngumiti sa alapaap.

"Maganda ang araw ko. Ikaw lang ang sumira," aniya.

Napasimangot ito.

"Claire, ang hard mo talaga sa bestfriend natin. Ano'ng mero'n?" Puna ni Shaina na nakatingin lang sa kanila.

"Inaantok lang ako," maikli niyang tugon.

"Palagi ka namang inaantok, eh," nakalabing sabad ni Anne. "Anyway, I think I saw Louie yesterday at the park."

"As in Louie de Vera? 'Yung crush mo way back in third year?" Tanong ni Michelle. "Kailan pa siya nakabalik galing States?"

"Yup. Pero hindi ako sigurado kung siya nga talaga 'yon. Nakatalikod, eh," sabay kibit-balikat.

"Ibalik ang tamis ng pag-ibig," tukso ni Shaina.

"Heh! Nakamove-on na ko sa kanya, no."

"Well, bahala ka," ani Michelle.

"Besties, I have something to tell you," aniya. She decided to tell them about her and Bryan. No secrets allowed in their friendship so whether she like it or not, she still need to tell them.

"Ano 'yun?" Ani Shaina.

"Kilala n'yo si Kuya Bry?" Tanong niya. She hoped that they'll not judge her right away for having a relationship with her second-degree cousin.

"Yes," they answered.

"Well, w-we have a relationship," sabi niya at tiningnan at reaksiyon ng mga ito.

They are all silent for a moment before almost shout the word, "What?!" Nanlalaki ang mga mata.

"When?"

Where?"

"Why?"

"How?"

"Natikman mo na ba siya? Masarap ba siyang humalik?" Tanong ni Anne.

Napatingin silang tatlo dito at sabay itong binatukan nina Shaina at Michelle.

"Aray! Ano na naman ang ginawa ko? Parang natanong lang 'yun, eh," anito at hinimas ang batok.

"Tumahimik ka nga kung wala kang sasabihing matino!" Pinandilatan ito ni Shaina.

Anne just rolled her eyes and wrote something in her notebook. 

Nagmamadaling pumasok si Sir Joseph at sinabing hindi sila magka-klase due to emergency meeting. Nagpaalam na rin ito pagkatapos magbigay ng assignment.

They went to canteen to buy some foods when Michelle noticed someone.

"OMG! Is that Louie?" Tanong ni Michelle as she pointed at someone.

Lumipad ang tingin nila sa lalaking itinuro nito. Louie's there. With a pretty girl beside him. They're talking happily like no one's watching them.

"Ang panget ng kasama niya."

"Hindi siya bagay kay Louie."

"Mangkukulam 'yan. Kinulam niya si Louie."

Tahimik lang si Anne. Waring hinuhulaan kung kaano-ano ni Louie ang babaeng kasama.

"Tara na nga. Starbucks tayo. Iinom mo na lang ang selos mo," ani Michelle at hinatak nito paalis sa canteen si Anne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status