Share

CHAPTER 4

Author: Thousand Reliefs
Ang boses ni Conrad ay puno ng lamig na parang nagdulot ng pagkayelo sa buong paligid ng dining room.

"Sir, patawad po!" Biglang lumuhod si Cecelia sa sahig. Mayroong takot sa kanyang mga mata, "Hindi ko po dapat sinabi iyon ginawa kay Madame."

Si Conrad Laurier ay palaging mabait at tila hindi marunong magalit, ngunit malupit ito kung iyong ginalit, walang taong makakakaya sa kanyang bagsik.

"Pero, Sir Conrad, wala akong masamang intensyon, ayoko lang po na mahirapan si Madame sa paggawa ng almusal."

Tiningan lang siya ni Conrad nang walang emosyon, "Kaya tingin mo tama ang ginawa mong sirain ang inihandang almusal ng isang bagong kasal na asawa para sa kanyang mister?"

Nanatiling tahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo.

Ang sinabi ni Conrad ay hindi lang nagpagulat kay Cecelia at Anita, kundi pati na rin kay Mandy na nanlaki ang mga matang pinanood ang nangyayari.

Hindi siya makapaniwala at hindi niya alam kung ipinagtatanggol ba siya ni Conrad sa mga katulong.

Nanginginig sa takot si Cecelia na nagpaliwanag, "Hindi po namin iyon sinasadya. Tsaka ang mga pagkaing inihanda ni Madame, hindi namin itinapon...kinain namin ni Anita."

Lalong lumamig ang mga tingin ni Conrad, "Mukhang mas mukha kang may-ari ng bahay kaysa sa akin."

Sunod na napaluhod si Anita sa harapan nito, nahihiya dahil isa siya sa mga kumain ng almusal.

Dali-daling gumapang si Cecelia papunta sa gawi ni Mandy para humingi ng paumanhin, "Madame, pakiusap, patawarin niyo sana ako. Talagang nag-aalala lang po kami sa inyo at baka hindi ka po namin masilbihan ng maayos kaya sinabi ko po na kami na ang bahalang magluto."

Si Cecelia ay medyo matanda na at ang kanyang edad ay puwede ng maging ina ni Mandy. Kaya hindi siya matiis ni Mandy at agad pinakiusapan ang asawa.

"Asawa ko, ginagawa lang nila ang tama at kung gusto mong kainin ang mga niluto ko, pwede kitang paglutuan ulit."

Habang nagsasalita, tumayo siya at nagtungo sa kusina. Nang makalampas siya kay Conrad, bigla siyang hinila ng lalaki at niyakap. Ang kanyang amoy, tulad ng mint, ay umalingawngaw, at biglang namula ang mukha ni Mandy.

Hinawakan ni Conrad ang kanyang baywang at malalim na nagsalita, "Ano ang tawag mo sa akin kanina?"

Lalong namula ang mukha ni Mandy nang maalala, "A-asawa ko."

"Ano ang inihanda mong almusal para sa asawa mo?"

"Red sugar pie, kaunting lugaw...at patatas na ensalada na ako mismo ang gumawa, at pipino..."

Habang nakatingin sa kanyang namumulang mukha, hinalikan ni Conrad ang kanyang noo nang marahan, "Bukas, gawin mo ulit para sa akin, ha?"

Ngumiti si Mandy, "Eh, ang almusal ngayon..."

Binitiwan naman siya ni Conrad, "Ikaw muna ang kumain, malalate ka na."

Doon lang naalala ni Mandy na malapit na pala siyang ma-late. Halos alas-otso na. May klase siya sa alas-otso y medya!

Kaya mabilis siyang kumain ng ilang subo, at umakyat para magbihis at kunin ang kanyang bag. Nang bumaba siya, wala na si Cecelia, at si Anita na lang ang naiwan na nakaluhod sa sahig.

Ang lalaking nakapiring ay tila walang kaselasan na umiinom pa rin ng gatas.

Nang marinig ang yabag niya, mahinahon na nagsalita ang lalaki, "Nag-arrange ako ng driver para sa'yo, maaga kang umuwi pagkatapos ng klase."

Namangha si Mandy at ngumiti, "S-salamat."

*****

"Sir, sinabi ko na po kay Ate Cecelia ang lahat, at sigurado akong sasabihin niya iyon sa kanila."

Pagkatapos umalis ni Mandy, dahan-dahang nagsalita si Anita sa harap ng amo.

"Tumayo ka na." Utos ni Conrad.

Nag-adjust ng posisyon si Conrad sa kanyang wheelchair, "May isang bagay lang ang hindi ko maintindihan. Sabay kayong ipinadala dito ng lolo ko, bakit si Cecelia ay sinusuhulan ng tiyuhin ko, pero ikaw hindi?"

Namutla ang mukha ni Anita, at muling lumuhod.

"Huwag mong sabihing may ibang misyon ka, tama ba ako?"

Eleganteng kumuha ng panyo si Conrad at nagpunas ng bibig, "Hindi muna kita gagalawin sa ngayon. Alam kong ipinadala ka ng lolo ko para bantayan ako, kaya dapat mong sabihin sa kanya na papaalisin ko si Cecelia dahil ginugulo niya ang asawa ko."

Tumango-tango si Anita biglang pagtugon, "Huwag po kayong mag-alala! Masusunod po."

*****

"Maraming salamat po, Kuya Greg!"

Nang makarating si Mandy sa kanyang pinapasukang university dali-dali niyang kinuha ang bag tsaka agad na lumabas ng kotse at kumaripas ng takbo papasok sa gate.

Ang kanyang buhok ay tinatanggay ng hangin habang ang maliwanag na sikat ng araw sa kalangitan ay tumama sa kanya. Nakakatuwa siyang pagmasdan dahil sa kanyang maganda at batang hitsura.

Nang mawala siya sa paningin ng driver, nagbigay ito ng update sa kanyang amo,"Sir, nakababa na po si Madame at nakapasok sa loob ng paaralan."

Natanggap ito ni Conrad sa kabilang linya, "Good. And what else did she say?"

"Sabi niya masyadong sosyal ang kotse na naghahatid sa kanya, ayaw niyang malaman ng iba na nagpakasal siya sa mayamang tao."

"Okay, sundin mo siya."

*****

Tatlong minuto bago magsimula ang klase, pagod na pagod na pumasok si Mandy sa silid-aralan.

Nagulat si Ronnie nang makita siya, "Pumasok ka pa rin?"

Pinunasan ni Mandy ang pawis sa noo, "Malamang. Buti na lang hindi ako late!"

Suot pa rin niya ang kanyang lumang maong at puting t-shirt, at nakatali ang kanyang buhok sa isang ponytail, at wala siyang suot na makeup. At higit sa lahat, walang bakas na bago siyang kasal.

Pagkatapos punasan ang pawis, dahan-dahang kinuha ni Mandy ang kanyang libro at notebook at isa-isa itong binuklat, "Siguro tatapusin na nila Ma'am ang theorem mula noong nakaraan."

Parang nakakita ng multo si Ronnie na nakatitig sa kanya. Tama ba ang pagkakatanda niya na ang asawa ni Mandy ay 26 years old na?

Sa edad na iyon, at hindi pa nakakaranas ng babae, dapat ay parang lobo na siya! Pero nagtaka siya dahil walang marka ng halik sa leeg ni Mandy.

Hindi pa siya namamaos? Hindi siya nahihirapang maglakad? At isa pa, kaya pa niyang maupo nang maayos at magsulat ng notes?

Naguluhan si Ronnie, baka hindi lang bulag ang asawa ni Mandy, baka may problema rin sa ito sa kalusugan? Baka pati rin sa kama?

Papaano na ang kaligayahan ni Mandy? Nalungkot si Ronnie, paano niya hahayaang mapunta sa ganitong sitwasyon ang kaibigan niya?

Kaya nagmamadali siyang nag-text sa kanyang kuya na doktor sa urology, [Meron ba kayong gamot para sa lalaking hindi kayang tumayo ng kargada?]

Mabilis ang sagot ng kuya niya, [Anong klaseng problema? Matagal na ba 'yan, o hindi talaga tumitigas?]

Tiningnan ni Ronnie si Mandy na abala pa rin sa pakikinig at pagsusulat.

Kahit tanungin niya, sigurado siyang hindi sasagot si Mandy sa kanyang katanungan. Kaya nagdesisyon siya ng mag-isa, "Lahat, kunin mo na lang ako ng gamot, pupunta ako pagkatapos ng klase."

Ang nais niya lang ay matulungan ang kaibigan na sumaya kaya gagawin niya ito.

*****

Pagkatapos ng klase, nagreklamo si Ronnie na sumasakit kuno ang tiyan at pinilit niyang samahan siya ni Mandy sa ospital ng kuya niya.

Wala namang ibang gagawin si Mandy at mukhang masama talaga ang pakiramdam ng kaibigan, kaya sinamahan niya ito. Nang makarating sila sa klinika ng kuya niya, biglang nag-usap ang magkapatid tungkol sa mga personal na bagay.

Hindi komportableng makinig si Mandy, kaya lumabas siya at umupo sa upuan sa hallway para magbasa ng nobela. Tungkol sa kasaysayan ng isang tanyag na CEO ang binabasa niya, kung saan ang mga bida ay nagtitiisan sa loob ng maraming taon bago magpakasal.

"Mandy?"

Nang binabasa niya ang eksena ng gabi ng kasal, biglang may tumawag sa kanyang pangalan. At agad siyang nag-panic dahil sa kanyang binabasa kaya biglang nahulog ang hawak niyang cellphone.

Akma niya itong pupulutin pero nakita niya ang kamay na mayroong suot na puting mangggas ang unang pumulot nito.

"Salama—"

Nang tumingala si Mandy, bigla siyang nanigas nang makita ang mukha ng lalaki sa kanyang harapan.

"Miggy?!"

Ang lalaking nakasuot ng puting coat na ito ay ang matagal na niyang hinangaan noong high school, si Miguel Angelo Fernandez.

Dahil sa sobrang pagkasupresa, muli niyang nabitawan ang cellphone sa sahig.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 100

    Talaga namang siya ang nasa profile sheet. Pero hindi siya ang Suarez na presidente ng kumpanya!Sa likod niya, nagbabantay pa rin ang guro.Kaya si Mandy ay napilitan nang tingnan si Assistant Brooke at ang mga naka-itim na lalaki sa likod niya. “Sinasabi n’yo ba na ako ang Boss ng Suarez Group?”“Tama po,” sagot ni Brooke.“Eh… makikinig ba kayo sa mga sasabihin ko?”“Opo, makikinig po kami,” sagot niya nang sabay-sabay ang grupo.Hinarap ni Mandy ang masakit niyang noo at hinaplos ito. “Sige, sige, lakad na tayo, palabas.”Kaya muling nag-ayos ang mga naka-itim at sumunod kay Mandy at kay Brooke, dahan-dahan na humakbang.Naglakad si Mandy kasama ang buong grupo sa loob ng campus, at hindi maalis sa mga mata ng mga tao. Talaga ngang parang isang lider na nag-iinspeksyon.Naglakas loob siyang patnubayan ang grupo sa maliit na hardin sa likod ng paaralan. Sigurado na wala nang ibang tao sa paligid, huminga siya ng malalim at umupo sa isang bato.Harap niya, isang hanay ng matataas at

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 99

    Halos mahulog si Mandy sa kinauupuan sa sorabng pagtawa. “Ronnie, huwag mo akong patawanin.”“Kung totoo nga ‘yan, ang saya siguro, pero… imposible ‘yan.”Paano naman? Ang pamilya ni Wendy ay isa sa mga malalaking kumpanya na madalas sa telebisyon. Paano posible na dahil lang sa away nina Wendy at Mandy, maaapektuhan ang buong kumpanya?Alam naman ni Ronnie na hindi ito mangyayari, pero napilipit pa rin siya ng labi. “Pero dapat may pangarap, di ba? Baka sakaling matupad.”Ngumiti si Mandy, kinuha ang makapal na notes mula sa kanyang bag at sinimulang aralin. “Wala pa akong malaking pangarap ngayon. Ang gusto ko lang, makakuha ng mataas na marka sa midterm exam sa calculus mamaya.”“Aba!”Ibinaba ni Ronnie ang kanyang tasa ng kape. Nakalimutan niya, may midterm pala sa calculus ngayong araw!“Mandy, pahiram nga ng notes mo. Gagawa lang ako ng konting pandaraya,” sabi niya.Napalingon si Mandy at naka-krus ang mga braso. “Hindi pwede!”Kinuha niya ang calculus textbook. “Bibigyan nalang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 98

    Habang iniisip niya ito, lalo pang tumitibok ang puso ni Mandy sa tuwa. Hinayaan siya ni Conrad na yakapin siya. Isang pusong matagal nang natabunan ng lamig ang unti-unting napainit at napalambot ng init ng kanyang damdamin.Matapos ang ilang sandali, pinakawalan siya ni Conrad. “Gusto mo pa bang kumain ng steak?”Kung tama ang pagkakaalala niya, bukod sa kaunting natirang cake kanina, wala pa talagang nakain si Mandy ngayong gabi.Namula ang mukha niya. “Sige, kumain na tayo kahit kaunti lang.”Tunay ngang gutom na siya. Tumayo si Conrad at dahan-dahang lumapit sa mesa, dinala ang hiniwang steak na inihanda niya.Nang handa na sanang kunin ni Mandy ang plato, kinuha ni Conrad ang tinidor at inihain ang isang piraso ng steak sa kanyang bibig. “Buksan mo ang bibig mo.”Nagulat si Mandy at hindi makapaniwala. Pinapakain ba siya ng asawa?“Hindi… kaya ko naman mag-isa,” mahinang sabi niya.Ngunit mariing sumagot si Conrad, “Buksan mo.”Sumunod si Mandy at mabining binuksan ang b

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 97

    Nang makita ni Conrad ang nalulungkot na mukha ni Mandy, diretso niya itong inakay at pinatong sa sofa.Mabilis na pinindot ng lalaki ang switch ng wall lamp, hinanap ang first aid kit, at bumalik sa tabi niya.Nanlaki ang mga mata ni Mandy sa pagkabigla habang pinagmamasdan si Conrad.Hindi ba siya bulag? Bakit niya pinailaw ang ilaw?Paano niya nalaman kung nasaan ang switch?Bakit… kaya niyang maglakad nang hindi naguguluhan at eksaktong mahanap ang first aid kit?Habang nalilito siya sa pag-iisip, nakabalik na si Conrad sa kanyang tabi.Kumakalam na ang kanyang kamay na may dugo, dahan-dahang pinipisil ng lalaki ang kamay ni Mandy habang nililinis ang dugo gamit ang cotton swab. Kasabay nito, may bahagyang tono ng pagsaway sa kanyang boses, “Paano mo nagawa na maghiwa ng kamay mo?”Dati, madalas itong magluto. Bihasa itong maghiwa kaya bakit niya nasaktan ang sarili?Napakagat ng mga labi ni Mandy at bahagyang nahihiya, “Pinikit ko lang ang mga mata ko kanina…” Napahinto si Conrad

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 96

    Nang makita niyang handa na si Conrad ihipan ang kandila, hindi nakalimot si Mandy na muli siyang paalalahanan, “Huwag kalimutang humiling ng wish!”Noon, kapag kaarawan ng kanyang lola, lagi siyang ganitong masigasig na nagpapaalala.Ang mahigpit na nakapikit na mga labi ni Conrad ay unti-unting ngumiti.Naglaho ang liwanag ng kandila sa cake.Habang inaalis ni Mandy ang mga natirang kandila at hinihiwa ang cake, tanong niya, “Nakagawa ka na ba ng wish?”Tahimik siyang tinitingnan ni Conrad. “Siguro, oo.”Sa likod ng itim na panyo sa kanyang mata, hindi alam ni Mandy na tinitingnan siya ni Conrad.Nakatalikod siya habang hinihiwa ang cake.“Ang wish ko… sana maging mas matalino ka sa hinaharap.”Mababa at kalmado ang boses ni Conrad.Tumigil sandali si Mandy, at medyo napaluha sa sarili. Hinila niya ang isang piraso ng cake gamit ang tinidor at dahan-dahang inilapit sa bibig ni Conrad. “Kapag sinabi mo ang wish, hindi na ito matutupad.”Ngumiti si Conrad ng bahagya habang kinakain ang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 95

    Walang ilaw sa dining room, tanging ang mga kandila lang ang nagbigay ng mahinang liwanag.Hindi sinasadyang hinawakan ni Mandy ang laylayan ng kanyang lace na damit, at medyo nanginginig ang boses niya, pero ramdam pa rin ang kanyang karaniwang determinasyon at tapang, “Alam ko na dati hindi ka nagdiriwang ng kaarawan.”“Pero…”Huminga siya ng malalim, itinaas ang tingin kay Conrad, at pinilit ngiti na sa tingin niya ay matamis, “Asawa, dahil kasama mo na ako.”Ang kanyang malalalim na itim na mata ay kumikislap sa liwanag ng kandila. Tinitingnan niya siya nang seryoso, “Mula ngayon, bawat taon, ipagdiriwang ko ang kaarawan mo, para ipagdiwang ang pagtanda mo bawat taon.”Hindi maikakaila, nang makita niya ang ngiti ni Mandy na parang bulaklak, bahagyang nawala ang lamig sa puso niya. At ang mga susunod na salita niya ay parang isang lambing na tela na bumalot sa kanyang puso nang buo.Sa ilalim ng itim na panyo, nagningning ang tingin ng lalaki, “Pero ayokong magdiwang ng kaarawan.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status