Share

Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle
Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle
Author: twinkle star

Kabanata 001

Author: twinkle star
last update Last Updated: 2025-01-15 05:35:48

7 YEARS AGO

ON THE WAY SA UNIVERSITY

ANNE POV

“HOY! Herodes kang dimonyo ka!, bumaba ka sa sasakyan mo! Naku talaga makikita mo ang hinahanap mo” hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw kasabay ng malakas na paghampas sa aking manibela dahilan para walang tigil na tumunog ang aking busina sa sasakyang nakagitgitan ko.

Pero kahit anong lakas ng sigaw ko ay hindi niya ako sinasagot tila nabingi na ito sa lakas ng aking busina. 

 “Nakakainis talaga Mary ! Parang minamalas ako ngayong araw…Nakakainit ng ulo! Gusto ko ng sakalin ang lalaking ito gamit ang sarili niyang kurbata! Napaka bastos at ang yabang!. Aba sinabihan niya akong tanga at parang bata kanina! Sabi pa niya paano daw ako naka pasa sa pagkuha ng drivers license ee hindi naman daw ako marunong mag-maneho? Hay ang sarap niyang murahin. Naghahabol pa naman ako ng oras. Paniguradong mala-late ako nito sa entrance exam! Girl ayokong magkahiwalay tayo ng Unversity na papasukan” hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa manibela pero malakas akong sumisigaw sa harapan ng aking cellphone habang kausap ko ang aking matalik na kaibigang si Mary na akala mo naman ay may magagawang tulong para sa akin.

Muli na naman akong bumaling ng tingin sa sasakyan nito at sumigaw . 

“HOY!… lumabas ka diyan… pag ako talaga na late ng dahil sayo… isusumpa talaga kita…”

”hahahha Grabe sis… chill!… naaawa ako sayo! para ka nang tanga. Meron ka ba ngayon? Haha paano ka naman sasagutin nung tao ee naka-sarado yung bintana mo! Kahit anong sigaw mo diyan hindi ka talaga maririnig nun!.Labasin mo kaya? teka lang, Gwapo ba?!”

“Ang alin?… sino ba?? Itong halimaw na ‘to?”

“Ewan… hindi ko pa nakikita…wala akong pakielam… hindi ako pwedeng ma-late. Alam mo namang gustong gusto kong maging teacher din kasama ka. Ayokong magkahiwalay tayo! Hindi naman mag-aantay ang examiner. Kapag namiss ko ito wala na talaga akong chance.” 

“Kaya nga—bilisan mo na. Pakiusapan mo na lang yung nakagitgitan mo“ 

Hindi ko na siya pinatapos pa sa kaniyang sasabihin.

“Sige na Mary. Mamaya na lang. Nandito na siya.. tatawagan na lang kita ulit mamaya. Okay?!”

Narinig ko ang malakas na pagtawa ng aking kaibigan na may kasamang pang-aasar dahil bigla akong nataranta dahil papalapit na ang lalaking naka-gitgitan ko kanina.

“Ayan.. ang tapang tapang mo kanina .. binaba ka tuloy.”

“bahala ka diyan! Tatawagan kita mamaya!” dali-dali kong binaba ang aking cellphone,

Inayos ko ang aking sarili, sinimulan kong ibaba ang bintana ng aking sasakyan.  Magalang at malaking ngiti ang binigay ko sa lalaking naka-gitgitan ko, mas lalo ko pang pinapungay ang aking mga mata na animo’y maamong tupa.

Isang mapang inis na ngiti naman ang naging tugon sa akin. 

“Good Morning Sir! Ano pong maitutulong ko sa inyo?” tanong ko na parang walang nangyaring sigawan kanina sa loob ng aking sasakyan.

“Miss baka naman puwede kang bumaba at harapin ako? Siguro mag-sorry na din at asikasuhin ang aberyang ginawa mo sakin?” naiinis na sabi niya sa akin.  “Tumawag na din ako ng pulis pero hindi ako mag-aaksaya ng oras kakahintay ng pulis lalo na at traffic sa dadaanan nila papunta dito.”

Hindi ko lubos maisip na kung bakit naman sa kinadami-dami ng araw ay ngayon pa magkakaruon ng ganitong aberya ang lakad ko.

Haist! Tsh Anne, anong kamalasang meron ka? May balat ka ba sa pwet?

Hindi pa man ako nakakalayo sa aming bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Siguro ay nasa sampung minuto pa lang akong nagmamaneho.

Siguro masyado din akong na excite ng malaman kong lumuwas ang best friend kong si Mary para makasama akong mag-aral sa iisang university. Kaya hindi ko na namalayang napabilis na pala ang apak ko sa silinyador. 

Ang masaklap pa nito, hindi sa akin ang sasakyang ito. Nakiusap lang ako sa pinsan ko na gagamitin ko muna ito kahit saglit lang para mapabilis akong makarating. Hindi naman kasi ako pinapagamit nila Papa ng kahit na anong gamit nila.

Haist patay talaga ako!

At dala ng pagiging teenager, aaminin ko sobrang pasaway ako. Eh! Ano namang magagawa ko. Masyadong tahimik ang sasakyang ito. Kahit na napapabilis na pala ako ay hindi ko namamalayan ang bilis ng takbo ko. Yari pa ako sa pinsan ko dahil nalagyan ko ng damage ang sasakyan niya. 

Konti na lang sana. Malapit na ako ee. Ilang minuto na lang makakarating na ako sa Univerysity. Natatanaw ko na nga ang round about.

Ilang minuto na lang at malalampasan na ako ng entrance exam. Ito na lang ang huling alas ko. Nangako akong mag-aaral akong mabuti at magbabago na basta makapasa ako dito. Magfo-focus na ako at mas magiging seryoso sa buhay ko lalo at wala akong nakukuhang suporta sa pamilya ko.

Hindi ako pamilyar sa mga sasakyan, Pero isa lang ang nasisiguro ko. Mahal ang sasakyang ito dahil sa tatak niyang Porche

“Oh God! I’m in trouble”

Kahit na alam kong problema ito ay hindi ko naman ito pwedeng takasan.

Parang nag flash back ang lahat ng nangyari sa isip ko at lutang akong nakatitig sa lalaking nakatayo sa tapat ng bintana ko. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib dahil sa sobrang stress. Bumaba ako agad ng kotse at nag-panic habang tinitignan ang pinsala sa sasakyan sa harapan ko. Mukhang malala nga ang nangyari.

Nailang ako habang tahimik akong pinagmamasdan ng lalaking nakasuot ng itim na suit, shirt, at manipis na kurbata. Ang madilim na kayumangging buhok nito ay nakakahangang ayos na ayos. Ang mga dimples sa pisngi nito na parang pambata ay hindi akma sa seryoso nitong ekspresyon at malamlam na tingin.

Sa tingin ko ay matanda ito sa akin ng mga sampung taon. Hinaplos nito ang nakaayos niyang buhok.

“Miss , marunong ka bang mag-drive?!” galit nitong tanong sa akin habang tinuturo ang kaniyang sasakyan.

Napanganga ako at hindi nakapagsalita agad. Kahit naman sumagot ako ay wala din namang kwenta dahil kagaya din sa bahay namin na walang halaga para sa kanila ang boses ko. Kay Mary lang ako nakakapag-labas ng sama ng loob.

Kaya tumitig na lang ako sa kaniya nang nanlalaki ang mga mata at nagdasal na huwag naman sana akong maiyak. Sa totoo lang sa harapan lang ni Mary ako matapang.

“Nalito kaba sa cluth at preno. Na imbes preno ay clutch ang naapakan mo?” tanong ng lalaki na halatang iritado sa akin. “Alam mo ba kung magkano ang aabutin ng pagpapagawa nito?” napasaplo siya sa kaniyang ulo at hindi pa rin tumitignin sa akin. “Hish… hay, kailangan ng palitan ang buong pinto nito! Pati pintura. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga rim ng Porsche Panamera? Aabutin ako ng milyon!”  Hindi maitago ng lalaking ito ang kanyang inis. Takot na takot ako. Kahit na gwapo siya hindi ko iyon ma-appreciate sa ngayon dahil ang utak ko ay nasa sirang sasakyan niya. Plus ang hinahabol kong oras para sa entrance exam ko.

“A… A…”

Na-i-stress na talaga ako dahil kapag tumawag siya ng pulis ay malalaman nila Papa ang nangyari sa akin. Ang dami na ding tao Mukha naman siyang mayaman. Matangkad, maganda ang pangangatawan, halatang naggi-gym, bakit kaya hindi na lang siya gumastos. Haist Anne.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakayuko pa rin ako.

HECTOR POV

Unti-unti ko siyang tinitigan ng humarap ako sa kaniya matapos kong manermon ng makita ko ang damage sa aking sasakyan . At ‘boom’ . Ang tanga mo Hector bakit hindi mo muna tinignan ang nakagitgitan mo. Ang bata pa pala niya, maganda at sexy.

Sa totoo lang, walang kulang sa babaeng ito. Napangiti ako ng palihim. Sa tingin ko ay mga 5’2 ang height niya, tuwid na madilim na kayumangging buhok, at makinis na balat, maputi at maninipis ang pula niyang labi na bumagay lalo na sa kanyang hugis-matulis na ilong. Balingkinitan din ang kaniyang katawan na humubog sa simpleng jeans at tshirt.

Kanina sobrang galit ko na talaga. At balak ko ng tawagan si Renz para siya na ang mag-asikaso ng lahat, lalo na ng makita ko ang damag sa sasakyan ko. Pero para akong pinitik ng malapitan ko siya.

Totoo, nasira niya ang pinaka paborito kong sasakyan, pero ang ganda niya! At nang iangat na niya ang kaniyang kumikislap at malungkot na mata na napapalibutan ng natural na maitim at makapal na pilikmata, parang biglang umikot ang mundo ko.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Nanakbo siya sa loob ng kaniyang sasakyan, siguro ay para itago ang kaniyang pag-iyak.

Na-guilty naman ako. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.

Kaya hindi ko na hinintay ang mga pulis. Inabot ko ang ID na binigay niya sa akin at humingi ng pasensya.

“Sorry natakot ata kita!” mahinahon kong sabi

Maluha-luha siyang tumugon sa akin “sorry din sir. Pahingi na lang po ako ng calling card niyo para alam ko kung saan ko kayo babayaran kapag nakapag-tapos na po ako at naging ganap ng teacher babalikan ko po kayo! Pramis po.” ngumiti lang ako sa kaniya. At hinayaan na siyang umalis.

Pagkaalis niya ay biglang dumating si Renz.

“Boss.. anong nangyari? Sinong may gawa nito? Gusto mo bang pasundan ko sa mga tauhan natin?” nag-aalalang tanong ni Renz ngunit imbes na singhalan siya ay ngumiti lang ako.

Tinapik ko ang kaniyang balikat at saka magiliw na nagsalita “dalhin mo na lang ito sa repair shop! Tara na!” nagulat siya sa naging sagot ko.

“Huh? Pero ito ang paborito mong sasakyan?!” tanong niya na puno ng pagtataka.

“Kuhain mo ang lahat ng impormasyon sa kaniya.” Sinend ko ang picture ng ID nito kay Renz at saka muling na namang ngumiti. At doon ay naintindihan na ni Renz ang lahat.

Iyon na ang una at sinisigurado kong hindi huling pagkikita namin ni Anne Mendoza…

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Roxxy Nakpil
Agad agad kasal haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 522

    Napabuntong-hininga si Don Antonio, hindi siya makasagot. Kaya isinama na ni Hector si Rachel at kinontak si Drew. Samantala, sa hotel room. Pinupunasan ni Drew ang luha niya gamit ang tissue, gamit ang namumula at matabang mga daliri. "Wow, ang galing niya..." "Wow, ilang taon siyang naghukay ng ligaw na gulay..." Anne: ... "Pero ngayon, trending ang meme tungkol sa paghuhukay ng ligaw na gulay. Gusto mo ba malaman pa?" Kinuha ni Drew ang cellphone niya gamit ang pulang kamay, pinindot ang isang button, at sabay sigaw: "Aahh!" Anne: ... Pagkatapos basahin ang paliwanag tungkol sa meme, tumingin si Drew kay Anne na parang lutang: "Ano ang ibig sabihin ng ‘love brain’?" **"Love brain ay yung iniisip mo na ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa lahat. Pero sa totoo lang, marami pa tayong puwedeng maranasan sa mundo. Tulad ng pagbibiyahe, pagpupursige sa career, pakikipagkuwentuhan at pag-inom ng tsaa kasama ang mga kaibigan... Kapag sobra ang foc

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 521

    "Kung gano’n, wala ka nang pera. Paano mo planong dalhin si Rachel sa abroad?" "Iniwanan ako ni Papa ng insurance money." "Ah." Tumango si Anne. "Kaya pala may pera ka para planuhin ‘tong lahat. Sa totoo lang, matalino ka rin—nagawa mo akong dukutin kahit nasa ilalim ng ilong ni Hector." "Talaga?" Napangiti si Drew, tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Eh paano mo naman nakilala ang pangalawang kuya ko?" tanong ni Anne. "Hindi ko kilala ang pangalawang kuya mo. Pero may nakilala akong importanteng tao! Nang mawala si Papa, sobrang lungkot ko, kaya nagpunta ako sa bar para uminom. Hindi ko inaasahan, narinig ko si Euleen at ang mga kaibigan niya—pinag-uusapan nila na kasal ka na raw kay Hector at buntis na ang babae nito!" "Noong araw din na ‘yon, may mga nakilala akong kaibigan. Kinuwento ko sa kanila ang love story namin ni Rachel, lalo na ‘yung dalawang taon na sinundan ko siya abroad—naiyak sila sa kilig!" Anne: ... Sigurado ka bang hindi sila naiyak dahi

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 520

    Tumaas ang kilay ni Anne nang marinig ang pamilyar na boses. Nahanap na agad nila ang kidnapper niya? Ayos ah. Ang galing ng asawa ko~ Medyo na-excite si Drew nang marinig ang boses ni Hector. "Ano'ng gusto kong gawin? Gusto kong ilayo si Rachel! Gusto ko siyang ilabas mula sa dagat ng paghihirap! Gusto ko siyang isama palayo! Gusto kong protektahan ang dakila naming pag-ibig!" Nanindig ang balahibo ni Anne sa narinig. Hindi niya inakala na sobrang busilak ang pagmamahal niyo para kay Rachel. "Dakilang pag-ibig? Sinong nagsabi sa’yo niyan?" Yung mapanuyang tono ay agad nagpabalik ng alaala kay Drew—ganoon din ang tono ni Hector noong mga nakaraang taon, noong tinanong siya kung bakit niya inakalang kaya niyang protektahan si Rachel, o kaya niyang pasayahin ito. Biglang sumabog si Drew "Ang babae mo ang nagsabi! Mabait siya, hindi tulad mo na ubod ng sama. Hector, ang babaeng kagaya niya na napunta sa’yo? Para lang bulaklak na itinanim sa tae!" Na

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 519

    Naglakad-lakad si Hector, seryoso at tahimik. “Renz, ilang tao na ba ang may apelyidong Yang na nakaalitan ko?” Binuksan ni Renz ang notepad ng cellphone at tumingin. Nag-scroll siya nang ilang beses. “Hector, hindi ko pa natatapos. Medyo mahirap pong bilangin lahat.” Hector: … Grabe. Ganun kadami? Napakaraming apelyido sa mundo, bakit Yang pa?! Napahawak sa sentido si Hector, saka biglang may naisip: “Bilis! I-review n’yo lahat ng CCTV sa labas ng hotel. Tingnan kung may malalaking maleta—‘yung kasya ang tao!" Sa loob ng hotel room. Lumapit si Drew habang hawak ang isang matalim na patalim sa kanyang pulang, namamagang mga daliri. Dahil masakit ang kanyang daliri, napapahiyaw siya habang nagsasalita: "Ah~ Kahit ano pang sabihin mo ngayon, ah~ hiss~ hindi na ako maniniwala! Ako... ah~ hiss~ Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, sobrang tanga ko na talaga!” Nakangiti si Anne, kalmado habang nakaupo sa sofa, at may hitsura ng pagiging mapagkakatiwalaan.

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 518

    Nagkunwaring walang narinig si Anne at agad binago ang usapan: "Durugin mo lang ang mga halamang ‘yan at ipahid sa sugat." "Hmm," tugon ni Drew. Kumuha siya ng kalahati ng damo, dinurog ito, at ipinahid sa kanyang sugat. Makaraan ang isang oras, lalo pang namaga ang kanyang daliri. Para na itong martilyo, at bawat daliri ay parang pulang lobo na hinipan. "Aray~ Ang sakit~" Tinitigan niya si Anne ng masama. "Niloko mo ba ako?!" “Naku! Kumalat na ang lason—pero huli na ang lahat!” Nakaseryoso si Anne, pilit pinipigil ang pagtawa sa mga pulang daliring parang mga minartilyo ni Drew. Hindi pa rin siya makapaniwala. Nagawang lokohin ni Rachel ang isang lalaki ng ilang taon. Hindi siya papayag na hindi rin niya magawa iyon. “Anne, akala mo ba gano’n ako kadaling lokohin, ha?” Nagngangalit ang ngipin ni Drew habang bumunot ng patalim at dahan-dahang lumapit. “Ngayon, hindi na kita paniniwalaan! Kapag naniwala pa ulit ako sa’yo, aso na ako!” Samantala, sa kabilan

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 517

    Nag-isip sandali si Drew: "Mas tama siguro kung sabihing hubad mula baywang pataas si Hector at may suot na pantalon. Importante rin 'to! Magulo ang buhok ni Rachel at halatang... may nangyari." Napabuntong-hininga si Anne: "Pero hindi 'yan sapat para patunayang natulog sa kanya ang mahal mo." "Natulog nga! May ebidensya ako! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Rachel sa ibang bansa nitong mga taon na 'to. Kasama niya ako sa lahat ng ‘yon. At saka..." Naputol si Drew, hindi itinuloy ang sasabihin. "Basta, natulog na rin kami. Privacy ‘yon ni Rachel kaya hindi ko pwedeng ikwento nang buo. Pero nasabi niya, pinapahalagahan niya ang pananatili ko sa tabi niya—pero sinasabi rin niyang hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko. Ipinahiwatig niyang may nangyari sa kanila ni Hector, kaya hindi raw siya karapat-dapat mahalin." Anne: (palihim na napailing) Ang tanga mo, alam ba ‘yan ng nanay mo?! Biglang tumindig si Drew, itinuro ang ilong ni A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status