"Claire? Okay ka na ba?" Sabay yugyog ni ate Lorainne sa braso niya.
Umungol siya bago dumilat. "What time na ba, ate?" Tinakpan niya muna ang bibig bago humikab.
Ngumiti ito. "Oras na para kumanta."
Namilog ang mga mata niya. Nawala ang antok. "Talaga? Tara, tara!"
Umalis siya ng kama at excited na kinuha ang braso ni ate Lorainne at lumabas na ng kwarto. Natawa namana ito sa kanya.
"Nagyaya si Kuya Bry mo, eh. Pagbigyan na," nangingiting sabi nito.
"First time kong maririnig si Kuya kung ganoon."
"Yup kaya pili ka na ng song mo," she gave her the songbook. Umupo ito sa 'di kalayuang stool chair. While she still choosing her song, kumanta si Mac ng Before I Let You Go by Freestyle. First time din niyang narinig si Mac kumanta na parang may hugot. Sinabayan ito ni Kuya Bry at nabighani agad siya sa boses nito. Nanunuot sa kanyang katauhan ang boses nito. Napakalamig at animo kumakanta ito para sa babaeng mahal nito.
"Wow," sambit niya.
"Uy, Claire. May napili ka na ba?" Tanong ni ate Lorainne. Kumakain ito ng fruit salad.
"Ay, opo, ate. Ito po, oh," sabay turo sa kanta.
Pinindot nito sa remote control ang mga numero at lumabas ang title.
Sumipol si Mac. "Sino'ng kakanta niyan?"
"Me, myself and I. May angal ka?" She raised her left eyebrow.
"Ha? Hahaha! Wala," umiling ito.
Imbes na patulan ito, nag-focus na lang siya sa pagkanta. She sang the first line. "Strumming my pain with his fingers."
Napatingin si Kuya Bry sa kanya na naghahanap ng kanta sa songbook. Bahagya pa itong natulala.
"Wow," he mouthed. Nanatili itong tulala hanggang sa matapos ang kanta.
Magsasalita pa sana siya nang lumapit ang dalawang babae at tinapik sa balikat si Tita Nette. "Nette, una na kami. Salamat sa pagkain, ha?" Ani ng may katabaang babae at ngumiti.
"Busog na busog kami. Ang sarap ng mga luto n'yo," sang-ayon naman ng isa.
Tita Nette stood up and smiled. "Naku! Salamat sa mga papuri n'yo. Siguradong matutuwa si Ate Nelly nito," nasisiyahang sabi ni Tita Nette. "Halina kayo, ihahatid ko kayo sa labas," yaya pa nito.
Napansin sila ng dalawang babae at ngumiti. "Sino'ng mga magulang ng dalawang 'to?" Tanong ng babaeng medyo payat. Itinuro silang dalawa.
Tumingin si Tita Nette sa direksyon nila at ibinalik ang tingin sa dalawang babae. "Ah, ito si Bryan, anak ni Ate Nelly. Ito naman si Claire, anak ng pinsan namin," may pagmamalaki sa tinig na sabi nito.
"Ang ganda at gwapo nila," sabi ng babaeng medyo payat.
"Bagay sana sila kaso magpinsang-makalawa," may panghihinayang sa boses ng isa pang babae.
Nagkatinginan sila ni Kuya Bryan.
Tumawa si Tita Nette. "Hindi talo ang dalawang' yan, 'no."
"Ah, basta ako, naniniwala akong hindi hadlang ang pagiging magkadugo kung mahal n'yo ang isa't isa,' giit pa nito.
"Tumigil ka nga, Teresa! Gusto mo lang ibalik ang nakaraan ninyo ng pinsan mo, eh!" Nakairap na sabi naman ng isa.
"Eh, bakit ba?" Sita naman nito.
"Ang gulo n'yo. Umuwi na nga kayo," sabad ni Tita Nette.
"Tara na nga."
"Hey, guys! Baka seryosohin n'yo ang sinabi ng babaeng 'yon, ah," biglang sabi ni Mac.
Walang may umimik sa kanila.
"Hoy! Naririnig n'yo ba ako?" Naiinis nitong sabi.
"Oo!" Magkapanabay nilang sabi ni Kuya Bry.
Ngumiwi si Mac. "Kalma lang kayo, pwede? Huwag kayong high blood."
"Whatever!" She rolled her eyes.
Dumating ang mga tanod at inasikaso ito nina Tita Nette. Sila namang tatlo ay nagpakasasa sa pagkanta. Habang busy siya sa paghahanap ng kanta, tinapik siya ni Kuya Bry sa balikat.
"Bhe, sabayan mo 'ko," yakag nito.
Hihirit pa sana siya pero binigay na nito sa kanya ang isa pang microphone at kumanta na ito. Napanganga siya dahil Endless Love ang tumutugtog. Akala niya ay hindi pumapatol sa mga ganoong kanta si Kuya Bry pero kumanta pa rin siya at walong kanta ang natapos nila. Namumungay na ang mga mata niya pero wala pa siyang balak matulog. Nagliligpit na rin sina Tita Nelly. Humikab siya at sumandal sa sofa.
"Claire, hindi ka pa ba aakyat sa taas para matulog? Alas once na, ah," puna ni ate Lorainne.
"Maya na, 'te. Ipapahinga ko lang ang mga mata ko," aniya at pumikit.
"Ah, sige. Gigisingin na lang kita mamaya," anito.
'Yun ang huling mga salitang narinig niya bago bumigay ang mga mata at katawan niya sa antok at pagod.
"Hay, Claire. Hindi ka talaga makatanggi sa paanyaya ng antok," naiiling na sabi ni ate Lorainne nang tabihan siya nito at pagmasdan.
"'Yaan mo na, Yen. Pagod na talaga siguro," ani Kuya Bry at uminom ng Coke in can.
"Yan, can you carry her up to her room? I don't think Mac can make it."
Tumingin si Kuya Bry kay Mac na nakahilata sa kabilang sofa. "Sure, sure."
"Great!" Tumayo si ate Lorainne. "Be careful with her, okay?"
"Opo," nababagot niyang sagot. Lumuhod siya sa harap ni Claire at binuhat ito. Para siyang natatae habang paakyat sa kwarto ni Claire habang buhat-buhat ito.
"Okay ka pa ba. Yan?" Tanong ni ate Lorainne. Nakasunod ito sa likod niya.
No. I'm not, he wanted to say. "Ah, okay pa. Hindi naman gano'n kabigat si Claire, eh." Lord, spare me with this temptation, tahimik niyang panalangin.
Paano ba naman? Binuhat niya ito na parang sa kasal, nakalitaw pa ang cleavage nito dahil mababa lang ang tabas ng neckline ng damit nito.
Binuksan ni ate Lorainne ang pinto ng kwarto ni Claire at ipinasok siya do'n ni Kuya Bry. He laid her there and stared at her for a moment. Inayos ni ate Lorainne ang posisyon niya at kinumutan ito.
"Una na ko, Yan. Uuwi pa ko sa 'tin. Isara mo ang pinto ng kwarto ni Claire pag labas mo, ah?" Anito at lumabas na.
Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang natutulog na si Claire. Hinaplos niya ang pisngi nito. "If I could change our destiny, I'll definitely change it," huminga ito nang malalim bago siya hinalikan sa noo. He went out of the room. Ang hindi niya alam ay naalimpungatan si Claire at narinig nito ang sinabi niya. Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito pero bumalik na lang siya sa pagkakatulog.
"Good morning, everybody!" Bungad niya sa kusina kung saan nag-uusap-usap sina Tita Nette at Tita Nancy habang nagkakape. Lumingon ang mga ito sa kanya."Gusto mo ng kape, Claire? Ipagtitimpla kita," alok ni Tita Nancy.Umupo siya sa isang stool. "Yes, tita. Please, thank you."Tumayo ito at ipinagtimpla siya."How's your sleep, Claire? Nakatulog ka ba nang maayos?" Tita Nette asked and sipped her coffee."Medyo lang, Ta. Hindi kasi ako maka get-over sa videoke namin kagabi. Masakit pa rin ang likod ko," aniya.Inilapag ni Tita Nancy ang tasa ng kape sa harap niya at bumalik sa pagkakaupo nito."Nakatulog ka kasi sa sofa kagabi kay siguro sumakit ang likod mo," sabi ni Tita Nancy."Oo nga pala." Napaisip siya. "Si Kuya Bry po ba ang bumuhat sa 'kin kagabi?""Ah, oo. Baka nga masakit din ang likod at mga braso no'n, eh. Bak
"Okay. Class dismissed," ani ng teacher niya.They stood up and got out of the classroom. Nakasabay rin niya ang ibang estudyante sa hallway."Best, tara gala," yaya ni Michelle."Tara, tara," sabat ni Anne."Sorry, bwesties. May susundo sa 'kin at 'di ako uuwi sa bahay. Kayo na lang," aniya.Alam na 'yun ng Mama niya kasi nagpaalam siya na doon muna tutuloy sa bahay nina Tita Nancy. Pumayag naman agad ito, para daw tumahimik muna ang bahay nila."Sino? Si Mac ba?" Nagniningning ang mga mata na tanong ni Anne. Crush nito ang pinsan niya kahit hindi ito pinapansin ni Mac."Oo. Bakit?" Tanong niya. Baka magpumilit na naman ito na sumama saan man sila magpunta kaya mabuti pang unahan na niya ito. "May date kami. Istorbo ka."Tumawa sina Michelle at Shaina.Sumimangot naman ito. "Ang damot mo talaga kay Mac."
Claire's lying on her bed. A while ago, Tita Nancy asked her if what happened to Mac. She's been torn between telling the truth and feeding her a lie. Surely, Mac wouldn't like it if she tell the true story. So, she told her that they're just having fun. Naniwala naman agad si Tita Nancy at nagsabing aalis na. Sasama nga sana siya kaso sabi nito ay babalik ito ng ospital.Someone knocked at her door. "Claire, I'm going now. Tell Mac to take medicine for his hangover.""Yes, Tita."Akmang aalis na ito nang may maalala. "And Bry's looking for you. Sige, bye," sabi nito at umalis na."What the f!" Tinatamad na tumayo siya at pumunta sa kwarto ni Kuya Bryan. Huminga muna siya nang malalim at humugot ng lakas ng loob. Sa totoo lang, hindi niya talaga alam kung paano na ito ngayon haharapin. "You can do it, Claire. Hinahanap ka lang niya. Hindi ka niya kakainin nang buhay," she convinced herself.
Humikab siya. Inaantok pa siya dahil malalim na ang gabi nang siya ay matulog. Yumukyok siya sa desk niya to take a nap when Anne poked her."What?" Naiinis na tanong niya.Actually, ginabi sila ni Bryan ng pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Gusto pa nga sana nito na tumabi sa kanya sa pagtulog pero kandailing siya. Baka kung saan pa mapunta ang pagtabi nito sa kanya."HB ka? 'Wag gano'n. Ang ganda ng araw, oh," anito at ngumiti sa alapaap."Maganda ang araw ko. Ikaw lang ang sumira," aniya.Napasimangot ito."Claire, ang hard mo talaga sa bestfriend natin. Ano'ng mero'n?" Puna ni Shaina na nakatingin lang sa kanila."Inaantok lang ako," maikli niyang tugon."Palagi ka namang inaantok, eh," nakalabing sabad ni Anne. "Anyway, I think I saw Louie yesterday at the park.""As in Louie de Vera? 'Yung crush mo way back in third year?" Tanong ni Michelle. "Kailan pa siya nakabalik galing States?""Yup. Pero hindi ako
Dismissal time. Naghintay sila sa gate ng mga susundo sa kanila. Bryan called her and said he'll pick her up. Nakamasid lang sa kanya ang mga kaibigan. After seven minutes, a Vios car stopped in front of them. Bryan stepped out of his car and walked towards them. So handsome in his blue polo shirt which was tucked in in his slacks."Hi, Baby," he said then kissed her cheek.Tumikhim si Michelle. "Guys, nandito pa kami. Pwede mamaya n'yo na ituloy 'yang lambingan ninyo?"She blushed. "Ah, guys. Meet Kuya--este Bryan. My b-boyfriend," she said. Mababanaag ang pagmamalaki sa kanyang tinig."Hi! I'm Shaina.""Hello! I'm Michelle.""Hey, yo! Anne here.""Nice meeting you all," he smiled. "We gotta go. May dadaanan pa kami.""Oh, sige.""Bye!"Bryan opened the door for her on the passenger's seat, went inside th
"Hey, baby. You sleepy?" Tanong ni Bryan at pumasok sa kwarto niya.Kanina pa niya natapos ang binabasang pocketbook. Hindi lang siya dalawin ng antok. Ewan ba niya. 'Yan yata ang epekto ng romantic dinner with her boyfriend. Nakasandal lang siya sa headboard. Nag-iisip tungkol sa mga katangiang nagustuhan niya dito at tungkol sa pag-uusap nila ni Mac.Mac didn't know how much he made her happy for accepting their relationship."Hindi pa naman. Ikaw?""Same."Lumapit ito at umakyat sa kama niya. Umisod naman siya para tumabi ito sa pagkakasandal niya. Inakbayan siya nito and his other hand held her hand. As if he's afraid to lose her.What a sweet gesture."Ano'ng pinag-usapan ninyo ni Mac?"She looked at him and smiled. "Hindi naman pala siya nagalit. Nabigla lang daw siya. Well, can't blame him," aniya at humagikgik.
Kinabukasan walang pasok kasi holiday. Umuwi si Tita Nancy para magpalit ng damit at umalis din agad. Nagising siya ng alas-siete y media. Pumunta agad siya sa kwarto ni Bryan. Nakailang katok na siya pero hindi ito sumasagot kaya binuksan niya ang pinto and found nothing. The bed was fixed already which only means Bryan wasn't there anymore. Bumaba siya at pumunta sa kusina. Nandoon si Mac kumakain ng tinapay."Hey, you okay?" He probably noticed her swollen eyes."Sa'n si Bryan?" She asked instead. She's having a bad feeling about him not letting her know where he is right now."Umalis. Kanina pa. Bakit? 'Di ba nagpaalam sa'yo?" Tanong nito. Not even bothering to offer her what he's eating."Magtatanong ba ko kung alam ko?" Balik tanong niya."Ba't di siya nagpaalam sa'yo? Hindi naman yata kapani-paniwala yan. Nag-away ba kayo?"The scene between them last night flashed
"Ay, kabayong bakla!" Nagulat siya nang may mga brasong pumulupot sa beywang niya."Ako? Kabayong bakla?" Takang tanong naman nito.Natawa naman siya. Sobrang gwapo naman yata ni Bryan para maging kabayong bakla."Gabi na. Ano pa'ng ginagawa mo dito? Akala ko ba natulog ka na?" Sunud-sunod niyang tanong. She needs distraction. Umiinit na ang pakiramdam niya."Can't sleep," sabi nito.Naalarma siya nang maramdamang umakyat sa tiyan niya ang mga kamay nito at marahang humahaplos doon. Hinalikan din nito ang leeg niya. Napaliyad siya sa sesyasyong bumabalot sa kanya. First time niyang mag-init nang ganoon. Hindi pa ito nakontento at ipinasok na ang mga kamay sa suot niyang manipis na nighties."B-Bry," napapikit siya. Napamulat siya nang umakyat na sa dibdib niya ang mga kamay nito. "Bry," napalayo siya dito."What?" Naiinis nitong tanong. Tila hindi nagustuh