Share

CHAPTER 6

Author: Thousand Reliefs
Ang hangin sa loob ng mansyon ay biglang naging mabigat.

Isang sulyap lang ni Conrad sa mga bote ng gamot sa mesa ay nagdulot ng lamig sa kanyang mga mata. “So, ginagawa mo ito para sa akin? Mukhang nagkamali ako ng akala sayo.”

Hindi naman tanga si Mandy. Ramdam niyang may halong panunuya ang tono at tingin ni Conrad.

Walang sabi-sabing sumenyas ang lalaki at tinawag ang butler gamit ang isang kumpas ng kamay. Agad na lumapit ang butler at kinuha ang mga bote ng gamot.

Medyo kinakabahan si Mandy. “Bakit mo pinakuha ang gamot? Ayaw mo ba itong inumin?”

Pakiramdam niya ay hindi ito masaya sa nakita.

Ngumiti si Conrad nang bahagya, pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. “Kumain ka muna.”

Malamig at mababa ang boses nito, na parang nagpalamig pa lalo sa paligid. Mukhang talagang galit siya. Kinuyom ni Mandy ang kanyang mga daliri sa kaba.

Kakalipas lang ng dalawang araw mula nang sila ay ikasal, tama ba na bigyan niya agad ito ng gamot? Baka iniisip ni Conrad na binigyan niya siya ng gamot dahil sa kapansanan niya?

Naalala niya bigla ang sinabi ni Ronnie kanina, “Ang mga may kapansanan ay may mababang self-esteem.”

Hindi niya napigilan ang sarili na sumbatan si Ronnie sa isip niya. Kung alam niyang sensitibo ang mga may kapansanan, bakit pa siya nag-abala na ibigay ang gamot sa ganitong timing?

Pero kasalanan din niya. Dapat naisip niya ito bago pa man siya kumilos.

“Kumain ka.”

Dalawang malamig na salita ang lumabas mula kay Conrad.

Agad na kinuha ni Mandy ang kanyang kutsara at mahinahong kumain.

Kinain niya ang hapunan na may halong kaba at bigat sa dibdib.

Pagkatapos kumain, lumapit sa kanya ang butler. “Ma’am, tumawag lang po si Sir Colton. Iniimbitahan niya kayong mag-asawa na dumaan mamayang gabi para sabay na maghapunan. Susunduin na lang po kayo ng driver pagkatapos ng klase niyo, kaya huwag ho sana kayong magpunta kahit saan.”

“Okay.” Magalang na ngumiti si Mandy. “Wala naman po talaga akong ibang plano ngayong gabi.” Sa tuwing ngumingiti siya, nagiging maliwanag at kaakit-akit ang kanyang mukha. Wala itong bahid ng panlilinlang.

Pagkatapos magsalita, kinuha niya ang kanyang bag at kumaway kay Conrad. “Aalis na ako!”

Nang tuluyang mawala si Mandy sa paningin niya, saka lamang lumapit ang butler kay Conrad. “Ipinadala na po sa laboratory ang gamot para sa pagsusuri. Malapit na pong lumabas ang resulta.”

Matapos ang ulat, hindi napigilan ng butler ang sarili na magkomento, “Sa tingin ko po, hindi naman mukhang mapanlinlang si Ma’am Mandy.”

Malamig na tumingin si Conrad sa direksyon kung saan nawala si Mandy. “Ipa-imbestiga mo ang doktor na nag-imbita sa kanya para kumain.”

Nag-aalalangng nag-atubili ang butler. “Sir, ayon po sa driver, ang gamot po ay mula sa kaibigan ni Ma’am. Sa tingin ko po, mas kaduda-duda ang kaibigan niya—”

Hindi pa siya tapos magsalita nang maramdaman niya ang malamig at mabigat na presensya ni Conrad, dahilan para maputol ang kanyang sasabihin.

Bahagyang ngumiti si Conrad, pero may halong panunuya. “Gusto ko lang malaman kung sino ang nag-anyaya sa asawa ko para kumain. May problema ba ro’n?”

“Wa-wala pong problema!”

*****

Pagkatapos ng klase, kakalabas pa lang ni Mandy sa paaralan nang mapansin niya ang driver na naghihintay sa may gate.

Sa hindi kalayuan, isang napakagarang Rolls-Royce ang nakaparada. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa driver. “Bilisan natin!”

Kung may makakita sa kanya na sumasakay sa ganoong mamahaling kotse, tiyak na kung anu-anong tsismis ang kakalat sa buong eskwelahan!

Pero mukhang malas siya ngayon.

Habang sumasakay siya sa sasakyan, tumama ang tingin niya sa labas ng bintana—at doon niya nakita ang kanyang kaklase na si Wendy, na nakatulala sa gulat.

Patay…

Parang gumuho ang mundo ni Mandy.

Si Wendy ang pinakamalakas magpakalat ng balita sa buong paaralan. Kapag may nalaman siya, siguradong buong eskwelahan ang makakarinig nito bago pa sumapit ang kinabukasan!

“Umupo ka nang maayos.”

Habang nag-iisip siya ng paraan para makontrol ang sitwasyon, biglang niyang narinig ang malamig na boses ng isang lalaki mula sa likuran.

Nanigas ang katawan niya at agad siyang lumingon.

Sa likod ng sasakyan, nakaupo si Conrad na parang isang yelo na hindi natutunaw, at may suot na itim na eye-mask.

Napatitig siya rito sa gulat. “Bakit ka nandito?”

Nagtaka siya saglit. Hindi ba’t ang driver lang ang dapat sumundo sa kanya para pumunta sa hapunan kasama ang lolo nito?

“Nadaanan lang kita.”

Nakasandal ito sa upuang gawa sa leather, at walang emosyon na binigkas ang dalawang salitang iyon. Mukhang hindi pa rin siya natutuwa mula sa nangyari kaninang tanghali.

Medyo nainis si Mandy at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Makalipas ang ilang sandali, may napansin siyang mali. Hindi ito ang daan papunta kina Lolo Colton. Pabalik sila ngayon sa mansyon.

Kumunot ang noo niya. “Hindi ba dapat pupunta tayo kina Lolo mo?”

Mula sa tabi niya, malamig na sumagot si Conrad, “Pupunta ka ro’n nang ganyan ang suot mo?”

Doon niya lang napansin ang sarili niyang kasuotan—isang kupas na maong at isang puting T-shirt na may nakasulat na malalaking itim na letra:

*Kaming mga Diyosa, Walang Puso.*

Oh no! Mukhang hindi nga ito tamang bihis para humarap sa mga nakakatanda.

Pero naningkit ang mga mata ni Mandy na tiningnan siya,

“At papaano mo nalaman kung ano ang suot ko?”

Hindi ba’t bulag siya?

Bahagyang lumabas ang isang malamig na ngisi mula kay Conrad. “Hindi ko talaga maintindihan ang panlasa mo sa pananamit.”

Walang nasabi si Mandy at natulala. Kahit gaano pa siya kakalmado, kung palagi na lang siyang binabara nito, natural lang na hindi siya matuwa!

Kaya naman, sinamaan siya ng tingin ni Mandy. At dahil naisip niyang hindi naman siya nito makikita, dumoble pa ang pagsimangot niya rito.

Matapos ilabas ang inis, tumikom na lang ang kanyang labi at muling tumingin sa labas ng bintana. “Kung gusto mo lang akong pauwiin para magpalit ng damit, sana hinintay mo na lang ako sa bahay. Bakit sumama ka pa?”

Isa pa, bulag naman siya. Hindi ba mas mahirap para sa kanya ang lumabas?

Bahagyang napangisi si Conrad at malamig na tumawag, “Gregory.” Tawag niya.

Biglang bumaba ang divider sa gitna ng sasakyan, hinahati ito sa dalawang saradong espasyo.

Sa mahinhing kilos, kinuha ni Conrad ang isang dokumento at iniabot ito kay Mandy. “Tingnan mo.”

Wala siyang ideya kung ano iyon, pero binuksan niya pa rin.

Isang laboratory test report. Ang mga boteng sinuri ay walang mga label at naalala niya ang mga gamot na ipinadala ni Ronnie kaninang tanghali.

Nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na ipinadala ni Conrad sa laboratoryo ang mga gamot na ibinigay sa kanya.

Ngunit, sa ilang sandali, napagtanto niyang hindi naman mali ang ginawa nito. Dahil mahina ang katawan ng asawa, hindi ito basta-bastang uminom ng kung anong gamot lang. Paano kung may allergy siya?

Talaga namang masyadong maingat ang mayayaman!

Iniisip iyon, diretso niyang tiningnan ang resulta ng pagsusuri.

“Uhm—”

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

[The drugs identified as specifically treating male reproductive system diseases include impotence, premature ejaculation and other problems.]

Napanganga si Mandy sa nabasa. Anong kalokohan ‘to?!

Napasinghap siya at sa sobrang gulat, nabitawan ang papel, sabay laglag nito sa carpet.

Kasabay nito, narinig niya ang mababa ngunit mapanganib na tinig ng lalaki. “Tingin mo ba mayroon din akong deperensya sa bagay na iyon?"

“H-hindi, hindi sa ganoon ang ibig kong sabihin! Hindi ‘yon ang iniisip ko!”

Hindi na siya makabuo ng maayos na pangungusap sa sobrang pagkahiya.

Nang ibigay ni Ronnie ang mga gamot sa kanya, ang sabi nito ay pampalakas lang iyon ng mata. Kaibigan niya si Ronnie, kaya hindi niya man lang naisip na may kalokohan itong ginagawa sa kanya.

Kung alam lang niyang ganito pala ang gamit ng mga gamot na iyon, kahit kailan ay hindi niya iyon dadalhin kay Conrad.

Sa isang iglap, inabot siya ng mahaba at matipunong braso ng lalaki at hinila siya paupo sa kandungan nito.

Nabalot siya ng mapanganib ngunit nakakaakit na presensya nito. Namula nang husto ang kanyang mukha. “Umm…”

Bahagyang hinawakan ni Conrad ang kanyang baba at malamig na ngumiti. “Mukhang hindi ka nasisiyahan sa ating unang gabi bilang mag-asawa, Mandy.”

Hinapitan pa niya ang baba ni Mandy, at marahang binitiwan ang mga salitang may bahid ng panunuya. “Ikalawang araw pa lang ng kasal natin, pumunta ka na agad sa ospital para kumuha ng mga gamot na ito para sa akin. Talagang pinag-isipan mong mabuti ito, ha?”

Ang itim na telang nakatakip sa kanyang mga mata ay lalong nagbigay sa kanya ng mapanuksong alindog.

Hindi makatingin ng diretso si Mandy sa kanya, kaya iniwas niya ang tingin. “Hindi… hindi ko alam na ganyan pala ang bisa ng gamot na ‘yan!”

“Akala ko pampalakas lang ng…”

“Mmhh—”

Bago pa niya matapos ang kanyang paliwanag, bigla siyang natahimik.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 50

    Natatakot si Bruno na sabihin sa kanyang inang si Leticia na si Mandy ang dahilan ng pananakit sa kanya. Kitang-kita kung gaano siya kaingat sa kilos at salita. Sa mismong sandali ng kanyang pagtalikod, sinadyang ngumiti si Mandy sa pinsan.Agad namang nanginig ang mga kamay ni Bruno, at natapon pa niya ang hawak niyang mainit na lugaw."Nasaan na ang pera?"Pagkalabas nila ng kwarto, hindi man lang itinago ni Leticia ang kanyang inis kay Mandy. "Bilisan mo, ibigay mo na."Wala nang nagawa si Mandy kundi iabot sa kanya ang sobre na may lamang labindalawang libong piso. "Tita Leticia, siguraduhin mong tutuparin mo ang pangako mo."Napairap si Leticia. "Basta siguraduhin mong palagi kang may dalang pera, hindi ako magsasalita sa lola mo!"Pagkasabi nito, lihim pa niyang sinulyapan si Mandy nang may panunuya.Akalain mo, nakapag-asawa na nga ng mayaman, pero ganito pa rin kung maglabas ng pera—parang ayaw maubusan, naisip ni Leticia.Matapos maibigay ang pera, wala nang dahilan pa si Mand

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 49

    ”Nag-aalala…” Napahikab si Mandy at muntik nang mabanggit ang tungkol kay Leticia, pero bigla siyang natauhan at agad na tinikom ang bibig.Sinabi ng kanyang lohika na hindi niya dapat ipaalam ito kay Conrad. Kung sasabihin niya na iniisip niya ang tungkol sa pera, hindi ba't parang humihingi na rin siya ng tulong sa kanya?Kaya't mabilis siyang ngumiti at idinaan sa biro. “Nag-aalala lang ako sa exam ko sa Physics ngayong araw. Hindi ko kasi talaga forte ang Physics.”Habang sinasabi niya ito, bahagyang nanginig ang kanyang mga pilikmata at halatang hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang paningin.Bahagyang kumunot ang noo ni Conrad, pero hindi niya siya pinasinungalingan. “Kung talagang nag-aalala ka, bakit hindi ka na lang mag-review nang maayos?”Saglit na nag-isip si Mandy bago tumango. “Pwede ba akong umuwi nang mas gabi matapos ang klase?”“Huwag mo nang papuntahan si Kuya Greg para sunduin ako. Pupunta ako sa library para mag-aral, tapos sasakay na lang ako ng bus pauw

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 48

    "Bukas, dadalhin ko mismo sa ospital ang pera."Muling huminga nang malalim si Mandy. "Tita, ipadala mo na lang sa akin ang address mamaya."Matapos ibaba ang tawag, napasandal siya sa malaking puno sa hardin at malalim na huminga, pilit na pinakakalma ang sarili.Diyos ko, ilang brain cells ba ang namatay sa kanya habang nakikipag-usap kay Leticia? Isa sa pinakamalaking kahinaan niya ay ang hindi niya agad nasusundan ang sitwasyon.Halimbawa, kapag may nakipagtalo sa kanya at pinagsabihan siya ng masasakit na salita, hindi siya kaagad makakahanap ng isasagot. Pero kapag nakaalis na ang taong iyon, saka lang niya marerealisa kung paano siya dapat sumagot o lumaban.Dahil ilang beses na itong nangyari, napagtanto rin niya sa wakas na hindi siya bagay sa pakikipagtalo o pakikipagtagisan ng talino. Kaya mas pinipili na lang niyang umiwas sa gulo kaysa harapin ito.Ang mga salitang binitiwan niya kanina kay Leticia sa tawag ay ilang araw niyang pinag-isipan habang patuloy niyang tinatanggi

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 47

    “Tatlong araw pa lang na-confine si Bruno, paano aabot agad sa ganitong kalaking halaga?”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang may halong pang-uuyam na boses ni Leticia. “Bakit hindi aabot ng ganoong halaga? Ang anak kong si Bruno ay napuruhan nang husto…”Hindi pa siya tapos magsalita nang tila napagtanto niyang kahiya-hiya ang usapan, kaya mabilis siyang napalunok at iniba ang paksa. “Basta ang mahalaga, malubha ang natamo niyang pinsala.”Biglang natigil ang boses ni Leticia. “Paano mo nalaman na tatlong araw nang naka-confine si Bruno?”Ang anak niyang si Bruno ay nasangkot sa matinding gulo at halos mawalan ng malay dahil sa bugbog na natamo nito. Halos ikahiya na niya ang nangyari, kaya kahit sa sarili niyang kapatid na si Manuel ay hindi niya ito ipinaalam.Bukod pa roon, nitong mga nagdaang araw ay hindi naman sinasagot ni Mandy ang mga tawag niya, kaya ito ang unang beses na napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaospital ni Bruno.Kaya paano nagawa ni Mandy na siguruhin n

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 46

    "Kung gusto mong makita si Lola, pumunta ka na lang mag-isa. Huwag mo nang isama ang asawa mo."Dahan-dahang lumubog ang puso ni Mandy sa kawalan. Pinilit niyang ibaba ang kanyang boses. "Naiintindihan ko."Katatapos pa lang niyang ibaba ang tawag kay Tito Manuel nang biglang tumunog muli ang kanyang telepono—si Tita Leticia naman ang tumatawag.Sa loob lamang ng ilang araw, ito na ang ika-animnapung beses na tinawagan siya ni Tita Leticia.Napakalaki ng paaralang pinapasukan ni Mandy kaya hindi siya mahanap ng kanyang tiyahin. Hindi rin nito alam kung saan siya nakatira, kaya ang tanging nagawa nito ay tawagan siya nang paulit-ulit araw-araw.Ibinalik ni Mandy ang cellphone sa mesa at tumitig sa screen. Nakikita niya ang pangalang Tita Leticia na kumikislap sa display at agad siyang nakaramdam ng matinding inis at pagkalito.Matagal siyang hindi kumilos hanggang sa tumigil ang pag-vibrate ng phone, ngunit biglang may pumasok na isang text message.Mula ito kay Tita Leticia.Mandy, ala

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 45

    Abala si Mandy sa kusina sa loob ng isa’t kalahating oras.Matapos ilagay sa hapag ang huling putahe para sa gabing iyon, sinuri niya ang kanyang mga nilutong pagkain at napangiti sa tuwa. Agad siyang tumakbo papunta kay Conrad at masiglang nagtanong, “Tapos na ako! Gusto mo bang kumain na ngayon o mamaya pa?”Narinig ni Conrad ang matamis at malambing na tinig ng babae, kaya’t bahagyang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. “Ngayon na.”“P'wede, ihahatid na kita sa hapag-kainan.”Ramdam ang pananabik sa tinig ni Mandy habang itinulak niya ang wheelchair ni Conrad. “Ginawa ko ang pinaka-espesyal kong mga putahe ngayong gabi. Subukan mo kung magugustuhan mo! Sabihin mo lang kung alin ang pinakapaborito mo, at araw-araw kitang ipagluluto ng ganito.”Habang nag-uusap sila, naihatid na niya ito sa hapag-kainan.Matapos ihanda ang lahat, masiglang iniabot ni Mandy ang chopsticks kay Conrad ngunit agad ding napaisip at napatigil. “Ay, nakalimutan ko… hindi mo pala nakikita. Paano kaya… gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status