Share

Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire
Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire
Author: Azrael

Chapter 1

Author: Azrael
last update Huling Na-update: 2024-11-08 15:29:08

Tiningala ni Irina ang papalubog na araw sa malawak na kalangitan nang sandaling makalabas siya ng gate ng kulungan kung saan siya galing. Nais man niyang bumalik sa loob at hindi na ituloy pa ang nakatakda niyang gawin sa araw na yon ay wala na siyang magagawa pa.

Matapos niyang matanggap ang balita kahapon na malubha na ang sakit ng kanyang ina na ilang taon nang nakikipaglaban sa sakit na cancer, agad niyang tinanggap ang alok ng isa sa mga informant sa loob ng kulungan bilang isang babaeng aliw.

At ngayon ang araw na pansamantala siyang makakalaya upang puntahan ang lalaking nagrenta sa kanya kapalit ang isang malaking halaga. Saktong sakto iyon para sa pagpapaopera ng kanyang ina. Iyon na lang ang tanging pag-asa niya upang madugtungan pa ang buhay nito.

Ilang minuto pa siyang nakatayo sa harap ng gate hawak ang isang papel kung saan nakasulat ang address ng kanyang pupuntahan, biglang may humintong sasakyan sa harapan niya kaya agad siyang sumakay roon. Gabi na nang makarating siya sa isang tila luma nang villa.

May sumalubong sa kanyang matandang babae na nakasuot ng maid uniform. Iginiya siya nito patungo sa nag-iisang silid sa pangalawang palapag. Nang iwan siya nito sa loob ay agad na sumalubong sa kanya ang madilim na paligid ng kwarto. Tanging ang lamp shade lamang sa side table ang nagsisilbing liwanag doon. Sumasayaw rin ang kurtinang nasa terrace dahil sa malakas na hangin na nagmumula sa labas. Doon lang din niya napansin ang amoy ng buong silid—amoy kalawang at masakit iyon sa ilong.

Sinubukan niyang sipatin ang buong paligid, ngunit halos mapasigaw siya sa gulat nang bigla na lang may humatak sa kanyang baywang at agad siyang tumama sa matigas na dibdib ng lalaki.

“Ikaw ba ang pinadala nila rito para paligayahin ako bago ako mamatay…?” bulong sa kanya nito. Halos mapapikit siya dahil sa kiliti nang tumama ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga.

Saglit na natigilan si Irina nang mapagtanto ang huling sinabi nito. Bago ako mamatay?

Bumagal ang tibok ng kanyang puso at sinubukang tingnan ang lalaking yakap pa rin siya sa kanyang baywang.

“Mamamatay ka na…?” Maingat na tanong niya sa misteryosong lalaki.

“Yes. Do you regret making this kind of deal now that you know your customer is a dying man?” nanunuyang tanong sa kanya nito. Mas lumalim at nabuo pa ang boses nito. Ramdam ni Irina ang panlalamig ng kanyang mga kamay nang maramdaman niya ang mariing pagpisil nito sa kanyang baywang.

Na para bang gigil na gigil na.

“Hindi… Hindi ko pagsisisihan,” mapait niyang tugon nang maalala ang kalagayan ng kanyang ina.

Wala na siyang pakialam pa kung ano man ang mangyari sa kanya ngayon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay magawa niya ang nais ng lalaking ito nang sa ganon ay makuha na niya ang perang ibabayad ng informant. Hindi na maaaring mapurnada pa ang operasyon ng kanyang ina dahil matagal na niya itong pinaghihintay.

“Good to know then…” The man whispered hoarsely.

Nang iharap siya nito sa kanya ay agad siya nitong sinunggaban ng halik. Pikit-matang ginantihan iyon ni Irina hanggang sa itulak siya nito pahiga sa malambot na kama sa kanyang likuran. Sinubukan niyang tingnan ang mukha ng lalaki, ngunit masyadong madilim at tanging ang mahahabang pilik-mata at perpektong hugis ng panga lang nito ang kanyang nasipat.

Matapos ang tatlong oras ay agad na nakatulog ito sa tabi niya nang nakatalukbong ng kumot ang ulo. Pinakatitigan pa ni Irina ang lalaki sa pag-aakalang patay na ito dahil tila hindi na ito humihinga.

“Patay na siguro…” Bulong niya at nagkibit-balikat. 

Hindi na siya nag aksaya pa ng oras. Matapos niyang magbihis ay agad siyang dumiretso sa penthouse kung saan niya makukuha ang pera. Naabutan pa siya ng malakas na buhos ng ulan kaya naman basang basa siya nang makarating sa visitors lounge ng building. Malayo pa lang siya ay dinig na niya ang tawanan ng mga tao sa loob na tila nagsasaya.

“Excuse me, para lang sa mga VVIP ang silid na ‘yan.”

Nilingon ni Irina ang nagsalita at nakita niya ang isang staff.

“May kailangan akong kausapin. Nandiyan ba si Miss Jin—”

“I’m sorry, but Madam Jin can’t accept visitors right at this moment,” putol nito sa kanyang sasabihin at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Agad na umiling si Irina. Imbes na pansinin pa ang staff ay tumakbo siya patungo sa pintong nakasarado at kinalabog iyon nang malakas.

“Miss Jin?! Nandito na ako! Buksan niyo ‘to! Nagawa ko na ang iniutos ninyo sa akin! Papasukin niyo ako!” Sigaw ni Irina at agad na kumalat iyon sa buong palapag.

Saglit na nahinto ang tawanan sa loob ngunit ilang segundo lang ay muling nagpatuloy iyon. Sinubukan din siyang pigilan ng staff, ngunit hindi nito kinaya si Irina dahil halos magwala na ito roon.

“Buksan niyo ‘to! Ibigay niyo sa akin ang pera ko! Para iyon sa pagpapaopera kay mama! Miss Jin! Buksan niyo ‘to, parang-awa mo na!” Muli niyang sigaw na halos maubusan na siya ng boses.

Halos mapaluhod na siya roon, ngunit nang biglang bumukas ang pintuan ay agad siyang nabuhayan ng loob. Bumungad sa kanya ang mga tingin ng mayayamang negosyante na nasa loob. Kitang kita ni Irina kung paano siya pandirihan ng mga ito na tila ba isa siyang pulubi. Imbes na pansinin ang mga tingin na iyon ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Miss Jin. Nang makita niya ito ay agad niya itong nilapitan.

“M-miss… Ginawa ko na ang inutos mo. Ibigay mo na sa ‘kin ang pera. Kailangan ko nang puntahan si mama—”

“Your mother is dead, Ms. Montecarlos, kaya bakit kakailanganin mo pa ng pera?” She cut Irina off.

Irina was stunned. Tila biglang huminto ang buong mundo niya. Maging ang tibok ng puso niya ay saglit na tumigil, at nang sandaling pumintig na muli ito ay may kasama nang kirot. 

“A-ano…?” Nanginginig niyang sambit kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan sa labas.

“You heard it right. Your mother is dead, so get out of here. Security!”

Wala nang naintindihan si Irina sa sunod na mga nangyari. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili sa labas ng penthouse, nakahandusay sa lupa, habang bumubuhos sa kanya ang malakas na ulan.

Kasabay no’n ay ang pagtangis ng kanyang puso. Para siyang mamamatay habang iniisip ang kanyang ina. Ni hindi man lang niya ito nakita kahit saglit bago ito mamatay. Inaasahan pa nito na maililigtas niya ito at maipapagamot, ngunit nabigo siya. Ilang beses na niya itong binigo at kahit isa ay hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong makabawi.

“M-mama… Ma…!” Irina sobbed continuously, especially when she saw the portrait of her mother.

Gaya niya ay nababasa na iyon ng ulan kaya mabilis niya itong kinuha at niyakap. Tuluyan na siyang napahiga sa lupa habang yakap-yakap ang picture frame. Na kung hindi lang natatalo ng nagngangalit na kidlat, ang malakas na hagulgol niya ang tanging maririnig lamang sa buong lugar.

Hanggang siya’y mawalan ng malay.

Lumipas ang tatlong araw ay nagising na lamang siya muli sa kulungan. Nalaman niyang nilagnat siya nang matindi kaya hindi kaagad siya nagising sa loob nang tatlong araw na iyon. She was moved to the infirmary and returned once she recovered.

Nakatulala lamang siya sa kawalan, iniisip ang kanyang yumaong ina, nang bigla siyang lapitan ng apat na babaeng preso.

“O akala ko ba nakalaya ka na. Bakit nandito ka ulit pagkatapos lang ng tatlong araw?”

“Hindi pa ‘yan laya si Miss Beautiful. Narinig kong pinalaya lang saglit ng informant para maging babaeng aliw nang isang buong gabi.”

“Talaga ba?” Maya-maya pa ay bigla na lang hinablot ng malaking babaeng preso ang buhok ni Irina at halos ibalibag siya nito. “Ang swerte mo naman. Nasaan ang perang kinita mo ha?”

But Irina didn’t care. She didn’t even flinch. Kung mamamatay man siya ngayon ay mas mabuti iyon para sa kanya nang sa ganon ay magkasama na muli sila ng kanyang ina.

Habang unti-unti, ngunit marahas na hinuhubad ng apat na babaeng preso ang damit ni Irina ay kumalabog ang bakal na gate ng kanilang selda.

“Anong nangyayari diyan? Anong ginagawa niyo?!” Sigaw ng inmate guard mula sa labas habang nakasilip sa maliit na bintana ng gate.

Nagmamadaling humiwalay ang apat kay Irina at pekeng nginitian ang guard.

“Ah, wala! Tinutulungan lang namin si Miss Beautiful dahil may sakit pa,” ani ng malaking babae at pasimpleng sinampal ang mukha ni Irina. “Mainit pa o. May lagnat pa!”

Hindi sila pinansin ng guard at muling sumigaw mula sa labas.

“1036, labas!”

Nag-angat ng tingin si Irina nang marinig niya ang numer niya. Walang imik na lumabas siya mula sa selda nang buksan ng guard ang gate. Ni hindi man lang niya ininda ang sakit ng kanyang katawan.

“Laya ka na,” ani ng guard sa kanya kaya napanganga siya. 

“Po?”

Hindi na siya sinagot ng guard. Iginiya siya nito sa opisina at may pinapirmahan sa kanya bago ibigay sa kanya ang isang paperbag. Nang sandaling makalabas siya sa malaking gate ng piitan ay doon lang rumehistro kay Irina na hindi siya naghahallucinate lang.

Totoong malaya na siya.

Una niyang naisip na dalawin ang kanyang ina sa puntod nito, ngunit kailangan niya pang alamin kung saan ito nakalibig.

“Ikaw ba si Ms. Montecarlos?”

Handa na sana siyang umalis doon, ngunit natigilan siya nang marinig ang kanyang pangalan. Nang lingunin niya ang tumawag ay doon niya nakita kung sino ito.

A man in a suit and tie stands before her. Behind him is a black car, where a figure in dark sunglasses watches her from the back seat. 

“Oo, ako nga. Bakit?”

Imbes na sagutin siya ng lalaki ay nilingon nito ang lalaking nasa sasakyan. “Young Master, it’s her.”

"Bring her in," the man in sunglasses orders.

Irina, bewildered, is ushered into the car, seated next to the man in sunglasses. She immediately senses the chill of his murderous aura.

"My name is Alec Beaufort," he states coldly.

Nang mapagtanto ni Irina kung anong nangyayari ay mapait siyang napailing.

“Akala ko naman ay malaya na ako. Mapupunta lang pala ako sa ibang kulungan…” bulong niya sa kanyang sarili.

"We’re going to get married," malamig na deklara ni Alec na tila ba walang karapatan si Irina na humindi sa kanyang sinabi.

His voice sounds eerily familiar—just like the voice of the man she thought had died that night.

But he’s already dead… isn't he?

At kasal? Magpapakasal sila? Nababaliw na ba ang lalaking ito?

"Anong sinabi mo?" bulalas ni Irina, sa pag aakalang mali lang ang kanyang narinig.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
start reading pa lng author
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 652

    Magiliw na ngumiti si Anri kay Duke. At sa isang iglap, sumilay din ang ngiti sa labi nito. Sa lahat ng taon niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kapanatagan—ganito ka­relaks, ganito kainit sa pakiramdam.Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, tila tuluyan nang natahimik ang kanyang puso.Bahagyang sinipsip ni Duke ang lollipop bago tumawa nang mahina.“Ang pinakadakilang hangarin ni Tito ay makita kang ligtas at masaya. Anri, napakabait mong bata. Kay sarap sigurong magkaroon pa ng ilan pang pamangkin na katulad mo.”Umakyat sa dulo ng mga paa si Anri, iniunat ang kamay para kamutin ang ilong ni Duke, saka ngumiti.“Gusto ko rin po ng mas marami pang mabubuting tito. Para mas marami pang magproprotektang tao sa ’kin.”Ang mga bata’y laging nagsasalita nang walang alinlangan o pag-iingat. At para kay Anri, si Duke ang pinakakaibig-ibig na tao sa buong mundo.Sa edad na anim, nauunawaan na niya—kung hindi dahil kay Duke kahapon, baka hindi na niya muling makita ang

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 651

    Pumutok ang mga tawa ni Anri sa pagitan ng kanyang mga magulang—mainit at nakakahawa ang tunog nito. Ang kanilang halakhakan ay lumutang sa hangin, umaabot hanggang sa susunod na kwarto ng ospital, kung saan nakahiga si Duke sa ward para sa mga may pinsala sa braso.Dahan-dahang iminulat ni Duke ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang napakaputing kisame. Napalinga siya—lahat ay puti. Ibinaba niya ang tingin at nakita ang kumot na nakatakip sa kanya… puti rin.May malamig at mabigat na pakiramdam na gumapang sa kanyang dibdib. Sa isang iglap, para bang nawala ang hangin sa kanyang baga. Hindi ba siya… humihinga?Nanatili siyang walang galaw, pinakikiramdaman ang mga tinig mula sa katabing silid. Isang malambot at matinis na boses ang sumingit sa katahimikan—maliwanag, inosente, at parang musika ng isang bata."Mom, Dad… kailan po tayo uuwi? Na-miss ko na po ‘yung mga kaibigan ko sa kindergarten. Tatlong araw na po akong hindi pumapasok, Dad," bulong ni Anri habang nakasiksik sa

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 650

    Sa kabilang linya, ngumiti si Don Pablo. Samantala, natigilan lamang si Alec habang nakatitig kay Irina. Hindi niya inasahan na tatanggapin nito ang kahilingan ni Don Pablo.Nasa tawag pa rin si Irina kasama ang matanda."Pero, Don Pablo! Kapag ang tinutukoy ninyong ‘lihim’ ay wala palang halaga—o kung niloloko n’yo lang ako—hindi n’yo na muling makikita ang apo n’yo!"Lumambot ang tinig ni Don Pablo, parang walang bigat ang usapan."Huwag kang mag-alala. Buong buhay ko’y pinangalagaan ko ang aking dangal at pangalan. Kung sinasabi kong hawak ko ang isang malaking lihim, malaking lihim nga iyon. Sa katunayan, ang biyenan mong babae—ang ina ni Alec—ang mismong nagpatago nito sa akin noon. Balak ko sanang dalhin iyon hanggang hukay, maliban na lang kung dumating ang panahong kailangan na talagang isiwalat.”"Hindi lang ito para sa akin, kundi para rin sa ina ni Alec. Pero ngayong nakuha ni Alec ang isla nang hindi man lang kumikilos, sa tingin ko panahon na para malaman niya ang katotoh

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 649

    Bahagyang nanginig ang tinig ni Don Pablo, halos maging hikbi.“Alec… hindi mo ba bibigyan ng kaunting dangal si Lolo mo?”“Dangal?” Payapa ang tono ni Alec sa kabilang linya, halos walang damdamin. “Kung hindi ko pa ibinigay sa’yo ang dangal na ‘yan, patay na si Zoey anim na taon na ang nakalipas. Naalala mo ba kung kaninong anak ang dinadala niya noon? Naalala mo ba kung paano nawala ang batang iyon? At kung paano niya ako niloko—sinabing akin iyon, kahit hindi naman? Kung hindi mo siya ipinagtanggol noon, sa tingin mo ba buhay pa siya ngayon?”Katahimikan.“At ngayon, makalipas ang anim na taon, natagpuan ko na sa wakas ang aking asawa. Kung hindi dahil sa’yo, Lolo, sa palagay mo ba mabubuhay pa si Zoey matapos ang ginawa niya sa kanya? Hindi isang beses. Hindi dalawang beses. Kahit sandaang kamatayan, hindi sapat.”Matatag at malamig ang kanyang tinig, bawat salita’y may bigat ng isang hatol na hindi na mababawi.Sa kabilang linya, pilit pinipigil ni Don Pablo ang kanyang dalamhat

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 648

    Mula sa kabilang linya, isang mahinang tawa ang umalingawngaw—pagod at halos walang lakas.“Alec… ni hindi mo ba nakikilala ang boses ko?”Doon lamang napagtanto ni Alec kung sino ang kausap.“Don Pablo?” gulat niyang sambit habang napaupo nang tuwid.“Masasabi ko sa’yo ang sikreto ng isla,” mahinang wika ni Don Pablo.Sandaling natahimik si Alec. “…Alam mo na ba ito mula pa sa simula?”“Oo,” walang pag-aatubiling tugon ni Don Pablo.“Kung gayon, bakit hindi mo sinabi sa akin noong nasa syudad pa tayo? Bakit mo hinayaang pagdaanan ko pa ang lahat para masakop ang isla?” mariin na usisa ni Alec.Lalong naging mabigat at pagod ang tinig ni Don Pablo sa kabilang linya.“May dalawang dahilan kung bakit hindi ko sinabi. Una, nangako ako sa iyong ina—at sa pamilya mo—na dadalhin ko ang sikreto na ito hanggang sa hukay. Pangalawa… kung sinabi ko iyon noon, mas lalo ka lang magmamadaling kamkamin ang isla. Pinili kong itago ito sa’yo sa lahat ng panahong ito. Balak ko sanang mamatay na hindi

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 647

    Nakayuko si Duke, dumadaloy ang dugo mula sa sugat sa kanyang likod. Maputla ang kanyang mukha sa matinding sakit habang dahan-dahan siyang tumingin kay Alec.“Pinsan… h–hindi ko kailanman sinaktan si Irina. Ang nais ko lang ay protektahan siya… at ang kanyang anak. Sapat na ang hirap na tiniis niya…”Hinawakan siya ni Alec sa balikat, mariin at puno ng pagkaapurahan ang tinig.“Dalhin ang sasakyan—bilis! Isugod siya sa ospital! Kunin ang pinakamagagaling na siruhano—anumang kailangan, iligtas ang buhay niya!”Makalipas lamang ang ilang saglit, humarurot ang sasakyan, tuwid na tinungo ang ospital ng isla, kasama si Duke. Yumakap si Alec kay Irina gamit ang isang braso, at hinila naman si Anri sa kabila.“P–paano… paano kayo nakapasok?” nanginginig ang tinig ni Paolo. “Matagal ka na bang nandito? Pinapanood ako—alam ang lahat ng ginagawa naming magkapatid?”May bakas ng takot sa kanyang mga mata. Alam niya noon pa na si Alec ay walang inuurungan—isang taong tumutupad sa salita, lalo na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status