Share

CHAPTER 7

Author: Thousand Reliefs
Bago pa man nakaisip ng paliwanag si Mandy, biglang dumampi ang manipis ngunit mapangahas na labi ni Conrad sa kanya.

Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Mandy, ikinulong ito sa kanyang bisig at walang awa siyang hinalikan.

Nilamon siya ng malamig nitong hininga at naging dahilan bakit siya nakaramdam ng pagkahilo. Parang hinigop nito ang kanyang kaluluwa sa paraan ng kanyang paghalik.

Pagkalipas ng ilang saglit, binitiwan siya ni Conrad at may mapanuksong ngiti sa labi. “Mandy, ganito ba ang gusto mong kasagutan?”

Nanginig siya at nagdulot ito ng pagkagulo sa kanyang puso't isipan. Pilít din siyang nagpumiglas mula sa bisig nito, ngunit lalo lamang siya nitong hinigpitan.

Napakaliit na lang ng pagitan nilang dalawa—isa itong delikadong sitwasyon. Patuloy ang pagpupumiglas ni Mandy, pero hindi niya kayang talunin ang lakas ni Conrad.

Hanggang sa tuluyan nang naubos ang kanyang lakas.

Napangiwi siya at nainis. “Bakit ba ang lakas-lakas mo?”

Bago sila ikasal, paulit-ulit siyang pinaalalahanan ni Lolo Colton na mahina raw ang pangangatawan ni Conrad at dapat niya itong alagaan ng mabuti.

Dahil doon, inakala niyang kasinghina ito ng isang matandang may sakit. Pero ngayon, habang nakatitig siya sa malalaking kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa kanyang beywang, ramdam niyang malakas ang panggangatawan nito. Hindi niya ito kayang tapatan. Nakasimangot siyang parang batang may kaalitan.

Ngumiti si Conrad at inayos ang posisyon niya sa kandungan nito, hinayaan siyang umupo ng mas maayos. “Bulag lang ako, Mandy, pero malusog ang ibang bahagi ng katawan ko.”

Paglapit niya, mapanuksong bumulong siya sa tainga ng babae, gamit ang mababa at nakakalibog na tinig. “Kasama na ang ibabang bahaging ‘yon. Gusto mo bang subukan ngayon?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mandy.

Namula siya nang husto at mabilis na umiling. “H-hindi! Ayoko!”

Ngunit lalong lumakas ang kapilyuhan ni Conrad, dahan-dahang kinagat ang malambot na tainga niya. “Ayaw mo?”

“Hindi ba’t sinabi mo noon na gusto mo akong bigyan ng anak?”

“Ah..o-oo naman! Pero hindi ngayon! Hindi pa ako handa!”

Sa sobrang kaba, hindi na niya alam ang mga pinagsasabi niya.

Hindi niya mahulaan ang ugali ng lalaking ito, at natatakot siyang gawin nito ang gusto dito mismo sa loob ng sasakyan.

“Kahit anong mangyari…huwag lang dito.”

Wala sinabi si Conrad, ngunit ang titig nito sa kanya ay puno ng panganib at pang-aangkin.

Natakot lalo si Mandy sa paraan ng pagtitig ng asawa. Parang kahit anong oras, kaya siya nitong....

Napatingin siya rito na parang isang takot na kuting, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “H-hindi pwede…”

Bahagyang tinaas ni Conrad ang kilay, pero nanatiling kalmado ang tinig. “Sigurado ka?”

“Uhmm…”

Nanginginig ang boses ni Mandy, at halos maiyak na. “Asawa kita… at kung anuman ang gusto mong gawin sa akin… wala akong tutol. Pero....huwag dito sa sasakyan.”

“May driver pa! Nakakahiya!”

Sa kaloob-looban niya, konserbatibong babae pa rin siya. Hindi niya kayang tanggapin ang ganitong…matinding eksena.

Muling ngumiti si Conrad, malalim at puno ng pananabik. “Pwede kong palabasin ang driver.”

“Hindi pa rin…hindi pa rin pwede. Ang dami nang aksidenteng nauuwi sa trahedya dahil sa ganitong klaseng sitwasyon…”

Maingat siyang nagsalita, sinusubukang pakiramdaman ang kanyang asawa. “Pwede naman natin gawin sa kama… sa kwarto natin sa bahay.” Suhestiyon ni Mandy.

“O… kung ayaw mo naman sa kama… pwede rin naman sa sahig.”

Napatawa ang lalaki sa sinabi niya. “Pero hindi ba’t iniisip mong may problema ako sa ganung bagay?”

“HINDI! Wala! Wala talaga!”

Mabilis na umiling si Mandy at mariing tumango. “Ako ang nagkamali! Hindi talaga para sa’yo ang gamot na ‘yon!”

“Hindi para sa’kin?”

May bahagyang ngiti sa labi ni Conrad. “Kung ganun… para kanino ang gamot na ‘to, Mandy?”

Wala tuloy masagot si Mandy. Mas lalong naging malabo ang mga sinasabi niya.

Sa sobrang taranta, wala na siyang ibang maisip kundi mag-imbento. “Para sa kaibigan kong si Ronnie! Yung boyfriend niya… m-may problema sa ari, kaya bumili siya ng gamot sa ospital. Nagkamali lang ako ng bigay!”

Kung nagawa ni Ronnie na ipahamak siya, magagawa rin niyang ipasa sa kanya ang sisi!

Napakagaling niyang magkunwaring seryoso habang nagsisinungaling, kaya naman lumitaw ang bahagyang tuwa sa maamong mukha ni Conrad.

Nang maramdaman niyang lumambot na ang mood nito, agad niyang hinawakan ang braso ng asawa at marahang niyugyog. “Talagang nagkamali lang ako ng bigay! Paano ko naman iisipin na may problema ang asawa ko, hmm?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 100

    Talaga namang siya ang nasa profile sheet. Pero hindi siya ang Suarez na presidente ng kumpanya!Sa likod niya, nagbabantay pa rin ang guro.Kaya si Mandy ay napilitan nang tingnan si Assistant Brooke at ang mga naka-itim na lalaki sa likod niya. “Sinasabi n’yo ba na ako ang Boss ng Suarez Group?”“Tama po,” sagot ni Brooke.“Eh… makikinig ba kayo sa mga sasabihin ko?”“Opo, makikinig po kami,” sagot niya nang sabay-sabay ang grupo.Hinarap ni Mandy ang masakit niyang noo at hinaplos ito. “Sige, sige, lakad na tayo, palabas.”Kaya muling nag-ayos ang mga naka-itim at sumunod kay Mandy at kay Brooke, dahan-dahan na humakbang.Naglakad si Mandy kasama ang buong grupo sa loob ng campus, at hindi maalis sa mga mata ng mga tao. Talaga ngang parang isang lider na nag-iinspeksyon.Naglakas loob siyang patnubayan ang grupo sa maliit na hardin sa likod ng paaralan. Sigurado na wala nang ibang tao sa paligid, huminga siya ng malalim at umupo sa isang bato.Harap niya, isang hanay ng matataas at

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 99

    Halos mahulog si Mandy sa kinauupuan sa sorabng pagtawa. “Ronnie, huwag mo akong patawanin.”“Kung totoo nga ‘yan, ang saya siguro, pero… imposible ‘yan.”Paano naman? Ang pamilya ni Wendy ay isa sa mga malalaking kumpanya na madalas sa telebisyon. Paano posible na dahil lang sa away nina Wendy at Mandy, maaapektuhan ang buong kumpanya?Alam naman ni Ronnie na hindi ito mangyayari, pero napilipit pa rin siya ng labi. “Pero dapat may pangarap, di ba? Baka sakaling matupad.”Ngumiti si Mandy, kinuha ang makapal na notes mula sa kanyang bag at sinimulang aralin. “Wala pa akong malaking pangarap ngayon. Ang gusto ko lang, makakuha ng mataas na marka sa midterm exam sa calculus mamaya.”“Aba!”Ibinaba ni Ronnie ang kanyang tasa ng kape. Nakalimutan niya, may midterm pala sa calculus ngayong araw!“Mandy, pahiram nga ng notes mo. Gagawa lang ako ng konting pandaraya,” sabi niya.Napalingon si Mandy at naka-krus ang mga braso. “Hindi pwede!”Kinuha niya ang calculus textbook. “Bibigyan nalang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 98

    Habang iniisip niya ito, lalo pang tumitibok ang puso ni Mandy sa tuwa. Hinayaan siya ni Conrad na yakapin siya. Isang pusong matagal nang natabunan ng lamig ang unti-unting napainit at napalambot ng init ng kanyang damdamin.Matapos ang ilang sandali, pinakawalan siya ni Conrad. “Gusto mo pa bang kumain ng steak?”Kung tama ang pagkakaalala niya, bukod sa kaunting natirang cake kanina, wala pa talagang nakain si Mandy ngayong gabi.Namula ang mukha niya. “Sige, kumain na tayo kahit kaunti lang.”Tunay ngang gutom na siya. Tumayo si Conrad at dahan-dahang lumapit sa mesa, dinala ang hiniwang steak na inihanda niya.Nang handa na sanang kunin ni Mandy ang plato, kinuha ni Conrad ang tinidor at inihain ang isang piraso ng steak sa kanyang bibig. “Buksan mo ang bibig mo.”Nagulat si Mandy at hindi makapaniwala. Pinapakain ba siya ng asawa?“Hindi… kaya ko naman mag-isa,” mahinang sabi niya.Ngunit mariing sumagot si Conrad, “Buksan mo.”Sumunod si Mandy at mabining binuksan ang b

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 97

    Nang makita ni Conrad ang nalulungkot na mukha ni Mandy, diretso niya itong inakay at pinatong sa sofa.Mabilis na pinindot ng lalaki ang switch ng wall lamp, hinanap ang first aid kit, at bumalik sa tabi niya.Nanlaki ang mga mata ni Mandy sa pagkabigla habang pinagmamasdan si Conrad.Hindi ba siya bulag? Bakit niya pinailaw ang ilaw?Paano niya nalaman kung nasaan ang switch?Bakit… kaya niyang maglakad nang hindi naguguluhan at eksaktong mahanap ang first aid kit?Habang nalilito siya sa pag-iisip, nakabalik na si Conrad sa kanyang tabi.Kumakalam na ang kanyang kamay na may dugo, dahan-dahang pinipisil ng lalaki ang kamay ni Mandy habang nililinis ang dugo gamit ang cotton swab. Kasabay nito, may bahagyang tono ng pagsaway sa kanyang boses, “Paano mo nagawa na maghiwa ng kamay mo?”Dati, madalas itong magluto. Bihasa itong maghiwa kaya bakit niya nasaktan ang sarili?Napakagat ng mga labi ni Mandy at bahagyang nahihiya, “Pinikit ko lang ang mga mata ko kanina…” Napahinto si Conrad

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 96

    Nang makita niyang handa na si Conrad ihipan ang kandila, hindi nakalimot si Mandy na muli siyang paalalahanan, “Huwag kalimutang humiling ng wish!”Noon, kapag kaarawan ng kanyang lola, lagi siyang ganitong masigasig na nagpapaalala.Ang mahigpit na nakapikit na mga labi ni Conrad ay unti-unting ngumiti.Naglaho ang liwanag ng kandila sa cake.Habang inaalis ni Mandy ang mga natirang kandila at hinihiwa ang cake, tanong niya, “Nakagawa ka na ba ng wish?”Tahimik siyang tinitingnan ni Conrad. “Siguro, oo.”Sa likod ng itim na panyo sa kanyang mata, hindi alam ni Mandy na tinitingnan siya ni Conrad.Nakatalikod siya habang hinihiwa ang cake.“Ang wish ko… sana maging mas matalino ka sa hinaharap.”Mababa at kalmado ang boses ni Conrad.Tumigil sandali si Mandy, at medyo napaluha sa sarili. Hinila niya ang isang piraso ng cake gamit ang tinidor at dahan-dahang inilapit sa bibig ni Conrad. “Kapag sinabi mo ang wish, hindi na ito matutupad.”Ngumiti si Conrad ng bahagya habang kinakain ang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 95

    Walang ilaw sa dining room, tanging ang mga kandila lang ang nagbigay ng mahinang liwanag.Hindi sinasadyang hinawakan ni Mandy ang laylayan ng kanyang lace na damit, at medyo nanginginig ang boses niya, pero ramdam pa rin ang kanyang karaniwang determinasyon at tapang, “Alam ko na dati hindi ka nagdiriwang ng kaarawan.”“Pero…”Huminga siya ng malalim, itinaas ang tingin kay Conrad, at pinilit ngiti na sa tingin niya ay matamis, “Asawa, dahil kasama mo na ako.”Ang kanyang malalalim na itim na mata ay kumikislap sa liwanag ng kandila. Tinitingnan niya siya nang seryoso, “Mula ngayon, bawat taon, ipagdiriwang ko ang kaarawan mo, para ipagdiwang ang pagtanda mo bawat taon.”Hindi maikakaila, nang makita niya ang ngiti ni Mandy na parang bulaklak, bahagyang nawala ang lamig sa puso niya. At ang mga susunod na salita niya ay parang isang lambing na tela na bumalot sa kanyang puso nang buo.Sa ilalim ng itim na panyo, nagningning ang tingin ng lalaki, “Pero ayokong magdiwang ng kaarawan.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status