Share

Chapter 684

Author: Azrael
last update Last Updated: 2025-08-25 16:43:18

Ina ni Irina

Hinila niya si Irina at niyakap nang mahigpit. May bigat ng pagkakasala na sumisiksik sa kanyang dibdib. Bigla namang naglaho ang tibay ni Irina; bumigay siya at humagulhol, dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi.

“Ma… sobra kitang namimiss… Ikaw ba talaga ‘yan, Ma? Bakit ayaw mong magpakita sakin? Miss ka na rin ni Anri… pati ni Papa. Miss ka naming lahat… Ma, hindi ka ba puwedeng lumabas? Pakiusap, Ma…”

Narinig siya ng mga nagdaraan; may ilan pang tumigil para manood. Maging si Anri ay natigilan. Lumuhod si Alec, marahang nagsalita, para bang kinakalma ang isang bata.

“Irina, huwag mong takutin si Anri. Tama na ang iyak.”

Napatingin si Irina sa anak, nangingilid pa ang luha.

“Ma…” mahina niyang usal.

Lumapit si Anri, seryoso ang munting mukha.

“Mommy, please… huwag ka nang malungkot, ha?”

“Baby…” basag ang tinig ni Irina.

Iniangat ni Anri ang maliit niyang kamay, pilit inaalo ang ina.

“Actually, may regalo ako sayo. Dapat sorpresa ‘yon pag-uwi natin… pero sasabihin ko na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 686

    Si Irina nama’y walang katapusang pagtitiis at pag-unawa. Hindi siya nakikipagtalo, hindi niya ipinipilit ang sarili— lahat ng iniisip niya’y para sa kaniya. Sa sandaling iyon, hindi makapagsalita si Alec.Ang tanging nagawa niya’y yakapin nang mahigpit—mahigpit— na para bang kapag binitiwan niya ito, mawawala na siya magpakailanman.Mahigit tatlumpung taon siyang nabuhay sa pag-iisa. Laging nag-iisa. Kinamuhian ng mga Beaufort, ipinatapon sa sariling bayan, at nabuhay lamang sa lakas ng kaniyang ina. Hindi siya ipinanganak na malamig at walang puso, ngunit hinubog siya ng kalupitan ng buhay upang maging ganoon.Hanggang dumating si Irina.Naalala pa niya ang electronic filter na in-order nito noong gabing iyon, ang mga noodles na niluto para lamang sa kaniya, ang ngiti nitong sumisilay—siningning ng araw—sa pinakasimpleng bagay na nagbibigay ng kaunting saya.Ang bawat munting bagay na iyon ay nagsisiwalat ng kalungkutan— ng tahimik na pananabik sa tunay na pag-ibig. At siya man, ay

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 685

    Hindi mawaglit sa isip ni Irina ang tungkol sa kanyang ina. Ang saglit na pagkakakita niya sa labas ng complex—kahit madilim ang paligid at mabigat ang ulap, kahit hindi niya malinaw na nasilayan ang mukha—tiyak siya sa kanyang naramdaman. Ina niya iyon.Parang patalim na sumugat sa puso niya ang guniguni ng paghihirap ng kanyang ina.Tahimik siyang nagbanyo, at maging sa paglilinis kay Anri, walang bakas ng saya ang kanyang mga galaw. Ramdam ng bata ang kalungkutan ng ina, kaya’t matalino siyang nanahimik.Pagkatapos, itinabi ni Irina ang anak sa kama, hinaplos at inaliw hanggang sa tuluyan itong nakatulog. Saka siya humiga sa malapad na kama.Pagod na pagod siya. Ngunit ayaw dumalaw ng antok.Si Alec man ay lupaypay na sa pagod, ngunit hindi siya maaaring magpahinga. Nang makita niyang nakatulog na ang mag-ina, marahan siyang tumungo sa kanyang opisina upang asikasuhin ang mga gawain ng kumpanya. Dalawang linggong pagkawala sa opisina ang nag-iwan ng tambak na trabaho. Maayos man an

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 684

    Ina ni IrinaHinila niya si Irina at niyakap nang mahigpit. May bigat ng pagkakasala na sumisiksik sa kanyang dibdib. Bigla namang naglaho ang tibay ni Irina; bumigay siya at humagulhol, dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi.“Ma… sobra kitang namimiss… Ikaw ba talaga ‘yan, Ma? Bakit ayaw mong magpakita sakin? Miss ka na rin ni Anri… pati ni Papa. Miss ka naming lahat… Ma, hindi ka ba puwedeng lumabas? Pakiusap, Ma…”Narinig siya ng mga nagdaraan; may ilan pang tumigil para manood. Maging si Anri ay natigilan. Lumuhod si Alec, marahang nagsalita, para bang kinakalma ang isang bata.“Irina, huwag mong takutin si Anri. Tama na ang iyak.”Napatingin si Irina sa anak, nangingilid pa ang luha.“Ma…” mahina niyang usal.Lumapit si Anri, seryoso ang munting mukha.“Mommy, please… huwag ka nang malungkot, ha?”“Baby…” basag ang tinig ni Irina.Iniangat ni Anri ang maliit niyang kamay, pilit inaalo ang ina.“Actually, may regalo ako sayo. Dapat sorpresa ‘yon pag-uwi natin… pero sasabihin ko na

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 683

    Napabuntong-hininga si Anri. “Sige na nga… ipapakita ko na ang kopya ngayon.”“Hindi!” mabilis na putol ni Queenie, nakangising tuso. “Para kay Tita Mari ‘yon. Si Tita Queenie hindi sisilip!”Sapat na ang pagkakatakot niya kanina—ngayon gusto naman niyang si Mari ang makatikim ng gulat. Pasensya na, Mari. Sino ba kasi ang nag-utos na huwag kang sumundo kay Irina?Nag-alinlangan si Anri, ngunit sa huli’y pinabayaan na lamang. Sa totoo lang, ayaw pa niyang ipakita ang regalo kay Tita Mari. Mas nais niyang manatiling misteryo ito—isang sorpresang dapat ilabas sa tamang sandali.Nang matapos ang pamimigay ng mga regalo, oras na para umuwi ang munting pamilya.Si Greg ang nagmaneho.Habang umuusad ang sasakyan sa pamilyar na mga lansangan, dumampi sa kanila ang tahimik na init ng pagbabalik. Pagkaraan ng matagal na paglalakbay, maging ang mga ilaw sa poste, ang mga liko ng kalsada, tila matagal nang mga kaibigan na muling sinalubong ang kanilang pagbabalik. Nakasandal si Irina sa bintana

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 682

    Sa sandaling iyon, bahagyang yumuko si Queenie palapit kay Anri at pabirong nagtanong, “Anri, pinutol ng mama mo ang usapan ninyo ni gandang Tita Queenie kanina. Sabihin mo nga—may inihanda ka bang regalo para sa kanya mula sa isla?”Si Queenie, bagama’t tapat at may halong kabanguangan, ay likas na mapagbiro. Hindi siya kasingtuso ng karamihan sa kanyang mga kaedad, ngunit sa piling ng mas batang kasama tulad ni Anri, madalas siyang nakakahanap ng pagkakataon upang ipamalas ang kaunting talino sa biro.Kanina pa niya napansin si Jiggo na may hawak na isang manikang Explosive Beast. Nakakakilabot—pangit na pangit! Maitim ang kulay ngunit may kakaibang nakakatawang anyo. Mataba at tuso ang porma, na parang bugok na halimaw, at ang mga ngipin ay kahawig ng mga pindutan ng isang plaka o music player.Kahit hindi pag-isipan, alam na agad ni Queenie: imposible itong bilhin ni Jiggo para sa sarili. At hindi lang iyon—wala ring ibang narito ang mag-aaksaya ng salapi para bumili ng ganoong ka

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 681

    Umalingawngaw sa linya ang malamig at nanunuyang tinig ni Yngrid, “Dad! Siyempre susundin ko ang lahat ng ipapagawa mo!”Nagngalit ang mga ngipin ni Carter. “Tunay ngang kahanga-hanga ang anak kong babae.”Ngumisi si Yngrid. “’Di ba’t ginagawa nina Uncle at pinsan ang lahat para magkawatak-watak tayo? At si Alec—kinuha na niya ang napakarami mong armas! Lagi niyang pinagtatanggol ang walang-kwentang asawa niya. Sige, kung malulugmok tayo, sisiguraduhin nating may dugo silang iluluha! Kakapitan natin sila hanggang sa mamatay—at kung kailangan, hayaan silang mahawa ng rabies! Babalik din naman agad ang babaeng iyon. Magiging magandang palabas ito.”Payak ang ngiti ni Carter. “Kung ganoon, mapapanatag na ako. Tama na, ibaba mo na ang telepono.”Pagkababa ng tawag, marahan siyang lumabas sa gilid na pinto. Hindi man lang siya nagpaalam sa pamangkin at apo sa pamangkin; wala ring nakapansin sa kanyang paglisan, ni wala silang ideya na kagagaling lang niya sa isang makamandag na tawag.Sama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status