Share

CHAPTER 5

Author: Thousand Reliefs
Nang bumalik sa reyalidad si Mandy, nagmamadali niyang pinulot ang kanyang cellphone at tumingin kay Miguel ng may ngiti, "Kuya Miggy...dito ka pala nagtatrabaho?"

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Miguel at nagliwanag ang gwapo niyang mukha.

Maingat niyang inabot ang kanyang kamay at hinawakan ang ulo ni Mandy para guluhin ang kanyang buhok, "Bakit ba hindi ka nag-iingat? Hindi ka talaga nagbabago, at ilang taon ka na ba ngayon?"

"Dalawampung taong gulang na po ako." Mahinang sagot ni Mandy at kumikinang ang mga mata niyang nakatingin dito.

Napangiwi ang lalaki at natawa nang mahina, "At bakit ka napunta rito sa ospital?"

Itinuro naman ni Mandy ang consultation room sa likuran niya, "Kasama ko ang kaibigan ko na kausap ang kanyang pinsan."

Tiningnan ni Miguel ang relo, "Oras na para sa tanghalian, baka matagalan pa ang kaibigan mo bago lumabas. Kakain na rin ako, gusto mo bang sumama?"

Nag-isip sandali si Mandy bago kumatok at nagpaalam kay Ronnie.

"Tara na."

Nanatiling nakangiti si Miguel na nakatingin sa kanya at naglakad sa unahan, sumunod naman si Mandy nang tahimik. Simula pa noong ikalawang taon niya sa high school, humanga na si Mandy sa lalaki.

Noong taong iyon, nang biglang magkasakit at himatayin ang kanyang lola sa paaralan, si Miguel ang sumugod at gumawa ng first aid bago ito isakay sa ambulansya. Nakatayo siya sa pasilyo ng ospital at sinabi kay Mandy na siya ay isang medical student, at nagbigay ng maraming payo kung paano alagaan ang kanyang lola.

Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki. Iyon din ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na mag-aral ng medisina.

Gusto niyang pumasok sa parehong paaralan at sundan ang mga yapak niya. Ngunit, nang magkatotoo na ito, wala siyang lakas ng loob na hanapin siya.

Ang huling pagkikita nila ay noong siya ay nasa huling taon ng high school, kung saan binigyan siya ni Miguel ng lakas ng loob.

Ngayon naman ay dinala siya nito sa isang malinis na maliit na restaurant.

"Ano ang gusto mong kainin?"

Nang magtanggal ng white coat, mas naging gwapo si Miguel tingnan, binuklat niya naman ang menu sa gilid, "Kung tama ang pagkaka-alala ko, mahilig ka sa matatamis. hindi ba?"

"Oo." Dahil sa sobrang kaba, naging ipit ang boses ni Mandy. Tsaka bigla namang tumunog ang kanyang cellphone, nakita niya ang isang hindi kilalang numero.

Nag-excuse muna si Mandy bago sagutin ang tawag.

"Nasaan ka?"

Isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig niya, "Sino ito?"

"Conrad."

Nagulat si Mandy, "Ha? Papaano mo nakuha ang numero ko?"

"Bakit bawal ba?" Ang malamig na boses ng lalaki ay nakarating sa kanyang tainga, "Bumalik ka at samahan mo akong kumain."

Nagitla si Mandy at napatingin siya kay Miguel na abala sa pagtingin ng mga menu sa tapat, "P-pwede bang mamaya nalang?" Pakiusap niya rito.

Hindi niya kayang umalis agad dahil sa bihira lang ang pagkakataong makasama niya ang dating kaibigan.

Sandaling natahimik si Conrad sa kabilang linya bago sumagot, "Bibigyan kita ng sampung minuto."

Napalunok ng laway si Mandy, "S-sige. Bye."

"Boyfriend mo?"

Pagkatapos ibaba ang phone, tinanong siya agad ni Miguel.

"Hindi ko siya boyfriend." Nahihiya si Mandy na sumagot at napakamot ng sentido, "Asawa ko."

Nanigas ang ngiti ni Miguel sa narinig. Mayamaya pa natawa nang may bahid ng pagpapanggap, "Ang aga mo namang nagpakasal? Kailan lang ba?"

"Umm...kahapon."

Naging mapait ang ngiti sa mukha ni Miguel sa narinig at napaubo siya ng mahina, "Hindi man lang ako nakapagbigay ng regalo sa kasal mo, hayaan mo itong pananghalian ang paraan ng pagbati ko sayo." Aniya.

Tinawag ni Miguel ang waiter para mag-order na sana pero pinigilan siya ni Mandy.

"Huwag na pala." Pigil ni Mandy, "Iinom na lang ako ng tubig at aalis na rin ako, pinapauwi na kasi ako ng asawa ko."

Biglang namutla ang mukha ni Miguel at napabuntong-hininga, "Teka lang, gaano na ba kayo katagal?"

'Gaano na kayo katagal?' Naisip ni Mandy na sila ni Conrad ay nagsama lang sa loob ng isang araw at dalawang oras? S’yempre hindi niya sasabihin iyon.

Kaya nagsinungaling siya, "Mga higit sa dalawang buwan."

Natawa si Miguel, "Sandali lang pala. Ano 'yan? Na love at first sight ba kayo?"

Nahihiya siyang uminom ng tubig, "Oo, love at first sight."

Nang mahawakan ng kanyang labi ang mainit na tubig, naalala niya ang halik ni Conrad kahapon. Ang labi ng asawa ay mukhang matigas, ngunit malambot at mainit.

Namula bigla ang kanyang pisngi.

Napansin naman ni Miguel ang pamumula ng kanyang pisnge at alam niyang hindi iyon dulot ng hiya, kung hindi sa pagbanggit tungkol sa taong kanyang minamahal. Kaya lalong namutla ang kanyang mukha.

"Mandy!"

Habang tahimik silang dalawa sa kinauupuan, napalingon si Mandy at nakita niyang pumasok si Ronnie sa resto, "Mandy, nasa labas ang driver ng asawa mo, kanina pa naghihintay sayo."

Tiningnan ni Mandy ang oras, eksaktong sampung minuto mula nang tumawag si Conrad kanina. Kaya tumayo siya at humingi ng paumanhin kay Miguel, "Kuya Miggy, sa susunod na lang tayo mag-usap. Pasensya na talaga!"

Tumango si Miguel na nagbigay unawa, "No problem. Ingat ka, Mandy."

Naiwan siyang nakaupo sa bintana ng restaurant at pinanood niya si Mandy na hinila ng kaibigan patungo sa nakaparadang itim na BMW sa tabi ng kalsada.

Ngumiti ng mapait si Miguel at nakaramdam ng lungkot na makitang masaya ito sa kanyang buhay ngayon.

*****

"Mandy, ito ang gamot na pinagawa ko sa pinsan ko para sa mga mata ng asawa mo."

Pagkasakay sa kotse, ibinigay ni Ronnie ang mga bote ng gamot kay Mandy, "Ang mga may kapansanan ay madalas mababa ang self-esteem, kung sasabihin mo na ito ay para sa kanyang mata, baka isipin niyang dinidiscriminate mo siya, kaya sabihin mo na lang na vitamins ito para sa kanyang kalusugan." Turo pa nito.

"Tinanggal ko na ang label at instructions, nasa papel na ang tamang dosage at oras ng pag-inom." Dagdag pa nito.

Tinanggap iyon ni Mandy na medyo nagtaka, "Okay, salamat."

Nasa isip naman ni Mandy ay ang naudlot nilang paguusap ni Miguel at hindi niya binigyang pinansin ang bisa ng gamot.

Nang maibaba si Ronnie sa tapat ng paaralan, dinala na ni Kuya Greg si Mandy pabalik sa mansyon. Sa malawak at tahimik na bahay, nakaupo mag-isa si Conrad sa hapag-kainan, makikita ang kanyang mahabang anino sa sahig na gawa ng sikat ng araw, at tila may bahid ng lungkot sa kapaligiran.

Pagdating sa bahay, naghugas si Mandy ng kamay at sumunod. Nang maupo, nagulat siya sa napakaraming masasarap na pagkain na nakahanda.

"May bisita ba tayo?"

"Wala naman." Mahinahon ang boses ng lalaki na nakatalikod, "Tayong dalawa lang."

Halos hindi makapagsalita si Mandy, "H-hindi natin mauubos 'to lahat."

"Tama ka."

Dahan-dahang kumuha ng chopsticks si Conrad, "Nagpadagdag ako ng ilang ulam."

"Bakit?"

Sandaling tumigil ang kamay ng lalaki sa chopsticks, at ngumiti, "Para makasiguro."

"Baka kasi isipin ng iba na hindi ko inaalagaan ang aking asawa at baka sa ikalawang araw ng kasal natin ay sumama ka sa ibang lalaki sa isang restaurant."

Saglit na natahimik si Mandy sa sinabi nito, "Huh? Alam mo ba na nasa restaurant ako kanina?"

Patuloy na kumain ang lalaki, "Mukhang totoo nga na sumama ka sa ibang lalaki."

Nasurpresa lalo si Mandy at alam niya kung anong nais na ipahiwatig ng asawa.

At ayaw naman ni Conrad ang mga taong paikot-ikot magsalita.

Huminga muna nang malalim si Mandy bago magsalita, "Hindi ko sinasabing hindi masarap ang pagkain dito o ayaw kong kumain dito, nagkataon lang na may nakilala ako sa ospital."

Tumaas ang kilay ng lalaki, "Bakit ka pumunta sa ospital?"

Tumayo saglit si Mandy, kinuha ang mga bote ng gamot mula sa bag at inilapag sa harap niya, "Mahina ang pangangatawan mo, kumuha ako ng vitamins para sa iyo."
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 100

    Talaga namang siya ang nasa profile sheet. Pero hindi siya ang Suarez na presidente ng kumpanya!Sa likod niya, nagbabantay pa rin ang guro.Kaya si Mandy ay napilitan nang tingnan si Assistant Brooke at ang mga naka-itim na lalaki sa likod niya. “Sinasabi n’yo ba na ako ang Boss ng Suarez Group?”“Tama po,” sagot ni Brooke.“Eh… makikinig ba kayo sa mga sasabihin ko?”“Opo, makikinig po kami,” sagot niya nang sabay-sabay ang grupo.Hinarap ni Mandy ang masakit niyang noo at hinaplos ito. “Sige, sige, lakad na tayo, palabas.”Kaya muling nag-ayos ang mga naka-itim at sumunod kay Mandy at kay Brooke, dahan-dahan na humakbang.Naglakad si Mandy kasama ang buong grupo sa loob ng campus, at hindi maalis sa mga mata ng mga tao. Talaga ngang parang isang lider na nag-iinspeksyon.Naglakas loob siyang patnubayan ang grupo sa maliit na hardin sa likod ng paaralan. Sigurado na wala nang ibang tao sa paligid, huminga siya ng malalim at umupo sa isang bato.Harap niya, isang hanay ng matataas at

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 99

    Halos mahulog si Mandy sa kinauupuan sa sorabng pagtawa. “Ronnie, huwag mo akong patawanin.”“Kung totoo nga ‘yan, ang saya siguro, pero… imposible ‘yan.”Paano naman? Ang pamilya ni Wendy ay isa sa mga malalaking kumpanya na madalas sa telebisyon. Paano posible na dahil lang sa away nina Wendy at Mandy, maaapektuhan ang buong kumpanya?Alam naman ni Ronnie na hindi ito mangyayari, pero napilipit pa rin siya ng labi. “Pero dapat may pangarap, di ba? Baka sakaling matupad.”Ngumiti si Mandy, kinuha ang makapal na notes mula sa kanyang bag at sinimulang aralin. “Wala pa akong malaking pangarap ngayon. Ang gusto ko lang, makakuha ng mataas na marka sa midterm exam sa calculus mamaya.”“Aba!”Ibinaba ni Ronnie ang kanyang tasa ng kape. Nakalimutan niya, may midterm pala sa calculus ngayong araw!“Mandy, pahiram nga ng notes mo. Gagawa lang ako ng konting pandaraya,” sabi niya.Napalingon si Mandy at naka-krus ang mga braso. “Hindi pwede!”Kinuha niya ang calculus textbook. “Bibigyan nalang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 98

    Habang iniisip niya ito, lalo pang tumitibok ang puso ni Mandy sa tuwa. Hinayaan siya ni Conrad na yakapin siya. Isang pusong matagal nang natabunan ng lamig ang unti-unting napainit at napalambot ng init ng kanyang damdamin.Matapos ang ilang sandali, pinakawalan siya ni Conrad. “Gusto mo pa bang kumain ng steak?”Kung tama ang pagkakaalala niya, bukod sa kaunting natirang cake kanina, wala pa talagang nakain si Mandy ngayong gabi.Namula ang mukha niya. “Sige, kumain na tayo kahit kaunti lang.”Tunay ngang gutom na siya. Tumayo si Conrad at dahan-dahang lumapit sa mesa, dinala ang hiniwang steak na inihanda niya.Nang handa na sanang kunin ni Mandy ang plato, kinuha ni Conrad ang tinidor at inihain ang isang piraso ng steak sa kanyang bibig. “Buksan mo ang bibig mo.”Nagulat si Mandy at hindi makapaniwala. Pinapakain ba siya ng asawa?“Hindi… kaya ko naman mag-isa,” mahinang sabi niya.Ngunit mariing sumagot si Conrad, “Buksan mo.”Sumunod si Mandy at mabining binuksan ang b

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 97

    Nang makita ni Conrad ang nalulungkot na mukha ni Mandy, diretso niya itong inakay at pinatong sa sofa.Mabilis na pinindot ng lalaki ang switch ng wall lamp, hinanap ang first aid kit, at bumalik sa tabi niya.Nanlaki ang mga mata ni Mandy sa pagkabigla habang pinagmamasdan si Conrad.Hindi ba siya bulag? Bakit niya pinailaw ang ilaw?Paano niya nalaman kung nasaan ang switch?Bakit… kaya niyang maglakad nang hindi naguguluhan at eksaktong mahanap ang first aid kit?Habang nalilito siya sa pag-iisip, nakabalik na si Conrad sa kanyang tabi.Kumakalam na ang kanyang kamay na may dugo, dahan-dahang pinipisil ng lalaki ang kamay ni Mandy habang nililinis ang dugo gamit ang cotton swab. Kasabay nito, may bahagyang tono ng pagsaway sa kanyang boses, “Paano mo nagawa na maghiwa ng kamay mo?”Dati, madalas itong magluto. Bihasa itong maghiwa kaya bakit niya nasaktan ang sarili?Napakagat ng mga labi ni Mandy at bahagyang nahihiya, “Pinikit ko lang ang mga mata ko kanina…” Napahinto si Conrad

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 96

    Nang makita niyang handa na si Conrad ihipan ang kandila, hindi nakalimot si Mandy na muli siyang paalalahanan, “Huwag kalimutang humiling ng wish!”Noon, kapag kaarawan ng kanyang lola, lagi siyang ganitong masigasig na nagpapaalala.Ang mahigpit na nakapikit na mga labi ni Conrad ay unti-unting ngumiti.Naglaho ang liwanag ng kandila sa cake.Habang inaalis ni Mandy ang mga natirang kandila at hinihiwa ang cake, tanong niya, “Nakagawa ka na ba ng wish?”Tahimik siyang tinitingnan ni Conrad. “Siguro, oo.”Sa likod ng itim na panyo sa kanyang mata, hindi alam ni Mandy na tinitingnan siya ni Conrad.Nakatalikod siya habang hinihiwa ang cake.“Ang wish ko… sana maging mas matalino ka sa hinaharap.”Mababa at kalmado ang boses ni Conrad.Tumigil sandali si Mandy, at medyo napaluha sa sarili. Hinila niya ang isang piraso ng cake gamit ang tinidor at dahan-dahang inilapit sa bibig ni Conrad. “Kapag sinabi mo ang wish, hindi na ito matutupad.”Ngumiti si Conrad ng bahagya habang kinakain ang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 95

    Walang ilaw sa dining room, tanging ang mga kandila lang ang nagbigay ng mahinang liwanag.Hindi sinasadyang hinawakan ni Mandy ang laylayan ng kanyang lace na damit, at medyo nanginginig ang boses niya, pero ramdam pa rin ang kanyang karaniwang determinasyon at tapang, “Alam ko na dati hindi ka nagdiriwang ng kaarawan.”“Pero…”Huminga siya ng malalim, itinaas ang tingin kay Conrad, at pinilit ngiti na sa tingin niya ay matamis, “Asawa, dahil kasama mo na ako.”Ang kanyang malalalim na itim na mata ay kumikislap sa liwanag ng kandila. Tinitingnan niya siya nang seryoso, “Mula ngayon, bawat taon, ipagdiriwang ko ang kaarawan mo, para ipagdiwang ang pagtanda mo bawat taon.”Hindi maikakaila, nang makita niya ang ngiti ni Mandy na parang bulaklak, bahagyang nawala ang lamig sa puso niya. At ang mga susunod na salita niya ay parang isang lambing na tela na bumalot sa kanyang puso nang buo.Sa ilalim ng itim na panyo, nagningning ang tingin ng lalaki, “Pero ayokong magdiwang ng kaarawan.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status