Share

Forgotten Scars of Love
Forgotten Scars of Love
Author: Lunallilly

Kabanata 01

“Marky, please comeback to me. Promise, I’ll be good. I won’t demand anything from you. You can’t just decide to break up with me like this? Hindi ko alam kung anong nagawa ko o may ginawa ba akong mali para hiwalayan mo? Kung may mali man, aayusin ko hindi yung ganito. Please bawiin mong hindi mo na ‘ko mahal. Just give us another chance. We need to work this relationship” 

Walang preno ko itong sinabi sa kabilang linya ng telepono. Nabalitaan kong nagpalit siya ng sim card sa cellphone niya kaya sinubukan kong tawagan siya sa kanyang landline number para kausapin. Ganoon na nga siguro ako kadesperada sa kanya. 

“Babe, nandiyan ka pa ba?” mas diniin ko sa tenga ang telepono habang balisang pinaglalaruan ang wire nito. Hindi man lang siya nagsalita. “Please, talk to me?”

“Ikaw ba yung magdedeliver ng pizza dito sa condo unit ko?”

“Ha?” nanlalaki ang mga matang tinignan ko ulit ang numerong dinial ko. Napamura at natakpan ko ang bibig nang makitang may dalawang numerong mali sa natawagan ko. “S-Sorry, wrong number!”

Sa kaba, padabog ko itong naibaba. Ilang beses akong napamura, paulit-ulit. Nasapo ko ang mukha sa sobrang hiya at umiling ng umiling. Did just a random guy hear me begging for a man?!

Halos mapatalon ako nang mag-ring ulit ang telepono. I bite my lower lip out of embarassment at nakapikit na sinagot ang tawag. Nagulat ako dahil kaparehong boses pa rin ito kanina.

“Hello?”

“I told you, na wrong number lang ako!” I almost shouted.

“Pizza parlor to ‘di ba?” Natigilan ako nang kalmado niyang itanong iyon. Natakpan ko ang bibig nang ma-realize ang kapalpakan na naman. “I re-checked it, Miss. Ito talaga yung number ng pizza delivery”

Napahawak ako sa batok at mariing napapikit sa pagkapahiya. Dala ng emosyon ko kanina, nakalimutan kong nakikigamit lang pala ako ng telepono dito sa pinagtatrabahuan kong pizza parlor. “S-Sorry!”

“Tsk tsk tsk. Where’s my order?”

“Ha?” napanganga ako.

“Besh, pakideliver nga sa address na ‘to!” 

Nabitawan ko sa pagkakahawak ang telepono at aligagang nilingon si Boss Amay, ang dakilang baker slash owner ng pizza dito. Lutang akong lumapit sa kanya.

“Oh, anong nangyari sa fes mo baklita ka? Ba’t parang horror ‘yan?” Nanatili akong tulala sa hawak kong dalawang box ng pizza. “Woy!”

“Ha?” tiningala ko siya. Pinandirian niya ako habang pinupunasan ko ang pisngi kong tinuyuan ng luha at sipon.

“Oh, ba’t nakabitay itong telepono? May tumawag ba na costumer? Oh Hello? Gre-May Pizza Parlor at your service — ha? Ah yes sir! Papunta na po ang maghahatid ng pizza sa unit niyo”

Binasa ko ang address na nasa maliit na papel at pinanlakihan ng mga mata. “Condominium unit?”

“Besh larga na” Nanlalaki ang mga mata kong hinarap si Boss Amay. Isinisenyas niya ang kamay, pinapaalis na ako. “Ah yes sir. Thank you for ordering!” humalakhak pa siya pagkatapos niyang ibaba ang telepono. “Besh, gutom na boss natin, ilarga mo na ‘yan”

“Ako talaga?”

Napalingon-lingon siya bago ako pinamewangan. “Ay hindi, ako na lang no? Marunong ka bang gumawa ng pizza? Kaloka ka! Sino pa ba? Deliverer ka di ba? Taga gawa naman ako slash boss mo”

Anong deliverer? Tsk!

Nasapo ko ang noo at napapikit sa inis. “Oh sha sha tsk!”

“Ay supladang bakla” hawak niya sa kanyang dibdib. Lumaylay talaga ang balikat ko pero pinagtawanan niya lang ako. “Ang haggard ng mukha mo, Rui! Makakamove-on ka rin diyan sa jowa mong pinagpalit ka sa wampipti! Naku-naku, malay mo bakla, gwapo iyang kakain sa pizza mo, tapos kakainin ka rin rawr —

Sa inis, lumabas na kaagad ako. Paniguradong puputak-putak na naman ang bibig nun! Padabog kong ipinasok ang dalawang box ng pizza sa box at umangkas na sa motor. Nanggigigil kong sinuot ang amoy pawis na helmet at basta na lang inilock ito bago pinaharurot ang motor paalis.

Buong paghanga akong tumingala habang tinatanaw ang matayog na condominium building. Sa entrada pa lang ay naghuhumiyaw na ito sa karangyaan. Mabilis kong pinunasan ang pawis sa aking noo at batok bago dumiretso sa reception desk para magtanong. Ginantihan ko rin ng magandang ngiti ang receptionist bago ipinakita sa kanya ang maliit na papel kung saan nakasulat ang unit number ng lalaking nag-order sa amin. 

Tuluyang huminto ang sinakyan kong elevator sa ikaanim na palapag ng building. Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel at huminga ng malalim. Inisa-isa kong tinignan ang bawat unit na madaanan hanggang sa tuluyan na akong huminto sa room 603. 

Sa panghuling beses ay huminga ako ng malalim. Nanginginig ang kaliwang kamay kong pinindot ang ring doorbell ng kanyang unit. Nang hindi ako nakatanggap ng tugon ay sinubukan ko ulit sa pangalawang beses hanggang sa pangatlong beses. Sa kaba ay chineck ko ulit ang unit number sa papel. Nasisiguro kong heto nga iyon. 

Bingi ba ‘to? Kinatok ko na lang ng malakas ang pinto nang paulit-ulit. Napanganga ako nang sa wakas ay pagbuksan niya ako pero hindi ko nagawang kumilos sa kinatatayuan. 

Ang lalaking nasa harapan ko ay matangkad, maputi ang balat, singkit ang mga mata na parang pusa, nasa katamtaman ang pagkakatangos ng ilong, at mapula-pula ang kanyang manipis na labi. Halatang bagong ligo.

Nakasuot lang siya ng mahabang kulay abong roba habang pinupunasan pa nito ang basang buhok. Wala man lang kareareaksyon ang lalaking ito sa mukha. 

“Pizza delivery” utal ko.

“Come in” malamyang usal niya na kinagulat ko. Mas binuksan pa niya ang pinto, pinapapasok ako. Napalibot ako ng tingin sa kabuuan ng unit niya tsaka siya ulit kinakabahang nilingon. “Pakilagay doon, Miss. Thanks” 

“Uh ‘yong —

“Diyan ka muna, magbibihis lang ako”

Napalunok ako sa ganoon kalalim at kalamig na boses niya, pati na ang blankong ekspresyon nito sa mukha. Sinabayan pa ng malamig na paligid dahil sa aircon.

Pero bakit pinagpapawisan ako?!

Itinuon ko sa mga nakasabit na pictures sa dingding ang paningin habang pinupunasan ko ang mga kamay na pinagpapawisan. Huminto ang mga mata ko roon sa isang certificate na nakaframe. Nakasulat ito sa ibang lingwahe pero may mga English translation ding nakalagay.

“Yohann Min?”

“Yes?”

Muntikang magkahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang magsalita siya. Kalmado lang siyang nakatayo habang nakasandal ang ulo sa pader. Magkakrus ang mga brasong pinapanood ako. 

“Ha?”

“You called me”

“Ha? S-Sorry! Maling number kasi ang natawagan ko kanina —

“You called my name” aniya. Natigilan ako. Ngayon ba ang tinutukoy niya? “Just now”

Nakamot ko ang ulo habang pekeng natatawa. Hiyang-hiya na ako! “Nabasa ko lang name mo” parang tangang itinuro ko iyong frame na nakasabit. 

“So, ikaw pala ‘yon kanina?”

Mabilis na nawala ang ngiti ko sa misteryosong ngisi niya. Napalunok ako at napakurap.

“You hung me up twice” sabay aksyon pa niya ng number two sa mga daliri habang nakasandal pa rin.

“Sorry, wrong number nga” inis ko na.

“Twice?”

“Anong twice? Ikaw ‘yong tumawag sa pangalawang beses!”

Natawa siya kaya natigilan ako. 

“Tinawagan ko lang ‘yong contact number na pinag-orderan ko. I never made a wrong call, Miss. I think you are”

Nakakainsulto ang paraan ng pagtingin at pagngisi niya. Kung hindi lang talaga customer ito baka napatiran at nasapak ko na siya. 

Huminga ako ng malalim. “Okay, kasalanan ko.” pinilit kong ngumiti. “Can I have your payment now, sir?”

“Akala ko ba libre mo ‘to dahil sa nangyari kanina?” Mabilis akong umatras sa paglapit niya. Nilagpasan niya ako. Binuksan niya ang isang box ng pizza at kinain iyon nang nakatingin sa akin. Prenta niyang isinandal sa sofa ang likod habang nakapandekwatro. “You know, begging for a man like that is awful. What’s his name again? Jerk? Jerky?”

I’m already grinding my teeth dahil nakakapikon na siya.

“You can eat in peace later but please bayaran niyo na ako para di ko na kayo madisturbo.” walang prenong sabi ko. Pinagtaasan lang niya ako ng isang kilay habang tumatangong ngumunguya. Nasasarapan ata sa pizza ang loko.

“Magkano ka?”

“What?”

“Itong pizza” nguso niya. Napasinghap ako ng hangin at hindi makapaniwalang pinamewangan siya. Sa dami ng gagawin ko pa ngayon, sinasayang ng lalaking ito ang oras ko. Hindi ako bingi para hindi marinig ‘yon. Akala mo naman ang tali-talino sa dami ng achievements pero ang bastos!

Tinalikuran ko na lang siya sa sobrang inis. Bahala na. 

Napatili ako nang hilahin ako nito sa braso at isinandal sa pintuan. He pinned my both arms sa magkabilang gilid habang direktang nakatingin sa mga mata ko. Nangungusap ang kanyang mga mata. Napigilan ko ang paghinga sa sadyang paglapit ng kanyang mukha. 

Amoy pizza ang hininga!

Kinilabutan ako nang magsimulang maglakbay ang isang kamay niya. Awtomatiko kong naitagilid ang ulo dahil sa kiliting dulot nang dumampi ang kanyang kamay sa aking leeg. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang sling ng aking ID hanggang sa bumaba ang mga daliri niya sa mismong ID ko! 

“I can kick your ass right now” pagbabanta ko habang kinakabahan. Ngumisi lang siya. Handa ko na sana siyang patiran nang mabilis akong tumiklop at napaatras nang mas ilapit pa niya ang mukha sa akin!

“Ano bang ginagawa mo ha?!” 

Naghabol ako ng hininga nang tuluyan siyang lumayo. Hawak ang sariling dibdib, inis ko siyang tinitigan. “Ganito ka ba sa mga pinag-o-orderan mong pagkain ha?!”

Isinuko niya ang mga kamay sa ere. “Nagbibiro lang ako”

Saang banda ba nakakatawa sa pinaggagagawa niya? Napasinghap ako ng hangin sa sobrang pagkairita. I can’t believe this man! Inis kong nilahad ang palad habang iniiwasan ang paninitig niya. “Bayad na kasi!”

“Card lang meron ako” he sighed. Napanganga ako sa walang masabi. Nasapo ko ang noo at hinilot iyon. Inuubos niya talaga ang pasensya ko. “Pwedeng pautang muna?”

Pinanliitan ko siya ng mata. Sa yaman niya uutang siya?

“I'll pay you tomorrow, Miss”

“Tsk, ‘wag na nga lang!” inis ko siyang tinalikuran. Nagulat ako nang mabilis niyang naharangan ang daraanan ko. Tinulak ko siya palayo. “Wag na nga sabi eh—

“Bibili ulit ako bukas” habol niya. Umiling ako. “You can take my identification card then” sabi niya kaya natigilan ako. Inabot niya sa akin ang isang credit card. “Here”

Itinulak ko ito pabalik sa kanya. “Ayoko. Hindi ako tumatanggap ng credit card ng iba”

“What do you want, then? Me?”

Pinakatitigan ko siya. Inis kong hinablot sa kamay niya ang credit card at sinamaan siya ng mukha. Nagtaka ako nang mangiti siya. Tinalikuran ko agad siya. Wirdo.

“Miss?”

“Fine!” angat ko ng isang kamay sa ere habang naglalakad paalis. Nag-eecho ang mga boses namin sa tahimik na hallway.

“Forget that man who dumped you. He doesn’t deserve you”

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon ulit at napatitig sa kanya. Pero nandilim lang ulit ang aking mga mata nang ngumisi siya ng nakakaloko. 

Now, he is laughing big time! 

“Fvck—” I am ready to spit all the curses to him pero natigilan ako nang may lumabas na matandang babae sa kabilang unit. Inosente kaming nagtitigan ng matanda. Nakagat ko ang labi dahil sa pagkapahiya. Tinalikuran ko sila at nakayukong kumaripas ng takbo paalis!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status