Share

CHAPTER 8

Author: Thousand Reliefs
Ang kanyang boses ay matamis at malambing, pero parang may halong poot. Sa oras na iyon, huminto ang sasakyan.

Sa malamig ngunit banayad na tinig, sinabi ni Conrad, “Mayroon kang tatlumpung minuto para magpalit ng damit.”

Bagaman mababa pa rin ang kanyang boses, naramdaman ni Mandy ang bahagyang kasiyahan dito. Mukhang hindi na siya galit.

Mabilis siyang bumaba mula sa kandungan nito at tumakbo papalabas ng sasakyan.

Ngunit bago pa siya makapasok sa bahay, bigla siyang napahinto at lumingon pabalik. “Hindi ka ba bababa?”

Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ni Conrad. “Itatanong ba ni misis kung bababa ako… dahil gusto niyang ituloy natin sa kwarto ang nangyari kanina?”

Sa sandaling marinig ito, para siyang kidlat na mabilis na tumakbo papasok ng bahay!

Tinitigan ni Conrad ang kanyang masiglang likuran habang umaakyat siya sa hagdan ng mansyon. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa kanyang batok at ngumiti nang bahagya.

*****

Sa loob ng dressing room, inabot ng sampung minuto bago nagkasundo sina Mandy at Anita kung ano ang dapat niyang isuot. Sa wakas, pumili sila ng isang eleganteng baby pink na cocktail dress.

Matapos magbihis, maingat pang inayusan ni Anita ang kanyang mukha upang bumagay ito sa kanyang kasuotan. Bukod sa kasal niya kahapon, ito ang unang pagkakataong nagsuot siya ng ganitong klaseng damit at nag-ayos nang bongga.

Tuwang-tuwa siyang lumingon sa salamin at pinaikot ang saya. Para tuloy siyang isang buhay na manika!

Napangiti si Cecelia sa kanya. “Madame, malapit na ang tatlumpung minuto.”

Napabalik sa reyalidad si Mandy at agad na kinuha ang kanyang handbag. Mahirap pang maglakad nang matuwid dahil sa suot niyang pitong sentimetrong takong, kaya dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng bahay.

Dala ng pagkasabik, pagkapasok pa lang niya sa sasakyan ay gusto na niyang ipagyabang ang kanyang itsura kay Conrad. Ngunit nang mapatingin siya sa lalaking nakasuot ng itim na piring sa mga mata… bigla siyang natahimik.

Hindi naman ito makikita ni Conrad. Kahit gaano pa siya kaganda ngayon, hindi rin naman ito makikita ng asawa, kaya ano pang silbi??

At mas lalong hindi siya pupurihin nito.

Bahagyang nalungkot si Mandy at pinagdikit ang kanyang mga labi. “P’wede na tayong umalis.”

Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Conrad sa kanya.

“Mag-drive ka na, Greg.” Utos niya sa driver.

At muling gumalaw ang sasakyan.

“Magaling pumili si Anita ng damit,” ani ni Mandy sa mababang tinig na tila mas banayad kaysa dati.

“Sigurado akong maganda ka ngayon.”

Parang biglang nagliwanag ang buong mundo ni Mandy sa pagpuri ng lalaki.

“Tama, tama! Ang galing talaga ni Anita na pumili ng damit!”

Punong-puno ng sigla niyang ilarawan kung gaano kaganda ang kanyang kasuotan. Kasabay nito, hinawakan niya ang kamay ng lalaki at dinala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

“Dito may ribbon! Nararamdaman mo ba? Ang ganda, 'di ba? Dito naman, may fitted na design sa baywang. Hawakan mo, sobrang flattering sa katawan ko, parang mas payat ako tingnan!”

Habang patuloy siya sa kanyang paglalahad, mas lalong naging masigla ang kanyang mga mata. Minsan, nadadampian ng kamay ni Conrad ang kanyang makinis na balat, ngunit hindi man lang siya nag-atubili—patuloy pa rin siya sa kanyang masayang kuwento.

Pinagmasdan siya ni Conrad habang nagkukuwento, at hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya. ‘She's such a silly girl.’ Isip niya.

Nang halos matuyo na ang kanyang lalamunan sa kakasalita, huminto na ang sasakyan. Mabilis na bumaba ang driver, binuksan ang pinto, at inayos ang isang natitiklop na wheelchair. Maingat nitong inalalayan si Conrad upang makaupo.

Nanlaki ang mga mata ni Mandy nang makita ang engrandeng mansyon sa harapan nila.

“Conrad, anong nakain mo at nagawa mong bumisita sa lumang bahay? Ay, oo nga pala!”

Isang malakas at mapanuksong boses ng lalaki ang pumailanlang.

“Nakalimutan ko, kahapon ka pala ikinasal. Dinala mo ba ang misis mo para ipakilala kay Lolo Colton?”

Napakunot-noo si Mandy at sinundan ang direksyon ng boses.

Sa may pintuan ng lumang mansyon, may isang lalaking nakasuot ng itim na damit. Naka-krus ang braso nito, may nakakalokong ngiti sa labi habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Nang masulyapan siya ni Mandy, agad din siyang tumingin pabalik sa kanya ang lalaki. Nagtagpo ang kanilang paningin. At walang babala, biglang ipinikit nito ang isang mata at kumindat sa kanya!

Biglang nangilabot si Mandy.

Naalala niya ang mukhang ito mula sa family portrait ng mga Laurier.

Siya si Connor Laurier, ang pinsan ni Conrad mula sa pamilya ng kanyang tiyuhin. Sa itsura nito, mukha naman itong matinong tao pero mukha ring manyak.

Habang papalapit si Connor, hindi ito nag-atubiling tingnan siya mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang malagkit na tingin.

“Hindi ko akalaing ganito kaganda ang sister-in-law ko,” aniya, hindi na itinago ang pagiging manyak.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 100

    Talaga namang siya ang nasa profile sheet. Pero hindi siya ang Suarez na presidente ng kumpanya!Sa likod niya, nagbabantay pa rin ang guro.Kaya si Mandy ay napilitan nang tingnan si Assistant Brooke at ang mga naka-itim na lalaki sa likod niya. “Sinasabi n’yo ba na ako ang Boss ng Suarez Group?”“Tama po,” sagot ni Brooke.“Eh… makikinig ba kayo sa mga sasabihin ko?”“Opo, makikinig po kami,” sagot niya nang sabay-sabay ang grupo.Hinarap ni Mandy ang masakit niyang noo at hinaplos ito. “Sige, sige, lakad na tayo, palabas.”Kaya muling nag-ayos ang mga naka-itim at sumunod kay Mandy at kay Brooke, dahan-dahan na humakbang.Naglakad si Mandy kasama ang buong grupo sa loob ng campus, at hindi maalis sa mga mata ng mga tao. Talaga ngang parang isang lider na nag-iinspeksyon.Naglakas loob siyang patnubayan ang grupo sa maliit na hardin sa likod ng paaralan. Sigurado na wala nang ibang tao sa paligid, huminga siya ng malalim at umupo sa isang bato.Harap niya, isang hanay ng matataas at

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 99

    Halos mahulog si Mandy sa kinauupuan sa sorabng pagtawa. “Ronnie, huwag mo akong patawanin.”“Kung totoo nga ‘yan, ang saya siguro, pero… imposible ‘yan.”Paano naman? Ang pamilya ni Wendy ay isa sa mga malalaking kumpanya na madalas sa telebisyon. Paano posible na dahil lang sa away nina Wendy at Mandy, maaapektuhan ang buong kumpanya?Alam naman ni Ronnie na hindi ito mangyayari, pero napilipit pa rin siya ng labi. “Pero dapat may pangarap, di ba? Baka sakaling matupad.”Ngumiti si Mandy, kinuha ang makapal na notes mula sa kanyang bag at sinimulang aralin. “Wala pa akong malaking pangarap ngayon. Ang gusto ko lang, makakuha ng mataas na marka sa midterm exam sa calculus mamaya.”“Aba!”Ibinaba ni Ronnie ang kanyang tasa ng kape. Nakalimutan niya, may midterm pala sa calculus ngayong araw!“Mandy, pahiram nga ng notes mo. Gagawa lang ako ng konting pandaraya,” sabi niya.Napalingon si Mandy at naka-krus ang mga braso. “Hindi pwede!”Kinuha niya ang calculus textbook. “Bibigyan nalang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 98

    Habang iniisip niya ito, lalo pang tumitibok ang puso ni Mandy sa tuwa. Hinayaan siya ni Conrad na yakapin siya. Isang pusong matagal nang natabunan ng lamig ang unti-unting napainit at napalambot ng init ng kanyang damdamin.Matapos ang ilang sandali, pinakawalan siya ni Conrad. “Gusto mo pa bang kumain ng steak?”Kung tama ang pagkakaalala niya, bukod sa kaunting natirang cake kanina, wala pa talagang nakain si Mandy ngayong gabi.Namula ang mukha niya. “Sige, kumain na tayo kahit kaunti lang.”Tunay ngang gutom na siya. Tumayo si Conrad at dahan-dahang lumapit sa mesa, dinala ang hiniwang steak na inihanda niya.Nang handa na sanang kunin ni Mandy ang plato, kinuha ni Conrad ang tinidor at inihain ang isang piraso ng steak sa kanyang bibig. “Buksan mo ang bibig mo.”Nagulat si Mandy at hindi makapaniwala. Pinapakain ba siya ng asawa?“Hindi… kaya ko naman mag-isa,” mahinang sabi niya.Ngunit mariing sumagot si Conrad, “Buksan mo.”Sumunod si Mandy at mabining binuksan ang b

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 97

    Nang makita ni Conrad ang nalulungkot na mukha ni Mandy, diretso niya itong inakay at pinatong sa sofa.Mabilis na pinindot ng lalaki ang switch ng wall lamp, hinanap ang first aid kit, at bumalik sa tabi niya.Nanlaki ang mga mata ni Mandy sa pagkabigla habang pinagmamasdan si Conrad.Hindi ba siya bulag? Bakit niya pinailaw ang ilaw?Paano niya nalaman kung nasaan ang switch?Bakit… kaya niyang maglakad nang hindi naguguluhan at eksaktong mahanap ang first aid kit?Habang nalilito siya sa pag-iisip, nakabalik na si Conrad sa kanyang tabi.Kumakalam na ang kanyang kamay na may dugo, dahan-dahang pinipisil ng lalaki ang kamay ni Mandy habang nililinis ang dugo gamit ang cotton swab. Kasabay nito, may bahagyang tono ng pagsaway sa kanyang boses, “Paano mo nagawa na maghiwa ng kamay mo?”Dati, madalas itong magluto. Bihasa itong maghiwa kaya bakit niya nasaktan ang sarili?Napakagat ng mga labi ni Mandy at bahagyang nahihiya, “Pinikit ko lang ang mga mata ko kanina…” Napahinto si Conrad

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 96

    Nang makita niyang handa na si Conrad ihipan ang kandila, hindi nakalimot si Mandy na muli siyang paalalahanan, “Huwag kalimutang humiling ng wish!”Noon, kapag kaarawan ng kanyang lola, lagi siyang ganitong masigasig na nagpapaalala.Ang mahigpit na nakapikit na mga labi ni Conrad ay unti-unting ngumiti.Naglaho ang liwanag ng kandila sa cake.Habang inaalis ni Mandy ang mga natirang kandila at hinihiwa ang cake, tanong niya, “Nakagawa ka na ba ng wish?”Tahimik siyang tinitingnan ni Conrad. “Siguro, oo.”Sa likod ng itim na panyo sa kanyang mata, hindi alam ni Mandy na tinitingnan siya ni Conrad.Nakatalikod siya habang hinihiwa ang cake.“Ang wish ko… sana maging mas matalino ka sa hinaharap.”Mababa at kalmado ang boses ni Conrad.Tumigil sandali si Mandy, at medyo napaluha sa sarili. Hinila niya ang isang piraso ng cake gamit ang tinidor at dahan-dahang inilapit sa bibig ni Conrad. “Kapag sinabi mo ang wish, hindi na ito matutupad.”Ngumiti si Conrad ng bahagya habang kinakain ang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 95

    Walang ilaw sa dining room, tanging ang mga kandila lang ang nagbigay ng mahinang liwanag.Hindi sinasadyang hinawakan ni Mandy ang laylayan ng kanyang lace na damit, at medyo nanginginig ang boses niya, pero ramdam pa rin ang kanyang karaniwang determinasyon at tapang, “Alam ko na dati hindi ka nagdiriwang ng kaarawan.”“Pero…”Huminga siya ng malalim, itinaas ang tingin kay Conrad, at pinilit ngiti na sa tingin niya ay matamis, “Asawa, dahil kasama mo na ako.”Ang kanyang malalalim na itim na mata ay kumikislap sa liwanag ng kandila. Tinitingnan niya siya nang seryoso, “Mula ngayon, bawat taon, ipagdiriwang ko ang kaarawan mo, para ipagdiwang ang pagtanda mo bawat taon.”Hindi maikakaila, nang makita niya ang ngiti ni Mandy na parang bulaklak, bahagyang nawala ang lamig sa puso niya. At ang mga susunod na salita niya ay parang isang lambing na tela na bumalot sa kanyang puso nang buo.Sa ilalim ng itim na panyo, nagningning ang tingin ng lalaki, “Pero ayokong magdiwang ng kaarawan.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status